Halos di s'ya makahinga sa sobrang sakit na naramdaman sa kanyang narinig mula sa loob ng kuwarto ng babaeng nagbuntis sa anak ng asawang si Marcus.
At kasama pa mismo ang kanyang asawa sa loob.
Masayang-masaya ang asawa kasama ang babaeng binuntis nito. Hindi man lang inisip ng mga ito na may nasasaktan ang mga ito at s'ya iyon.
" Ayy!! tumigil ka nga, Marcus, ano ba!" Tawang-tawa na sigaw muli ng nagngangalang Haneline.
Hindi niya napigilan ang sarili. Asawa s'ya kaya may malaking karapatan siyang magalit kahit ganito lang s'ya. Kinatok niya ng sunod-sunod ang pinto ng kuwarto ng babae.
" Marcus! lumabas ka diyan! bakit mo ito ginawa ha!? nasa tamang pag-iisip ka pa ba? may nasasaktan kayo sa ginawa niyo! asawa mo ako, Marcus! bakit ginaganito mo ako, Marcus!?" Pag-iiyak ni Lailyn habang walang tigil ang pagkatok niya sa pintuan ng kuwartong kinalalagyan ng mga ito.
Natigil naman ang harutan sa loob ng kuwarto. At may bumukas sa kanya ng pinto, walang iba iyon kundi ang asawa.
"I'm so sorry, Lailyn. Halika, doon na tayo sa kuwarto natin mag-usap." Sabi nito sa kanya at nagpatiuna pa ito sa kanya.
Inis na inis naman si Haneline na naiwan. Gusto ng babae na s'ya ang papalit sa puwesto ng baog na asawa ng bilyonaryong binayaran s'ya para lang magbuntis sa mga anak nito. Sa isip ni Haneline ay dapat naman talagang s'ya na ang maging asawa ni Mr. Marcus Gavin Monteverde dahil nagsimula na s'yang magbuntis sa anak nila.
____
Samantalang pagpasok nina Marcus at Lailyn sa kanilang kuwarto ay napabuntong-hininga itong naupo sa kama nila at nakatingin sa kanya.
Hindi naman tumigil sa pag-iyak si Lailyn. Dahil masakit talaga ang nangyari. Hindi niya talaga matanggap-tanggap na ganito ang kahahamtungan ng pagiging asawa niya ng isang bilyonaryo. Akala pa niya na siya na ang pinaka swerteng babae sa balat ng lupa dahil iniibig at pinulot ang isang tulad niya ng guwapong bilyonaryo. Ngunit hindi pala. Hindi pala totoong swerte s'ya dahil sa masakit na ginawa ngayon ni Marcus sa kanya.
" Sorry, but believe me, mahal kita, Lailyn. Ilang ulit ko ba yang sabihin sa'yo? pero hindi mo ako mabigyan ng anak kaya nagawa ko ito. Anong gusto mo? tatanda nalang akong walang anak? ikaw parin naman ang asawa ko dahil kasal tayo. Ang bata lang ang kailangan ko kay Haneline. Anak ko ang nasa sinapupunan niya kaya dapat ay iparamdam ko sa anak ko na mahal na mahal ko s'ya kahit nasa sinapupunan pa s'ya ng ina niya. Kaya nakipagbonding lang ako kay Haneline dahil para iyon sa anak namin na maging maayos si baby at maramdaman niyang nasa tabi lang ang Daddy niya. I know, masakit sa'yo ang lahat pero kailangan ko ang anak, Lailyn. Hanggang tatlong anak nga ang gusto ko." Ani Marcus.
Nagulat s'ya sa narinig mula sa asawa. Hindi lang pala isang anak ang gusto nito kundi tatlo talaga!
" A-anong ibig mong sabihin?" Nagbabanta na naman ang galit niya sa asawa.
"Ikaw ang tunay kong asawa, panghahawakan mo 'yan. Ang totoo ay dito na muna si Haneline titira hangga't mabigyan niya ako ng tatlong anak. Pero ikaw ang ipapakilala ko bilang ina sa magiging mga anak namin, dahil ikaw ang asawa ko. Pagkatapos niyang maibigay sa huli ang tatlong anak sa akin ay saka s'ya aalis sa pamamahay na 'to." Sabi ng asawa sa kanya na mas lumala pa yata!
" Ano bang kalokohang ito, Marcus!? ano bang mga ginagawa mong desisyon!? hindi ito maganda!" Muling umiiyak ng malakas si Lailyn sa narinig mula sa asawa.
"Hindi mo kasi naiintindihan, Lailyn! gusto ko ng mga anak! saan ko ipapamana ang mga ari-arian namin kung wala akong mga anak!? kulang ang isa para sa akin! ayokong basta-basta nalang mawawala ang apilyido namin sa huli dahil lang mas pinili kong unawain ang nararamdaman mo!" Matigas na muling wika ni Marcus sa kanya.
" H-hindi. M-marcus, h-hindi ko ito kaya! please!! maawa ka sa akin. Hindi ko ito kaya!" Hagulhol ni Lailyn ng iyak.
Ang buong akala pa niya na kung manganganak si Haneline ay aalis na ito ngunit hindi pala. Titira pa pala ng matagal si Haneline kasama nila dahil hindi lang isang anak ang kailangan nito kundi tatlo talaga ang gusto ng asawa!
Grabe ang mga taong makapangyarihan, kaya talaga nilang gumawa ng paraan kahit mali pa, upang di lang mapunta sa huling mga araw ang kayamanan ng mga ito. At iyon ang ugali ng kanyang asawang si Marcus!
"Kung hindi mo matanggap ay free kang umalis dito, Lailyn. Hindi ko pweding paalisin si Haneline, anak ko ang dinadala niya. Malaking halaga ang ibinayad ko sa kanya para lang bigyan niya ako ng mga anak. Bahala na kung kabit ang tingin ng lahat sa kanya. Kung mahal mo talaga ako mananatili ka sa tabi ko. That's all." Sabi nito sa kanya.
" Kung alam ko lang na ganito ang mangyari ay hindi na sana ako pumasok sa buhay mo, Marcus. Ang sakit-sakit." Patuloy na hagulhol niyang iyak sa harap ng asawa.
Tumayo ito at umikot sa kanyang likuran. At niyakap s'ya nito.
"Sorry. Tandaan mo, mahal naman kita." Bulong nito sa kanyang tainga at hinalikan s'ya nito sa kaliwang pisngi.
"Kung aalis ka, masasaktan ako, darling. Pero wala akong magagawa kung magdesisyon ka na aalis dahil nasasaktan kita. Pero kung mananatili ka sa tabi ko at intindihin mo ang desisyon ko ay ikakatuwa ko iyon. Hindi tayo magkaganito kung hindi ka sana baog. Please.. darling, alam kong matatanggap mo lang ito at masanay ka rin na nandito si Haneline. Ikaw ang asawa ko pero si Haneline ang magbibigay sa akin ng mga anak. Siya ang magiging ina ng mga anak ko. Binayaran ko s'ya ng malaking halaga, tandaan mo 'yan, darling." Sabi ni Marcus sa kanya.
Mas hinigpitan pa nito ang pagyakap sa kanya. Ngunit kinalas ni Lailyn ang mahigpit na yakap ng asawa sa kanya.
" H-hindi ko alam kung... kung kakayanin ko ba ito, Marcus. Napakahirap sa akin ang ganito. Feel na feel ko na sobrang ang baba ng tingin mo sa akin bilang asawa mo, dahil basta-basta mo nalang ginawa ito sa akin." Patuloy na iyak niyang sabi sa asawa.
Napahilamos sa mukha si Marcus sa mga palad nito.
"Kung gano'n, wala akong magagawa. Nagpapaliwanag na ako, pinapaintindi na kita. Matulog ka na." Sabi nitong muling lumabas sa kanilang kuwarto.
" Marcus! saan ka pupunta?!" Tawag pa niya sa asawa nang lumabas ito sa kuwarto nila ngunit hindi s'ya pinakinggan nito.
Parang baliw si Lailyn at hindi niya alam ang tamang gagawin n'ya ngayon. Aalis nalang ba s'ya o ipaglaban niya ang kanyang asawa? kung aalis s'ya, siguradong tuloyang maagaw sa kanya si Marcus. Kaya ba kaya niyang mabuhay ngayon na wala ang asawang si Marcus?
Gulong-gulo ang kanyang isipan habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. Tatanggapin nalang ba niya ang mga maling desisyon at panloloko Ng kanyang asawa at iintindihin nalang ito dahil sa kagustohan nitong magkaroon ng mga anak? bakit pa ba s'ya naging baog? bakit sa kanya pa nangyari ito?
Nakatulogan ni Lailyn. ang pag-iiyak dahil siguro sa puyat niya sa ilang Oras na pag-iiyak kaya hindi na niya namalayang nakatulog pala s'ya.
At hindi na niya namalayan ang muling pagpasok ng asawa.
Pagsapit ng hatinggabi ay nagisnan naman ni Lailyn na inangkin s'ya ng asawa. Itinulak niya ito ngunit matigas naman ito at di natinag.
Patuloy s'yang nanulak rito. Kaya nagalit ito sa kanya.
" D@mn! hindi mo na nga ako mabigyan ng anak, tapos pati ang bagay na ito ay ipagkakait mo na rin?" Galit na sabi nito sa kanya.
Hindi s'ya sumagot at muling tumulo ang kanyang mga luha. Hinayaan nalang niyang angkinin s'ya ng asawa ng gabing iyon kahit sobrang samà ang kanyang loob rito.
Kinabukasan ay pagkagising ni Lailyn ay wala na sa tabi ang asawa. Mga alas singko palang ng umaga iyon. Bumangon s'ya at naramdaman niyang ang bigat ng talukap ng kanyang mga mata. Nagsalamin s'ya upang tingnan ang sarili. Namamaga pala ang dalawang mga mata niya sa kakaiyak. Mabigat ang mga hakbang na lumabas s'ya ng kanilang kuwartong mag-asawa.
Pagkarating niya sa ibaba ay hinanap niya agad ang kanyang asawa. At ang kanyang biyenan namang maldita ang sadyang sumalubong sa kanya.
"G-good morning, mommy." Bati niya rito.
" Anong nangyari sa mga mata mo? magdamag ka bang umiyak? kawawa ka naman, bakit ka pa magtitiis dito? umalis ka na dito, Lailyn. Wala kang kuwentang asawa para sa anak ko. Hindi ka makapagbigay ng anak sa kanya. At isa pa, mabuti na rin na hindi ka magkakaanak! paano kung magmana sa'yo ang mukha ng apo ko? nakakatawa yun!" Sabi naman sa kanyang biyenan.
Sanay na s'ya sa mga panlalait sa kanya ng Ina ni Marcus. Pero binalewala niya iyon at tanging pagmamahal lang ni Marcus ang nagpapatibay sa kanya dito sa mansion ng mga Monteverde.
"Sorry po, kailangan ko na po kayong iiwan. Hinahanap ko si Marcus, mommy." Sabi pa niya.
"Kapal ng mukha! pinipilit parin ang sarili! at saka pwedi ba? h'wag kanang mag mommy sa akin? si Haneline ang dapat mag mommy sa akin dahil bibigyan na niya ako ng apo!" Malakas pang sabi nito sa kanya.
Durog na durog na nga ang kalooban ni Lailyn at dinagdagan pa ng kanyang biyenan ngayon.
Hinanap niya si Marcus ng umagang iyon at nakita niya ito sa labas ng Mansion kasama si Haneline. Masaya ang mga itong nag-uusap habang palakad-lakad ang buntis at nag exercise.
Muling nanghina si Lailyn nang makita ang mga ito. Kaya ba niya ang lahat ng ito kung mananatili s'ya sa tabi ng asawa? kusang tumulo muli ang kanyang mga luha ng umagang iyon.