Paggising ko kinaumagahan ay nakahubad pa rin ako pero may makapal na comforter ang nakabalot na sa katawan ko. Mag-isa na lang ako sa silid at doon ko lang napansin na fully airconditioned pala itong kuwarto na naging piping saksi sa aking estrangherong karanasan. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang manumbalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi. Nagalit siya, pagkatapos ay ginawa niya sa akin ang bagay na iyon. Is that considered s*x already? Ibig sabihin ba niyon ay hindi na ako virgin? s**t! My Dad will absolutely kill me if he learned about this. “Breakfast in bed for my queen!” nag-angat ako ng paningin nang bumukas ang pintuan at bumungad doon si Hendrick. Nag-init naman ang mga pisngi ko at mabilis akong yumuko. Hindi ko tuloy ma-imagine ngayong matino na ulit ang isip ko na h

