“Teka, Aya!” tawag sa akin ni Jonalyn pero hindi ko na siya nilingon pa at nagkunwaring walang naririnig. Walang puwedeng makakilala sa akin dito dahil hindi pa ako handang bumalik. Ayaw ko ring malaman nila ang dahilan kung bakit ako nagtatago rito.
Hingal na hingal ako nang marating ko ang pinaka-lobby ng main building. Naupo ako sa isa sa mga bench na naroroon para magpahinga. Napakabilis din ng t***k ng puso ko.
“Saan ka galing at ganiyan ang hitsura mo?” napasinghap ako nang biglang may magsalita.
“Sir Hendrick?” usal ko. Salubong ang mga kilay nito at parang mainit na naman ang ulo.
“Sa Library, Sir. Bakit po?” tanong ko. Hinihingal pa rin ako.
“Totoo bang nanliligaw sa iyo si Raegan? Sinabihan na kitang huwag masiyadong nakikipaglapit sa mga–”
“Hindi po, Sir, okay?” putol ko na agad sa kaniya. “Hindi ko kilala si Raegan at tinanggap ko lang po iyong binigay niya para hindi siya mapahiya. Nagpunta ako dito sa university para mag-aral at hindi po para makipagligawan. Wala po akong panahon sa mga lalaki, Sir,” pagbibigay-diin ko pa.
Hindi ko makakalimutan kung paano niya pinahirapan si Raegan kanina. Masiyadong mainit ang ulo, akala mo may regla.
“Sigurado ka?” tila nagpipigil ng ngiting tanong niya. Tumango naman agad ako.
“Yes, Sir! I am very sure po!”
Sa pagkakataong ito ay huminga siya ng malalim saka tipid na ngumiti. Pagkatapos ay bahaya pang tumikhim.
“Eh, si Ranz, nanliligaw din ba saiyo?” pasimple niyang tanong, pero halatang medyo masungit ang tono.
“Teka nga ho, Sir, bakit po ba concern na concern kayo kung sino ang manliligaw sa akin at kung sino ang hindi? Personal life ko na po iyon, ha? At wala na po kayong karapatang makialam,” nagtatakang tanong ko. Naguguluhan kasi talaga ako sa inaasal niya tapos bigla na lang nagsusungit.
“I am just concern because I know you’re alone in this place. Isa pa, ayaw kong mapahamak ka at maloko ng kung sinong lalaki diyan,” depensa naman niya agad. Lalo akong naloka sa sagot niya.
“Sir, hindi po ako ang tipo ng babaeng maloloko ng isang lalaki. Isa pa, magkaibigan lang po kami ni Ranz,” naaburido na ring paliwanag ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko pa kailangang magpaliwanag sa kaniya.
“Mabuti naman kung gano’n. Sa akin ka sasabay mamaya pauwi, naiintindihan mo?” maya-maya ay maawtoridad na utos niya.
“Hanggang alas-sais pa po ang duty ko sa library, Sir. Kaya mauna na lang po kayo kasi–”
“Kahit alas-dose pa ng madaling-araw ang duty mo, sa akin ka pa rin sasabay. Tapos ang usapan. Maiwan muna kita at kailangan ako sa President’s office ngayon,” dire-diretsong saad niya pagkatapos ay tumalikod na. Napamaang naman ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
“Teka lang, Sir, hindi ni’yo naman po ako kailangang hintayin. Kaya ko pong umuwi na mag-isa,” pahabol ko pang giit sa kaniya. Pero kumindat lang siya sa akin at itinuloy na ang paglalakad. Napatanga naman ako dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niya.
“Hoy, Aya!”
Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. At ganoon na lamang ang pagkagimbal ko nang biglang may kung anong sumaboy sa akin at saka tinakpan ng kung ano ang ulo ko.
Narinig ko ang pagtatawanan ng ilang pamilyar na boses. Mabilis kong tinanggal ang timba na isinaklob nila sa ulo ko at inihagis iyon sa babaeng nasa harapan ko ngayon.
“Ouch! f**k you!” sigaw sa akin ni Krissalyn. Ngayon ko lang napansin na siya pala iyong nasa pinakagitna ng mga kaibigan niya. Tumama mismo sa mukha niya iyong ibinato ko.
“Sumosobra na kayo!” nanggigigil at galit na galit na sigaw ko sa kanila saka mabilis silang sinugod. Hinablot ko ang mahabang buhok ni Krissalyn at napaigik ito na nasundan ng malakas na tili. Mag-asawang sampal ang ibinigay ko sa kaniya. Bumagsak siya sa lupa at nadikit din sa mga pintura. Pintura pala itong isinaboy nila sa akin.
Noong akmang susugod din iyong mga kasama niya ay pinatikiman ko sila agad ng high kick at gaya ni Krissalyn ay bumagsak din sila. Nahihintakutan man iyong dalawa pa ay sumugod pa rin, ngunit sampal at suntok ang tinamo nila sa akin. Kasunod niyon ay ipinunas ko sa mga pagmumukha nila ang mga pinturang nasa buhok at katawan ko.
Nagtitilian sila at nanlalaban pero nagdidilim na talaga ang paningin ko at galit na galit ako. Alam kong tinatamaan na rin ako ng kalmot at ilang hampas nila ngunit mas malalang suntok at sipa ang inabot nila mula sa akin.
“I won’t stand by and be bullied by bitches like you! I will report you to the discipline committee for bullying!” bulyaw ko sa kanila at inambaan pa ng sampal kaya takot na takot silang nagtakip ng mukha. Maging si Krissalyn ay hindi makaporma kahit masama ang tingin sa akin.
“You are going to pay for this!” banta niya sa akin. Kitang-kita ang matinding pagkapahiya sa mukha niya. Lima sila ngunit hindi sila umubra sa akin. Pasalamat nga sila at iyan lang ang tama nila. Marunong pa rin naman akong kumalma kahit papaano. Pero sa totoo lang ay kayang-kaya kong basagin ang mga pagmumukha nila.
Kahit masakit at basa ng pintura ang katawan ko ay tinungo ko ang Discipline Committee office. Napasinghap sila nang makita ang ayos ko pero wala akong pakialam. Kapag hindi ako magpapakita na ganito ang hitsura ay siguradong mamanipulahin ni Krissalyn ang lahat at ako ang palalabasing masama.
“Hey, Miss, what happened to you?” gulat na tanong ng isang teacher doon.
“I was bullied by a group of students,” walang ligoy na sumbong ko. Maging ang ibang estudyante at instructors na naroroon ay lumapit sa akin. Bakas ang pagkagulantang sa nakita nilang ayos ko at nasundan ng awa.
“We will note this incident, Miss. For now, maligo at magbihis ka muna para naman–”
“Where is she?” ang humahangos na boses ni Sir Hendrick ang narinig ko mula sa likuran ko. Hindi ko man siya nakikita ay alam kong siya iyon dahil kabisadong-kabisado ko na ang boses niya.
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong naiiyak na nandito na siya. Para bang biglang napanatag ang puso at isip ko dahil alam kong may magtatanggol sa akin kung sakali man. Dahan-dahan ko siyang nilingon.
Pagtama ng mga mata namin ay kitang-kita ko ang awa sa mukha niya nang hagurin niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayon ay ramdam ko na ang ginaw lalo na at fully air-conditioned itong opisina at ako naman ay basang-basa.
“What else did they do to you?” delikadong tanong niya. Matalim ang mga tingin niya at napopoot ang boses niya.
“Krissalyn Federigo and her gang bathed me with paint and tried to assault me,” nagtatagis ang mga ngiping sagot ko. Muntik nang mabasag ang boses ko dahil nagpipigil akong maiyak.
Narinig ko ang ilang singhap at bulung-bulungan sa paligid. Lumapit naman sa akin si Sir Hendrick at hinubad ang coat na suot niya. Agad niya iyong ipinatong sa katawan ko.
“I will assist her. Please make a report on this and take the proper action. This is a very cruel act of bullying!” maawtoridad na saad ni Sir Hendrick.
“Yes, Prof. Of course, this matter can never be taken lightly,” paniniguro naman ng sumagot na kausap niya. Hindi ko na kasi nakita dahil nakaharang na sa gilid ko si Sir Hendrick.
“Are you okay?” pabulong niyang tanong sa akin at hindi na sinagot iyong kausap niya. Tumango naman ako. Bakit naman hindi ako magiging okay, eh, nagulpi ko naman ang mga malditang iyon? Akala ba talaga nila ay madali lang nila akong mapagkakaisahan? Never!
Umalis na kami sa opisinang iyon at lahat ng mga madadaanan namin ay napapatingin sa amin. Ang iba ay puno ng pagtataka ang mukha habang ang ilan ay nagbubulung-bulungan. Halatang curious sila sa kung ano’ng nangyari sa akin.
“Saan po tayo pupunta, Sir?” tanong ko. Hindi ko pa kasi napuntahan ang bahaging ito ng university. At wala ng katao-tao rito na gaya ng mga dinaanan naming pasilyo kanina.
“I have my own dormitory here. Doon ka na lang maligo at magbihis. Pati tuloy itong bag at mga gamit mo ay nalagyan na ng pintura. Those girls never fail to annoy me,” bakas ang galit sa huling mga salitang binitiwan niya. Napabuntong-hininga naman ako.
Hawak pa rin niya ang dalawang braso ko at inaalalayan ako. Halos nakayakap na nga siya sa akin kaya naaasiwa rin ako. Kaya ko namang lumakad mag-isa pero kung tratuhin niya ako ay para akong paslit na sa akala niya ay hirap pang makalakad.
“Huwag ni’yo nang alalahanin iyon, Sir. Siguradong magtatanda naman na siguro ang mga iyon pagkatapos ng gulping inabot nila sa akin,” pagmamayabang ko pa. Napahinto naman siya sa paglalakad kaya pati ako ay napahinto na rin.
“What did you just say?” nagulat niyang tanong.
“Hindi ni’yo po alam? Kumain ng alikabok at humalik sa lupa ang mga bully na iyon. Akala siguro nila ay uurungan ko sila. Ano sila, bale?” masama ang loob na litanya ko. Nanggigigil pa rin ako sa ginawa nila sa akin.
This is the first time that I was bullied. The only one who can bully me is my twin brother Axton, and we would always end up showing off our basic skills in martial arts.
“I thought… oh, lord! I was so damn nervous when they told me you were being beaten up by those girls. Tapos baliktad naman pala, ikaw naman pala ang bumugbog sa kanila?” hindi makapaniwalang bulalas niya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang marating ang isang pintuan.
“They can never harm me without me fighting them back. Inalagaan akong mabuti ng mga magulang ko tapos bibigyan lang nila ako ng galos? No way! Big, big no!” giit ko pa.
Pero naagaw ang pansin ko nang buksan niya ang ilaw at punuin niyon ang buong lugar. Maganda at simple lang ang design nitong dorm. Grayish blue ang kulay ng pintura at kulay puti naman ang sahig kaya maganda iyong combination.
“Mamaya na tayo mag-usap ulit. Sige na, naroon ang banyo,” utos niya sa akin sabay turo sa gawing kaliwa. Tumango naman ako.
“Thank you, Sir. Pasensiya na po sa abala, babawi na lang po ako sa inyo,” sabi ko naman at lumakad na patungo sa sinasabi niyang banyo.
“Ang how do you suppose to pay me back?” tanong niya kaya napahinto ako sa may bandang pintuan ng banyo. Nakangisi siya at animo ay may kalokohang naiisip. Hindi na ako sumagot at napapailing na lang na ipinagpatuloy ang pagpasok roon.
Inabot ako ng halos isang oras para maalis ang lahat ng pinturang dumikit sa katawan ko, lalo na sa buhok ko. Perwisyo talaga ang mga babaeng iyon, nakakairita!
Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako dahil nakahiga na sa may sofa si Sir Hendrick at nakapikit ang mga mata. Tulog na kaya? Nakatulog na yata sa paghihintay sa akin. Nakakahiya talaga.
Nakaroba lang ako at wala akong suot na anuman sa loob. Nakita ko lang ito roon kaya hiniram ko na. Nagdadalawang-isip nga ako kanina kung lalabas ba ako o hindi. Kaya lang wala akong choice kaya heto.
“S-Sir? Tulog na po ba kayo?” tawag ko sa kaniya. Pero hindi man lang ito gumalaw sa kinahihigaan. Mukhang nakatulog na nga yata.
“Sir?” marahan ko siyang niyugyog. “Ayy!” malakas akong napatili nang bigla niya akong hilahin kaya bumagsak ako sa matigas na katawan niya. Pagkatapos niyon ay mabilis niyang pinagpalit ang mga puwesto namin.
Ako na ngayon ang nakahiga sa sofa at nasa ibabaw ko siya. Agad nagtama ang mga mata namin at hindi ko maunawaan kung bakit tila nagdidilim ang mga mata niya. Ni hindi ako makagalaw nang maayos dahil nakadagan sa akin ang buong bigat niya.
“My beautiful, Ayanna,” usal niya. Natulala ako at panandaliang nawala sa sarili. Dinig ko ang sariling t***k ng puso ko, malakas at talagang pumipintig ng mas mabilis kaysa sa normal na pintig nito.
“Sir… a-ano pong ginagawa ni’yo?” kinakabahang tanong ko. Hindi ko maintindihan ang sarili kong katawan dahil may kakaiba na naman akong nararamdaman sa pagkakalapit naming ganito.
“Ano’ng ginagawa mo sa akin, Ayanna?” hinaplos niya ang pisngi ko kaya napasinghap ako. “Why am I being uncontrollable around you? I can’t control myself when you’re around. Especially now that you’re under me and I can feel your soft and fragrant body,” bulong pa niya at mas dumagan pa sa akin.
Isang pulgada na nga lang yata ang layo ng mukha niya sa mukha ko kaya halos maduling ako sa pagtingin sa kaniya. Pumapaypay sa mukha ko ang mainit at mabango niyang hininga. Para akong nanghihina na ewan at nagsisimulang pagpawisan ang mga kamay ko.
“S-Sir…” inilagay ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya para pigilan siya sa mas paglapit niya sa akin. Isang galaw na lang at maglalapat na talaga ang mga labi namin. Nagdidikit na nga ang mga ilong namin ngayon at tila sinasadya pa niya iyon saka mapapapikit.
“Will you hate me if I kiss you as a woman now?” tanong niya. Pero ang tono niya ay tila nagmamakaawa. Hinahagod niya ng tingin ang bawat parte ng mukha ko at dumagdag pa ang paghaplos-haplos niya sa pisngi ko na nagdudulot ng kakaibang kuryente sa sistema ko. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam at labis akong nalilito. Nabablangko ang utak ko at nawawalan ako ng lakas na kontrahin ang anumang nais niyang gawin sa akin.