Chapter 5

1519 Words
Tulala nang makabalik sa gawain n'ya si Rita, ni hindi n'ya namalayan kung paano s'ya nakabalik. Ni hindi din n'ya ata naramdaman ang paglalakad n'ya sa lupa. Pakiramdam n'ya ay para siyang nananaginip. Agad siyang nilapitan at tinanong ng dalawang katulong na naroon. "Oy Rita, bakit ka ipinatawag ni ser Martin, napagalitan ka ba?" "Bakit kaya, ano? Hindi naman basta-basta nagagalit 'yong si ser Martin e, ano ba kasi ang ginawa mo?" Tanong ng isa. Hindi sumagot si Rita, nakatulala lamang ito habang nagpapaulit-ulit sa isipan n'ya ang mga sinabi ng amo niyang lalaki sa kanya kanina: Nang sabihin ni Martin ang mga katagang iyon ay natulala na lang si Rita sa guwapong mukha nito. Inisip ni Martin na maaaring hindi s'ya naunawaan ng dalaga kaya ipinaliwanag n'ya. "Kahit hindi pa natin alam kung magbubunga ba o hindi ang nangyari sa atin, dapat maging handa pa rin tayo sa pag-ako ng responsibilidad. Kaya ngayon pa lang ay dapat na nating kilalanin ang isa't-isa. Huwag kang mag-alala, uunti-untiin lang natin ang lahat. Saka hindi naman natin kailangang palaging magkita. Unti-unti, mag adjust tayo para hindi tayo magkailangan. Pero may araw na dapat tayong magkita para makapag spend tayo ng oras sa isa't-isa at para makapag-usap na rin tayo." Sa lahat ng mga sinabi ni Martin ay nakatulala lang si Rita, ni hindi malaman kung may naintidihan ba ito. Nang makitang, tila walang balak sumagot si Rita ay iniwan na lang ito ng mga katulong. Inisip na lang nila na maaaring nabigla ito at napahiya dahil napagalitan ito. Matapos ng araw na iyon ay parang wala namang nagbago, dahil, katulad ng dati ay hindi pa rin naman binibigyang pansin ni Martin si Rita. Tila malamig pa rin ito sa dalaga. Habang nagbabasa ang binata ng mga files sa sala ay palihim itong pinagmamasdan ni Rita sa malayo-layo. Nakipagpalit s'ya ng gawain sa isang may-edad na katulong para lang makapuwesto s'ya dito at para lang masilayan si Martin. Habang pinagmamasdan n'ya ito ay naglalaro sa isipan n'ya ang mga sinabi nito kahapon. Bagaman parang mahirap paniwalaan kung totoo ba talaga ang nangyari kahapon ay umaasa pa rin s'ya kahit paano ng kaunting pansin mula dito. Ngunit nagtataka s'ya, bakit tila malamig pa rin ito sa kanya? Nasusuya pa rin kaya ito sa kanya o baka a totoo ay diring-diri pala ito sa kanya dahil sa nangyari sa kanila? Natigilan si Rita nang maisip ang masama niyang kutob; hindi kaya, gumaganti lang pala ang among lalaki, hindi kaya gusto lang pala siyang paasahin at ipahiya nito? Nang alalahanin ni Rita ang nangyari kahapon, sa pagkakatanda n'ya ay wala siyang naging sagot sa mga sinabi ni Martin. Ni hindi nga n'ya naalala na pumayag s'ya sa mga sinabi nito. Ngayon ay naisip niya, dahil wala naman talaga siyang agreement, hindi kaya, hindi naman talaga totoo ang lahat? Nang maisip n'ya iyon ay tila nagkaroon ng kaliwanagan si Rita; mukhang pantasya nga lang ang lahat sa kanya. Kung patuloy s'yang aasa, siguradong s'ya lang din ang masasaktan. Natigilan sa paglilinis si Rita, bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Bakit nga ba s'ya umasa gayong imposible naman talaga para sa isang katulong na kagaya n'ya ang patulan ng kanyang mayamang amo? Sa mga oras na iyon ay itinigil na niya ang kanyang pagdedelusyon. Bigla siyang nawalan ng gana na maglinis doon, kaya ginusto na niyang makipagpalit uli ng puwesto sa may-edad na katulong. Ngunit, nang paalis na s'ya ay bigla naman siyang tinawag ni Martin. Paglapit ay inutusan s'ya nitong ayusin ang mga files na kanyang binabasa. Pagtingin ni Rita ay nakita n'ya ang magulo at nakasabog na mga files sa coffee table. Yumuko siya at sinimulang ipunin at iligpit iyon. "Maupo ka dito...." Turo ni Martin sa kanyang tabi, sa inuupuan niyang mahabang sofa. "Sasakit ang likod at balakang mo kung yuyuko ka nang ganyan." Natigilan si Rita. Tila nahirapan itong sundin ang utos ng amo, ngunit sa huli ay may pag-aalangan pa rin siyang naupo sa tabi nito. "Mahihirapan ka sa pagdampot kung ganyan ka kalayo, lumapit ka pa." Walang nagawa si Rita kung hindi ang lumapit pa. Sinadya niyang dumistansya dahil naiilang at nahihiya siyang tumabi dito. Ngayon ay parang hindi naman s'ya mapakali, ito pa lang ata ang unang beses na nakalapit s'ya nang ganito kay Martin. Biglang namula ang kanyang pisngi nang maalalang, may nangyari na nga pala sa kanilang dalawa kaya nalalaman n'ya na higit pa dito ang ginawa nila. Napaigtad si Rita nang biglang magtanong ang binata. "Anong nangyari sayo, bakit parang naninigas ka diyan?" "Um....." Magdadahilan na sana si Rita nang biglang lumapit nang husto si Martin sa kanya. Bigla niyang naamoy ang preskong amoy ng pabango nito, ang leeg nito ay halos sumayad na sa kanyang mukha. Mula doon ay kitang-kita n'ya ang adams apple nito. Bagaman bigla siyang nanigas ay tila bigla siyang nagkaroon ng udyok na halikan iyon. Napapikit si Rita, hindi s'ya handa sa biglaang intimasyon ng among lalaki sa kanya, pakiramdam n'ya ay tila gusto siyang yakapin nito. Tumatakbo pa lamang ang imahinasyon n'ya nang biglang lumayo si Martin sa kanya. Saka niya nakitang, kinuha lang pala nito ang ilang files na nasa kanyang harapan. Namula ang kanyang mukha sa hiya, ang akala pa naman n'ya ay............. Muli siyang napaigtad nang bigla namang sunggaban ni Martin ang kanyang kamay. "Kanina ka pa parang wala sa sarili mo, may problema ba?" Itinago ni martin ang kamay nila sa ilalim ng mesa, saka n'ya hinaplos-haplos ng kanyang hinalalaki ang kamay ni Rita. "Boyfriend mo ako, baka gusto mong sabihin sa akin kung ano ang gumugulo sa'yo?" Napatingin si Rita sa guwapong mukha ni Martin. Pakiramdam n'ya ay tila nagkamali ata s'ya ng dinig. "H-ha?" Saka n'ya naisip na hawak nga pala nito ang kanyang kamay. Tila biglang bumilis ang t***k ng puso n'ya at tila nakaramdam s'ya na parang may naghahabulang kung ano sa kanyang sikmura. "Tinatanong kita kung ano ang gumugulo sa'yo. Pero kung ayaw mong sabihin, ayos lang....." Yumuko si Martin at hindi na tiningnan pa si Rita dahil may katulong na biglang dumaan, ngunit hindi n'ya binitawan ang kamay nito. "Pasensya na kung palihim ang relasyon natin. Naiintindihan mo naman siguro kung ano ang puwedeng mangyari kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa atin lalo na ng mommy ko, hindi ba?" "Um....... w-wala namang problema sa akin yun, ser." Mahinang sagot ni Rita. "Sir?" Bahagyang tumaas ang kilay ni Martin. "Kapag tayong dalawa lang, Martin na lang ang itawag mo sa kin, okay?" "S-sige po, se..... m-martin pala." . . . "Martin, kumusta na nga pala kayo ni Claire? Nakapag-usap na ba kayo?" Natigilan sa pagsisilbi sa hapag-kainan si Rita nang marinig ang tanong na ito ni Roda. Pasimple siyang sumulyap sa among lalaki na ngayon ay nobyo na n'ya. Nagtaka s'ya, sino si Claire? "Hindi pa." Walang pakielam na sagot ni Martin. Ibinaba ni Roda ang hawak na kubyertos sa pagkadismaya. "O, e bakit parang wala ka atang ginagawa? Gusto mo bang tawagan ko s'ya para magkausap kayo?" "Hindi na mom, wala naman kaming pag-uusapan e." "Hay naku, hanggang kailan mo ba balak mag balewala? Ang balita ko ay marami raw ang umaali-aligid kay Claire doon sa abroad. Sige ka, baka maunahan ka. Sa huli baka magsisi ka." Hindi pinansin ni Martin ang sinabi ng ina, ngunit nang mga oras na iyon ay tila hindi na mapakali si Rita. Gustung-gusto niyang itanong sa nobyo kung sino si Claire sa buhay nito. Lumipas ang ilang araw na hindi nagawang tanungin ni Rita si Martin tungkol kay Claire, bigla kasi itong naging abala sa kumpanya at gabing-gabi na kung umuwi. Dumating din ang araw nang hindi na rin ito umuuwi. Tinanong ni Rita si Andeng at ang mga kapwa katulong kung nasaan ito, ngunit hindi din alam ng mga ito. Saka lang n'ya nalaman na nagkaroon pala ito ng business trip sa ibang bansa. Gusto na lang niyang magtampo dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya bago ito umalis. Nakalipas pa ang ilang araw nang walang paramdam si Martin, gusto man itong kumustahin ni Rita ngunit hindi n'ya alam kung kanino sya puwedeng kumuha ng impormasyon. Hanggang isang araw, habang nagsisilbi s'ya sa mesa ay narinig n'ya ang pagbibida ni Roda. "Tingnan mo ito, mama...." Ani Roda sa kanyang biyenan. Ipinapakita n'ya dito ang larawan sa kanyang cellphone na ipinadala lang sa kanya. "Bagay na bagay talaga sila Claire at Martin, ano?" Natigilan si Rita, bumagal ang kanyang kilos dahil sa taimtim niyang pakikinig kay Roda. "Kuha nila itong dalawa nung manood sila ng sine, at...... sila lang daw dalawa." Tila kinikilig pang dagdag ni Roda. Nakaramdam ng hindi maganda si Rita, pakiramdam n'ya ay parang pinagtaksilan s'ya. "Siguro ay dapat na akong maghanda, ano? Baka pag-uwi ni Martin ay kasama na n'ya si Claire. Baka bigla na lang nila tayong sorpresahin at sabihing, magpapakasal na sila! Naku, kapag nagkatuluyan sila, siguradong magaganda ang magiging mga anak–" Nagitla at napasigaw na lang si Roda at ang mga kumakain sa mesa nang biglang silang makarinig na may nabasag sa kanilang likuran. Nang kanilang lingunin ay ang namumutlang si Rita ang kanilang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD