Doon nalaman ni Lailyn na hindi niya pala kayang mawala ng tuloyan sa kanya ang asawa. Kaya kahit ilang ulit s'yang pinagtabuyan ng asawa na sya'y lalayas ay di talaga s'ya lumayas. Nakipaghiwalay na ng kuwarto sa kanya ang asawang si Marcus dahil sa galit nito sa kanya. At sa guestroom nalang si Lailyn lumipat at natutulog. At di na s'ya ang isabay ni Marcus sa pagkain kundi si Haneline na ang isinabay nito. " Ma'am Lailyn, bakit ka nagtitiis dito? masyado na po kayong nasaktan, Ma'am. I-give up niyo na po ang pagmamahal niyo kay Sir Marcus. Naawa na talaga kaming mga katulong sa'yo eh. Napaniwala talaga nila si Sir dahil sa video at galit na galit ang asawa niyo sa'yo, Ma'am." Ang sabi pa ni Aling Ramona. "Kaya nga, hindi ako titigil hangga't hindi maniwala si Marcus sa akin. Mah

