Chapter 5 Being The Nice Guy

4300 Words
“Aba’t sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng ito, eh! Ano’ng ginagawa mo rito sa unit ni Sir Hendrick? Siguro inaakit mo siya ano?” Bintang agad sa akin noong isang babae. Namilog naman ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanila. Inirapan din ako ng mga kasama niya kaya lalo akong naloka sa kanila. “Grabe naman po kayo makapagbintang!” depensa ko naman agad. “Nakuha kasi ni Sir iyong mga pinamili ko kaya binawi ko lang po. Saka, excuse me, hindi ko po type iyan!” dagdag ko pa at lumakad na papunta sa unit ko. Ngunit mabilis din akong natigilan nang magsimulang tumalak iyong isa pang matanda. “Hoy, babae! Ang lakas din naman ng loob mong sabihin iyan, ha? Porke ba may kaunti kang ganda at–” “Nora, wala siyang ganda. Maputi at makinis lang iyan. Mas maganda pa rin tayo riyan noong kabataan natin,” singit naman ni Aling Josie. Muling napaawang ang mga labi ko. Si Hendrick naman ay nanonood lang at mukhang naaaliw pa nga. Feel na feel yata niyang may tatlo siyang tagahangang mga biyudang mukhang matrona. “Ladies, don’t worry, she was telling the truth. Huwag ni’yo na siyang pag-trip-an, okay?” awat naman na ni Hendrick sa kanila. Napansin siguro nito ang reaksyon sa mukha ko. “Basta, Hendrick, naka-reserve ka na doon sa dalaga ko, ha? Huwag kang paaakit sa mga nakasisilaw ang kaputian gaya niyan. Mas maganda pa nga ako diyan, eh!” sabi ni Aling Nora. Kumibot na lang ang kilay ko at para akong naaburido sa kanila. “Sige po, kung wala na kayong sasabihin papasok na po ako. Magandang gabi po sa inyo,” medyo sarkastikong paalam ko sa kanila. Tinaasan lang nila ako ng kilay at namaywang pa nga iyong isa na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan. “Good night, Ayanna!” pahabol pa ni Hendrick pero nagkunwari akong hindi narinig at dire-diretso na lang akong pumasok sa unit ko. Napasandal ako sa pintuan at marahas na nagbuga ng hangin. Napapailing na lamang ako sa mga kapitbahay. Sa amin ay magkakalayo ang mga bahay at nagkikita-kita lang ang mga magkakapitbahay kapag may mga events sa subdivision. Halos wala ring pakialamanan dahil puro mga busy ang mga tao. Ngayon ko lang talaga masusubukan na iyong tinitirhan ko ay maraming mga katabing iba pang bahay. Tapos nakakausap ako ng mga tao nang walang haharang na bodyguards. Muli ay napabuntong-hininga na lamang ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising at sinubukang iayos ang lahat ng mga pinamili ko kahapon. Ini-imagine ko kung paanong inaayos ng mga katulong ang laman ng kusina namin noon. Pagkatapos ay hinarap ko ang kalan. Kinakabahan ako kasi ito pa lang ang unang beses na magluluto ako. “Damn! How am I going to make this thing work?” pabulong kong tanong sa sarili. Ngayon ko pa lang masusubukang gamitin ito dahil hindi naman ganito ang lutuan namin sa bahay. May ganito kina Lola Beth kaya lang hindi ko naman nakikita kung paano pinagagana. Binuksan ko ang cellphone ko at nag-search sa internet kung paano pagaganahin itong stove. Una ay pipihitin iyong pin ng tangke pataas. Pagkatapos ay tutungo na sa stove mismo para pihitin pakaliwa. “Ayy! Oh my gosh!” napatili ako dahil nang gawin ko ang nasa video ay sumungaw agad ang apoy. Mabuti na lang talaga at medyo malayo ang mukha ko kaya suwerte lang na ‘di naabutan ng apoy. Kung hindi ay malamang napaso talaga ako. Nilapitan ko ulit iyon para pihitin at pahinaan ang apoy hanggang sa mamatay. Huminga ako nang malalim. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. “Kaya mo ito, Ayanna! Kaya mo ito!” paulit-ulit kong pagpapalakas sa loob ko. Ang sumunod kong ginawa ay pinanood kung paanong magsaing ng pangkanin at magluto ng itlog. Ginawa ko ang lahat ng mga napanood ko pero pareho pa ring nasunog ang kanin at ang itlog. “Ano naman kayang problema? Sinunod ko naman iyong nasa video!” naghihimutok na saad ko. Para namang may makakarinig sa mga pagrereklamo ko. Hanggang sa matagpuan ko ang sarili na umiiyak habang tinititigan ang mga niluto kong nasunog. “Sayang ang pera,” humihikbing usal ko. Nasa ganito akong kalagayan nang biglang may kumatok sa pintuan. Pinatay ko ang stove at tinungo ang pintuan. Pinunasan ko rin ang mga luha ko at huminga ng malalim. Pagbukas ko niyon ay ang gulat na gulat na mukha ni Hendrick ang sumalubong sa akin. “Damn! What happened to you?” nag-aalalang tanong niya saka tiningnan ang loob ng apartment ko. Bigla kong naalala ang hitsura ko na pinagpapawisan at medyo magulo ang buhok. Wala naman kasi akong aircon dito sa apartment. Hindi kagaya sa bahay na centralized ang aircon kaya kahit saang bahagi ay malamig. “Did you burn something? I can smell it,” tanong niya at tuluyan na siyang pumasok nang walang paalam. “Sinubukan ko kasing magluto. Sinunod ko naman lahat ng instructions pero nasunog pa rin,” inis kong tugon. Saka ko lang napansin ang dala niya. “Ano iyan?” tanong ko pa. Napangiti naman siya at bumaba rin ang tingin sa dala niya. “Ah, breakfast. Naparami ang luto ko kaya naisipan kong dalhan ka nito,” iniabot niya sa akin ang pinggan na may takip ding pinggan. Binuksan ko iyon at mabilis na namangha. “Wow, English platter!” hindi ko naiwasang maibulalas. “Woah, alam mo kung ano ang English platter?” tila hindi makapaniwalang tanong niya. Napalunok naman ako at alanganing ngumiti sa kaniya. “Ah, pinag-aralan namin noong high school iyong mga ganito sa isang subject. Sir – ay Hendrick pala!” mabilis kong pagsisinungaling. Paborito ni Charlie ang English platter sa breakfast kaya kabisadong-kabisado ko ito. Tumitig muna siya sa akin bago tumango. “Okay. Come. I will teach you how to cook properly. Kapag mayroon kang hindi alam, ako na lang ang tanungin mo, okay?” sabi niya at hinawakan na ako para igiya papunta sa maliit kong kusina. Naroroon na rin ang lamesa kaya inilapag ko muna roon iyong dala niyang pagkain tutal ay may takip naman iyon. “Holy cow! What a real mess!” tukoy niya sa dami ng kalat ko. Lihim akong napangiwi. “S-Sorry. Aayusin ko na lang mamaya,” nahihiyang sambit ko. “Hindi mo talaga siguro hilig sa kusina, ano?” komento niya. Umiwas naman ako ng tingin at bumuntong-hininga. Sa totoo lang, wala talaga akong kahilig-hilig sa pagluluto o kahit na anumang gawain sa kusina. Kaya lang kailangan kong gawin ngayon dahil wala naman na akong katulong dito na gagawa ng mga iyon para sa akin. “Mabilis lang akong matuto. Kaya ko iyan,” malungkot kong saad. Hindi ako puwedeng sumuko, kailangan kong panindigan ang desisiyon ko. Hindi ko rin naman kakayanin kung babalik ako. Lalo lang akong masasaktan. “Yeah. I believe you’re very smart,” sabi niya at inumpisahang iligpit na ang mga kalat at tanggalin sa lutuan iyong mga nasunog ko. “Ah, teka lang, Hendrick. Hindi mo na kailangang gawin iyan kasi–” “It’s alright,” putol niya sa akin. “Kailangan nating tanggalin at hugasan itong mga nasunog. Then ipakikita ko sa iyo kung paano ang mga gagawin,” at itinuloy na niya ang ginagawa. Pinanood ko siya at paminsan-minsan ay tinutulungan. Namamangha ako kasi kalalaki niyang tao pero ang galing-galing niya sa kusina. Sabagay ang Daddy ko ay magaling ding magluto gaya ng Mommy ko. “Hindi mo pa nasubukang magluto sa bahay ninyo, ano?” maya-maya ay tanong niya habang hinuhugasan ang bagong lagay niyang bigas. “Hindi, eh. Wala naman kasing pinupuntahan ang Mom–nanay ko kaya siya ang nagluluto ng lahat,” mahinang tugon ko. Napapalunok na naman ako dahil nahihirapan akong magsinungaling. Kabadong-kabado ako sa tuwing magsisinungaling ako. “Kumain ka na, sayang iyang pagkain, lalamig na,” inginuso niya iyong dala niyang pagkain kanina. Sinunod ko naman siya at naupo na. “Ikaw… kumain ka na ba?” tanong ko nang alisin ang takip ng pagkain. Umiling siya kaya nanlaki ang mga mata ko. “Balak ko lang sanang ibigay sa iyo iyan, Kaya lang we’ve got this situation here. So, heto na ako ngayon,” nakangiting sagot niya. Bigla tuloy akong nahiyang kumain. Mauuna pa ba akong kumain kaysa sa kaniya? “S-Sabay na lang tayo, Sir. Nakakahiya naman po kung ako lang ang kakain tapos sa inyo pa galing itong–” napahinto ako sa pagsasalita nang ngumisi siya sa akin. Kasunod niyon ay napasinghap ako at mabilis na tinakpan ang mga labi ko. “What did you just call me?” mapaglarong tanong niya. Lalo akong napalunok at kinabahan. “S-Sorry, nadulas lang ang dila ko. Kasi siyempre hindi pa ako sanay saka pinapa–” Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang walang sabi-sabi niyang biglang halikan nang mabilis ang mga labi ko. Literal na nahigit ko ang hininga ko at tila yata panandaliang huminto sa pagtibok ang puso ko. Parang nag-slow motion ang lahat at awang ang labi kong nakatitig lang sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang ginawa talaga niya iyong parusang sinasabi niya kagabi. Goddammit! That was my first kiss! He just stole my first kiss! Napatayo ako at napaatras. Bigla namang nabura ang ngiti niya at bumalatay ang pag-aalala sa mukha niya. Yes, we knew each other already, but he is still a stranger to me. And he just kissed me because of his ridiculous made-up punishment. “Just to make things clear, I was not joking when I said I will kiss you the next time you call me, ‘Sir’ when we’re alone,” sambit niya. Ngayon ay halos hindi na ako makahinga sa bilis ng t***k ng puso ko. Bakit ba ganito? Ano ba itong epekto niya sa akin? “You just stole my first kiss,” masama ang loob na usal ko. “Why? Am I not deserving of being your first kiss?” tanong naman niya. “Yes. Because you are a stranger to me. Isa pa, hindi naman biro-biro ang halik. Iyan ay isang intimate na bagay,” pagbibigay-diin ko pa. “It is. And what if I want to be intimate with you? What if I want to court you? Kailangan ko bang humingi ng permiso sa mga mgaulang mo?” tila may paghahamong tanong niya sa akin. Doon naman ako agad naalarma. Hindi niya puwedeng kalkalin ang tungkol sa pagkatao ko. Siguradong hindi mahirap na gawin iyon lalo na at sikat ang Daddy ko. Hindi puwede! Habang nag-iisip ako ng maisasagot ay Nakita kong umaangat iyong takip ng kaldero ng sinasaing. Nanlaki ang mga mata ko. “Kumukulo na iyong niluluto mo!” natatarantang turo ko sa sinaing. Natawa naman siya nang bumaling doon. “Relax. Kapag ganito na, puwede mong patayin muna iyong apoy hanggang sa halos matuyuan na ang sinasaing mo, saka mo bubuksan ulit na mahina lang ang apoy. O kaya naman hinaan mo lang iyong apoy hanggang sa main-in na,” paliwanag naman niya. Napapatango lang ako at talagang pinakikinggang mabuti ang bawat sinasabi niya. “Main-in? Ano iyon?” nalilitong tanong ko. “Maluto nang mabuti ang ibig sabihin no’n,” sagot naman niya. “Ah, okay…” Paano ba naman, sa bahay namin mayroon namang rice cooker at nakikita ko dati may pinipindot lang ng mga maids tapos hindi na iyon babantayan pa, hihintayin na lang maluto. Tapos magsasalita na iyon kapag luto na ang kanin. “Paano naman iyong sunny side up na luto ng egg? Nadurog ko agad kanina. Sabi naman kasi sa video painitan muna ang frying pan saka ilagay iyong cooking oil. Ginawa ko naman pero dumikit tapos nadurog na,” nakalabing pagsasalaysay ko. “Huwag masiyadong mainit kapag gano’n ang gusto mong luto. Alalay lang din ang apoy gaya nito,” turo niya. Pinanood ko siyang bitakin ang itlog sa kawaling may napainit nang mantika. “Wow!” tuwang-tuwnag bulalas ko nang maganda niyang maluto iyong itlog. Nilagyan niya lang iyon ng kaunting asin kanina. “Here!” inilapag niya sa lamesa iyong niluto niyang itlog at nagluto pang muli. “Ako naman! Gusto ko rin i-try!” presinta ko. Natutuwa ako sa nalulutong itlog. “Sigurado ka? Be careful, okay? Baka mapaso ang mgaganda mong daliri,” bilin niya. Tumango naman agad ako. Noong una ay kinakabahan ako. Kaya dahan-dahan kong binitak iyong itlog sa gitna ng kawaling may mainit na mantika. “Oh, my gosh! I did it!” halos mapatalon ako sa tuwa nang mabaliktad ko nang maayos iyong itlog. Buo iyon at walang durog. “Para iyan lang, ang saya-saya mo na. Ang cute-cute mo talaga, Ayanna!” papuri niya sa akin. Nasundan pa nga iyon ng mahinang tawa pero masayang-masaya talaga ako. Marunong na akong magluto ng sunny-side-up! Siguradong matutuwa si Axton kapag malaman niya ito. “Sige, sandali lang at kukunin ko ang pagkain ko. Sasabayan na lang kita. Hayaan mo lang iyang nakasalang na kanin at maya-maya ay maluluto na iyan,” sabi naman niya. “Okay. Salamat ulit, Hendrick!” sambit ko. Ngumiti naman siya at ipinatong pa ang isang kamay sa ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko. “You’re welcome. By the way, gusto mo ba ng coffee? Magtitimpla ako ng sa akin kaya puwede kitang ipagtimpla na rin,” alok niya. Bigla kong nakagat ang pang-ibabang labi ko at tumango. “Okay lang ba? Hindi ba nakakahiya?” alanganing tanong ko. “You can ask me anything, Ayanna. Kahit ano, gagawin ko para sa iyo,” bigla ay seryosong pahayag niya kaya natigilan ako. Hindi ko alam kung paano sasagot o kung ano ang mararamdaman sa sinabi niya. At sa ilang sandali ay magkahinang lang ang mga mata namin at wala rin naman akong maapuhap na anumang salita o sasabihin. Basta ang alam ko lang ay naguguluhan ako sa sinabi niya. “I’ll go get my food and our coffee, okay?” biglang basag niya sa katahimikan. Nagbaba naman ako ng tingin at tumango. Naririto na naman iyong kakaibang pakiramdam na nagpapabilis ng pintig ng puso ko. Continuation of Chapter 5… Bumalik ako sa kusina at muling pinasadahan iyon ng tingin. Ang bilis niyang nailigpit ang lahat at parang walang nagkalat na mga pinagbalatan at pinaggamitan sa pagluluto. Nakakahiya talaga kay Sir Hendrick. Pero bigla kong nahawakan ang mga labi ko. Bakit ba ang dali-dali lang sa kaniyang halikan ako? Pero ang mas ipinagtataka ko, bakit parang hindi ko maramdaman na binabastos niya ako? Kung iba iyon siguradong magwawala ako at mananakit. Pero bakit sa kaniya, parang naba-blangko ang utak ko? Now I could realize that there is more to life. There are other things that I could not understand yet. Maybe it’s because I grew up living a very comfortable life. My siblings and I grew up getting anything we want in life – literally anything. That’s why when Charlie rejected me, I couldn’t accept it. The pain was too overwhelming for me that I almost thought of taking my life. “Ayanna? What’s wrong? Why are you crying again?” gulat na tanong ni Mommy nang dumating ako sa bahay. Ang balak ko ay dumiretso na sa kuwarto ko na walang nakakakita sa akin. Ngunit nasalubong ko sa may pintuan si Mommy. “Nothing, Mom. I just remembered something,” kaila ko at nilampasan na siya pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko para pigilan ako. “And you expect me to believe that? You were smiling when you left earlier. Now you’re crying again. Why?” usisa ni Mommy. I know her tone and this means she’s not going to stop unless I will tell her the truth. “Mom,” nanginig at nabasag ang boses ko. Bumuhos lalo ang mga luha ko. Bumalatay naman ang sakit sa mukha niya nang makita ang hitsura ko. “What’s wrong, baby? Lagi ka na lang umiiyak. You are well aware that this is breaking my heart, right?” garalgal na ring tanong niya sa akin kaya lalo tuloy akong naiyak. “Mom, kilala ko na po kung sino ang babaeng gusto ni Charlie…” humagulgol na ako at nasapo ang dibdib ko sa pag-taake ng matinding sakit na halos magpahinto na sa t***k ng puso ko. It was really painful – excruciatingly painful that I want to scream. I want to ask God why is he letting me get hurt like this? What did I do to suffer so much misery when all I want was to love and be loved by the man I want so much. “Baby, can’t you just accept it? The world is big and there are other men – better men – that you deserve to love. Please, stop loving Charlie. Maybe he’s not really meant for you,” pagsusumamo ng Mommy ko at niyakap ako nang mahigpit. Lumakas ang hagulgol ko at parang wala ng katapusan ang sakit na nararamdaman ko. “Bakit siya pa, Mommy? Sa dinami-rami ng babaeng puwede niyang magustuhan, bakit si Lily pa? Bakit ang pinsan ko pa? Ano’ng mayroon si Lily na wala ako, Mommy? Why?!” halos pasigaw nang tanong ko. Gusto kong magwala at ilabas ang lahat ng pait, pagdurusa at galit na nararamdaman ko. I felt betrayed and I couldn’t bring myself to just accept it and move on. “Anak, hindi lahat ng bagay sa mundo ay makukuha natin. Alam mo naman ang kuwento ng buhay ko, hindi ba? Inagaw din ng pinsan ko ang unang lalaking minahal ko. Pero dahil doon, dahil hindi kami ang nagkatuluyan, nakilala ko ang Daddy mo. At nagkaroon ako ng magaganda at mababait na mga anak. Kaya alam ko ang nararamdaman mo at naiintindihan ko,” banayad na paliwanag ni Mommy habang gaya ko ay umiiyak din. “Mom, alam kong hindi ako tatraydorin ni Lily. Pero sa tuwing maiisip ko na alam niya ang tunay na nararamdaman ni Charlie para sa kaniya, bakit hindi man lang niya ako sinabihan? Bakit niya ako pinagmukhang tanga habang sinasabi ko sa kaniya ang lahat-lahat. She knew everything, and yet, she never told me anything,” naghihinagpis ko pa ring himutok. Lumungkot namang lalo ang mukha ni Mommy. “Anak, sa totoo lang, matagal na naming napapansin ang espesiyal na pagtingin ni Charlie sa anak ni Stan. Kaya maging kami ng Daddy mo ay nagulat nang malaman naming gusto mo rin si Charlie. Anak, huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka gusto. Masasaktan ka lang lalo. Kung talagang si Lily ang gusto niya, wala kang ibang magagawa kung hindi tanggapin iyon at–” “Teka lang, Mommy!” pigil ko sa pagpapaliwanag niya. “Alam ni’yo po ang tungkol kina Charlie at Lily?” hindi makapaniwalang tanong ko. Sa pagkakataong ito ay mas lalo pa yatang nadagdagan ang sama ng loob na nararamdaman ko. “Not directly, Hija. It’s what your Dad and I observed when there were gatherings or family events. At sa palagay ko, kahit si Lily ay hindi napapansin ang pagtingin na iyon ni Charlie sa kaniya. Maybe she was also caught in the–” “No, Mommy! Alam ni Lily ang lahat,” putol ko sa kaniya. “Alam na alam niya ang lahat. Sa totoo lang po kaya ako umalis kanina ay para pumunta sa bahay ni Charlie dahil gusto ko siyang makausap. Ang you know what I saw? I saw them kissing intimately while Lily was sitting on Charlie’s lap!” nagtatagis ang mga ngiping bulalas ko. The pain and anger resurfaced that my whole body was trembling. My fists were clenching tightly, and my heart was hurting – deeply. “W-What? Lily just turned 18 recently!” gulat na gulat na tanong ni Mommy. “I saw them. And I thought I was going to die instantly for the pain they’d caused me,” hindi ko na naman napigilan ang pag-iyak. Muli akong niyakap ng Mommy ko at banayad na hinahagod ang buhok ko. She’s not talking but I know, just like me, she’s hurting as well. “Ayanna?” Napasinghap ako nang marinig ang boses ni Lily. Tila may kung anong punyal ang sumaksak sa puso ko at panibagong serye ng sakit ang dinanas ng puso ko. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Mommy. Hindi ako makapaniwalang nasundan na niya ako agad dito sa bahay. “Ano’ng ginagawa mo dito?” garalgal kong tanong. She is also in tears and the raw pain is evident in her eyes. “Please let me explain. I can explain,” sambit niya at bahagya pang nilingon ang Mommy ko. Puno ng pakiusap ang mga mata niya. “Then explain, Lily. I will only give you one chance to explain yourself!” sagot na ni Mommy. Inunahan na niya ako kaya hindi na ako nagsalita pa. Pero hindi ko itinago ang pagkadismaya at sakit na nararamdaman ko. “He confessed to me on my 18th birthday. I rejected him right away, but he didn’t accept it. Ang sabi niya, kapag hindi ko siya pinagbigyan sa gusto niya, sasabihin niya kay Ayanna na ako iyong…” napahikbi na siya at bakas sa mukha ang pagsisisi. “Sasabihin niya kay Ayanna na ako iyong babaeng gusto niya. Na ako iyong dahilan kaya… kaya hindi niya kayang pilitin ang sarili niya na gustuhin din si Ayanna. I swear, I swear to God, hindi ko gustong saktan ka, Ayanna. Mahal na mahal kita at kaya kong talikuran si Charlie. Hinding-hindi ko tatanggapin ang pag-ibig niya at–” “Do you like him, Lily?” putol ko sa pagpapaliwanag niya. Kumuyom ang kamao ko dahil hindi ko alam kung kakayanin ko bang marinig ang sagot niya. Pero hindi siya nagsalita at nagbaba lang ng tingin. Patuloy si Mommy sa paghagod sa likod ko para pakalmahin ako ngunit wala iyong epekto sa tindi nang nararamdaman kong hapdi sa puso ko. “Do you like him, Lily. Look at me and answer my question!” mariing utos ko sa kaniya. “Do you like him, too?!” pasigaw ko pang ulit sa tanong ko. “Y-Yes…” napilitang pag-amin niya saka dire-diretsong humagulgol. Maging ako ay napayakap sa Mommy ko at umiyak na rin nang umiyak. That shattered my heart even more. It’s f*****g official – Lily and I are liking the same man. Ang pagkakaiba lang, siya iyong pinili. Walang ibang naririnig sa kabuuan ng sala namin kung hindi ang mga pag-iyak namin ni Lily at ang pigil na pigil na paghikbi ng Mommy ko. “Hey, okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?” Napasinghap ako nang mabalik sa reyalidad ang isip ko at hindi namamalayang basang-basa na pala ng luha ang mukha ko. Nagmamadali akong nagpunas ng mga luha ko at inayos ang sarili ko. “Ah, s-sorry. May naalala lang ako,” tumalikod ako para hindi niya makita ang mukha ko. “Kanina pa ako nandito, pero parang hindi mo ako naririnig. Your eyes were closed and you’re crying bitterly,” salaysay niya. Muli akong suminghot at dalawang beses na huminga ng malalim. “Okay lang po ako, Sir – Hendrick. Huwag mo na akong alalahanin. Kain na tayo?” pilit kong pinasisigla ang boses at ngumiti ng maluwang. Natigilan lang siya saglit, pagkatapos ay tumango na at ngumiti sa akin. “This coffee is amazing! Galing ito sa Mexico at ipinadala lang sa akin,” pagbibida niya nang ilapag sa harapan ko ang kape. “Talaga. Thanks, ha? Masiyado na akong malaking abala sa iyo,” saad ko. natawa naman sa kaniya. “Kung kasingganda mo naman ang aabala sa akin, walang problema kahit gawin mo pa akong alipin mo,” suwabeng sagot naman niya. This time I laughed at him. He is really good with his jokes. Kahit nga sa klase namin kahapon, alive na alive ang lahat kahit medyo mahirap iyong subject niya kasi palagi niyang nasisingitan ng mga jokes. “Kumain ka na nga! Pati ako pinagti-trip-an mo pa,” nailing na lang na sagot ko. “Hindi kita pinagti-trip-an, ha? Maganda ka naman talaga, eh. Ang suwerte naman ng boyfriend mo,” sabi niya. Palihim kong nakagat ang pang-ibabang labi ko. Nagsinungaling nga pala ako tungkol doon. Wala naman talaga akong boyfriend, eh. “Eh, ikaw? Hindi ba magagalit ang girlfriend mo na mayroon kang ibang babaeng dinadalhan ng breakfast?” tanong ko sa kaniya. “Kung ikaw ang girlfriend ko magagalit ka ba?” balik-tanong naman niya sa akin kaya tumaas ang kilay ko. “Siyempre naman! Sino namang girlfriend ang matutuwa na may ibang babaeng inaasikaso ang boyfriend niya? Hay, naku, kayo talagang mga lalaki akala niyo–” “Hep, hep! Don’t stereotype! Remember, you are a future journalist, so you have to always act on facts and not just go with the flow,” bigla ay pangaral niya sa akin. Napaismid naman ako at umiling bago humigop ng kape. “Wow! In fairness masarap nga, ha?” komento ko. “I told you! Besides, wala naman akong girlfriend kaya wala kang dapat ipag-alala,” wala sa sariling napaangat ako ng tingin sa kaniya. Kumunot din ang noo ko at naguluhan ako sa sinabi niya. “Bakit naman ako mag-aalala?” naguguluhang tanong ko. “Basta wala akong girlfriend, asawa o ano pa man. I am single, period!” pagbibigay-diin pa niya at talagang seryoso iyong mukha niya. Sa akin naman, ano ngayon kung wala siyang girlfriend o asawa? Ano’ng pakialam ko roon? Bakit kailangan pa niyang bigyan ng emphasis? **** Hello guys, Start ko na itong i-Daily update. Basta hindi ako busy lagi itong may update. Salamat po sa support ninyo. May Special Chapter na rin po ang The Hotelier's Bride. Happy Reading!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD