REST DAY ng mga trabahador. Namasyal na lang muna sila sa Deer Farm at pagkagaling doon ay nag-Nato beach sila kung saan itim ang buhangin. Hindi nagpakita ang araw at imbis na magbabad sila sa init niyon ay umulan ng pagkalakas-lakas. Maghapon lang silang nakatambay sa cottage. Nag-renta na lang sila ng karaoke machine para may libangan sila bukod sa mga baong kwento na paubos na.
Kasalukuyan siyang ka-text si Lucas nang tumabi sa kanya si Mel at nakisilip ito sa ginagawa niya. Inilayo niya ang screen sa mga mata nito at tiningnan ito ng masama.
“Ka-text mo si Lucas?” tanong pa nito.
Inikutan niya ito ng mga mata. “Oo.”
“Kayo na ba?” usisa nito.
Umiling siya.
“Ba’t ang tahimik mo?” puna nito na sinipat ng mabuti ang mukha niya.
Pinandilatan niya ito at umatras ng kinauupuan. “Baka maudlot, eh. Low key muna tayo,” sagot niya.
Sumungaw ang isang ngiti sa mga labi nito. “Ah, he finally came around, I see. Good news.” Pumalakpak pa ito na ikinatuwa niyang makita ang kaibigan na masaya.
“Hayaan mo. Matatapos naman na tayo. Onting finishing na lang, tapos na ‘yon. Grand opening na lang ang hinihintay at makakauwi na tayong lahat,” paniniguro nito.
Inihilig niya ang ulo sa balikat nito. “Hindi naman ako nagmamadali. Mamaya kasi ito na ang huling beses na kumpleto tayo. Or something like that,” aniya.
Tumango ito. “Yeah, I understand. Kami na lang nina Ignasi ang nasa Maynila at madali na lang kung magkikita kami. Kayo ang problema. Silang nandito sa Bicol at ikaw na mag-i-stay na sa Dumaguete.”
Kunwa’y nalungkot siya at sumimangot pa sa harap nito. “I’d probably still be around because my sister is nearing her due date,” wika niya.
Nanlaki ang mga mata nito. “Buti pinaalala mo! Oo nga pala, malapit na siyang manganak. Another good news. So babalik ka muna sa inyo niyan pansamantala?”
“Oo naman. Mahihirapan pa mag-adjust ang isang iyon. Ayoko naman na pabayaan lang siya kahit may Spencer na siya. Para makapag-rest silang dalawa habang ako ang magbabantay sa baby, ‘di ba?”
“Naku, Jessica, gusto ko rin niyan. Ipasyal ko rin minsan si Matthew kapag nagkataon.”
Excited siyang tumango. “Oo ba. Dumalaw lang kayo. Akala mo ako iyong may-ari ng bahay, ‘no? Hindi naman tayo mag-iingay. May ading na si Matthew. Magiging kuya na siya. Kumusta siya? Iniwan mo sa lola niya?”
“Yup. Sila ang magkasama ngayon. Pinapauwi na nga ako, eh. Miss na raw ako sabi kagabi nang makausap ko sa telepono. Nagmamakaawa ang junakis ko. Hindi ko naman matiis at sinabi kong matapos lang talaga ito ay babiyahe kami agad pauwi,” anito.
“Close sa lola ang bata. Spoiled siguro ‘yon kay mama mo?”
“Sinabi mo pa.”
Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at pinisil-pisil iyon. “How’s Dominic?”
Sabay nilang pinanood ang kasintahan nitong pumapapak ng pulutan. Sabay rin silang tumawa nang malaglag mula sa kutsara ang isusubo sana nitong sisig. Napatingin agad sa kanila si Dominic at nagtataka ang mga mata. “Ano na naman ‘yan, mga kumare?” anito sa malanding tono.
“Ay, shuta ka, mars. Wanna join?” aniya.
Si Mel na ang tumanggi para rito. “Girls talk, papi,” anito sa nobyo.
Nagbulungan na lang sila at baka marinig pa sila ng pinag-uusapan nila. “Dominic’s been really supportive of me. Ang pasensya, out of this world. Bilib na talaga ako sa kanya. Wala akong masabi.”
Masaya lang siyang nakatitig dito at nakikinig.
“He speaks up for me on the subject of r**e culture. I don’t wanna be known as a r**e victim, you know, so it’s really hard to come out of the light. He has helped me unearth some statements across the community and they have never failed me. I’ve got support from many people. Ako lang pala ang takot lumadlad. Hindi ako minsan man pinagdudahan ng mga taong pinagsabihan namin. Hindi ko iyon ginawa para siraan ang nanay ng bata. I was treating myself and it was a way of letting go of the bad. I don’t wanna disclose the identity of my r****t but they are not stupid not to find out. Dahil baka tuksuhin lang ang anak ko paglaki niya. I don’t want to forever hold onto what that woman did to me. I get help from a therapist also.”
“A therapist?” aniya. “Does your mother know?”
“Ang vague ng question, sis. She knows a lot of things. I mean, sa kanya na lumaki ang bata. Siya ang nag-alaga pagkasilang pa lang kay Matthew. Bakit imbis na masaya raw ako dahil may anak ako na sobrang cute at kamukha ko pa, bakit palagi raw ako natutulog lang at umuuwi ng gabi kung kailan tulog na ang anak ko. Hindi ko naman sinabi ang buong pangyayari. Siya na ang nagtagpi-tagpi niyon. Pero ngayon sinasabi ko na may mga visit ako sa therapist ko kaya siya muna ang mag-alaga sa anak ko. Hindi naman na siya nag-usisa pa. No’ng unang beses kong sinabi na nagte-therapy ako, umiyak lang siya at niyakap ako.”
Pinunasan niya ang tumulong luha.
“Ay, bakit? Nanay kita? Bakit ka sumasali sa iyakan festival?” wika nito sa kanya.
“Ang tagal kong hinintay na lumaya ka sa nakaraan mong hindi mo naman hiniling na mangyari sa iyo,” aniya sa kaibigan na gusto na niyang kabigin at bigyan ng yakap.
Pinapanood na sila ni Dominic. Lumapit ito at lumuhod. “Bakit umiiyak ang buntis?” tanong nito na ikinabigla niya. “Namamanas ang mukha mo, eh,” pang-aasar nito.
Ngalingali niya itong batukan.
“Ang pretty kaya ng isang iyan. In love na ulit,” balita ni Mel sa bagong lapit na usisero.
“Ulit?” ani Dominic.
“On good terms na sila ng Lucas. Sana naman for good na. Hindi na tayo tumatanda. Tandaan, ang matris, nag-e-expire din ‘yan,” ani Mel na dinutdot pa ang tiyan niya.
“Gagi,” sagot niya lang habang pinupunasan ang mga luha. Hinawakan niya ang balikat ni Dominic. “Thank you, ha. Tinutulungan mo si Mel. Iba ka talaga. May isang salita ka,” pasasalamat niya rito.
Hinawakan nito ang kamay niya, kinuha iyon at ginawaran ng magaang halik. “Ako pa ba. We are fine, Jess. Don’t worry about us. He is fighting. Look at him. He’s so much happier now. We don’t want to perpetuate a r****t’s narrative so we want to speak out. Hindi naman pwedeng siya ang dehado, siya pa ang mananahimik. I know it was hard for him, but thank God we know so little of who didn’t accuse him of anything other than why he kept silent for such a long time.”
Inakbayan siya ni Mel. “I want to be strong for my child, you know.”
“You’re the best dad,” aniya rito at kay Dominic.
“Hmm, so… Lucas,” ani Dominic na kumuha na ng upuan at sinamahan sila. “Kumusta kayo?”
Bumuntong-hininga siya. “Nag-‘I love you’ na siya nitong nakaraan lang,” aniya sa mababang tono.
“Bakit nahihiya ka?” natatawang puna ni Mel.
Nagkibit-balikat siya. “Bakit ba?” singhal niya.
“First time masabihan?” tukso ni Dominic.
“Malay niyo, first time mula sa tamang tao na,” sabi niya na mas binabaan pa ang boses.
Natahimik ang dalawa at sabay na binalingan si Ignasi. Busy ang isa pakikipaghuntahan sa mag-asawa. Bumalik na ang tingin ng dalawa sa kanya.
“Parang wala sa sarili ang isang iyon. Okay lang ba siya? Nakita ko nag-usap kayo ng masinsinan noong nakaraang linggo, ah,” si Mel.
“Mga usisera talaga,” sabi niya.
“Ah, noong nag-boodle fight tayo,” si Dominic.
“Oo, ‘yon nga,” si Mel ulit.
“May sarili lang siyang s**t sa buhay niya. Sinusubukan maging okay. Okay naman siya. Okay naman tayo, ‘di ba? Pero hindi lagi. Iba na ‘yon. Hindi na tayo natuto sa buhay no’n kapag nagkataon,” palusot niya.
“‘Te, hindi uubra ang mga words of wisdom mo,” ani Mel na iba ang pagkakatitig sa kanya na wari niya’y pinipilit nitong basahin ang nasa isipan niya.
“Bakit hindi siya ang tanungin niyo? May bad days lang ang isang iyon. Pero sa kabuuan, as far as I know, okay naman siya. Some of his past are haunting him. Let him be,” sagot niya.
“Oh?” ani Mel na pinapanood si Ignasi. “I wanna know if he’s really okay, Jess.” Nag-aalala na si Mel.
“Damn it, Mel,” si Jess. “Bigla tuloy akong nag-alala kay Ignasi. Last time we had that talk, napag-usapan lang namin iyong mga huling buwan namin na sobrang toxic at… sobrang lungkot lang. Ayoko nang palawakin pero sabihin na lang natin na, may mga pinagsisisihan siya sa nagawa niya sa amin noon,” patuloy niya.
“And how are you dealing about it?” ani Dominic.
“Sa totoo lang, natawid ko na iyon. Ayoko nang balikan. Okay na ako. Huwag niya na sana akong guluhin pa.” Siya na ngayon ang pinapanood ng dalawa. “Char,” pahabol niya.
“Hindi naman iyan makakaapekto sa inyo ni Lucas?” tanong ni Dominic.
Mabilis siyang umiling. “Nah, I don’t think so.” Palihim siyang nag-cross fingers.
“Jess.” Nagbabanta ang mga mata ni Mel.
“Promise,” aniya at itinaas pa ang isang kamay. “I promise. It was all in the past. There’s nothing I can do about it now,” aniya.
“If you say so, honey,” si Mel.
“Promise,” giit niya, na parang pinapaniwala niya rin ang sarili. Hinayaan na nilang matapos ang usapan doon at nagpatuloy sa ibang usapan.