CHAPTER 24: Ngunit Hindi Na Puwede

3013 Words
CHAPTER 24: Ngunit Hindi Na Puwede  > ARJAY HINDI AKO MAPAKALI sa naramdaman ko, kaya agad akong nagmaneho pabalik ng bayan. Ni hindi ko pa nakikita si mama. At ni hindi pa nga ako nakahakbang palapit sa pinto ng aming bahay. Matinding kaba ang naramdaman ko at hindi maalis sa utak ko si Tres. Malapit sa bahay nila ang nangyaring pagpatay sa lalaki. Alam kong bampira siya at makakaya niyang ipagtanggol ang sarili niya kaya kalokohan na alalahanin ko pa siya! Pero tinuloy ko pa rin ang pagmamaneho hanggang sa marating ko ang bahay niya. Kahit pa may takot rin ako para sa kaligtasan ko. Naghintay ako sa labas ng gate. Nadaanan ako ng mga rumurundang barangay tanod, buti kilala ako ng ilan sa kanila na nakatira sa bahay ni Tres. Sinabi ko na lang na kararating ko lang mula sa trabaho at papasok nan g bahay. Gusto kong tawagan si pinsan ngunit lowbat na ang cellphone ko. Gusto ko na rin tawagin si pinsan, ngunit ayaw kong malaman ni Tres na nandito ako. Gusto ko lang malaman na… na okay sila… siya. Gusto ko lang mawala ang kaba ko. Hindi ko na gustong muling maging bahagi siya ng buhay ko. Dati pa, dapat hindi ko na talaga hinayaang maging malapit sa kanya. At nang mawala siya, dapat hindi ko na siya inalala. May tumamang liwanag sa akin mula sa papalapit na motor. At huminto ito malapit sa kinatatayuan ko. Ang ayaw ko nang maging bahagi ng buhay ko, ang gusto ko nang kalimutan, ay nasa harapan ko. Hindi ko man siya gaanong makita dahil sa liwanag ng ilaw ng motor, ngunit nakikilala ko siya. Namatay ang ilaw ng kanyang motor. Mas napagmasdan ko siya sa tulong ng ilaw ng poste na nasa malapit. Nakatingin din siya sa akin. Nagtatama ang aming mga mata. Alam kong walang nangyaring masama sa kanya dahil nasa harapan ko siya ngayon, ngunit mabilis pa rin ang pagpintig ng puso ko. Napuna ko ang dugo sa kanyang suot na damit. Alam kong hindi disenyo ng suot niya ang pulang bagay sa kanyang gray na damit. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang tanungin kong ano ang nangyari… Ngunit hindi na puwede. Yumuko siya. Naglakad siya palapit sa gate at binuksan ito. At tahimik siyang pumasok akay ang kanyang motorsiklo. Lumapit sa akin si pinsan Mengil pagkababa niya ng kanyang motor. Niyaya niya akong pumasok sa bahay. Hindi ako nakaimik agad. Puti ang damit ni pinsan at kitang-kita sa damit niya ang dugong pinunas rito. Nagpaalam ako kay pinsan na aalis na. Nang pigilan niya ako, sinabi ko na lang na a-absent ako bukas at siya na ang bahalang magsabi sa mga boss namin. May sinabi pa si insan ngunit nagmadali na akong sumakay sa motor na gamit ko at pinatakbo ito pabalik sa bahay. Hindi ko balak mag-absent. Biglaan ko lang naisip iyon dahil iyon ang parang naramdaman ko na gusto kong gawin. Gusto ko munang mapag-isa muna. Tatambay lang muna siguro ako sa bahay o sa tabing-dagat nang mag-isa upang makapag-isip. Pag-isipan ang lahat. Mga dapat kong gawin at hindi na dapat. Nang marating ko ang bahay, agad akong sinalubong ni mama. Pinagalitan niya ako sa pag-papaalala ko sa kanya. Nakangiting niyakap ko lang si mama. Naalala ko nang mag-usap kami ni mama sa cover court. Gano’n pa rin. Hindi ko magawang maging open sa kanya. Dahil hindi ko pa rin talaga alam ang nangyayari sa akin. Isa pala sa pinakamahirap matagpuan sa mundo, ay sarili mo mismo… ------------- = SA TWIN ROCK BEACH RESORT = NILAPITAN NG ISANG staff si Sharon habang nasa living room siya ng mansiyon nila sa resort kasama ng kanyang asawang si Rolando. Nagtsatsaa sila ngunit mainit na sariwang dugo ang tubig na nakalagay sa mga gintong tasa kung saan nakalubong ang mga bag ng Jasmine tea. “Ma’am Sharon, nasa kuwarto na po nila ang tatlo ninyong anak,” balita kay Sharon ng babaeng staff. “At nakabalik na po ang van.” “Hindi ba umalis si Troy ng resort?” tanong niya. “Saglit po siyang lumabas, ngunit bumalik lamang po agad.” Tumango si Sharon at umalis na ang babae sa harapan niya. Tumayo siya, magarang mahabang kulay rosas ang kanyang suot. “Sasamahan pa ba kita, mahal?” tanong ni Rolando. “Hindi na mahal ko. Maari ko namang ipakita sa isip mo ang ibabalita nila,” malambing na sagot niya. Tumayo si Rolando. “Kung gano’n ay mauna na ako,” paalam nito at humalik ito sa labi niya. Tinungo ni Sharon ang likod ng mansiyon nang makaakyat na sa kuwarto nila ang kanyang asawa. Isang silid ang pinasukan niya na hiwalay sa bahay. Walang naroon kundi metal na pinto na nasa sahig. Nagbukas ang mabigat at makapal na metal na pinto. Binaybay ni Sharon ang hagdan pababa. Sa ilalim, malawak ang lugar. Lugar kung saan dalawang taong nabihag si Tres. Maraming kuwarto at maraming bampirang abala sa kanilang trabaho. Lalo na ang mga ekspertong scientist na patuloy sa pag-aaral ng susi sa pagkakaroon ng mas malakas at kakaibang kakayahan na magagawa ng katulad nilang bampira. May organization ang mga bampirang nakatira sa pilipinas, at si Sharon ang isa sa founder ng organisasyong iyon na sila lamang ang nakakaalam ng pangalan. At si Sharon ang nangunguna sa pag-aaral tungkol sa maximum na capacity ng isang vampire, sa mga kapangyarihang maari nilang maging taglay. Pinangungunahan din ni Sharon ang project na pag-angkin sa isla ng Catanduanes upang maging official na tirahan ng mga bampira sa Pilipinas. Sinalubong si Sharon ng dalawang nakaitim na lalaki, ang mga lalaking kumuha sa naghihingalong babaeng bampirang nakasagupa nina Tres at Mengil. “Kamusta ang lagay ni Patricia?” tanong niya sa dalawang lalaki. “Naghilom na po ang mga natamo niyang sugat. At sa aming palagay, hindi niya naamoy na kauri natin ang binatang iyon,” balita ng isa. “Wala ba siyang pinakitang kakaiba?” “Wala po,” sagot naman ng isa pang lalaki. “Ngunit hindi pa rin pangkaraniwan na nagawa niyang matalo ang isang halimaw na mutant na bampira kung katulad ng pangkaraniwang tao lamang ang lakas niya.” Napangisi si Sharon. “Iutos ninyo sa iba na pag-igihin ang pagbabantay sa iba pang halimaw. Siguraduhin ninyong may mga nakakalat na bangkay sa daan araw-araw. Hindi ko nais makarinig ng kapalpakan.” Tumango ang dalawang lalaking bampira. “At sainyo ko inaatang ang pagbabantay sa kanya.” “Masusunod, ma’am Sharon,” sabay na sagot ng dalawa. >< PAAKYAT NA AKO ng hagdan nang may sabihin si Mengil. “Pre, si insan ang tinutukoy ko kanina, kung sa tingin mo ba natakot siya? Sigurado akong alam niyang dugo ang nasa damit natin. Nagtatrabaho siya dati sa palengke, nakapagkatay na siya ng baboy. Alam kong malalaman niya na dugo ang nasa suot natin kanina…” “Nasa iyo kung sasabihin mo sa kanya ang nangyari. Ang tungkol lang kay Troy at ang paglayo ko sa kanya ang hindi niya dapat malaman. Parte iyon ng kasunduan namin ni Troy,” pahayag ko at tinalikuran ko na si Mengil. Agad akong naupo sa kama ko nang makapasok ako sa kuwarto ko. Nanlamig ako ngunit pinagpapawisan. Hindi ako makapaniwala sa biglang nangyari. Ang mga butil ng pawis sa aking katawan ay naging yelo maging ang mga pumatak sa sahig ay hindi na pangkaraniwang pawis lang. Hindi na bago sa akin ito. Pero bakit nangyayari pa rin kung nawawala na ang pagiging bampira ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD