Chapter 3 Hurtful Past

3606 Words
Hanggang marating namin ang apartment ay naging tahimik kami pareho. Nagpapasalamat naman ako na hindi na siya nag-ungkat pa sa sagot ko. “Sino iyan, Sir Hendrick? Girlfriend mo?” tanong ng isang matandang babae. Iyong dalawang kasama naman niya ay tinataasan ako ng kilay. “Bakit po, Aling Josie? Bagay po ba kami?” nakangising tanong naman ni Sir Hendrick kaya nanlaki naman ang mga mata ko. “Naku, mali po kayo ng iniisip. Hindi po niya ako girlfriend. At kahit kailan ay hindi po niya ako magiging girlfriend,” mabilis ko namang depensa sa sarili ko. Tinitigan lang ako nitong tinawag ni Sir Hendrick na Aling Josie kanina. Nagbubulungan naman iyong dalawa pang kasama niya. “Mabuti naman! Hindi naman kasi kayo bagay!” mataray na sambit ng ale. Imbes na mainis ay natawa naman ako sa kaniya. “Tama po kayo. Sige po, ah? Mauna na po ako sa inyo. Magandang gabi po!” nginitian ko na lamang din iyong dalawa pang ginang. Tumango naman sila sa akin. “Hey!” tawag sa akin ni Sir Hendrick noong malapit na ako sa dulo ng hagdan paakyat ng second floor. “Bakit mo sinabi iyon? Are you trying to insult me?” tugis niya sa akin. Nagulat naman ako at nanlaki ang mga mata ko. “Ano pong ibig ninyong sabihin, Sir? Saka wala po akong intensiyon na insultuhin kayo,” magalang ko pa ring tugon. Nalilito kasi ako sa inaasta niya. Paano, as in mukha talaga siyang galit. “Bakit parang pinapalabas mo sa mga matatanda na hindi ako boyfriend material? Puwede mo namang sabayan na lang sana iyong joke pero kinontra mo agad,” halos paasik na niyang pahayag sa akin. Lalo naman akong nalito. “Teka lang ho, Sir. Ang sabi ko lang po, hindi ninyo girlfriend at kahit kailan ay hindi magiging tayo. Ano po ba ang masama doon?” katuwiran ko. “Damn it!” mahina ngunit galit na usal niya at mabilis nang lumakad para lampasan ako. Walang lingon-likod na tinungo niya ang unit niya at pumasok doon. Naiwan akong tulala at litong-lito sa inasal niya. “Ano kaya ang problema no’n?” napabuntong-hininga na lamang ako at nailing. Hinanap ko ang susi ng unit ko at binuksan ang pintuan. Pagpasok ko sa apartment ko ay naupo ako sa maliit na sofa at ipinatong ang mga paa ko sa maliit na lamesa sa gitna. Ipinikit ko ang mga mata ko at bigla na lamang umagos ang mga luha ko. “I miss you, Mom and Dad. I miss you, Axton, Maggie and Maliyah. I miss you all guys,” sambit ko at nauwi na sa hikbi ang pagluha ko. I know they are also hurting now because of my absence. Lalo na ang Daddy ko. I am my Dad’s favorite child. Kahit kailan ay walang makakapantay sa pagmamahal niya para sa akin. Pero kinailangan ko siyang iwan dahil sa matinding sakit na dinanas ko sa aking unang pag-ibig. I can still remember that painful night – the night that broke my heart and made me cry for days. “Ayanna!” tawag sa akin ni Lily. Huminto naman ako sa pagtakbo nang mabosesan si Lily. I turned around to face her. Nakita ko kung paanong bumalatay ang matinding sakit sa mga mata niya nang makita akong luhaan. “Lily, he doesn’t like me. He said he’s in love with someone else! Sino ang babaeng iyon? Mas maganda ba siya sa akin? Mas matalino ba at mas mayaman? Ano’ng meron siya na wala ako at mas pinili siya ni Charlie?” sunod-sunod ang nagdadalamhating tanong ko. Ngayon ay ganap nang nakalapit sa akin ang pinsan kong si Lily na gaya ko ay luhaan na rin. Niyakap niya ako at tuluyan na ring naiyak. Dahil doon ay lumakas pa ang iyak ko at halos hindi na ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman ko. “Ayanna, anak?” Pareho kaming mahinang napasinghap sa kalagitnaan ng pag-iyak nang marinig ang boses ni Mommy. Lalo lang akong naiyak at bumitiw kay Lily para kay Mommy naman yumakap. “Mommy!” parang batang sumbong ko nang yakapin na ako ng Mommy ko. she hugged me tighter, like she wanted to take away all the pain but can’t. “Shh… my love… it’s alright. It’s alright. Daddy and I are here for you, baby,” pang-aalo niya sa akin. Nagulat naman ako nang tingnan ni Mommy ang pinsan ko nang may galit sa mga mata. Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. Nagbaba ng tingin si Lily at mabigat ang dibdib na iniwan kaming mag-ina. Kasunod din niyon ay ang pagdating ni Daddy. Lalong bumaha ang kirot sa dibdib ko nang lapitan niya ako at haplusin ang ulo ko. Pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ko. “Ni minsan, hindi ako nagpaiyak o nanakit ng babae intentionally, kaya hindi ko alam kung bakit kailangang masaktan ngayon ng ganito ang anak ko,” may bikig sa lalamunang sambit ni Daddy. “Dad, I love him. I love him so much!” humihikbi kong sambit. Tumango-tango si Daddy at saka huminga ng malalim. I know they are both hurting for me, too, but I didn’t mean this to happen. Nang sumunod na araw ay patuloy lang ako sa pag-iyak. Inihatid ako nina Mommy at Daddy sa kuwarto ko at hindi nila ako iniwan. Nagkunwari na nga lang akong tulog para iwan na nila ako. Ngunit pag-alis nila ay doon na naman bumuhos ang mga luha ko. Inilubog ko ang mukha ko sa unan upang walang makarinig sa pag-iyak ko. Ayaw ko nang dagdagan pa ang pag-aalala nina Daddy at Mommy. “Ayanna, anak, please open this door. Please, baby. You’re making me so worried,” narinig ko ang pakiusap ni Mommy. I know that she’s crying, too. But I just couldn’t think of anything else but my great pain. Nakatulala lang ako at nakatingin sa kawalan ngunit tumutulo lang ang mga luha ko. “Leave me alone! I don’t want to talk to anyone!” walang buhay kong tugon. Naka-lock kasi ang pintuan ko. Nakadapa ako sa kama ko at hinayaan ang tila walang katapusang pag- agos ng mga luha ko. I started loving Charlie when I was 11. He was always nice and smiling brightly at me. On my sixteenth birthday, I promised to lock my heart and save it only for him. Sobarng excited ako sa pagdating ng araw na ito dahil dito ko na maipagtatapat sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. I am Ayanna Aguilar and I always say what is inside my heart, and so I did. Pero sa huli, ito ang kinalabasan. “Ayanna… si Lily ito,” napahinto ako sa pag-iyak. Bumaba ako ng kama at tinungo ang pintuan. Maliit lang na awang ang bukas na ginawa ko doon. “Puwede ba akong pumasok?” pakiusap niya. Napatingin ako kay Mommy bago ako tumango. Bahagya kong niluwangan ang bukas ng pintuan para makapasok siya. “Mom, I’m alright. Huwag ni’yo na po akong alalahanin. Ayaw ko lang po munang lumabas at makipag-usap sa kahit kanino,” marahan kong saad kay Mommy. “Ayanna, hindi ka pa kumakain mula pa kaninang umaga,” paalala ni Mommy at alam kong nagpipigil lang din siyang maiyak. “Hindi po ako nagugutom, Mom. Please po, huwag ni’yo na po akong pilitin,” ako naman ang nagsumamo. Awang-awa siyang tumingin sa akin saka lumingon. And I hate to see those kinds of looks. Nagpaalam na ako sa kaniya at isinara ang pintuan. Ayaw na ayaw kong kinaaawaan ako ng mga tao. Hindi ako kawawa. Hindi kawawa ang magmahal ng wagas, kahit na may kaakibat pa itong matinding sakit. “Naparito lang ako para magpaalam sa iyo. Bibiyahe na ako papuntang Russia bukas. Pagkatapos ay didiretso na ako ng Switzerland,” marahang pahayag ni Lily nang maupo kami pareho sa gilid ng kama ko. “Good for you. Huwag mo na akong alalahanin pa kasi okay lang ako,” sagot ko naman. “I am really, really sorry, Ayanna. Sorry,” bigla na lamang siyang humagulgol nang malakas kaya napasinghap ako. Yumakap pa siya sa akin at naging masaklap talaga ang pag-iyak niya, kaya naman kumunot ang noo ko. “I’m okay, Lily. Bakit ka ba nagso-sorry? Ayos lang talaga ako, kaya huwag ka nang mag-alala. Mag-concentrate ka na lang sa pagre-review mo para makapasa ka sa entrance exam,” payo ko naman sa kaniya. Ngunit lalo lang siyang umiyak. “Kahit kailan, hindi ko gugustuhing masaktan ka, Ayanna. I am really sorry,” patuloy pa niyang hikbi. Gumuhuhit na naman ang hapdi sa dibdib ko kaya kinailangan kong bumuntong-hininga. “Alam ko naman iyon. Huwag mo na akong isipin, please. You need to pass the exam. Matagal mo nang pangarap ang makapag-aral sa Switzerland, hindi ba? Don’t ever let my own problem to weigh you down, okay? Kaya ko ito. Baka nabigla lang si Charlie sa confession ko kaya gano’n,” sabi ko. bahagya siyang huminto sa pag-iyak at nag-angat ng paningin sa akin. “A-Anong ibig mong sabihin?” tanong nito. Mapait akong ngumiti at pilit na pinakakalma ang sarili. “Hindi ako susuko, Lily. Siguro nga masiyado lang akong naging agresibo sa pagtatapat ko ng damdamin kay Charlie. Maybe all we need is enough time to know each other’s feelings better,” sabi ko. Sa buong magdamag kasi ng pag-iyak ko ay parang hindi ko matanggap na gano’n-gano’n lang iyon. I have to fight for my heart. Kikilalanin ko kung sino ang sinasabi ni Charlie na gusto niyang babae. Kung kailangan kong makipagkumpitensya ay gagawin ko.’Yan ay upang maipaglaban ko lang kung ano ang gusto ko. Tila nasisindak namang tumingin sa akin si Lily. Pinahid pa niya ang mga luha sa mukha niya. “Ano’ng gagawin mo?” tanong nito. Nagkibit-balikat naman ako. “Wala pa sa ngayon. Gusto ko lang munang mapag-isa,” tugon ko naman. Tumitig lang siya sa akin at hindi nagsalita. “You know you are the sister I never had, right? Mahal na mahal kita, Ayanna. Kaya ngayong nasasaktan ka ay para na rin akong pinapatay sa sakit,” sambit pa niya. Dahil doon ay sumungaw na naman ang luha sa mga mata ko. Napayuko ako at suminghot para pigilin ang muling mapahikbi. “Good luck with your examination, okay? Pasensiya na kung hindi kita masasamahan ngayon. I just want to mend my broken heart – alone.” Pagkatapos ng pagdalaw ni Lily ay dalawang araw pa akong nanatili sa silid ko at tahimik na ipinagluksa ang kasawian ng puso ko. Pero sa pagkakataong ito ay naiisip kong hindi puwede ang ganito. Kailangang gawin ko ang lahat ng makakaya ko para wala akong pagsisihan sa huli. Kaya bumangon ako at naligo. Nagbihis ako ng magandang dress at inayusan ang sarili. Light makeup lang ang inilagay ko at saka lumabas na ng silid ko. “O, anak, may lakad ka ba?” masiglang tanong ni Mommy. Halatang nagulat ito na makita ako rito sa sala pero hindi rin naman maitatago ang tuwa sa mukha niya. Tumango naman ako. “Yes, Mom. I just want to unwind a bit,” pagdadahilan ko. Pero sa totoo lang, papunta ako ngayon sa bahay ni Charlie. Ilang araw din siyang pabalik-balik dito sa bahay at gusto akong kausapin pero hindi ako nagbukas ng pintuan ng kuwarto ko. Sa mga panahong iyon ay hindi pa ako handang harapin siya nang hindi bibigay ang emosyon ko. Alam ko ring galit sa kaniya ang mga magulang ko kahit hindi naman niya iyon kasalanan. Kaya ngayon ay kakausapin ko siya. All we need is a chance. “Talaga? Mabuti pa nga, anak. Pero huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo, okay?” bilin naman niya. Mabilis akong tumango. “Of course, Mom! Hindi pa naman ako gano’n kadesperada,” I faked a smile so she won’t feel worried about me. “Sige. Mag-ingat ka. Please bring with you your bodyguards, okay?” tumango ako at lumapit sa kaniya. Humalik ako sa pisngi niya. “I love you, Mommy!” lambing ko. “I love you, too, baby. You will always be my baby, Ayanna!” mas malambing niyang saad. Kumaway na ako at lumakad paalis. Para kasing naiiyak na naman ako sa sinabi niya. Pagdating ko sa bahay ni Charlie ay binati agad ako ng mga guwardiya. Kilala na rin kasi ako ng mga ito. “Hello, Ma’am Ayanna!” bati sa akin ng isa sa mga kasambahay. “Hi, po, Manang Laura. Si Charlie po?” magalang kong tanong. “Nasa garden, Ma’am. May usapan po ba kayong magkikita ngayon? Naroroon na rin kasi ang pinsan ni’yong si Lily,” pagbibigay-alam nito sa akin. Bahagya namang nabura ang ngiti ko at nagsalubong ang mga kilay ko. “Nandito po si Lily?” nagtatakang tanong ko. Ang sabi kasi sa akin ni Lily noong pumunta siya sa bahay three days ago ay bibiyahe na sila papuntang Russia. Tapos diretso na rin siya ng Switzerland para sa entrance exam niya sa university. Paanong nangyaring nandito siya? “Ah, opo. Sige po, didiretso na ako roon,” sabi ko na lang kahit na hindi ko pa rin alam kung ano ang iisipin. Ngunit ang ipinagtataka ko pa ay kung bakit lumalakas ang pintig ng puso ko. “Okay, Ma’am. Dadalhan ko na lang po kayo ng miryenda doon,” sabi nito. Ngumiti at tumango na lamang ako sa kaniya. Hindi na ako sumagot pa at pinuntahan na ang garden. Ngunit isang eksena ang ni sa hinagap ay hindi ko inasaahan na makikita ko. Nabitiwan ko ang cellphone ko pati ang bag ko. Nanigas ang buong katawan ko ngunit ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Nakaupo si Charlie habang nasa kandungan niya si Lily at mainit silang naghahalikan. Nakayakap si Charlie sa baywang ni Lily habang si Lily naman ay nakayakap sa leeg ni Charlie at tinutugon din ang halik nito. Daig ko pa ang tinamaan ng kidlat sa oras na iyon at ni hindi ko namalayang parang gripo na pala ang paghulas ng mga luha ko. Parang dinidikdik nang pinong-pino ang puso ko at halos himatayin na ako sa sobrang sakit na ngayon ay parang lason na mabilis na kumalat sa buong katawan ko. “Bakit? B-Bakit?” nausal ko. Gimbal silang napahinto pareho sa ginagawa at sobrang bilis na umalis si Lily sa kandungan ni Charlie. “Bakit?” paulit-ulit kong sambit. Maging sila ay tulala at awang ang mga labing nakatunghay sa akin. Si Lily ay umiiyak na rin ngayon at umaalon-alon ang dibdib. Tila ba takot na takot siya habang nakatingin sa akin. “A-Ayanna?” nagawa niyang maibulalas makalipas ang ilang segundo ng pagkagimbal. Nakita ko naman ang awa sa mukha ni Charlie kaya lalong sumidhi ang kirot sa puso ko. Napalunok ako. Kung puwede lang ay bawiin na lang sana ng Diyos ang buhay ko sa pagkakataong ito. O kaya ay gisingin na niya ako at ipaalam sa akin na isa lamang bangungot ang lahat ng ito na nasaksihan ko. O kaya naman ay ipamulat sa akin na panaginip lang ang lahat, dahil alam kong hinding-hindi ako pagtataksilan ni Lily. Hindi totoo ang lahat ng ito. “Ayanna, please, I can explain,” pagsusumamo ni Lily at akmang lalakad papalapit sa akin pero agad akong umiling at napaatras. “Nananaginip lang ako… hindi ito totoo,” nausal ko sa sarili. Tuloy-tuloy lang ang pag-iling ko. “This is true, Ayanna. Hindi ka nanaginip. Wala tayo sa panaginip. Si Lily, si Lily ang babaeng mahal ko, kaya kahit kailan ay hindi ko maibibigay ang pag-ibig na gusto mo,” tahasang pag-amin ni Charlie. Sa ikatlong pagkakataon ay dinurog na niya nang tuluyan ang puso ko. “Charlie! Hindi totoo iyon, Ayanna! He blackmailed me kaya ako nandito ngayon,” depensa agad ni Lily sa sarili. Ngunit lalo lang nagngitngit sa galit ang kalooban ko dahil sa ginawa niya. “Ngayon ay gusto mo pa akong gawing tanga, ha, Lily? Gaano na katagal ito? gaano na katagal mo akong niloloko?” basag ang boses na sumbat ko. “Ayanna, hindi kita niloloko. Please, makinig ka muna. Please,” halos maglumuhod na siya sa pakikiusap pero umiiling ako. “Kanina, habang hinahalikan mo siya, hindi ganoon ang napipilitan, Lily. Bakit sa ganito ko pa kailangang malaman? Bakit hindi mo na lang sinabi sa akin? Bakit?” nanghihinang sumbat ko sa kaniya. Ni hindi ko magawang magsisigaw at awayin siya. Sa tindi ng sakit na nararamdaman ko ay nawalan na ako ng lakas para magwala at manumbat. “Ayanna, hindi gano’n iyon! Please, makinig ka,” humahagulgol niyang pagmamakaawa. “Lily…” may pag-aalalang lumapit sa kaniya si Charlie at hinawakan ang braso niya. “Let go of me! Kasalanan mo ito! kasalanan mo ito!” pinagsisigawan niya si Charlie at kaliwa’t kanang sinampal. Pinulot ko ang bag at cellphone ko. Tumalikod na ako sa kanila. Punong-puno ng maraming ‘bakit’ ang isip ko. Ngunit habang maraming tanong ay lalong nagiging mas masakit ang lahat. Sobrang sakit na hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako. “Ayanna, wait!” hinawakan ni Lily ang isang braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad. “Bitiwan mo ako, Lily. Utang na loob, bitiwan mo ako,” nagtatagis ang mga ngiping utos ko sa kaniya. “Pakinggan mo ako, please…” pagsusumamo niya. Ngunit sa pagkakataong ito ay marahas kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya. Hinarap ko siya at matalim na tiningnan. “Ang unfair, Lily. Ni hindi kita magawang sampalin sa kabila ng mga nasaksihan ko dahil mahal na mahal kita. At dahil sa pagmamahal na iyon, kaya lalong mas masakit ang lahat. You betrayed me. How could you do that to me?” tanong ko. Hinang-hina ang boses ko at ganoon din ang pakiramdam ko. “Wala siyang kasalanan, Ayanna. Ako, ako ang may kasalanan ng lahat. Ako iyong nanakit sa iyo, pero kahit kailanman ay hindi ko ginustong saktan ka. Mahalaga ka rin sa akin, pero hindi natuturuan ang puso kung sino ang gusto nitong mahalin,” paliwanag naman ni Charlie. Napapikit ako. Hindi ko na kaya. Kapag hindi pa agad ako umalis dito ay tiyak na mawawalan na ako ng malay. Tinalikuran ko na silang muli at sa pagkakataong ito ay mabilis na akong naglakad palayo sa kanila. Ilang beses na tinawag nina Charlie at Lily ang pangalan ko pero nanlalabo na ang paningin ko. At nang eksaktong marating ko ang kotse ko ay nagdilim na ang lahat sa akin at tuluyan na akong nawalan ng malay. Idinilat ko ang mga mata ko. Basang-basa ng luha ang mga mata ko. Napakasakit pa rin na alalahanin ang mga nangyari. Parang kahapon lang iyon ngunit patuloy lang na sumusugat sa puso ko. Biglang kumalam ang sikmura ko kaya naalala kong si Sir Hendrick pala ang may bitbit ng lahat ng pinamili ko kanina. s**t! Nakalimutan kong kunin sa kaniya. Marahas akong bumuntong-hininga at lumabas ng unit ko para pumunta sa kabila. Huminga pa ako ng malalim bago pinindot ang doorbell. Ngunit nakailang pindot na ako ay wala namang nagbubukas. “Ano’ng nangyari do’n?” nagtatakang tanong ko. Kaya sinubukan kong pihitin ang seradura at bumukas naman iyon. “Hindi siya nagla-lock?” usal ko. “Sir? Sir? Hello? Kukunin ko lang sana iyong mga pinamili ko. Naisama niyo po yatang nailagay sa mga groceries ninyo. Pumunta lang ako para kunin kasi nagugutom na ako,” sabi ko habang tuloy-tuloy na pumasok. Napa-‘wow’ ako nang makitang napakaayos ng loob ng unit niya. May ilang paintings na nakasabit sa dingding niya at talagang magaganda ang mga ito. Naalala ko tuloy si Tita Raiza. Magaling din kais siyang mag-paint. “Sir? Nasaan po kayo?” muli ay tawag ko sa kaniya pero walang sumasagot. Bigla naman akong nahiyang gumala pa dito sa bahay niya. Nasaan kaya ang kusina? Kasi baka doon niya inilagay iyong mga– Napatili ako nang maramdaman ang isang bisig sa baywang ko at bigla akong maisandal sa pader. Tutuhurin ko pa lang sana kung sino man ito ngunit hindi natuloy dahil si Sir pala. “S-Sir?” pigil ang hiningang usal ko. “Ano’ng ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?” iniharang niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko at biglang kumabog ang dibdib ko. “Ah…” tumikhim ako. Hindi ko alam kung bakit bigla ay nanlalamig ang mga kamay at paa ko. “Nakabukas iyong pinto. Kukunin ko lang po sana iyong mga pinamili ko kasi nagugutom na po ako, Sir,” mabilisang paliwanag ko kahit kinakabahan ako. “Really? O baka naman may iba kang balak at sinamantala mong nakabukas ang pintuan ko,” mahina ngunit kakaiba ang tonong sagot niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at agad na umiling. Ang awkward pa naman nitong posisyon namin. Ni hindi ako makagalaw kasi nakatapis lang siya ng tuwalya at walang pang-itaas. Mukhang katatapos lang niyang maligo. Actually, ang bango-bango niya pati ang hininga niyang tumatama sa pisngi ko. Hindi naman ako makatingin nang diretso sa kaniya. “Hindi po ako masamang tao, Sir. Kukunin ko lang po talaga iyong mga pinamili ko,” giit ko naman. “Alam mo bang trespassing ang ginawa mo ngayon? Kahit ano pa ang gawin ko sa iyo dito, kahit patayin pa kita ay maaari,” sambit niya. Kaya sa pagkakataong ito ay napatingin na ako sa kaniya na namimilog ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala iyong Korean series na pinanood namin ni Lily. Ang kalaban doon ay iyong psycho na professor. Hindi kaya, may pagka-psycho rin itong si Sir Hendrick? Oh, my gosh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD