"Alexa, ipinapatawag ka sa may opisina ni gov," anunsiyo ng babae sa kan'ya nang magpunta ito sa may table nilang dalawa ni Ruby. "Bakit daw po?" seryosong tanong niya rito. "Aba at ewan ko. Mukhang may especial treatment ka ngak ay gov e. May relasyon ba kayong dalawa?" sita nito sa kan'ya. "Ha? Ano kasi—" "Huwag mo ng sagutin. Mukhang wala naman kayong relasyon dahil imposible naman na ipagpalit ni Gov si Ma'am Ysabel sa isang cheap lang na babaeng katulad mo." At mabilis siya nitong nginisihan bago tuluyang umalis. "Alam mo, kapag malapit ng matapos ang ojt ko rito ay talagang sasagut-sagutin ko iyang bruha na iyan. Masyadong atribida. Siguro ay inggit lang iyan sa iyo dahil may crush siguro iyan kay gov!" inis na sabi ni Ruby sa kan'ya. "Hayaan mo na at huwag mo ng patulan. Sige

