"Sigurado ba kayo, Sir? hindi po ba kayo nagbibiro?" di makapaniwalang tanong nito kay Marcus. "Yes, siguradong-sigurado. At kahit hindi niyo pa sabihin sa akin ni Mr. Del Fuego, na siya ang tunay na nagmamay-ari ng painting ay alam ko na ang totoo. Ang gusto ko lang, Mr. Magbanua na malaman kung saan na ang babae sa painting. Kailangan ko'ng malaman kung nasaan na ang babae sa painting. Nagdududa ako na may kinalaman si Mr. Felizardo Del Fuego sa pagkawala nito. Bigyan niyo lang ako ng matibay na ebidensya, na Siya Ang nagmamay-ari ng painting. Yun ang isa sa kailangan ko ngayon. At humanap kayo ng paraan na malaman kung nasaan na ang babae." ani Marcus rito. " Sandali po, Sir. Bakit ganito nalang po ang interest niyo sa babaeng nasa painting?" lakas-loob na tanong ni Edward Magban

