“Go, Sir Hendrick!” Tuloy-tuloy ang tilian ng mga nanonood. Punong-puno itong gymnasium at naka-setup lahat noong gagamitin ni Hendrick sa pagpa-practice niya. “Yes! Akala ko hindi na ako aabot!” hinihingal na bulalas ni Ranz kaya napalingon kami pareho ni Jonalyn sa kaniya. Nakasuot na ito ng blue na t-shirt pero basa pa rin ang buhok. “Naka-shower ka na ba niyan?” tanong ni Jonalyn sa kaniya. “Aba, siyempre naman! Nakakahiya namang tumabi kay Aya kung hindi ako mabango,” agap niyang sagot. “Aya, para sa iyo nga pala,” baling naman niya sa akin. Inilahad niya ang isang pulang box na may magandang itim na ribbon. Nagulat naman ako. “Ano ito?” tinanggap ko pa rin iyon. “Wow! Ano na naman iyan, Ranz? Bigla akong kinilig, ha?” komento naman ni Jonalyn. Hindi sumagot si Ranz at hininta

