CHAPTER 7

1673 Words
Tila nawalan s'ya ng lakas at muling pumasok sa loob ng mansion. Ang ginawa niya'y muling nagmamadali na namang pumasok sa loob ng kanilang kuwartong mag-asawa. Napakabigat ng kanyang pakiramdam. Parang wala na s'yang kakampi sa loob ng mansion na iyon. Ayaw sa kanya ng kanyang mga biyenan. Ngunit ang Daddy ni Marcus ay tahimik lang at di nangingialam sa kanilang mag-asawa kahit hindi nito nagkagusto sa kanya na maging asawa ni Marcus ay hindi naman s'ya pinakitaan ng kasamàan ng ugali nito. Tanging ang babae lang niyang biyenan ang sobrang samà ng ugaling ipinakita sa kanya. Pero hindi naman ito makapanakit physically sa kanya dahil ang anak nitong si Marcus ang makakalaban nito. Pero ngayon, parang ang asawang si Marcus na ang nangungunang saktan s'ya ngayon. Natatakot s'ya na baka madevelope ang asawa kay Haneline lalo na't sabi nito ay ito ang magiging ina sa mga anak nito. Dahan-dahan s'yang lumapit sa malaking salamin sa kanilang kuwarto ng asawa. Nakita n'ya agad ang luhaan na naman niyang mga mata. Mugtong-mugto na ang mga ito dahil kagabi pa s'ya iyak ng iyak. Hindi pa siya nakapagsuklay ng kanyang buhok. Parang losyang na losyang na tuloy s'yang tingnan bukod sa hindi pa siya maganda. Kahit buntis si Haneline ay magandang- maganda parin ito at sobrang layo lang niya sa babaeng binuntis ngayon ng kanyang asawa. Kulot ang mahabang buhok nito at maputi si Haneline. Laging fresh ito tingnan at hindi lumalabas kung walang lipstick at make up. Matangos ang ilong ni Haneline na tila Iza Calsado ang mukha nito at may katamtaman din na height. Bagay na bagay ito maging totoong asawa ng kanyang asawang si Marcus dahil matangkad at medyo moreno ang asawa na bagay na bagay ang kutis nito bilang isang heartthrob na lalaki. May taglay itong kagwapuhan kung kaya't nagtataka ang lahat na s'ya ang pinakasalan nito. Hindi lamang mayaman ito sa materyal na bagay kundi pati na rin sa karisma. Ang mukha nito'y may perpektong hugis-bilog, na binibigyang-diin ng matangos na ilong nito at malapad na noo. Ang mga mata naman ay kulay abong-asul, at may kakaibang ningning na tila nagtataglay ng isang malalim na karunungan. Ang mga kilay naman ng asawa ay makapal at maayos na nakahubog iyon, na nagbibigay-diin sa matikas nitong mukha. At idagdag pa ang mga labi na mapupula at may tamang hugis, na nagdaragdag sa mapang-akit nitong mga ngiti. At mayroon din itong malalim at kakaibang mga titig na tila may sariling buhay, na hindi lamang ito ay gwapo kundi ito ay mayroon ding malakas na s*x appeal na tila likas na bumubuo sa kanyang aura. Ang presensya nito'y tila nag-iiwan ng marka, isang hindi maipaliwanag na magnetism na umaakit sa halos lahat ng babaeng makakaharap nito. Subalit wala itong record na babaero ito. Ngayon lang ito nangyari dahil sa kagustohan nitong magkaanak. Hindi talaga s'ya nababagay sa asawa. Kung itatabi silang dalawa ay katulong lang talaga ang mukha niya. Masakit man pero yun ay totoo. Kaya nga ayaw niya sana itong sagutin noon ngunit pinipilit siya nito. At sino ba s'ya na aayaw sa tulad ni Marcus Gavin Monteverde? Luhaang nakatitig siya sa mukha sa salamin. Okay lang naman ang height niya. Katamtaman lang din. Ngunit hindi talaga s'ya maganda kaya ganito nalang kadaling saktan s'ya at apakan ng kanyang asawa. Meron s'yang katamtamang hugis ng mukha na na medyo mapanga iyon. Ang kanyang ilong naman ay tuwid ngunit hindi gaanong matangos. Ang kanyang mga mata naman ay brown at medyo katamtaman lang din ang laki. Ang kanyang mga labi naman ay manipis at natural na kulay-rosas. Mayroon siyang ilang mga freckles sa ilong at pisngi. At ang kulay ng kanyang balat ay medyo maitim dahil siguro ay hindi s'ya maarti at wala s'yang apply man lang. Ang kanyang buhok ay straight at simple lang ang ayos na hanggang balikat ang haba. Hindi siya masasabing kagandahan ayon sa mga kakilala niya at kaibigan pero mayroon siyang sariling natural na alindog na s'yang nakikita at napansin siguro ni Marcus. Pero hindi naman s'ya ikinakahiya ni Marcus. Proud pa nga s'yang dadalhin nito kung may meeting ito sa malayo at hindi makakauwi ng tatlong araw. Pero nagbago ang lahat nang mangarap itong magkaanak. Sa loob ng tatlong taong pagsasama nila ay sobrang saya nila ng asawa. Ngunit ngayon ay biglang nagbago ang lahat simula nang malaman nitong siya'y bago. Okay lang sana rito na di pa sila magkakaanak noong di pa sila makapagpa check-up dahil di pa naman daw sila matanda. Thirty two pa ang asawa at s'ya naman ay twenty six. Sabi nitong 'okay lang darling, bata pa tayo' subalit nagbago ang lahat nang malaman nitong di pala niya ito kayang mabigyan ng anak dahil siya nga'y baog ayun sa result ng pagpa check-up nila. Flash back: "My gosh, Marcus! dapat sa edad mo na yan ay magkakababy ka na, di ka bumabata, tumatanda ka na! maghanap ka ng paraan upang mabigyan mo kami ng mga apo dahil baog pala ang asawa mo! sobrang malas mo naman sa asawa mo, Marcus! tigas kasi ng ulo mo! paano ang apilyido ng Daddy mo? sino ang mga tagapagmana mo sa huli? nag-iisang anak kapa naman!" Sermon pa ng kanyang biyenan sa asawa niya. Akala naman niya ay binalewala ni Marcus ang masamang turo ng ina nito ngunit tinupad naman ni Marcus ang sinabi ng Ina nito. Naisip din nitong tama naman ang Ina. Natigil ang pag-iisip niya nang bigla naman siyang napasukan ng asawang si Marcus na umiiyak habang nakaharap sa salamin. " Lailyn! hindi kaba titigil sa kakaiyak? kung tatanggapin mo lang sana ay maging maayos lang ang lahat." Napapailing na sabi ni Marcus sa kanya. "Masakit sa akin, Marcus. Lalo na't makita kayong magkasama habang nag exercise si Haneline. Matatawag pa ba akong asawa dito, Marcus?" Tanong niya sa asawa. "What kind of question is that, Lailyn? lagi nalang ba tayong magtatalo? ayoko nang makipagtalo sa'yo. Bahala ka kung labag ka sa mga desisyon ko. Basta, magkakaanak na ako at masaya ako na malapit na akong maging ama. Mabigyan na talaga ako ng anak ni Haneline." Sabi nito sa kanya. Umiiyak parin s'ya. Lumapit naman ito sa kanya. " Halika na, sabay na tayo sa breakfast natin at tama na ang pag-iyak. Wala kang makukuha sa kakaiyak mo." Pag aya pa nito sa kanya. Hindi alam ni Lailyn kung bakit parang tanga s'yang sumunod na rin sa pag-aya ng kanyang asawa. Tila ba ang lakas ng kapangyarihan nito na ang bilis niyang mapaamo kahit durog na durog na s'ya. ____ Napansin naman nina Haneline at ng ina ni Marcus na magkasabay paring kumain ang mag-asawa. " Kaya pala, ayaw makipagsabay sa atin ang anak niyo tita. Sa pangit pala niyang asawa siya makipagsabay kumain." Sabi pa ni Haneline. " Na stress na talaga ako sa babaeng yan, Haneline. Ano kaya ang pwedi nating gawin upang mawala na yan dito? mukhang matigas parin at ayaw humiwalay sa anak ko? kahit nalaman na niya na magkaanak na kayo ni Marcus at nalaman na niyang dito ka na titira?" Inis na sabi ni Mrs. Florenda Monteverde. "Tulad din sa mukha niyang matigas ang kalooban ng babaeng yan. Akala ko ay lalayas na 'yan." Tugon naman ni Haneline. Saglit na napaisip ang Ina ni Marcus. " Wait lang, may naiisip ako. Mukhang epektibo ito para mapaalis na talaga ang babaeng yan hindi lang dito sa mansion kundi pati na sa buhay ng anak ko." Sabi naman ni Mrs. Florenda. Bigla namang natuwa si Haneline. " Ano yan, tita?" Nakangiting tanong ni Haneline. "Basta. Alam ko na. Pero kukuha lang tayo ng tiyempo kung kailan." Ani Mrs. Florenda at napapangiting nakatingin kay Haneline. Hindi naman mayaman ang pamilyang pinanggalingan ni Haneline, may kaya lang ang mga ito. Kaya mas nagustohan nalang ito ng Ina ni Marcus. Kahit araw-araw na nakikita ni Lailyn ang babae ng asawa na buntis ay mas pinili niyang manatili sa tabi ni Marcus. Parang hindi na yata s'ya mabuhay kung wala ang asawa. Hangga't dumating ang araw na nanganak na si Haneline. Mas lalo pang nasaktan si Lailyn dahil laging nasa kuwarto nalang ni Haneline ang kanyang asawa para sa anak ng mga ito. Sa tuwing mula ito sa office ay imbis na s'ya ang kakausapin ng asawa ay hindi na. Nandoon na ito sa anak nito kasama kay Haneline. At s'ya? heto nasa tabi, umiiyak, nagpatanga at nagpaka martyr sa asawa. Hindi pa s'ya nakatulog at hinintay pa niya ang kanyang asawa na papasok na sa kanilang kuwarto. Nakasanayan na nito na gabing-gabi na ito papasok sa kanilang kuwarto ng asawa dahil nando'n ito kina Haneline at sa anak nito. Muli s'yang humagulhol ng iyak na di na niya namamalayan. Mula nang manganak si Haneline ay parang segunda nalang s'ya sa buhay ni Marcus. Magtatlong buwan na ang anak ng mga ito at kitang-kita niya ang kaligayahan ni Marcus. Sa tuwing umaga ay karga-karga nito ang sanggol na anak. Babae ang anak ng mga ito. At lahat ay mahal na mahal ang bata maliban nalang siguro sa kanya. Sumapit nalang ang alas dies ng gabi ay hindi pa pumasok si Marcus sa kuwarto nilang mag-asawa. At hindi s'ya makakatulog! para s'yang kinabahan. Kung gagawa ng hindi maganda ang asawa at si Haneline ay pweding-pwedi na dahil tatlong buwan na ito mula nanganak. Nagmamadali s'yang lumabas ng kuwarto at walang pag-alinlangang pinuntahan ang asawa sa kuwarto ni Haneline. Nang nasa tapat na s'ya ng pintuan ay sobrang tahimik na sa loob. Baka nakatulog ang asawa niya sa loob! kakatok na sana s'ya nang may bigla s'yang marinig na mahinang ungol mula sa loob. Bigla na namang sumikip ang kanyang dibdib at pinakinggang mabuti ang loob ng kuwarto. " Uhhhhmmggg." Ungol ng tinig ng asawa! Kilalang-kilala niya ang mga ungol ni Marcus! Nanginig na naman s'ya pati mga labi niya. " Ughhhh!! Marcus.. deeper please.. ughh! sobrang kakaadik to, Marcus!" Mahinang wika ni Haneline subalit dinig na dinig naman niya! Sa muli, tila nawalan na naman s'ya ng lakas at mahinang umiiyak sa labas. Napakasakit ng lahat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD