"H'wag kang gumawa ng kuwento, Marcus. ang kapal ng mukha mo. Walang kinalaman si Felizardo sa pagkawala ng asawa mo, kaya palabasin mo siya sa kulongan!" matigas na wika ni Lailyn rito. "Paano kung isampal ko sa'yo ang matitibay na mga ebidensyang nakuha ko laban sa asawa mo? alam mo, mas mabuti pa emerald na sabihin mo nalang din kung ano ang totoo! at kung ano ang ginawa ng asawa mo sa dati kong asawa! upang hindi pa lumala ang lahat at baka pati ikaw ay ipapakulong ko rin!" pagbabanta ni Marcus sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Hindi naman n'ya pweding sabihin rito na siya si Lailyn. Dahil alam n'yang pakikialaman ni Marcus pati ang kanyang anak. At muling gugulo lang ang kanyang buhay. Nasasaktan siya sa nangyari ngayon kay Felizardo dahil kung hindi dahil ri

