Saktong papalabas na siya nang kwarto nang magkasabay sila sa paglabas ni Clyde. "Good morning." Nakangiting sabi niya rito. Pero tila wala itong narinig at dire-diretso lang itong naglakad pababa sa may hagdanan. "Ako na ang maghahatid sa iyo," bungad sa kan'ya ni Faustino. "Nandito ka na pala? Ang buong akala ko ay nagbabakasyon ka muna sa pamilya mo?" takang tanong niya rito. "Mas kailangan kasi ako ni boss dito. Ready ka na bang umalis?" seryosong tanong nito sa kan'ya. Nang tumango siya ay mabilis na rin itong lumabas kaya sinundan na niya ito. Si Clyde ay kanina pa pala umalis pagkababa nila at ni hindi man laamng siya pinagkaabalahang tignan at kausapin kahit na konti. Habang nagmamaneho ay katulad dati ay tahimik lamang si Faustino at hindi nagsasalita. "Pasensiya ka na pal

