Biglang lihim na naikuyom ni Felizardo ang kanyang isang kamay dahil sa kanyang narinig at nalaman mula kay Mr. Marcus Monteverde. "What??" sambit ni Felizardo na halatang biglang nagalit ang mukha sa narinig. "Ano? sabihin mo na ba sa akin ang totoo na sa'yo nga galing ang painting mula kay Tina Magbanua? at aminin mo na ba, Mr. Del Fuego na kilala mo nga ang dati ko'ng asawa dahil naipinta mo siya?" sunod-sunod na tanong ni Marcus. " No! h-hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo tungkol sa painting. At... at hindi sa akin galing ang painting na sinasabi mo. Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo, Mr. Monteverde. Mali ang impormasyon nakalap niyo na galing sa akin ang painting ng dating asawa mo!" nagalit at puno ng kabang wika ni Felizardo. Tinitigan ito ni Marcus. At halatang-halata

