Rey Alejandro (POV) Biglang bumukas ang pinto at nanlaki ang mga mata ko nang lumabas buhat doon si Angel. Agad kong inalis ang nakapatong na mga kamay ni Annalyn sa balikat ko. “Angel!” mahinang tawag ko rito. Saglit na natigilan ito at ‘di nakahuma nang banggitin ko ang pangalan niya. Napansin ko na nakatapis lang siya ng tuwalya at gulo-gulo ang ayos ng kaniyang buhok. Kung iisipin para lang itong nakipagbakbakan sa isang mainit na eksena. Nang makabawi si Angel sa pagkabigla ay agad itong sumugod sa'ming dalawa ni Annalyn. “Mga h*yop kayo!” Sigaw niya sa'min. Iniharang ko ang aking katawan kay Annalyn para proteksyunan ito mula sa kaniya. Pinagpapalo niya ako sa dibdib at pilit niyang inaabot si Annalyn na nasa likurang bahagi ko. “Love, ba’t ba ang tagal mo riyan?!” nar

