Chapter 6 - The flower and the bee

2374 Words
MATAAS ANG SIKAT NG ARAW. Pinapanood ni Jessie kung paano hampasin ng alon ang mga bata na walang magawa kundi ang tumili. Katabi niyang nagbibilad sa ilalim ng araw si Lucas habang nakabaon ito sa ilalim ng buhangin. Hindi lang pala siya ang hinehele ng hangin dahil naunahan na siyang tulugan ni Lucas. Sa lumipas na oras na nagbibilad sila ay hindi sila nagkikibuan. Naiilang kaya ito sa kanya?  Marahan ang ginawa niyang pagtapik sa nakalabas na braso ni Lucas. “Huwag mo akong tulugan,” pukaw niya rito.  Napapitlag ito, tuluyan nang nagising. “Hindi pa tayo lumalangoy,” patuloy niya. Itinalukbong niya ang tuwalya sa katawan. Pinilit nitong suriin siya kahit tila pinapaso ng araw ang mga mata nito. “Huwag mong takpan, maganda ang katawan mo,” pang-iinis nito na may kasamang ngisi. “Huwag mo akong pagnasaan,” patol naman niya. “Kung may pagnanasaan man ako—mali, iba na lang, kung may goal man ako, ‘yon ay ang hindi mag-focus sa katawan ng babae kundi makilala ito ng lubusan. Ang katawan kasi, lumalaki, lumiliiit, pumapangit.” Sinong niloloko nito? Magkasama lang sila kagabi. “Huwag kang tanga,” putol niya rito. Umupo na si Lucas ng maayos at inayos ang buhok nito. “Lalake ka. Hindi ako naniniwala na hindi sumasagi diyan sa isip mo ang pagnasaan ang mga taong dumaraan sa harap mo na may perlas ng Silangan. Hindi kita maintindihan. May gusto ka ba sa akin o may gusto ka sa akin?” diretsahang tanong niya, tutal ay natawid na nila ang hindi nila dapat tawirin.  Tinitigan siya nito. May kung anong dumagundong sa dibdib niya. Gusto niya ang mga mata nito. Napakatapang.  Bumangon na siya at ipinagpag ang buhangin sa katawan ngunit natigilan siya sa sinabi ng kasama niya. “Huwag kang mas tanga. Alam nating hindi pa ito ang tamang oras.” anito habang diretso ang tingin sa kanya. Tumindig na rin ito at nag-unat. “Eh, kailan?” tanong niya naman habang nakayuko at nilalaro ng paa ang buhangin. Inabot nito ang kamay niya. “Hindi naman tayo sigurado na tayo ang para sa isa’t isa. Bakit mo ba iniisip ‘yan? Hindi kita gusto. Hindi pa kita gusto. Ayan, ni-rephrase ko na. ‘Wag kang ngumiti, walang nakakakilig sa sinabi ko.” Nagkibit-balikat siya. Hindi pa, pero malapit na ‘yan. Hopeless romantic, iyon ang dating nito sa kanya. They way he cuddled her after what happened last night says a lot about this man. His tight grip and his nose nuzzling her shoulder blades, she just couldn’t get over that.  Wala ngang nakakakilig sa sinabi nito, pero lagi siyang mahina sa taong itinitibok ng puso niya. Kahit siguro tumulo ang laway nito o mag-sun dance ito, lagi siyang gaganahang ngumiti basta ito ang centro ng atraksyon.  “Hindi ako kinikilig,” she said as an afterthought.  “Bakit nakangiti ka? Narinig mo ba iyong sinabi ko? Not my best moment.” Tumakbo na sila hanggang sa narating nila ang malamig na tubig. Nilangoy nila ang distansya na kaya nila. Dumating ang alon at pareho silang nagpatiano sa sayaw ng dagat. Agad ding umahon upang kumain at muling nagbabad. Naagaw ang pansin nila nang may dumaan na mag-ina. “Si Doris at si Miguelito,” ani Lucas.  “You know them?” “Isang puta iyang si Doris,” kwento nito. “Si Miguelito ay isang binatang paminta. Dinadala ni Doris ang mga lalake nito sa bahay nila. Isang gabi, may iniuwi na naman ang ilaw ng tahanan. Napukaw ang interes no’ng lalake sa kwarto ng binata. Kay Miguelito siya interesado. Sumama ang binata nang yakagin ito ng lalake sa labas. First time niya. Pagkatapos ng madaling araw na iyon ay pakiramdam ni Miguelito ay marunong na siyang magmahal.  Parehas minahal ng mag-ina ang lalake.” Manghang nakatingin at nakikinig si Jessie dito. “Tapos?”  Tumingin ito sa malayo, tila may hinahanap. “Iyong mag-asawa naman. Ano sa tingin mo ang kwento nila?”  Tatawa-tawang umiling siya. Sinabayan niya na lang ito sa trip nito. “Napaniwala mo ako, ah.” Nilingon niya ang itinuturo nito. “Well, mag-asawa, I don’t see any kids. Wala silang bunga. Baog silang pareho. Sound logic. Gusto nilang mag-ampon ng kambal. Pagkagaling nila ng aplaya, pupunta na sila sa bahay ampunan. Sa kotse pa lang ay hahamunin na sila ng tadhana. Malalaman ni Juana na hindi matinong lalake si Bob. May isa nang anak na babae si Bob at isang anak na lalake sa isa pang babae. Maghuhuramentado si Juana, hindi niya kakayanin ang sakit. Gagayahin niya ang napapanood niya sa telebisyon. Aagawin niya ang manibela. Malakas ang asawa nito kaya tatabigin lang siya nito para hindi sila madisgrasya. Pagdating nila sa ampunan ay nakahanda na ang mga bata. Iyong mga anak ng lalake sa dalawang magkaibang babae. Sa pagtatagpo nina Juana at ng dalawang bata ay makakaramdam siya ng mainit na haplos sa puso niya.”  Ito naman ang nakanganga sa kanya. “Tapos na?” “Oo.”  “Bitin.” Dead air. “Ano nang balak mo pagkatapos nito? Uuwi ka na sa inyo?” she asked.  Nag-isip ito saglit. “Siguro. I have to get my creative juices flowing, I need time alone.” Maaga pa, ang naisip niya. “Magpapaiwan na lang ako.” desisyon niya. Dumapa si Lucas sa tuwalya nito at tiningala siya. “You want me to stay?” His eyes are always twinkling.  Fucking stay then, is what she wants to say. “Ikaw ang bahala.” sabi na lang niya at nilaro-laro ang buhok. She heard him chuckle. “Why do girls play with their hair when they are nervous?” She could feel him staring intensely. Now is her time to chuckle, but nervously. “Because, duh,” bulong niya, parang tinanggalan ng lakas na makapagsalita. “You make me nervous.” Kahit pilitin niya ang sariling kumilos ng normal, hindi magsisinungaling ang taksil niyang mukha na lagi siyang binubuko ng mga mumunting ekspresyon; kahit siguro isang linya sa gilid ng mata niya ay mahuhuli nito at masasabing kinikilig siya, tila mga kabataan sa kasibulan ng ‘puppy love’. Lumapit sa kanya si Lucas at idinantay ang ulo sa hita niya. “This feels so good.” Hinaplos niya ang ulo nito, paulit-ulit, hanggang sa naging komportable ito sa pagkakadapa. Kinuntento niya ang sarili sa paglaro ng buhok nito, sa magkadikit nilang katawan, at sa nakakaantok na pag-uumpugan ng mga alon.  Sa mga sandaling ito ay lalong nahuhulog ang loob niya sa kagandahan ng lugar, sa taong katabi niya, at sa sarili niya. Paano niya ba ipaliliwanag ang sensasyong nararamadaman niya? Ang mga ganitong sandali lang naman ang hinihiling niya sa buhay, ang mga simple at maliliit na bagay, sa piling ng kalikasan, na anumang oras ay handa niyang ipagpalit sa nakasanayang buhay sa Maynila. Pilit niyang itinatatak ang mga buhangin at ang namumulang balat ni Lucas at ang naninigas nilang buhok at ang ugong ng dagat sa isipan niya na tila isang lumang litratong gusto niyang baunin hanggang sa pagtanda.  At sa mga ganitong pagkakataon bumubulong ang natitirang katinuan sa isip niya: hindi na ba siya natuto? Kailangan bang madaliin ang lahat? Atat na atat lang? Ganito na ba siya kauhaw sa yapos at kalinga ng taong hindi niya lubos na kilala? Kung magpapakatanga lang rin siya, kay Lucas na. Unang pagkikita pa lang nila, tumiklop na siya. Ngayon siya nagpapasalamat na hindi siya natuloy mangibang bansa. Sa kaibituran ng isip niya ay ito ang lugar na para sa kanya. Sana ay ganoon din siya sa mga taong makikilala at nakilala na niya.  Nahiga na rin siya at tinabihan ito. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo. Gumanti siya ng halik sa mga labi nito. Sumilip ang isang ngiti sa malalambot nitong labi. “Weak,” muli ay bulong nito. “What?” Hindi siya sigurado kung tama ang pagkakarinig niya. “I think we are both weak. Noob. Marupok.” natatawang sabi nito. Lalo niyang isiniksik ang sarili rito. “Call me marupok, weak, noob, tanga, bobo, but this doesn’t happen every day.” ang sabi niya. Nakuha niya pang i-justify ang karupukan niya. Mukha ngang mabibigo lang ang mga ninuno niya sa kanya kung nanonood man ang mga ito sa kanya ngayon. Baka nga nagpapalitan pa ang mga ito ng dialogo ukol sa katangahan niyang palaisipan para sa mga ito kung kanino niya namana. “I feel like I already know you from the stars, Jessie,” he declared. “Doesn’t make sense.” She likes to think that Lucas is falling for her. People who are in love don't make sense most of the time, and he’s saying things straight out from a romance book. But she likes it, big time.  “It does to me.” Tiningala niya ang katabi. “This city makes sense with you in it.” There, kulang na lang ay magdeklara siya ng pagmamahal dito. Maduduwal na sana siya sa kabaduyan niya. Pagmamahal na pinagsasasabi niya? Cue defense mechanism. Humilata sila pareho at pumikit. “One day,” si Jessie. “I’m gonna write about this city. My father would kill to read it, coming from his evil daughter, I’m sure he will have a fit. I understand why there’s clouds looming in his eyes whenever he talks about this paradise. I’d die in this paradise. I wish to be buried here. Dammit, saan nanggaling ‘yon?” “Me, too. The story will take place here. I’ve already started some, but I’m gonna scratch it and start again. I’m gonna soak everything and anything and pour it in my story.” Lucas said dreamily. “Do you have a muse?” pasimpleng tanong niya. “You,” walang pangingiming sagot nito. “Can we do that? Show each other whatever it is that we want to write?”  Tumango siya. “Don’t judge. I’ve never written anything before. I’m thinking of a letter for my father.”  They drenched themselves in wet kisses, sunburns, pictures, and ridiculous dance moves as they danced without music, kissed without hesitation, and loved more, and more, and healed, and ached a little less.  THERE IS NO use hiding it. Lucas’ like a flower and she’s the bee sucking every inch of him, his charming self, his brooding side, and his hot alter ego. The very thought that this is all temporary not until he finishes his story is what makes her determined to be with him. Smell his faint cologne, his aftershave. Sometimes she would distract him, so he won’t write anything. Sometimes, he will distract her by being this silly boy donned by the strong and handsome man that she finds herself loving every single day. All of this is temporary, she tells herself.  She’d stare at him till it puts him off. “Now you’re being a distraction.” She will softly slip away and feel everything that she needs to feel. Her heart sank and defeated, she will retreat in her small space she calls home. She tries to make it feel like home. Jessie decided to put potted plants in the living room, some in the kitchen, and fake flowers in the bathroom. Still, that didn’t do anything to lift the unknown weight that’s caving in her fickle, fragile heart. The next day she brought home photos from old and new life, hung it, framed it. And she was there, alone in the living room, her feet resting on the carpeted floor and fingers dialing her sister’s number. “Hey, sis,” she greeted. “Oh, I miss you so much, Ate! Kumusta ang probinsya life?” Cameron’s voice is booming. “Not so probinsya,” She made a twirl, tiptoed, and sat down on the sofa. “But also very very probinsya. I’m in danger.” “What?” Cameron asked frantically, alerted by her sister’s tone. Jessie chuckled. “I mean, I met someone.” “Jessica,” Cameron said disgustingly. “Pinag-alala mo ako. Do you know what it feels like? Can’t you just say that you met someone? Ate naman, napaka-drama queen.”  All she could see was his jawline against the foggy mirror, blood trickling from the razor he used, the other part still undone and with shaving cream. She will never forget the night strolls and sunbathing that lasted a lifetime. For her, it was an eternity under his wings. She is full of all these heart thumping moments but she’s not blind. He’s here for the heck of it. Lucas is just enjoying her company. She might be his muse for now, but it could be entirely someone the next day. Those strong dark eyes won’t stop searching for what his heart seeks, he is a hopeless romantic, after all.  Jessie would caught him looking at her, his vacant eyes piercing her skin. No passion, no raging fire, just bland expression of a bored hero looking for another heroine.  “Ate, are you still there?” ani Cameron. She then decided to go back. “I’m flying today, Cameron. Think you could pick me up?” Fickle Jessica. Weak Jessica.  “What, like a vacation?”  “Yeah, sure, whatever. A week, maybe.” “Okay… You okay?” I am f*****g not.  Jessie sighed, her heart grows heavily. “Maybe.” “That’s a no. You better come back right now now,” Cameron stressed. “I’ll haul your ass off if you won’t. You want me to book your flight? Is it already booked?”  “I can do it myself.” After that phone call, she texted Lucas that she will be gone for a few days.  Bigla ay tumunog ang phone niya.  She left it like that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD