Ayanna’s POV “Naniniwala ka ba talagang walang kinalaman si Sir Laureto sa pagkawala ng mga estudyante? Parang walang nama ibang gagawa no’n kung hindi siya,” dagdag tanong ko kay Hendrick. “No. I think he’s telling the truth. I already got his weakness and I know he won’t lie to me anymore,” sagot naman niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at hindi agad nakapagsalita. “Relax for now, okay. Kumikilos na ang mga tao ko para maresolba ang pagkawala ni Jonalyn at maging ng iba pa. Kaya huwag mo nang iisipin pa iyon at ipaubaya mo na muna ang lahat sa akin,” sabi naman niya. Napalunok naman ako. “Hendrick… kilalang-kilala mo na ang buong pagkatao ko. Ikaw ba, wala ka bang sasabihin sa akin?” marahan kong tanong. Sa palagay ko ay ito na ang tamang panahon para kausapin ko siya tungkol sa i

