“Sir may bisita po kayo,” pagbibigay-alam ni Gigi kay Laureto. “Sino daw?” agad niyang tanong. “Me!” bumungad si Hendrick sa may pintuan. Labis namang ikinagulat iyon ni Laureto dahil hindi niya inaasahang makikita niya ito rito. Sa tuwing maalala niyang maaring nakuha na nito si Ayanna ay para siyang pinapatay sa inggit. Sa dami ng babaeng naikama niya, kay Ayanna lang talaga siya nakaramdam ng matinding atraksyon na hindi niya mapigilan. Ni hindi maikumpara ang atraksyong ito sa naging pagkahumaling niya sa mga babaeng dumaan sa kaniyang mga palad. “What the f**k are you doing here?” asik niya agad kay Hendrick. Natawa naman si Hendrick sa reaksyon niya. “Ako? So that I can do this,” mabilis na nilapitan ni Hendrick si Laureto at magkasunod na sinuntok nang malakas ang sikmura nito.

