Chapter 6

1494 Words
"Tonta! Kahit kailan talaga..... tingnan mo ang ginawa mo!" galit na singhal ni Roda kay Rita, nakahawak s'ya sa kanyang dibdib dahil sa gulat. "Hindi mo ba alam na nagsasayang ka ng pagkain? Bakit kasi tatanga-tanga ka, simpleng trabaho, hindi mo pa magawa nang tama?" Namumutlang yumuko si Rita. "P-pasensya na po ma'am roda, h-hindi ko po sinasadya–" "Puro ka hindi sinasadya! Ano, kada ba palpak mong trabaho ay palagi na lang naming palalampasin?" "Roda...." awat ni Leonora, ang kanyang biyenan. "Hayaan mo na, hindi naman sinasadya ni Rita." "Hay naku, mama. Kung palagi n'yong hahayaan ang kapalpakan nito, malamang ay mamihasa ito. Bakit n'yo ba kasi tinanggap ito, e. Hindi nyo ba nakikita kung gaano ito katanga sa trabaho n'ya? Paano ba kasi kayo nakumbinsi nito?" Tumikhim si Reuben, ang asawa ni Roda at ama ni Martin, para patigilin siya. Tila natauhan naman si Roda, lalo na nang masilayan n'ya ang hindi magandang ekspresyon ng kanyang biyenan. Saka n'ya naunawaan na sumobra na s'ya ng pagsasalita. Bigla siyang nanahimik. "Rita..." tawag ni Leonora. "Sige na, iwan mo na yan. Hayaan mo na'ng iba ang magligpit niyan." Nagpasalamat muna si Rita sa matanda at muling nagpaumanhin bago umalis. Pumasok s'ya sa maid's quarter at nanatili muna doon saglit. Hindi n'ya inalintana ang mga masasakit na sinabi ni Roda sa kanya, dahil ang kanyang pag-iisip ay nakapako sa mga sinabi nito. Sino ba talaga si Claire at bakit sa mga sinabi ni Roda ay parang ito ata ang fiancé ng kanyang nobyo na makakatuluyan dapat nito? Naitutop ni Rita ang kanyang labi, ngayon n'ya naisip na tila walang katiyakan ang relasyon nila ni Martin kahit pa ito na ang nagsabi na magkasintahan na sila. Naisip niyang kausapin at paaminin ito pagbalik nito, ngunit, kung totoo man ang lahat ay kakailangan na rin niyang umalis. Kung hindi sana nalaman ni Martin na siya ang babaeng nakasiping nito nung gabi ng kaarawan nito ay puwede sana siyang umasta na parang walang nangyari, ngunit dahil nalaman nito na s'ya ang babaeng yun ay siguradong magkakailangan lang sila. Ang problema, kung aalis s'ya, saan naman kaya s'ya pupunta? Naisip ni Rita na magtiis na lang muna habang naghahanap ng ibang mapapasukan na stay-in, kapag nakahanap na s'ya, ay saka s'ya aalis. Paglabas niya ng kuwarto ay tapos nang mag-almusal ang pamilya del Prado, nakaligpit na rin ang mga pinagkainan nito kaya tumungo na lang siya sa kusina. Doon ay dinatnan n'ya si Andeng habang nagmimismis ng mga tirang pagkain sa mga plato. Bigla niyang naisip na tanungin ito tungkol kay Claire. "Si ma'am Claire? O, e, bakit bigla mo siyang naitanong?" "W-wala lang po. Curious lang po ako sa kanya." "Buweno, sa pagkaka-alam ko, ang pamilya ni ma'am Claire at ang pamilya Del Prado ay business partners. Magkaibigan din ang pamilya nila. Madalas s'ya dito dati at magka-vibes din sila ni ma'am Matina. Para ngang mas magkapatid pa silang dalawa kaysa kay ma'am Mayette e. Palibhasa kasi, halos magkaugali sila." "Magkaugali?" pagtataka ni Rita. "Oo. Pareho silang...." Bahagyang lumapit si Andeng kay Rita at halos bumulong na lang sa takot na baka may makarinig sa kanila. "Matapobre at arogante. Nakita mo naman kung paano umasta si ma'am Matina sa mga kagaya natin, diba? Ngayon lang ako magsasalita, pero sasabihin ko sayo na sa pamilyang ito, si ma'am Matina at ma'am roda lang ang hindi ko gusto ang ugali." "Um, okay po. Pero... ano pa po ang alam n'yo tungkol doon kay Claire, bakit po parang m-may relasyon sila ni ser Martin base sa mga sinabi ni ma'am roda kanina?" maingat na tanong ni Rita. "A, yun ba? Kababata kasi ni ser Martin si ma'am Claire, at ang pagkakaalam ko ay ipinagkasundo daw sila. Dapat nga ay kasal na sila ngayon e, kasi ilang taon na rin sila." Pakiramdam ni Rita ay parang may nawala sa kanya na kung ano matapos itong marinig. Magtatanong pa sana s'ya nang biglang tawagin ni Matina si Andeng mula sa labas ng kusina. "Speak of the devil, tinatawag ako ng maldita nating amo. Rita, ikaw na ang bahalang gumawa nitong mga hugasin, ha." Naiwang mag-isa si Rita, at habang ginagawa ang mga hugasin ay naglalaro sa kanyang isip ang mga impormasyon kanyang narinig tungkol kay Claire. Kinabukasan, nang pagbuksan ni Rita ng gate ang bumusinang kotse sa labas ay nasorpresa s'ya nang bumaba si Martin. Sumulyap muna ito sa paligid maging sa pinto ng kanilang villa, nang makitang walang tao ay hinawakan n'ya ang kamay ni Rita. "Kumusta?" Hindi agad nakaimik si Rita, nabigla kasi ito sa biglaang pag-uwi ng nobyo. "O, bakit parang gulat na gulat ka?" tanong ni Martin. "Um, ano...... n-nakauwi ka na pala?" Bigla niyang naalala ang gustung-gusto niyang itanong dito. "N-narinig ko sa mama mo na, kasama mo raw yung... yung kababata mo doon sa abroad?" Saglit na natigilan si Martin. "Si Claire ba? Hindi naman. Nagkataon lang na nagkita kami doon." Yumuko si Rita. "Totoo ba na... na nag-date kayo? At... totoo ba na fiancée mo s'ya?" "Ano? Saan mo naman narinig yan?" pagtataka ni Martin. Naunawaan n'ya na tila na-misunderstood s'ya ng nobya. Nang hindi sumagot si Rita ay magsasalita sana si Martin nang bigla namang may lumabas na katulong para kunin ang mga bagahe n'ya. Agad siyang dumistansya sa dalaga. Pagpasok sa bahay: "Kuya!" bati ni Mayette, sabay yakap sa kapatid. "Martin, narito ka na pala!" ani Roda, sabay beso sa binata. "Kumusta ang biyahe mo?" Lumingon s'ya sa likuran nito. "Nasaan si Claire, kasama mo ba s'ya?" Kumunot ang noo ni Martin. "Ma, ikaw ba ang nagsasabi ng kung anu-ano tungkol sa aming dalawa ni Claire? Ikaw ba ang nagpapakalat na nagde-date kami?" Ngumiti nang may kahalong panunukso si Roda. "Bakit, nahihiya ka ba? Ano ka ba, ang tagal n'yo nang magkakilala ni Claire, dapat nga ay open na kayo sa nararamdaman n'yo para sa–" "Ma!" awat ni Martin "Puwede po ba, kung anuman ang iniisip n'yo tungkol sa aming dalawa ni Claire, walang ganun. Saan n'yo ba nakukuha yan?" "Pero, diba nagde-date na kayo? Mali ba ang nakarating sa akin?" pagtataka na may kahalong pagkadismaya ni Roda. "Martin, anak, huwag mo sanang mamasamain, pero, umeedad ka na. Kailan mo ba talaga balak magpakasal? Kailan mo ba balak mag-asawa? Kailan mo ba ako bibigyan ng apo?" "Ma, katulad ng palagi kong sinasabi sa inyo; 'yang ganyang bagay, makakapaghintay yan. Hayaan n'yo, isang araw ay sosorpresahin ko na lang kayo. Saka puwede po ba, huwag kayong mag-assume ng kung anu-ano tungkol sa aming dalawa ni Claire..." Sumulyap si Martin sa kinaroroonan ni Rita. "Nagko-cause lang kasi yan ng misunderstanding, e." Nang makaalis na si Martin: "Ma, hindi ka ba nagtaka sa sinabi ni kuya?" Tanong ni Mayette. "Bakit, ano ba ang nakakapagtaka sa sinabi ng kuya mo, e ganun naman ang palagi niyang sinasabi sa akin; ang maghintay?" "Hindi! Sa sinabi kasi n'ya, parang ipinapahiwatig niya na meron na siyang girlfriend na maipapakilala sa atin, pero hindi yun si ate Claire." Natigilan si Roda nang ma-realize ang sinabi ni Mayette. Bigla siyang nakaramdam ng excitement, ngunit nag-alangan s'ya; kung hindi iyon si Claire, sino kaya iyon at ano naman kayang klase ng babae ito? . . Dali-daling pumasok ng kuwarto nila si Rita at aligagang naghalungkat sa kakaunting damit na kanyang dala. Nasabunutan na lang n'ya ang kanyang sarili nang maalalang, iilang piraso nga lang pala ang kanyang dala at puro damit na pambahay pa iyon ni lara. 'Paano na 'yan?' Dahil day-off ay inaya s'yang mag-date ni Martin. Ito ang kauna-unahang beses na inaya s'ya ng nobyo at ito din ang unang date nila kaya gusto sana niyang maging maganda at presentable. Maya-maya ay pumasok ang isang matandang katulong na may dalang puti at simpleng bestida, bagong laba iyon at naka hanger pa. Ang disenyo nito ay tila pang 80's pa, ngunit mukha pa rin iyon bago. Tila naalagaan iyon nang husto. Nang makita iyon ay nangislap ang mga mata ni Rita. "Nanay Dulce, sa inyo po ba 'yan?" "Oo. Isinuot ko ito nung umattend ako ng graduation ng apo ko." "Um...." Lumapit si Rita at pinagmasdan ang naturang damit. "Kung okay lang po, puwede ko po bang mahiram yan?" Nagdahilan na lang ng kung ano si Rita nang tanungin s'ya ng matanda kung saan n'ya gagamitin ang bestida. "Ma, huwag n'yo na akong hintayin mamaya ha, sa labas na ako magdi-dinner." Paalam ni Martin kay Roda. Ang hindi alam ni Martin, pag-alis n'ya ay agad tumayo ang kanyang ina. Paglabas ng pinto ay sinenyasan nito ang kanilang driver. Nang makitang umalis na ang sinasakyan ni Martin ay pinasundan n'ya ito. Sa di-kalayuan, sa kanto ay nakita ni Roda na bumaba ng sasakyan si Martin. Nakita niya ang paglapit nito sa isang babae na nakasuot ng puting dress. Nangislap ang kanyang mga mata, ito na kaya ang girlfriend ng anak? Gusto man n'ya itong kilalanin ngunit nakatalikod naman ito, kaya dali-dali na lang siyang bumaba ng sasakyan para lapitan ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD