Dumako ang mga labi niya sa noo ko. Isang madiin na halik ang ginawa niya roon kaya napapikit ako. Pagkatapos ay humalik siya sa pisngi ko, saka muling tumingin sa akin na tila humihingi ng permiso. Ano bang gagawin ko? Nagugulo rin ang isip ko. Mabuti pa nga si Lily may first deep kiss na at mukhang mas malala pa nga yata doon ang gustong gawin ni Charlie sa kaniya noong nahuli ko sila. Samantalang ako iyong first kiss ko parusa pa, tapos heto ako ngayon kabadong-kabado habang nasa ilalim ng lalaking hindi ko naman talaga ganap na kilala. “Please? I want to kiss you, Ayanna. Please let me kiss you, baby…” pagsusumamo niya. Napanganga ako sa ginamit niyang endearment. Ganiyan din ang endearment na ginagamit ng Daddy ko sa Mommy ko kapag nilalambing niya ito. “Please?” muli ay masuyo niy

