Chapter 10 - TOTGA

1625 Words
Lois and Cielo became their focus these past few days. Quick recap: Calil Cielo fathered Sara’s firstborn, both close friends of Lucas, now linked to then Lucas’ the one that got away, Lois, whom Sara treated as a best friend. Not hard to memorize that information since people are always stealing other people’s lover.  Nandito ulit sila para bisitahin ang kaibigan. Siya, na itsapwera, ay nanonood na lang mula sa malayo. Bihira kung isama siya ng tatlo sa lakad ng mga ito. Kung hindi pa siya isasama ni Lucas sa lakad ng mga ito na madalang kung mangyari ay hindi maaalala ng dalawa na parte siya ng maliit na mundo ni Lucas dito. Hatid na kwento na lang ng huli ang pabaon nito sa muli nilang pagkikita o kung hindi man ay ang mga litrato sa pader sa sala ng bahay nito ang sapat na indikasyon kung gaano sila kadalas lumabas.  Hindi niya maiwasang mainggit lalo na at nakikita niya ang pisikal na pagbabago ni Lucas. Mas lalong naging malakas ang pangangatawan nito, pumino ang pagiging moreno nito, at humaba ng ilang pulgada ang buhok.  Just by looking at his tan and smooth hair, she could already taste the wild wind of the sea, smell and touch the seemingly unending summer spent with his friends, all the while she’s skulking around like a dumb kid who lost her lollipop.  She’d just go to the beach alone and by herself. Jessie tried to make friends with other locals the same age as hers but she only wants to spend her time with Lucas, her beau, her foundation in this little place that holds a great deal for her.  And what is she to the writer who only writes what his heart sings? Apathetic to the rest of the world if it doesn’t suit his situation. Who could easily discard anything and anyone, just like how he quickly moved to this place because that is what his heart is telling him to do. She’s the muse, no more, no less.  In some way or another, they are apathetic little pieces of s**t, the only thing they have in common that outweighs all the other things.  Nasasakal siya kapag nasa paligid si Lois. They go all the way back, Lucas and Lois both. Ano ang panlaban niya rito? Nai-insecure siya, hindi siya mapanatag na may kaagaw siya sa atensyon ng lalaking dahilan ng paggising niya sa araw-araw. Kahit sabihing may Cielo na para kay Lois, hindi niya maialis sa isipan ang namagitan noon sa dalawa. Lucas wrote his first book based on her, his forever TOTGA. And there is always something with those kind of people: unsettling, always missing home, never fully arriving at their destination, as if constantly being played by destiny, letting the ache wash over a thousand times stronger than before.  Yet again, she can relate.  Oo na, siguro nga ay TOTGA niya rin si Sergi. But with him, he feels home. Isa siyang matalik na kaibigan. Laking pasasalamat na lang niya kay Emerald na nagkaayos sila sa huli. Kinuha pa siya nitong ninang sa anak nila. Kahit nga ba proxy lang ang tumayo sa simbahan sa araw ng binyag nito. She couldn’t fit the christening in her busy schedule at that time. Araw-araw niyang ipinagpapasalamat na nakatagpo siya ng isang Sergi, bukod tangi ito.  But what’s weird with this group of friends is that they keep on having relationships with each other. So weird. Before it was Lucas and Sara, then Cielo and Sara, then Lucas and Lois, now it’s Cielo and Lois, not to mention Lucas’ brother at one point had a relationship with one of Lucas’ exes. Was there a shortage of people in their area to have this kind of troubling cycle?  But anyway. She could give a flying f**k but as the old saying goes, the heart wants what it wants.  Sa mga ganitong oras niya nami-miss ang mga kaibigan niya, lalo na ang kapatid niya. Lagi siyang may natatakbuhan. Ngayon, ang tabing-dagat na lang ang kasangga niya kapag nasasakal na siya. Halos araw-araw na nga kung magtungo siya sa beach. May hatid na kapayapaan ang lugar sa kanya. Iba ang dala ng sariwang simoy ng hangin. Sa mga sandaling inilalagi niya roon ay nakakalimutan niya ang mga bumabagabag sa kanya.  Ang tanging hiling niya lang ngayon ay ang makapiling si Lucas. Mayakap ito, madampian ng halik, makakwentuhan at makatabi sa pagtulog. Labis siyang nangungulila. Gusto niyang ipagsiksikan ang sarili rito. Gusto niyang laging nakabuntot dito. Pero ayaw naman niyang maging feeling close kina Lois at Cielo. At the end of the day, ang tatlo pa rin ang magdedesisyon kung isasama siya sa lakad ng mga ito. Isa pa, they were there first, first to came in his life, and she should not compete with that, like a mantra that she should repeat daily under her breath.  But, of course, smirks, she’s Jess. Nakikituloy ang dalawa sa panuluyan ni Lucas. Kaya kahit siguro dumalaw siya roon ay hati pa rin ang atensyon ng huli. Isa pa, hindi napipirmi ang tatlo sa bahay dahil sinusulit ng mga ito ang lugar at mga tanawing ipinunta. Sang-ayon siya roon. Hangga’t maari ay sulitin ng mga ito ang mahika ng lugar, mahikang laging humahatak sa kanya pabalik kapag gusto na niyang lumisan.  Bigla ay sumagi sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Lois sa unang araw ng pagkakakilala nila. This city does that. Ang tinutukoy kaya nito nang mga panahong iyon ay si Cielo? Sweet, she thought, but she remembered Cielo and Sara’s child. Napaismid na lang siya. Sino ba naman siya para problemahin ang sarili sa mga kaibigan ni Lucas kung ang mga ito nga ay hindi siya masyadong tinatapunan ng pansin? “Are you alone?” said a guy in trunks. Nasa aplaya siya at nagpapalipas ng oras. Nakahilata lang siya sa ibabaw ng tuwalya sa buhanginan. She’s not in the mood to talk and she’s not really looking for a company right now. The guy sat there in silence. Malayo ang tingin nito. Hinayaan nila ang isa’t isa. Nang tuluyang mamaalam ang araw ay sabay na tumayo ang dalawa. Natawa sila pareho at hinayaan ang isa’t isang maipagpag ang buhangin sa katawan bago nagpakilala ang lalake. “Ako nga pala si Danny,” sambit nito. “And you are?” “Jessica.” maikling sagot niya, inabot ang nakalahad nitong kamay.  Hinintay nitong mailigpit niya ang nagkalat na gamit bago siya niyaya sa malapit na bar kung saan yari ang lugar sa anahaw at sawali. Sa isang sulok sila pumuwesto, malayo sa kumpulan ng mga tao. “Turista ka ba rito?” ang tanong nito nang matapos silang um-order. “Feels like it… I’m still exploring this place. Pero dito na talaga ako nakatira.” sagot niya.  The lighting above their heads hit Danny’s eyes and what she saw shocked her. It was empty. That got her full attention. He looks tired for his age. She’s guessing he’s just in his late twenties. Doon niya ito unti-unting pinagmasdan. Save aside his features, his eyes speak volume. And just like that, her heart grows more heavily.  And she calls herself apathetic?  Now? Now that she wants to rip her heart out just because she doesn’t want to feel this nagging feeling that somehow she could relate to this stranger, whatever’s going on with him right now? “You look like a tourist yourself.” aniya. Tumango ang kaharap niya. “I’m here for business.” “What business?” “Tourism. Just what we need to destroy this beauty.” Tahimik nilang pinagsaluhan ang inihain sa mesa. Pagkatapos niyon ay nanatili lang sila sa puwesto nila at nakinig sa sumalang na talento. Ipinagkasya nila ang mga sarili sa matigas na bangko. Payapa sila sa presensya ng isa’t isa, nagkakaunawan na sila sa simpleng tinginan at hagikgikan. Hindi sila nag-aksaya ng laway.  Nang magsawa sa panonood at nang manakit ang mga puwet nila, naglakad-lakad na sila. “How is it that I feel comfortable with you without really knowing you?” sabi niya rito. “I feel the same.” anito sabay ngiti. “Which just proves my theory.” “What is it?” aniya. “I’m not saying this is a date but I always insisted on quiet first dates. Intimate, comforting, it could be awkward but with the wrong people, that is. Malalaman mo kasi kung komportable kayo sa isa’t isa without saying too much. Minsan kasi, masisira pa iyong momentum ng kadadaldal. Maybe it’s just me? I don’t know.” “Your theory is a work in progress.” sabi na lang niya. “But this is great. Quiet night. I love quiet nights. So relaxing and easy to get along with people kapag chill lang ang paligid, lalo na ng taong kausap mo.”  “This would sound bad but, do you want to attend the open forum at the city hall tomorrow afternoon?” ilang na taong nito. Bumunghalit siya ng tawa. Hindi niya iyon inasahan dito. “Dude, ano ‘yon? Kaya mo ba ako nilapitan? Para yayain sa open forum? Open forum ba talaga iyan? Mamaya, networking na naman.” natatawa pa ring sabi niya. Napakamot ito sa ulo. “We’re still working on some things on how to promote safe tourism. If that makes any sense. I think the apt word would be responsible tourism, we can make a program from that. Or sustainable and eco-friendly tours. Not only you’re leaving the place as it is, but we can also contribute to the loss of trees here.” “I was told the forum would be tomorrow in the afternoon?” she teased. Napahiya ito. “I’m sorry.” “Hindi ako mangangako,” aniya. “Danny, right? See you when I see you.” Pinigilan siya nito. “Nagpapaalam ka na ba? Hindi pa malalim ang gabi.” “I feel eighty years older after watching that show and from sitting for like an hour. I’m gonna go straight to my bed. Sorry.”  “Hindi na kita pipigilan. Mauuna na rin ako.” Nagpaalam na sila sa isa’t isa. Agad siyang umuwi at nahiga sa kanyang kama. Mabilis siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD