“May pagka-OA kayo, Sir. Bakit ni’yo naman po ako papatayin, eh, wala naman akong ginagawang masama. Isa pa, kukunin ko lang po iyong pinamili ko kasi nga nagugutom na ako kaya kailangan ko nang magluto,” lakas-loob kong katuwiran. Kinakabahan ako na ewan dito sa puwesto naming dalawa. Bumibilis nang bumibilis ang t***k ng puso ko at parang lumalabo ang kakayahan kong mag-isip ng matino.
“Inaalok kitang kumain kanina, eh, ayaw mo naman. Tapos ngayon gutom ka naman pala. Sabayan mo na lang akong mag-dinner, okay? Nakaluto na ako, pero ikaw ay hindi pa kaya sakto lang,” deklara niya at sa wakas ay medyo lumayo na siya sa akin.
“Alam ni’yo, Sir, medyo nakaka-disappoint kayo,” komento ko. Hindi ko lang mapigilan. Tumaas naman ang kilay niya at parang naaaliw na tumingin sa akin.
“Nagmamagandang-loob na nga lang ako at inaalok kang kumain tapos disappointed ka pa? Kakaiba ka rin talaga, ano? No wonder, wala kang boyfriend!” biglang sagot niya kaya marahas akong napatingin sa kaniya.
“Sir, I am disappointed because you are talking to me, your student, half naked! Ganiyan ba ang tamang pakikipag-usap sa estudyante niyo? Isa pa, sino namang may sabi sa inyo na wala akong boyfriend?” eksaheradang angil ko sa kaniya. Hindi ko nga alam kung bakit bigla akong nag-o-over react sa sinabi niyang wala akong boyfriend dahil kakaiba ang ugali ko.
Iyon ba kaya ang dahilan kaya hindi ako nagustuhan ni Charlie? Ayaw ba niya ng isang katulad kong matapang at independent? Maganda rin naman ako, ah? Kung alindog lang ang pag-uusapan, hindi naman papahuli ang kagandahan ko kay Lily. Bigla na naman tuloy kumirot ang dibdib ko. Sa unang pagkakataon ay naikumpara ko tuloy ang sarili ko sa pinsan ko kahit hindi naman dapat.
“First of all, Ayanna, bahay ko ito. Tapos bigla ka na lang pumasok. Hindi ko kasalanang bagong ligo lang ako at nakatapis ng tuwalya. Pasalamat ka nga nagtapis pa ako, kasi karaniwan ay naglalakad lang akong nakahubad sa loob ng apartment ko dahil mag-isa lang naman ako rito,” dire-diretsong katuwiran niya.
Napalunok naman ako at mabilisang pinasadahan ng tingin ang paligid. Parang biglang pinasok ng kahalayan ang utak ko dahil nai-imagine ko iyong sinabi niya. Naglalakad ng nakahubad? Hindi pa ako nakakita ng lalaking adult na nakahubad. Kahit nga sa mga men’s magazines hindi ako tumitingin kasi pakiramdam ko noon nagtataksil ako kay Charlie.
“O? Bakit hindi ka makasagot?” untag niya sa akin. “Don’t tell me, you’re imagining me walking naked here?” pabulong niyang dagdag at tinapatan pa ang mukha ko.
Nanlaki naman ang mga mata ko at agad nag-iwas ng paningin. Uminit kasi ang magkabilang pisngi ko at para akong napahiya kasi gano’n nga iyong iniisip ko.
“Hindi, ah! Nasaan na po ba kasi iyong mga pinamili ko at nang makaalis na ako?” kunwa’y naiinis kong tanong. Pero hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya kasi alam kong namumula na ako.
“So, may boyfriend ka nga?” tanong niya imbes na sagutin ako. Napatingin tuloy ako sa kaniya nang wala sa oras.
“Opo, Sir meron po. Happy na po kayo? Baka puwede ko na pong makuha iyong mga pinamili ko,” pagsisinungaling ko naman.
“You know, what? One thing really good about you is that you don’t know how to lie. Magbibihis lang ako, tapos sabayan mo na akong kumain. Period,” tumalikod na siya at dire-diretsong bumalik sa pinanggalingan niyang kuwarto kanina.
Hindi na ako nakapagprotesta pa dahil naisara na niya agad iyong silid na pinasukan niya. Padabog akong naupo sa sofang narorooon. Nalukot ang mukha ko dahil lalong kumalam ang sikmura ko. Gutom na gutom na talaga ako.
Wala pang dalawang minuto ay nakabalik na ito. Nakasuot siya ng kulay blue na jersey shorts at puting sleeveless shirt. Mas kitang-kita pala ang magandang hubog ng katawan niya kapag ganito ang suot niya. At in all fairness, kahit hindi siya masiyadong maputi na gaya ng Daddy ko ay bagay sa kaniya ang complexion niya.
“Pasado na ba?” biglang tanong niya kaya napasinghap ako.
“Pasado po?” gulat at naguguluhang tanong ko.
“Tinatanong ko kung pasado na ba ako sa taste mo?” nakangising tanong niya.
“Taste? Anong taste po, Sir?” lalo akong naguluhan sa tanong niya. Taste sa ano? Sa lalaki? Oh, my gosh!
Natawa naman siya. “Never mind. Let’s go! I am already starving, too,” lumakad na siya papunta sa dining area niya. Nahagip pa ng paningin ko ang isang painting ng magandang dalaga sa gilid ng pinaka-living room niya.
“Sir, puwede po bang magtanong?” tawag-pansin ko sa kaniya. Huminto naman ito sa paglalakad at lumingon sa akin.
“What is it?” salubong ang kilay na tanong niya. Parang tuloy nagdugtong na iyong makakapal niyang kilay. Naalala ko bigla si Matt Bomer ng Hollywood. Medyo hawig kasi sila. Moreno version lang siya na kulay brown ang mga mata.
“Sino po iyong magandang babae sa painting na iyon?” tanong ko at itinuro ang tinutukoy kong larawan. Bigla namang nabura ang ngiti sa mga labi niya kaya kinabahan ako.
Malungkot niyang tinapunan ng tingin ang painting at saka magkasunod na buntong-hininga ang pinakawalan niya. I suddenly felt sad and ashamed.
“Okay lang naman po kahit hindi ninyo sagutin,” kinakabahang bawi ko rin sa tanong ko. Para kasing lumungkot ng husto iyong mga mata niya.
“She’s the most important lady in my life, aside from my mom,” malungkot nitong saad. Muli kong nilingon iyong painting at napalunok. Maluwang ang ngiti nito sa picture at sadyang napakaganda niya.
“Ang ganda-ganda po niya, Sir. Girlfriend ni’yo?” maya-maya ay masiglang tanong ko. Bigla kasing naging awkward ang paligid dahil nanahimik siya. Pakiramdam ko tuloy ang tabil-tabil ng dila ko at nakapagtanong ng something sensitive.
“Kain na tayo?” alok niya sa akin. Ibig sabihin ay ayaw niyang pag-usapan iyong babae. Bakit kaya? Baka nagkahiwalay sila? Heartbroken din kaya si Sir gaya ko? Kasi halatang lumungkot siya na mapag-usapan iyong magandang babae sa larawan. Napabuntong-hininga na lang ako at tumango.
Tumalikod nang muli si Sir at dumiretso na sa hapag. Tinapunan ko pa ng isang sulyap ang dalagang nasa painting bago tuluyang sumunod sa professor ko.
“Sir, mas mahal po ba ang renta ni’yo rito sa unit ni’yo?” natanong ko nang maupo na ako sa tapat niya. Kasalukuyan siyang naglalagay ng pinggan sa harapan ko at isinunod ang mga kubyertos. “Thank you po,” sambit ko. Bigla kasi akong nahiya na parang pinagsisilbihan pa niya ako, eh, samantalang makikikain na nga lang ako.
“Bakit mo naman natanong?” naupo na rin siya at nagsimula nang sumandok.
“Ah, para kasing mas malaki po ito saka mas maganda. Pati itong dining area ay maluwang at ganoon din ang kusina,” tugon ko. Muli ay nahiya ako kasi siya ang nagkarga ng pagkain sa plato ko. Kaya muli akong nagpasalamat.
“Yeah. Ito ang pinakamalaking unit dito sa apartment. Sige, na kain ka na,” udyok niya sa akin kaya tumango naman ako.
Kakaiba ang pakiramdam ko ngayong magkaharap kaming ganito. Although nahihiya talaga ako, pero mas magaan at parang unti-unti ay nagiging komportable na ako sa presensiya niya.
“Sir, anong pagkain po pala ito?” tanong ko. Para iyong mga maliliit na tube pero adobo iyong pagkakaluto.
“Hindi mo alam kung ano iyan?” tila hindi makapaniwalang tanong niya. Kinabahan naman ako. Dapat ba alam ko ito? Hindi tuloy agad ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin.
“Isaw ng baboy iyan. Ngayon ka pa lang ba makakakain niyan?” patanong na sambit niya dahil hindi nga ako nakapagsalita. Muli kong tiningnan ang ulam na nasa tabi ng kanin ko.
“Isaw? Sorry po, Sir. Ngayon ko lang po narinig iyan. Pero may alam po akong isaw iyong nakalagay sa stick ng barbecue. Pinatikim kami dati ng lola ko ng ganoon pero hindi na naulit kasi nagalit ang Dad–tatay ko. Masama daw po kasi iyon sa health,” sabi ko naman.
“Ah… pareho lang iyon. Iyong nasa stick ay isaw ng manok kaya maliliit. Ito naman, isaw ng baboy kaya malalaki. Masarap iyan. Try it,” udyok pa niya sa akin. Ilang beses naman akong kumurap at napatitig muli sa sinasabi niyang isaw.
Bigla kong nakagat ang pang-ibabang labi ko kasi ibig sabihin ay laman-loob ito ng baboy. Maliban sa atay, hindi pa ako nakakakain ng kahit na anong laman-loob ng baboy o baka. Iyon ngang sinasabi niyang isaw ng manok ay tikim lang noong mga bata kami ni Axton at hindi na naulit pa. Hindi kasi kami pinapakain ng mga street foods. Super big ‘no’ kay Daddy iyon dahil nga raw hindi sigurado kung malinis ang pagkakagawa.
“Ayaw mo ba? Itong pritong isda na lang ang kainin mo kung hindi ka komportable,” untag niya sa akin kaya nag-angat ako ng paningin sa kaniya. Kapag hindi ko kaya kinain ito ay mabubuko ako?
“Okay lang, Sir. Hindi naman po ako maarte sa pagkain,” alanganing sagot ko, pero hindi totoo iyon. Namana ko ang pagiging pihikan at maselan ng Daddy ko pagdating sa pagkain. Kaya maging ang pagngiti ko ngayon ay medyo hilaw din.
“Sure ka? Hindi bale, ako mismo ang nagluto niyan kaya siguradong masarap,” pahayag pa niya. Tumango naman ako at huminga nang malalim.
Sinimulan kong kumutsara ng kanin saka inilagay ang isang piraso noong isaw sa ibabaw. Pero habang naiisip ko na laman loob iyon o parang bituka yata, parang babaliktad na iyong sikmura ko.
Isinubo ko na iyon at at sinimulang nguyain. Okay naman iyong lasa kaya kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya.
“May problem ba?” agad niyang tanong. Binilisan kong nguyain ang nasa bibig ko saka nilunok bago sumagot.
“Parang may mapait siya. Okay naman po, Sir, kaya lang hindi ko siguro po talaga hilig ang mga ganito. But don’t get me wrong. It’s really good, it does,” mabilis ko namang depensa.
Hindi siya nagsalita at animo ay nagpipigil ng tawa. Ngunit mas lamang iyong tingin niyang tila naalis sa akin.
“I really like your accent, Ayanna. Para bang, sanay na sanay ka talagang magsalita ng Ingles mula pa noong bata ka,” komento niya at ipinagpatuloy ang pagkain.
“Hindi po, Sir. Mahilig lang po akong manggaya ng mga accent. Natutuwa po kasi ako,” kaila ko naman. Muli niya akong tinitigan na nakakunot ang noo. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero bahagya akong kinakabahan sa klase ng tingin niya sa akin. Para bang kayang-kaya niyang makita maging ang kaluluwa ko.
“You know what, Ayanna, I am hoping that someday you could be really honest with me. Pero hindi kita pipilitin. I will wait for that day,” seryosong pahayag niya. Napalunok naman ako at nanlamig ang mga kamay at paa ko. Ano’ng ibig sabihin ng binanggit niya?
“Thank you, Sir,” tipid kong tugon at ipinagpatuloy na ang pagkain. Hindi ko na itinuloy ang pagkain ng isaw kasi hindi ko talaga kaya. Mas gusto ko na lang magpakatotoo kahit man lang sa bagay na ito.
Lumipas pa ang ilang minuto na naging tahimik ang pagkain namin. Maliban sa mga paghinga namin ay tanging ang tunog at kalansing lang ng mga kubyertos ang naririnig. Pagkatapos ay bigla na namang pumasok sa isip ko iyong mga pagkakataong sabay-sabay kaming kumakain na buong pamilya. Pagkatapos ay magkukuwento si Daddy tungkol sa mga hilig niyang gawin noong bata siya o kaya tungkol sa love story nila ni Mommy.
Palagi kong nakikita kung gaano kalambing at kamaalaga ni Daddy kay Mommy. Ni ayaw niya itong napapagod o nahihirapan. Lahat ng katangian na hahanapin ng isang babae sa isang lalaki ay na kay Daddy na. Kaya nga pangarap ko talagang magkaroon ng asawa na kagaya niya. Iyong sobrang bait pero napaka-istrikto kapag nagalit. Medyo OA nga lang ang pagka-possessive niya kay Mommy kapag minsan.
“Ayanna, may I ask you a favor?” agaw niya sa pansin ko kaya muli akong napatingin sa kaniya.
“Ano po iyon, Sir?” magalang ko namang tanong. Tapos na akong kumain at ganoon din naman siya.
“Puwede bang huwag mo na akong tatawaging ‘Sir’ kapag tayong dalawa na lang gaya ngayon? Wala na ring ‘po’. Pakiramdam ko kasi lalo akong tumatanda kapag ‘po’ ka nang ‘po’ sa akin,” pakiusap niya. Ngunit iyon ay nagpagimbal nang lubos sa sistema ko.
Napatanga ako at napakurap-kurap. Pilit kong inuunawa iyong mga sinasabi niya at kung paano sasagot ng maayos na hindi naman siya mao-offend.
“B-Bakit naman po, Sir? Saka, iyon naman ang tama kasi ikaw ang professor ko. Ayaw ko naman pong maging bastos dahil napalaki naman po ako nang maayos ng mga magulang ko,” kinakabahang tugon ko.
Malungkot siyang ngumiti sa akin at nagbuga ng hangin. Nanatili lang ang pagtitig niya sa akin kaya naaasiwa tuloy ako.
“I want to be your friend, Ayanna. At parang awkward sa akin kapag tinatawag mo pa akong ‘Sir’ kapag tayong dalawa lang naman ang nag-uusap. Hindi mo ba ako mapagbibigyan?” ngayon ay may lambing na ang pakiusap niya. Maging ang ngiti niya ay tila nang-gaganyak na pagbigyan ko siya. Pero paano? Bakit?
“Susubukan ko po, Sir, kasi–”
“Say it!” putol niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko.
“Ho?” gulat kong tanong.
“Say my name… without a ‘Sir’ or po,” utos niya. Natigilan naman ako at mahinang suminghap. Lalong lumapad ang ngiti niya at titig na titig pa rin siya sa mukha ko.
Napalunok ako. “H-Hendrick.”
Nag-iwas ako ng tingin kasi mas sumisidhi ang paglakas ng pintig ng puso ko. Bakit parang ang sarap bigkasin ng pangalan niya na walang nakakakabit na anumang titulo.
“Again, please,” samo niya. Ako naman ang mahinang natawa.
“Hendrick,” ulit kong sambit sa pangalan niya, at sa pagkakataong ito ay hindi na ako nautal o kinabahan.
“See? It’s nicer, right? The next time you call me ‘Sir’, or magpo-‘po’ ka sa akin kapag tayo na lang dalawa, parurusahan kita,” mapaglarong banta niya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Ngunit tigib lang ng pagkaaliw ang mga ngiti sa mukha niya.
“Parusa? Ano pong klaseng parusa, Sir?” kabadong tanong ko.
“Kasasabi ko lang pero ginawa mo na agad,” tumayo siya at biglang nagpunta sa tabi ko. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa sandalan ng inuupuan ko kaya para akong nakulong sa dalawang bisig niya.
“Sorry, Sir – este Hendrick pala,” usal ko. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay naririnig ko na ang t***k ng puso ko.
“Light punishment muna dahil first offense pa lang naman,” sabi niya at bigla akong hinalikan sa pisngi. Malakas akong napasinghap sa ginawa niya at napaatras kaya gumalaw ang kinauupuan ko. Ngunit mahigpit niyang hawak ang sandalan niyon kaya hindi nagbago ang puwesto namin.
Nakapa ko naman ang pisngi kong nahalikan niya. Magaan lang iyon pero parang may kakaibang dating sa akin.
“Bakit mo ginawa iyon? Alam mo bang wala pang nakakahalik sa akin maliban sa pamilya ko? Who gave you the audacity to kiss me?!” asik ko sa kaniya. Kahit pisngi lang iyon hindi ako makapaniwalang siya ang kauna-unahang lalaking nakahalik sa akin maliban sa Daddy ko at kay Axton.
“Kaya may kasunduan na tayo ngayon. Kapag lumabag ka, parurusahan kita, understand, Ayanna?” tanong niya. Umawang ang mga labi ko at hindi yata naproseso agad ng utak ko ang gusto niyang mangyari.
Ang ibig ba niyang sabihin ay hahalikan niya akong totoo kapag nag-‘Sir’ ako o kaya ‘po’ sa kaniya kapag kami lang dalawa? Mabilis akong napasinghap at tinakpan ang bibig ko. Tiningnan ko siya ng masama.
“Teka lang. Hindi yata patas iyon? Saka normal lang naman na tawagin kitang ‘Sir’ o may ‘po’ kasi teacher kita! Isa pa, mas matanda ka naman talaga sa akin, ano!” asik ko sa kaniya. Lumusot ako sa ilalim ng mga braso niya para makawala sa pagkakakulong niya sa akin.
“Try me and you will see,” hamon pa niya sa akin.
“Nagkamali po kayo ng mapapag-trip-an, Sir. Kasi naturuan ako ng uncle ko ng tamang self-defense kaya mauuna po kayong magka-blackeye bago ni’yo magawa ang sinasabi ni’yo,” matapang ko namang sagot sa kaniya.
“Damn! You just committed second offense. Paano ba iyan, mukhang matitikman ko na ang matatamis na labi ng isang Ayanna Aguilar?” nakangising saad niya at saka lumapit papunta sa gawi ko. Napapaatras naman ako at lalong ninerbyos sa sinabi niya.
“Huwag kang lalapit sa akin, tatamaan ka talaga!” angil ko sa kaniya. Pero ni hindi man lang siya kinabahan o ano. Para ngang naaliw pa siya sa ginagawa niya.
“Really? Eh, di bugbugin mo ako. Walang problema,” balewalang sabi niya lang at mabilis na lumapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko pero mabilis kong pinagana ang utak ko.
Sinubukan ko siyang suntukin sa mukha pero madali lang niya iyong naiwasan. Sinubukan ko siyang sampalin pero nakangiti lang niyang tinabig ang kamay ko. Pagkatapos ay nahawakan niya ang dalawang pulsuhan ko at isinandal ako sa dingding. Sinubukan ko siyang apakan at tuhurin pero mabilis lang din niyang naiwasan iyon. Ikinulong niya ang mga binti ko sa pamamagitan ng mga binti niya.
Ibinaba niya pareho ang mga kamay kong hawak niya at pinagkrus iyon sa likuran ko saka idinikit ang katawan niya sa akin.
“T-Teka, anong ginagawa mo?” inis ko nang asik sa kaniya. Hindi na kasi ako makagalaw at maging ang mga hita ko ay inipit na ng dalawang paa niya.
“Akala ko ba, gugulpihin mo ako? Paano ba iyan, napakadali na lang sa akin ngayon na halikan ka…” sambit niya at sinabayan pa ng makahulugang ngiti. Kahit ano’ng gawin kong pagpupumiglas ay wala akong laban sa lakas niya.
“Mayabang ka lang kasi mas malaki at mas malakas ka sa akin!” angil ko sa kaniya.
“Exactly. I am bigger, stronger and smarter! Kaya ikaw ang susunod sa gusto ko,” pahayag niya. Tinaliman ko naman siya ng tingin.
“Fine. Pakawalan mo na ako! Sige na panalo ka na!” sigaw ko sa kaniya. nakakainis! Wala pang nakagawa ng ganito sa akin. Malay ko bang magaling pala sa martial arts itong lalaking ito? Buwisit!
“Hindi mo pa nakukuha ang parusa mo,” paalala niya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko at sunod-sunod na umiling.
“I promise, I won’t call you, ‘Sir’ anymore when we’re alone. Please, Hendrick. Huwag mong gawin sa akin ito,” pakiusap ko na sa kaniya. Ni minsan ay hindi pa ako nakiusap ng ganito. Hindi biro ang gusto niyang gawin at lalong hindi ko rin gusto ang nagiging epekto ng pagkakadikit naming dalawa ng ganito. Something really weird is making my heart beats faster than the usual.
“You promise?” paniniguro pa niya kaya sunod-sunod akong tumango.
“Yes. I promise!” gustuhin ko mang itaas bilang pangangako ang isang kamay ko ay hindi ko magawa dahil hawak niya ito.
Pawis na pawis ako nang sa wakas ay pakawalan na niya ako. Hinihingal din ako sa pagod. Sa loob-loob ko ay kumukulo ang dugo ko sa kaniya at gustong-gusto ko siyang sapakin. Kaya lang, baka kapag ginawa ko iyon ay kung ano’ng gawin niya sa akin. Nasa loob pa naman ako ng teritoryo niya, kaya puwede niyang gawin ang gusto niya. Lalo na at kusa akong pumasok rito sa apartment niya.
“Good! Madali ka naman palang kausap. I will formally introduce myself, then. I am Henrick Castriano,” inilahad niya sa akin ang kamay niya.
“Ayanna. Ayanna Aguilar,” tinanggap ko ang pakikipagkamay niya at tinugon ang ngiti niya kahit na napipilitan lang ako. Banayad pa niyang pinisil ang kamay ko bago niya tuluyang binitiwan.
“Thank you for accompanying me to my dinner, Ayanna,” sambit niya. Inayos pa niya ang nagulong buhok ko saka pinunasan ang pawis sa noo at ilong ko.
“Salamat din sa masarap na dinner,” tugon ko naman. “Puwede ko na bang makuha nag mga pinamili ko?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya.
Tinungo niya ang kusina niya at mula roon ay binuksan niya iyong maliit na pintuan at inilabas mula roon iyong mga pinamili ko.
“Let’s go! Ihahatid na kita sa unit mo,” sabi niya at nilampasan na ako at tuloy-tuloy na siyang lumakad papunta sa pintuan.
“Teka, hindi pa naligpit iyong mga pinagkainan natin. Saka sinong maghuhugas ng mga iyon?” tanong ko. Huminto siya at nilingon ako.
“Bakit marunong ka bang maghugas ng pinggan?” tanong niya. Napalunok na naman ako. Pero hindi ako nagpahalata.
“Siyempre naman, no! Para iyon lang,” matapang kong sagot. Pero sa totoo lang, sa buong buhay ko ay hindi ko pa nasubukang maghugas ng pinggan.
“Huwag mo nang alalahanin iyon. Kayang-kaya ko na iyon. Magpahinga ka na dahil alam kong napagod ka ngayong araw,” sabi na lang niya pagkatapos titigan ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti pa siya kanina habang tinitingnan ang mga daliri ko.
Hindi na ako sumagot at sumunod na lang sa kaniya. Ngunit napasinghap ako nang malakas dahil pagbukas niya ng pintuan ay tumambad sa amin iyong tatlong matatandang babae kanina sa baba. Gulat na gulat ang mga ito na nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin. Halata sa mga pagmumukha nila ang kakaibang pagdududa kung bakit ako nasa loob ng unit ni Hendrick. s**t!
****
Walastik din kasi itong si Prof eh, gusto agad maka-first base sa bibi Ayanna namin hahaha
Guys, pasensya na kung ngayon lang ako naka-update. Inasikaso ko iyong mga book ni Vinzon ng weekends kaya nai-ship na Iyong First batch. Salamat po talaga support!!! Sana po ay mas marami pang pagpapala ang ipagkaloob ng Panginoong Diyos sa inyo. Sa mga gusto pa pong mag-order, chat nio lang po ako sa F@ceb0ok account ko na MissThinz Dreame.