“Hi, Ayanna!” kumaway pa siya sa akin habang nakangiti nang maluwang. Natulala ako at literal na hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Ilang beses akong kumurap dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. “A-anong, ginagawa mo rito? Saka, pa-paano mo nalaman ang…” nauutal ako dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Biglang nanlamig ang mga kamay at paa ko. “I think we need to talk before I do what I need to do. Besides, kailan ka pa gumaling managalog ng ganiyan?” lumapit na siya sa akin kaya tiningala ko siya. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung para saan ang matinding kabang nararamdaman ko ngayon. “Why are you here?” ulit kong tanong. “Do you really think it will be difficult to find you?” naaalis niyang tanong. Lalong umarangkada ang kaba sa dibdib ko. “Please don’t tell

