"T-totoo ba ang s-sinabi mo? a-anong pangalan ng babaeng baliw na naampon ni Mr. Felizardo noon?" malakas ang kabang tanong ni Marcus kay Edward Magbanua. "Yan lang po ang hindi namin alam kung ano ang pangalan ng baliw na babae, sir. Basta yun ang nalaman namin mula sa kanilang driver. Matagal na po kasi ang driver nila nanilbihan kay Sir Felizardo. At tumira daw ng dalawang taon si Sir Felizardo sa Canada. At sa pag-alis niya ay dinala daw nito ang baliw na babae pa Canada. Kahit nga daw mga katulong nila ay alam iyon dahil naalagaan pa nila ang baliw na babae. At ang ipinagtataka nalang nila ay wala na silang balita tungkol sa baliw simula nang dinala ito ni Sir Felizardo sa labas. At ang asawa ko naman ay kinuha ito noon ni Sir Felizardo para papuntahin sa Canada, para maging Yaya

