Nang matapos lagyan ng yelo at benda ang paa niya para magkaroon ng ankle support ay marahan na siyang naglakad papalabas ng clinic. Iika-ika pa siya sa paglalakad at talagang napapangisi kapag naitatapak niya ang nasaktang paa lalo na at ipinasya na lamang niyang maglakad ng nakayapak dahil hindi niya kakayanin pang isuot ang heels niya. Inis na inis siya habang iniisip si Clyde. Paano nitong naaatim na hayaan lamang siyang mag-isa habang nasà ganito siyang kalagayan. Akmang maglalakad na siya papunta sa may department niya nang bigla niyang mamataan ang padating na si Ysabel. Bigla naman napataas ang isang kilay niya rito. At talagang ang lakas pa ng loob ng babaeng ito na magpakita pa roon? Akmang lalapitan niya ito nang makita niya na sinalubong ito ni Clyde. Mabilis naman humalik

