CHAPTER 22: Hinala At Banta

2461 Words
CHAPTER 22: Hinala At Banta  ARJAY HINDI KO MAIWASANG hindi lingunin ang bahay ni Tres. Sakay ako ng tricycle patungo sa trabaho ko. Hindi. Wala naman akong pakialam pa sa kanya. Si pinsan ang tinitingnan ko. Baka lumabas siya ng gate at magkasabay pa kaming pumasok. Pagpasok ko ng Happy Chicken, nandoon na si insan. Siya nga pala ang may pinakamaagang oras ng pasok sa ‘min dahil siya ang utility. Agad niya akong nilapitan at hinila papunta sa pantry. “Nakapatay ba cellphone mo? Tinatawagan kita,” ani niya. “Hindi ko pa pala binuksan,” sabi ko. “Time-in muna ako,” paalam ko at iniwan ko siya. Sa totoo lang ayaw kong pag-usapan ang nangyari kagabi. ‘Di ko rin naman talaga trip na ipilit ko ang sarili ko sa ayaw sa ‘kin. Hindi na kami nakapag-usap ni pinsan. Naging abala na kami at maaga rin bumaba ang lima naming boss. Tapos ilang saglit pa nagdatingan na ang mga customers. Ang werdo lang kasi parang may gustong sabihin si pinsan pero parang ayaw niya rin. Lalo na nang may marinig kaming usapan ng ibang customer tungkol sa pinatay sa barangay ng Gogon, kung saan nakatira si Tres. Hindi ko na napakinggan pa ang detalye ng nangyaring p*****n dahil sa dami ng trabaho. “Ano ba ‘yon?” tanong ko kay pinsan. Ako rin ang lumapit sa kanya, hindi ako makatiis, eh. “Napalingon siya sa bandang likuran ko. “Wala,” sagot niya sa ‘kin. “Bakit parang ang tahimik ninyo ngayong araw?” narinig kong tanong ni Hannah. Siya pala ang dumating. Nasa pantry kami para sa break time namin. “Mag-iingat kayong dalawa pauwi. Hindi pa raw nahuhuli ‘yong pumatay sa lalaki,” paalala niya. “Iyong pinatay ba sa Gogon? Ano nga palang nangyari do’n?” tanong ko. Na-curious na rin kasi ako. “Tapos na break time ko,” paalam ni insan at lumabas siya ng pantry. Naupo si Hannah pagkainom niya ng tubig. “Sabi lasing daw ‘yong lalaki. Base sa saksi, may umataking malaking aso. Pero hindi rin sure kasi lasing din ‘yong saksi. Sabi pa tumayo ‘yong aso at kinagat ang biktima. Halos natuyo ang bangkay at maraming sugat sa katawan na hindi pangkaraniwan. Hindi gawa ng patalim at maari ngang malaking aso ang dahilan dahil sa bakas ng malaking kalmot ang nasa katawan ng pinatay.” Pailing-iling si Hannah habang nagkukuwento. Hindi siya makapaniwala siguro. Pero ako, may ibang kutob ako. Tumayo ako at nagpaalam ako kay Hannah. Hinanap ko si pinsan. Sa banyo ko naabutang nanglilinis si insan Mengil. Sinuri ko ang paligid bago ko siya nilapitan at kausapin. “May kinalaman ba ang mga bampira sa patayang nangyari?” pabulong na tanong ko kay insan. “Iyon ba ang gusto mong sabihin?” Ngumisi si insan. “Sira. Hindi ‘yon.” Tinapik niya ako. “Malapit lang kasi do’n sa bahay ni Tres ‘yong nangyari. Iyon lang ang gusto kong sabihin. Tsaka gusto lang kitang kumustahin. Galit ka ba sa kanya?” “Iyon lang ba talaga?” tanong ko. Nakangiting tumango si insan. Hindi ako naniniwala sa kanya. Kilala ko siya. Alam kong may tinatago siya. “Hihintayin mo ba ako mag-out mamaya?” tanong ko na lang. Iisipin ko na lang na iyon lang talaga ‘yon. Kung ikakapahamak ko o kung sino man, alam kong hindi maglilihim sa akin si insan. Ayaw kong pag-usapan si Tres, kaya tamang iyon na lang. “Baka hindi. Mauuna ako sa ‘yo mamaya,” sagot niya. “Akala ko ba, lagi tayong magkasama dapat para kung sakaling biglang umepal na naman si Troy?” “Wala siyang gagawing masama sa ‘yo. ‘Wag kang mag-alala, ligtas kayo.” Napakunot-noo ako. “Anong ibig mo mong sabihin?” Ngumiti lang siya. “Wala. Tingin ko lang walang gagawing masama sa ‘yo ang kupal na ‘yon. ‘Di ba nga, ilang beses ka nang inatake no’n pero tinakot ka lang. Nantitrip lang ‘yon. Tutukan mo no’ng pocket knife na binigay ko sa ‘yo matatakot ‘yon.” “Anong ligtas kami?” Hindi ko maiwasang itanong. Iba kasi ang dating sa ‘kin ng sinabi niya kanina. “Yong tungkol sa pinatay. Ligtas naman siguro kayo do’n sa baryo natin. Balita ko inalerto na lahat ng barangay sa Virac kahit sa ibang bayan dahil hindi pa nahuhuli ang suspek,” sagot ni pinsan. Tumango-tango ako. “Ah. Sana mahuli na ‘yon,” sabi ko na lang at nagpaalam na ako para bumalik sa trabaho. Lumipas ang mga oras, pansin ko pa rin na may iba kay pinsan. Parang hindi rin siya magiliw sa mga boss namin na nauna niyang makilala kaysa sa akin at naunang maging ka-close. Alas-otso ng gabi, nagpaalam na siyang umuwi. Basta nagpaalam na lang siya at walang nang sinabi pa. Tinanaw ko siya hanggang tuluyang makaalis. At nilibot ko rin ang tingin ko sa labas, na sa totoo lang, kanina ko pa ginagawa. Bagama’t inaalala kong baka umaaligid na naman si Troy, sa kabilang banda, iniisip ko na makikita ko siya. Ang lokong ‘yon. >---------- ARJAY PASS 10 NA ng gabi. Hinihintay na lang namin ang paglabas ng mga huling customer para makapagsara na. Napakunot-noo ako. Nawala sa isip ko kung paano nga pala ako uuwi. Nasa siyam na kilometro ang layo ko ngayon sa bahay. Wala ng tricycle sa ganitong oras. Gusto ko mang tawagan si pinsan, kaso baka isipin pa ni Tres na nagpapansin lang ako. Kapag nasa bahay ni Tres si insan, hindi ko siya kakausapin. Gusto ko nang maputol ang kaugnayan ko sa bampirang ‘yon. Tama. Ayaw ko na siyang makita pa. Maayos na ang lagay niya. Nahanap na siya. Hindi ko na siya dapat inaalala. “Tama ‘yon!” “Anong tama ‘yon?” nakakunot-noong tanong ni Hannah. Nabigkas ko pala ang nasa isip ko. “Wala. Tama nang mag-ayos, nakalabas na ang mga huling customer,” palusot ko. “Akala ko may tama ka na Arjay,” natatawang sabi ni Michelle habang nag-aayos siya sa counter. “Pati rito dinig ang tama mo.” Pilit na ngumiti na lang ako at nagsimula nang mag-ayos. “Mag-iingat ka pauwi,” ani Tina nang magpaalam ako sa kanilang lima na uuwi na. “May masasakyan ka pa ba?” tanong ni Chezca. “Puwede mong hiramin ang motor na ginagamit ko. Basta agahan mo lang bukas dahil may mga delivery ako nang maaga,” suggest ni Fatima. Magandang idea ‘yon, pero parang nakakailang. “Hindi na. Tinawagan ko ang tito ko kanina, magpapasundo ako,” sabi ko. Habang nagbibihis, tinawagan ko si Tito Andoy. Nakiusap ako na baka puwede akong sunduin ngayon. Buti gising pa sila ni Tito Ramon. Basta plano ko bukas… Hindi ko pa pala naiisip ang plano ko. Bahala na. Baka pakiusapan ko si insan na ako na muna ang gumamit ng motor niya, total malapit lang naman dito ang bahay ng bampirang tinutuluyan niya at mas maaga ang uwi niya sa akin. “Puwede kang mag-stay muna rito habang hinihintay mo ang sundo mo,” sabi ni Hannah. “Oo nga naman, Jay. Dito ka muna,” dugtong ni Michelle. Ngumiti ako. “Hindi na, sigurado papunta na sila. Sabi ko kasi sa palengke na lang nila ako sunduin,” sagot ko. Medyo nagtaka ako, biglang naging seryoso ang mga mukha nila. “Hindi ka ba natatakot mag-isa sa labas?” tanong ni Fatima. “Sila ang matakot sa ‘kin,” biro ko at pinilit kong ngumiti. “Sigurado ka?” nakangising tanong ni Tina. Awkward akong tumawa. “Sige, bukas na lang.” Tumalikod na ako sa kanila para lumabas na ng Happy Chicken, ngunit biglang namatay ang ilaw. Pagharap ko sa kanilang lima, napaatras ako. Parang umilaw na kulay pula ang kanilang mga mata pero bigla rin nawala. Kumabog ang dibdib ko. Ilaw mula sa poste sa labas ang tangin liwanag. Nakikita ko ang paghakbang nilang lima papalapit sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD