Chapter 20 - Sepanx

1106 Words
DEAR JESSICA—she blinked. That was the subject of Lucas’ e-mail. Jessie filled her lungs with air before clicking the message. She doesn't know what to expect from his letter. It's been awhile since their last letter to each other. There's a lot of messages she kept in her drafts, waiting to be sent to Lucas. She figured if she sent it via the post office, it would take a while before Lucas could read it. The long wait will kill her. Receiving a letter personally is romantic especially if it's read that way. But she's impatient so she just left her messages to rot in a private document hoping to get around in sending it electronically.  I want to say that I miss you bigtime. I am writing to you because I wished you were with me when I ordered a four-cheese brick oven pizza. I ate it all up. Busog. Pero mas nakabubusog ang pagmamahal mo sa akin. Ang tagal nang panahon simula nang magmahal ako. Hindi pa ako sigurado noong una kung pagmamahal nga ito o sadyang interesado lang ako sa iyo. Magandang night spot iyong Why Not. Dadalhin kita roon minsan.  Umuwi ka na, please. Nagke-crave na ako sa hawak mo. Sa mga labi mo. Miss ko nang kagatin ‘yong lower lip mo. Mukhang iba na ang tinatakbo ng sulat na ito, ah. Anyway. Sana ikaw na ang inilaan ni Lord para sa akin. Hindi lang kita dadalhin sa mga night spot dito. Malay mo, in the near future, sa altar din ang bagsak natin. Did I speak too soon? I hope not, babe. Write back. Lovingly yours, Lucas. Tatawa-tawa siyang pinaulit-ulit ang basa roon. Hindi na niya nabilang kung ilang beses niya iyong nabasa. Nami-miss niya na naman ito. Onting panahon na lang naman at magkikita na sila.  Bumalik siya sa kanyang kama at kinalkal ang kanyang phone para sa mga pictures nila ni Lucas. Pinagsawa niya ang sarili sa kakatitig sa mga litrato nila. Hindi talaga siya magsasawang tingnan ang mga iyon. Kailangan na nilang dagdagan iyon. New memories to make, kumbaga. Para may babalik-balikan siyang alaala kahit saan man siya mapadpad. Bumalik siya sa kanyang laptop at hinanap sa journal niya ang sinulat niya nang magpunta sila ng Caramoan. January 4 Caramoan.  Nag stop kami somewhere para magpicture, andumi naman ng tubig. Lumipat kami sa isang island with our own private cottage pero may pamilya dun sa likuran, may bahay sila, do’n kami pwedeng magpalit ng damit. Walang palikuran. Maliligo ka sa open area, doon sa may pompa, for everyone to see.  Nag-island hopping kami, mga siz. Sabitan Laya Island at Balete Island. Maganda do’n sa una. Super photo op. Pero ‘di nakisama buhok ko, ‘langya.  Ang haba ng boat ride papunta at maalon-alon pa. ‘Yong pabalik saglit na lang, eh. No’ng bumalik na kaming siyam (ako sergi emerald parents ni em dalawang pinsan niya ignasi dom mel) kumain na kaming lahat pati yung mga naiwan (tito at pinsan ni em at driver ng van).  Nagbanlaw dyan lang sa tabi-tabi at nag-igib via well well well. Hala baduy nya.  Tapos ayon mahaba-habang byahe. Namili lang ng souvenirs ta’s gumora ulit. Another stop over sa Presentacion tapos mahabang lakbayin na naman pauwi. Hindi na niya iyon in-edit. Parang gusto niya ang vibe ng journal na kung sino ang nagbabasa ay siyang kausap niya. Nag-attach din siya ng mga pictures nila sa mga islang pinuntahan. Natigil ang ginagawa niya nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. “Sino ‘yan?” tanong niya. “Emerald,” sagot ng kabila. “Pasok.” Bumukas ang pinto at pumasok si Emerald. Kinabig nito pasara ang pinto at naupo sa dulo ng kama. “Ano ‘yon?” tanong niya sabay tingin sa relo sa pader. “Anong oras na pala. Gabi na naman.” “Oo nga. Nababagot ka na ba?”  Mabilis siyang umiling. “Hindi, ‘no!”  Nakahinga ito ng maluwag. “Mabuti naman. Sabihin mo lang kung nababagot ka na. Maiintindihan ko naman kung wala masyadong magawa rito.” Nagkibit-balikat siya. “No worries. Nagpapaka-busy naman tayo sa taverna.” Dumako ang mga mata nito sa laptop. Sinundan niya ang tingin nito. “I’m sending pictures to Lucas.” Pinundot na niya ang send button at saka lang naipadala ang mensahe niya. “Ah, noong nagpunta tayo ng Caramoan?” ani Emerald at sinipat ang mga litrato. Pinaupo niya ito sa silyang inokupa niya. Nanatili siyang nakatayo at nakikitingin sa mga litrato. “Ginawan ko pala iyan ng video,” ani Jessie. Saglit na lumingon si Emerald na may ngiti sa mga labi. “Talaga? Patingin din ako mamaya.” Tumango siya. “Nasa YouTube na nga, eh.” Tumawa ito. “Kumpleto naman pala. Meron nang pictures, may video pa. Naka-upload pa sa YouTube.” Napakamot siya sa ulo. “Shine-share ko kasi kay Lucas,” nahihiyang sabi niya. Muli ay binalingan siya nito. “Committed ka talaga sa anya, huh?” Tumango siya. “Oo naman. Bakit naman hindi? Ayaw mo ba sa kanya?” Mabilis itong umiling. “Hindi naman. Pero hindi ko pa gaanong kilala iyong tao. Imbitahan mo ulit dito sa susunod. O kaya kami ang pupunta sa inyo sa ibang panahon.” Umupo siya sa kama niya. “Ano naman ang opinyon ni Sergi kay Lucas?”  “Alam mo naman ang isang iyon, inis pa rin kay Lucas,” maikling sagot nito. Hinintay niya pa kung may kasunod iyon ngunit doon na rin nagtapos ang pangungusap ni Emerald. “I miss him, Em,” aniya. Hinarap na siya nito. “I can see that.” Hinawakan nito ang kanyang kamay. Hindi niya naitago ang pinipigilang hikbi. “I miss him so much. Dadatnan na yata ako kaya ganito ako ka-emotional. Gusto ko na siyang makita. Ang hirap pala mawalay sa iyo ng taong mahal mo. Kaya pala sinundan ka ni Sergi noon nang piliin mong mag-for good na rito. Ito pala ang feeling. It’s shitty. But it makes you think. I really like the guy. Scratch that. I love him.” Mapang-unawang ngiti ang sumungaw sa mga labi nito. “You don’t have to explain yourself.” Pinunasan niya ang mga kumawalang luha. “Sepanx is real.” “What can I say? I think you really love the guy. Oh, Jessie.” Tiningnan niya ito. “I can’t wait for you to settle down with him.” Napangiti siya sa narinig. “Me, too, Emerald. Me, too.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD