bc

A Forbidden Night with a Stranger

book_age18+
376
FOLLOW
3.8K
READ
HE
escape while being pregnant
billionairess
heir/heiress
drama
like
intro-logo
Blurb

Yna Maria Cortes is a spoiled brat and happy go lucky daughter. Her Dad wanted her to manage their own company but she's not interested at all. So, to teach her a lesson, her Dad asks for some help from his friend. His son, named Alas Gabriel Dela Merzcid accepted his deals to help Yna to become a responsible one by becoming his personal secretary. She was forced to do the things she hated the most but she had no other options, she wanted her money back. So, even though she's against her dad's plan, she accepted the deal. Until one day, she found herself to slowly accept her fate of becoming a responsible businesswoman, who is willing to do everything for the sake of everybody's wellness. She also started to like Alas for many reasons, and she falls in love with him secretly. She's ready to tell Alas about her feelings but Janus, her ex-boyfriend, comes back. He returned and asked for her forgiveness. Neither Alas nor Janus is her problem, all she fears the most is, she's pregnant and she knows that the father of her baby was the stranger once she had s*x two-months ago.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MAHIGIT isang taon na simula nang maging brokenhearted si Yna Maria pero pakiramdam niya, sariwa pa rin ang sakit sa kaniyang puso. She still can't move on. Kahit makailang beses na siyang mapagsabihang tanga ay pinipili pa rin niyang umaasa na balang araw ay babalik si Janus sa buhay niya. Mula sa kaniyang kabiguan sa unang pag-ibig ay nagbago siya.Wala na ang dating masayahin, mapagmahal at mabait na anak na mayroon ang pamilya Cortes. Napalitan iyon ng pagiging lasinggera at pasaway na anak. Wala na siyang ibang inisip sa buhay niya, kundi maging isang walang kwentang babae. Madalas siyang maglasing sa paborito niyang bar. Hindi na niya mabilang kung maka-ilang beses na siyang nakipag-away dahil binabastos siya ng mga lalaking lasing din sa loob ng bar. Isa rin ito sa problema ng mga magulang niya, nasisira ang mga pangalan nila sa publiko at ang pinaka-ayaw ng daddy niya ay ang maging taga-ayos ng gulo niyang ginawa. Jonathan is tired of reminding her, all of his words it doesn't make sense. Parang napupundi na ang pasensya niya dahil sa halip na sundin siya ng anak ay walang nangyayaring maganda. Mas lumalala ang pagrerebelde ni Yna. PABABA mula sa kuwarto niya si Yna nang makita siya ng kaniyang daddy. Nagmamadali siyang maglakad para hindi siya nito maabutan. “Where are you going Yna?” tanong nito sa kaniya. Napahinto siya sa paglalakad. Napaikot siya ng mata sa sobrang inis, naabutan ba naman siya ng ama niya. Hinarap niya ang kaniyang ama. Alam niyang magagalit na naman 'to pero gusto niyang umalis kaya hindi siya nito mapipigilan. “As usual, I want to go somewhere where I can relax Dad.” “Sa bar na naman ba ang punta mo?” tiim-bagang tanong nito pero pinipilit na maging mahinahon. She smiles, “You're right, Dad. Can you please excuse me?" Inayos na niya ang sling bag sa balikat niya saka nagsimulang humakbang nang magsalita ulit ang ama. Napahinto siya at napailing. “Yna Maria, anak, I already told you to stop causing your life a mess. Paulit-ulit na lang ba ako sa sinasabi ko sa'yo?” nilapitan siya ng daddy niya. “I am not Dad, I just want to make my day a meaningful one. Beside, I have nothing to do here.” Ngumiti siya bilang proud sa kaniyang gagawin, na parang isang achievement ang mag-bar ngayong gabi. “Yna, I want you to become a responsible person as before. Gusto kong ikaw na ang mag-manage ng kumpanya natin, para sa gayon ay may magawa kang tama at makabuluhan. Pero paano? You kept on doing nonsense stuff, imbes na maging mabuting tao ay inuugali mo ang asal kalye.” Umismid lang siya saka tumalikod, ayaw niyang makinig pa sa mga sermon ng Dad niya. Ayaw niyang dumating sa punto na magtalo na naman sila dahil sa usaping 'yon. She hates to have an arguments, dahil kahit siya ay nasasaktan din ng palihim pero pinapakita niyang hindi siya apektado. “Anak, bakit mo 'to ginagawa? Dati hindi ka naman ganito? Nasaan na ang dating Yna Maria na anak ko?” Malungkot na pahayag ng daddy niya. “Hindi na babalik ang dating Yna Maria na nakilala mo Dad. I'll go,” Mapait niyang sagot sa ama. “Pwede ba, tama ng pasakit sa amin ng mommy mo, anak.” “Don't mind me Dad, para wala ka nang problema pa. Bye.” Hindi na siya nagpapigil at tulugan ng lumabas ng bahay. Nasapo na lamang ni Jonathan ang noo niya. Wala na siyang magagawa sa inaasal ng anak niya at kasalanan din naman niya. He spoon-feed all her wants, he gave all of luxurious things to spoil Yna. Napabayaan niya ring limitahan ang anak sa mga hindi nito dapat gawin. Kaya ngayon ay sinisisi niya ang sarili sa kapabayaan niya bilang ama. DUMIRETSO sa bar si Yna, wala naman siyang naisipang gawin ngayong araw bukod sa pakikipagtalo sa ama niya. Iniiwasan talaga niyang pag-usapan ang tungkol sa pagiging tagapagmana niya ng kompanya nila. Wala siyang hilig sa negosyo, ang hilig niya ay ang magsulat ng mga novela at articles pero hindi naman pabor ang Daddy niya. Ayaw niyang ipahamak ang negosyong pinaghirapan ng mga magulang niya dahil sa magiging kapabayaan niya kung nagkataon. Pakiramdam niya ay hindi sapat ang pagtapos niya ng kursong Business Management dahil takot siya sa magnegosyo. Naghanap kaagad siya ng bakanteng mesa. Napili niya ang sa gilid na bahagi na sa tapat ng dancefloor. Binayaran na rin niya para exclusive lang sa kaniya. Ayaw niyang maisturbo sa pag-inom at pagsesenti. Maya-maya pa ay um-order na siya ng sampung bote ng alak na paborito niyang inumin sa bar. Mabilis siyang nalasing, mabilis kasi niyang nilalagok ang laman ng bote. Dinaig pa niya ang lasinggera sa kalye. Dahil sa kalasingan ay bumalik siya sa pagsesenti. Hindi siya makapaniwala na iniwan siya nito ng walang dahilan. Umasa siya ng husto dahil nangako itong magpapakasal sila within this year pero naglahong parang bula. She even hired a private investigator but still have no lead. Kaya inihinto na lamang niya at sinimulang mag-moved on pero sobra siyang nahihirapan. Kahit na magulang niya ay walang magagawa para patigilin siya sa kaniyang kabaliwan. Everytime her dad scolded her, mas lalo siyang nagrerebelde dahil ayaw niyang magmukhang kaawa-awa sa paningin nila. She tried to go back to her old soul but she can't do it anymore. Palagi na lang nilalamon ng galit at pighati ang puso niya. Hindi niya rin gusto na maging pabigat sa mga magulang niya pero wala na siyang magawa. She already changed, ang sa isip niya ngayon ay magsaya sa kahit anong paraan na alam niya. Gusto niyang makalimutan ang mga problema at higit na lahat si Janus na ex-boyfriend niya. Napaparami na siya ng inom, mahigit tatlumpung bote na ang nainom niya. Sinubukan niyang tumayo para sumayaw pero natutumba siya. Napagpasyahan na lamang niyang umupo at um-order ulit ng inumin. Sumabog na ang buhok sa mukha niya, kaya nagmukha na siyang kawawang ale. Panay senti niya habang iniinom ang alak na hawak niya. Hindi niya napigil ang sarili. Mas marami ngayon ang inom niya kumpara ng mga nakaraang araw. All she thinks now is Janus, she wants to see and talk to him. Marinig ang mga paliwanag nito, kahit iyon na lang pero walang Janus na dumalo sa gitna ng kalasingan niya. Dati ni hindi siya nito pinapayagang uminom kahit konti pero ngayon siya ang dahilan kung bakit puro alak ang sagot sa mga problema niya. Napapasubsob na siya sa mesa habang sinusuntok ito. Nababaliw na siya dala ng kalasingan. Kahit maraming tao sa loob ng bar ay walang may ganang lumapit sa kaniya dahil ang pangit niyang tingnan. Sabog ang buhok sa buong mukha niya, nagkagulo-gulo na hindi niya hinawi. Wala silang pakialam, buhay niya 'yan kaya siya ang may plano sa mga gusto niya. “Janus, I'm such a fool believing in all your lies,” she started to utter. “You tell me I'm the only one who you want to spend the rest of your life with, but why did you choose to leave me?” she continues to mumble. Pinagtitinginan lang siya ng mga taong naroon. Nakakahiya pero wala pa rin siyang paki-alam. Gusto lang niyang makalimutan ang lalaking sumira ng buhay niya. Ang lalaking inakala niyang sagot sa mga dasal niya. Janus is not either her first love but he's the reason of her greatest heartbreak, ang taong pumapatay sa kaniyang puso ngayon. Bakit pa ba kasi siya parang tangang hinahanap ang taong walang pakialam sa kaniya. Bakit pa ba kasi siya nagpapakabaliw sa taong wala ng pakialam sa buhay niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.4K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook