CHAPTER 8

1896 Words
Nawalan na rin s'ya ng lakas pa na katukin ang mga ito upang maudlot ang mga kataksilang ginawa ng nga ito sa kanya. Ang ginawa nalang niya ay mahinang humakbang pabalik sa kanilang kuwartong mag-asawa. Ayaw na niyang marinig pa ng matagal ang ungolan ng mga ito habang nagtatalik. Nang makapasok na s'yang muli sa kuwarto nila ng asawa ay hinang-hina na s'ya. Pinahid na naman ang mga luha sa mga mata. Jusko, tama pa bang mananatili s'ya rito? nakatulogan na naman niya ang pag-iiyak. Kinaumagahan ay nagising na naman s'ya sa mahinang halik sa kanyang pisngi. Pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya ang mukha ng asawa na nakatunghay sa kanya. Ngumiti ito ng matamis sa kanya. " Good morning, darling. Pasensya ka na, madaling araw na ako nakapasok dito sa room natin. Nakatulog ako doon habang katabi si baby." Sabi pa nito sa kanya. Hindi s'ya ngumiti man lang rito at bumangon agad. " Hey, galit kana naman ba? maligo ka na para mag almusal na tayo." Malumanay ang tinig na wika nito sa kanya. " Hindi ako mag-aalmusal, Marcus. Maaga akong aalis." Ang sabi naman niya rito. Napakunot-noo ito. " Anong aalis? saan ka ba pupunta?" Tanong nito sa kanya. " Dadalaw lang ako sa mga magulang ko." Maayos namang sagot niya. " Sabay na muna tayong mag-aalmusal. Hindi ako sanay na di ka kasabay." Sabi pa nito sa kanya. " S-si Haneline nalang muna ang isabay mo." Sagot niya ritong napatalikod. Naramdaman niya kasing namumuo na naman ang kanyang mga luha sa mga mata niya. At hindi iyon nakaligtas sa asawa. " Lailyn, akala ko ba naiintindihan mo na ako?" Tanong pa nito sa kanya. " Ewan ko ba, Marcus. Bakit hinihingi mo ang pag-iintindi ko sa ganito kasakit na sitwasyon." Aniya ritong tumalikod na talaga rito. Wala naman s'yang magawa nang tumayo ito at hinarap s'ya nito. "I'm sorry kung hindi ako nakatulog dito kagabi." Sabi pa nito. " Alam ko dahil busy ka, hindi lang sa anak niyo, kundi pati na rin kay Haneline. Ang totoo'y hindi ka na makakaila pa sa akin, Marcus. Nagpunta ako kagabi sa labas ng kuwarto ni Haneline at narinig ko ang... ang panloloko niyo sa akin ." Sabi niya rito. Natigilan naman ito. At di agad nakasagot. " Ikaw ang mahal ko, Lailyn. At hindi na magbabago iyan. H-hindi ko alam kung paano ka kumbinsihin sa ganitong kalagayan natin. Isa na si Haneline na matatawag na nasa buhay ko na rin. Malaki ang ibinayad ko sa kanya. Mawawala din s'ya sa huli dito kapag tapos na ang kontrata niya. Alam kong masakit pero isa sa trabaho niya na makipagtal*k s'ya sa akin dahil bigyan niya ako ng mga anak." Nahihirapang wika ni Marcus. " Ewan ko, Marcus, kung kakayanin ko ba ang lahat ng ito. Pero isa lang ang masasabi ko, wala kana sa tama, Marcus. Kung yaman niyo ang iniisip mo na walang magmamana sa huli ay nakuha ka sa bitag ni Satanas dahil sa mga maling nagawa mo sa akin. Ayoko na munang uuwi ngayon. Doon muna ako sa amin." Aniyang tumayo na. Napahinga ng marahas si Marcus. " Okay, hayaan na muna kita. H'wag kang magdesisyon ng padalus-dalos, Lailyn. Tandaan mo, bihira lang ang tulad ko sa buhay mo. Minahal kita ng totoo. Anak nga lang ang diperensya mo na hindi mo maibigay." Sabi nito at nauna nalang itong lumabas sa kanya. Tulalang naiwan si Lailyn. Hindi na niya alam kung ano ba talaga ang tamang desisyon kaya kailangang aalis at e-share niya sa kanyang mga magulang ang kanyang malaking problema ngayon. ____ Walang ibang sinabi at inadvice sa kanya ang kanyang mga magulang kundi hayaan nalang niya ang kanyang asawa Total, marami na itong naitulong sa kanila. Mahal naman daw s'ya ni Marcus. Simula nang makilala niya kasi si Marcus ay di lang buhay niya ang nagbago, kundi pati na ang buhay ng kanyang mga magulang. Mahirap lang kasi ang buhay nila. Labandera lang ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay nagbebenta ng mga diaryo at sigarilyo sa terminal. Ngunit nang magkasakit ang tatay niya ay natigil na rin ito sa pagbebenta at pati s'ya ay natigil na rin sa pag-aaral. Hindi na s'ya nakapagpatuloy sa Senior High school at hanggang grade 10 lang s'ya dahil s'ya na ang naglalaba at habang ang kanyang Ina ay s'yang nag-aalaga sa kanyang ama. Kahit anu-ano nalang ang mga trabahong ginagawa niya para lang magkapera at masuportahan ang kanyang mga magulang. Subalit nagbago ang lahat nang magtrabaho s'ya kay Ma'am Anikah Alvarez, dahil doon niya nakilala ang asawang si Marcus. Naahon sila sa kahirapan lalo na nang mapangasawa na talaga s'ya ni Marcus. Una ay pina operahan pa ang tatay niya sa sakit nito at binilhan nito ng lupa at pinagawaan ng malaking bahay ang kanyang mga magulang. Binigyan pa ng puhunan ang ina't ama sa asawa para magnegosyo sila. Kaya ngayon ay nakaluwag na ang mga ito. Pero ang masakit at mapait sa ay lahat pala ng pagtulong nito at pagtanggap niya kay Marcus sa buhay niya ay may malaking kabayaran pala iyon. Ang magdusa s'ya ng ganito. Sinunod naman ni Lailyn ang advice ng mga magulang na titiisin nalang ang asawa, hangga't makakaya pa niya ay mananatili s'ya. Hindi naman niya alam kung bakit napansin nalang niya na bigla nalang bumait sa kanya ang Ina ni Marcus. At isang tanghali ay nagpapahanda ito ng mga meryenda nila. At nakita niyang may mga bisita ito. Isang lalaki at isang babae na mukhang kakilala lang din ni Haneline. Natigil pa s'ya nang pagdaan niya'y tinawag s'ya ng kanyang biyenan. " Lailyn, iha! come here." Nakangiting tawag nito. Naiilang pa s'ya sa kabaitan na ipinakita ng kanyang biyenan. Wala pa naman si Marcus dahil nasa office ito kaya sila lang ang nasa Mansion. Pati si Haneline ay bumait din ito. Pero hindi niya ito ginantihan at pinakitaan ng kabaitan dahil para s'yang naplastikan kay Haneline. Lumapit naman s'ya sa biyenan at sa mga bisita nito. Gusto pala ng kanyang biyenan na mag join s'ya sa mga ito sa kunting inuman at sosyalan. Nais sana niyang tumanggi subalit nahiya naman s'yang tanggihan ang biyenan. Hindi niya alam kung normal pa ba s'yang tawagin na kahit hindi naman nagmenor ang sakit na kanyang naramdaman na dalawa na sila ni Haneline sa buhay ng asawang si Marcus ay nanatili parin s'ya sa Mansion. " Hello guys, this is my son's wife, Lailyn Santiago." Nakangiting pakilala nito sa kanya sa mga bisita nito. " Hi! Mrs. Lailyn Monteverde." Nakangiting bati ng isang lalaki. " Lailyn iha, siya si Red Guerero, ang dating kaklase ng asawa mo. At si Miss Liza Aguilles." Dagdag pang pakilala nito sa kanya sa lalaki at sa isang babaeng bisita. " Hello po." Nakangiting bati din niya sa mga ito. At ngiti lang ang ibinigay sa kanya ng babaeng bisita. Samantalang si Haneline ay tahimik lang. Nakipagsabayan siya sa mga ito. Mas okay din yun upang makakalimot naman siya saglit sa sakit ng kanyang dibdib dahil sa kanyang asawa at kay Haneline. Kagabi kasi ay sa kuwarto na naman ni Haneline nakatulog ang asawa niya. At siyempre alam naman niya kung ano ang ginawa ng mga ito sa tuwing nasa kuwarto ni Haneline makatulog ang asawa. Nagtataka din s'ya kung bakit nasa loob sila ng living room ng mansion na walang mga katulong na makakita dahil sadyang sinarado iyon. Kumpiyansa niyang kinuha ang kanyang kopita na may lamang wine at ininom iyon. Napansin pa niya na nagkindatan ang biyenan niya at si Haneline! kaya agad naman s'yang inatake ng kaba. Hindi naman nagtagal, bigla nalang s'yang nahilo at tila lumindol ang kanyang paligid! kaya napakapit s'ya sa mesa. " M-mommy Florenda. Na-nahihilo po ako." Reklamo niya. Nilapitan naman siya ni Haneline at bumulong ito sa kanya. "Akin ang asawa mo, Lailyn. Kami ang nararapat sa isa't isa, dahil may anak na kami." Nakangiting wika nito sa kanya. Bigla s'yang namula at galit na tiningnan ito ngunit tila nawalan s'ya ng lakas at tuloyang nanlumo ang katawan. "A-anong ginawa niyo sa- sa akin?" Mahinang tanong niya. Isang malakas na tawanan ang narinig niya mula sa biyenan at kay Haneline. Hangga't nagulat pa s'ya nang inakwat siya ng bisitang lalaki ng mga ito na nagngangalang Red. Mag react sana s'ya ngunit wala s'yang lakas na tumutol sa pag akwat nito sa kanya. "Dalhin mo siya sa isang hotel at doon mo s'ya halikan, Red, kung pwedi gahasain mo! at i-ready mo na rin ang pagvideo mo sa kanila, Miss Liza. Bilisan niyo habang wala pang nakakita at nasa ibabaw pa ang mga katulong naglilinis." Nakangiting utos ni Mrs. Florenda. Lahat narinig ni Lailyn at gusto niyang manlaban sa mga masasamang plano ng mga ito sa kanya subalit hindi na niya magawa dahil parang pipikit na ang kanyang mga mata at wala s'yang lakas! Hindi na namalayan ni Lailyn ang susunod na nangyari. Sa isang hotel s'ya dinala ni Red at ni Liza. Hinalikan s'ya doon ng lalaki at hinubaran pa s'ya ni Red habang vinedeohan sila ng babaeng kasama nito! " Tama na, Red. Hanggang hubad lang at okay na ang video na 'to. Mapaniwala na si Sir Marcus nito. H'wag mo na siyang gahasain, kawawa naman." Sabi pa ni Liza. " Ahh okay." Ani Red. "Kung hindi lang ako gipit ay hindi ko kaya ang ganitong pinagawa sa atin nina Mrs. Florenda Monteverde at ni Miss Haneline." Sabi pa ng nagngangalang Liza. ____ Kinagabihan ay nagising si Lailyn na parang hilong-hilo pa. Hangga't muli niyang naalala ang nangyari at ginawa sa kanya ng Ina ni Marcus at ni Haneline! nagulat s'ya nang mapansing nakahubad na s'ya at nasa hotel talaga s'ya! kaya nagmamadali s'yang nagbihis at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng hotel na iyon! Pagdating niya ng Mansion ay kinabahan s'ya nang maabutang nag-iinom si Marcus sa lobby at sinadyang hinintay siya nito! " M-Marcus.." Sambit pa niya. Alam n'yang nakuha siya sa mga masamang plano sa kanya ng biyenan at ni Haneline. At hindi niya alam kung anong gagawin upang mapaniwala ito na planado ang lahat! Galit s'yang tinitigan ng asawa habang bitbit nito ang wine at tumayo itong sinalubong s'ya nito. "Where have you been!? bakit gabi kana?!" Galit na tanong nito. " Ahh eh, Marcus.." Nagulat nalang si Lailyn nang biglang hinagis ni Marcus ang bitbit nitong kopita kaya naglikha iyon ng malakas na ingay na pagkabasag. "Gumanti ka sa akin!? may lalaki ka sa video! may nagpadala sa akin ng video niyo doon sa office ko!" Malakas na sumbat nito sa kanya. " M-Marcus, makinig ka! pakinggan mo ako! wala akong kasalanan!" Umiiyak na wika niya sa asawa. Subalit isang malakas na sampal ang kanyang natikman mula kay Marcus. " Nandidiri na ako sa'yo, Lailyn! nandidiri na ako! nasaktan man kita, pero minahal kita ng tunay, kaya hindi ko matatanggap ang ginawa mong panloloko sa akin para lang makaganti ka sa akin!" Malakas na singhal nito sa kanya. " Marcus! maawa ka sa akin, maniwala ka, wala akong kasalanan! h'wag mo itong gawin sa akin! ikaw itong nananakit sa damdamin ko, kaya h'wag niyong ibaliktad sa akin na ako pa ang nagkamali!" Aniyang halos luluhod na sa harap ng asawa. Subalit di ito nakikinig sa kanya at nakita niya ang galit nito. "Umalis ka na dito, Lailyn! makipag annul na ako sa'yo! para pakasalan ko si Haneline!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD