“Can we just stay here in bed all day?” maya-maya ay tanong niya. Ayaw niya akong bitiwan dahil nakayakap lang siya sa akin. Kanina ay talagang nauwi sa mainit na make out session ang halikan namin. “Pero gutom na ako,” ungot ko naman sa kaniya. Mahina siyang tumawa at hinalikan ang ulo ko. “Sa iyo ako nagugutom, Ayanna. Parang ikaw ang gusto kong kainin,” mapanghibong saad niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Hinampas ko siya sa braso kaya tumawa siya ng malakas. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. “You have no idea how happy I am right now, Ayanna. At least, kahit aalis na ako next week for the competition, I am assured na akin ka lang,” sambit niya at muli ay madiing hinalikan ang mga labi ko. Sa pagkakataong ito ay mas naging mapanakop na ang hagod ng mga labi niya. Ngunit gaya ka

