Nang matapos sila sa salon ay nagpunta naman sila sa department stores at nalula sila dahil sa dami ng mga damit na naroroon lalo na ang mga naggagandahang damit na pambabae. Pero wala roon ang atensiyon niya kung hindi sa isang damit na suot ng isang lalaking mannequin. Isa iyong aqua blue na polo shortsleeve na mukhang magiging bagay na bagay kay Clyde kapag sinuot nito. Nang silipin niya ang presyo ay nalula siya. four thousand nine hundred and ninety-nine pesos ang presyo nito kaya mabilis niya itong binitawan. Ano ba namang klaseng damit iyon? May gold ba sa tela nito kaya ganoon ito kamahal? "Wala bang napili?" tanong ni Lorna na may hawak-hawak ng iilang mga damit. "Ah wala, tsaka masyadong mahal ang mga damit dito," sagot niya. "Halika na at magbabayad na kami." Nang nasa ma

