Chapter 3

2420 Words
"Nanay Andeng, sandali...." Tawag ni Martin sa matandang katulong nang makitang, may nahulog na papel mula sa mga dala nitong damit. Nanggaling ang matanda sa maid's quarter dala ang mga marurumi nilang damit para labhan ang mga iyon, nang masalubong n'ya si Martin. Dala ng katandaan at ng mahina nang pandinig ay hindi tumigil si Andeng, bagkus ay nagdiri-diretso ito papunta sa laundry area. Hindi na ito tinawag pa ni Martin, dinampot na lamang n'ya ang papel sa sahig. Susunod sana s'ya kay Andeng para iabot iyon nang ma-spot-an n'ya ang pangalan n'ya na nakasulat sa labas ng papel. Nang mabasa n'ya ang nakasulat na "Para sa mahal kong si Martin" ay natigilan s'ya at na-intriga, doon n'ya naisip na maaaring isang liham pala ang naturang papel. Iniunat n'ya iyon at binasa. Matapos mabasa ay nagbago ang kanyang disposisyon, hindi mawari ang kanyang reaksyon, ngunit halos lamukusin na n'ya ang papel. Nang may dumating na katulong ay inutusan n'ya ito na tawagin si Rita at pasunurin ito sa kanya sa may patyo. "Magsabi ka ng totoo, sayo ba ang sulat na ito?" Tanong ni Martin pagdating na pagdating ni Rita. Hindi makasagot si Rita, hindi n'ya alam kung aamin ba siya lalo na nang makita ang tila madilim na awra ng kanyang amo. Sa nakikita n'ya ay tila nabasa na nito ang sulat. "S-ser Martin, ano po...... m-magpapaliwanag po ako." "Sagutin mo ang tanong ko, sayo ba ang sulat na ito? Ikaw ba ang nagsulat nito?" Napayuko na lang si Rita. "O-opo......sa akin nga po yan." Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Martin bago pabagsak na inilapag ang sulat sa mesa. "Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga isinulat mo, hm? Akala mo ba ay maa-appreciate ko ang basurang ito?" Patuktok na itinuro ni Martin ang papel sa mesa. "Akala ko ay nasabihan ka na ni nanay Andeng tungkol sa mga rules dito, at akala ko ay malinaw na iyon sa'yo. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ka tinanggap ng lola ko kahit alam naman niyang bawal kaming tumanggap ng mga katulad mo dito." Sa mga binitiwang salita ni Martin ay tila gusto na lang maiyak ni Rita. Hindi n'ya maintindihan kung bakit parang galit na galit ito sa isang simpleng love letter lang, gayong hindi naman s'ya nagpahayag na umaasa siya ng kung ano mula dito. Inihayag lang naman n'ya ang kanyang damdamin dahil ayaw n'ya iyon kimkimin sa kanyang loob, at dahil hindi naman n'ya iyon masasabi sa iba, kaya idinaan na lamang n'ya iyon sa sulat. "S-ser Martin, aaminin ko po na......n-na totoo po ang nakalagay sa sulat, pero...... gusto ko rin pong sabihin na, wala naman po akong inaasahan na kahit na ano mula sa inyo–" "Mabuti kung ganun! dahil wala ka talagang aasahan mula sa akin. Mabuti't mukhang malinaw naman pala ang pag-iisip mo........ Sige na, umalis ka na. Dalhin mo itong basura mo, at magmula ngayon ay huwag ka nang magpapakita sa harapan ko, naintidihan mo?" "O-opo." Mabilis na dinampot ni Rita ang sulat sa mesa at dali-dali umalis. Naiwan ang napabuntung-hiningang si Martin. Pinagmasdan n'ya ang halos tumatakbo nang si Rita. Hindi man n'ya gustong maging malupit sa mga pananalita n'ya dito ngunit nalalaman niyang kailangan niyang gawin iyon para maputol na agad ang pag-iilusyon nito sa kanya. Ngunit hindi n'ya mawari sa kanya sarili kung bakit tila, hindi n'ya gusto ang mapaalis ito nang dahil lang sa nalabag nito. 'Hays...... rita....' "O, anong nangyari sa'yo, umiiyak ka ba?" Tanong ni Andeng nang magbalik si Rita sa laundry area. Magkatuwang sila sa paglalaba ng mga damit nila ngayong araw. "H-hindi po, napuwing lang po ako....... Nanay Andeng, ako na po ang bahala dito, kaya ko na po ito mag-isa." Pagtataboy ni Rita sa matanda. Gusto sana muna niyang mapag-isa para pakalmahin ang kanyang emosyon. Nang sumunod na araw ay ginawa nga ni Rita ang sinabi ni Martin, hindi siya nagpapakita dito maliban na lang kung walang iba katulong na mag-aasikaso dito. Ang pagbabagong ito ay napansin ni Andeng. "Rita, napapansin ko lang, bakit parang umiiwas ka yata kay ser Martin? Dati nagpiprisinta ka pa kapag may ipinapagawa s'ya, ngayon ipinapasa mo na sa amin ang gawain. May nangyari ba?" "Wala po, diba binalaan n'yo ako? Kaya po idinidistansya ko na ang sarili ko." Hindi pinagdudahan ni Andeng ang katwiran ni Rita, agad siyang naniwala dito. Hindi nagtagal ay hindi na lang si Andeng ang nakapansin sa pagbabago ni Rita, kundi, maging si Martin din. Bagaman s'ya mismo ang nagsabing huwag itong magpapakita sa kanya ay hindi pa rin n'ya mapigilan ang manibago. Minsan kapag gumagawa siya ng trabaho sa sala at kapag hindi pinansin ni Rita ang presensya n'ya ay tila may inis siyang nararamdaman, pakiramdam n'ya ay parang may mali. Hindi ba't dapat ay s'ya ang hindi mamamansin dito, pero bakit parang ang katulong pa ata ang nagsusuplada sa kanya? Tila hindi ito matanggap ni Martin bilang amo. Habang nagtatrabaho si Martin ay tinatanaw ito ni Rita sa hindi kalayuan. 'Ayan, ginawa ko na ang gusto niya, sana lang talaga ay hindi ako mapaalis dito dahil lang sa love letter na sinulat ko. Bakit ko pa kasi isinulat yun e.' Bagaman walang ginawa si Martin matapos madiskubre ang kanyang pagtingin ay nag-aalala pa rin si Rita dahil iniisip n'ya na baka isumbong o i-report s'ya nito sa lola nito na siyang nag-hire sa kanya. Dahil sa pag-iwas ni Rita sa kanya ay umiral ang kuryusidad ni Martin kung hanggang saan ito tatagal, kaya tinawag n'ya ito at inutusan. Maya-maya lang ay ang isang matandang katulong ang lumapit sa kanya. "Ser Martin, ito na po ang ipinakukuha n'yo." Nagtatakang kinuha ni Martin ang isang bote ng wine. "Nanay Dulce, kayo po ba ang kumuha nito?" "Opo ser." "Bakit kayo, nasaan si Rita? S'ya ang inutusan ko a?" "E ser, meron daw siyang nira-rush na trabaho e." "Nira-rush?" Pagtataka ni Martin. Inisip n'ya kung ano naman kaya ang gawain sa villa ang kailangang i-rush, ngunit wala siyang maisip. Kinabukasan ay dumating na ang buong pamilya ni Martin galing sa bakasyon sa ibang bansa. Natigilan si Roda, ang ina ni Martin nang kukunin na ni Rita ang kanyang bagahe. "Teka, sino ka, bago ka dito?" Tila nagulat niyang tanong. "M-magandang araw po ma'am, ako po si Rita, bago po ako dito." Pakilala ni Rita. "Ano?" Hinaguran ni Roda si Rita mula paa hanggang ulo, at tumaas ang kilay nito. Bumaling ito sa kaniyang biyenang si Leonora. "Ma, sino ang nag hire dito?" Turo n'ya kay Rita. "Ako." Sagot ng donya. "Ano? Bakit naman po kayo nag-hire ng bata pa? Diba–" "Mukha naman s'yang mabait na bata, saka meron siyang problema sa kanila kaya kinailangan niyang pumunta dito sa Maynila, kaya lang ay wala naman siyang matutuluyan, kaya tinanggap ko na s'ya." "O, e problema ba natin yun? Hindi naman tayo kawanggawa dito e." May pagkasuyang sinulyapan ni Roda ang nakayukong si Rita. "Ang mabuti pa ay mag-impake ka na, hindi ka namin puwedeng tanggapin dito." Nang pumasok si Andeng ay narinig n'ya ito, nabahala s'ya kaya lalapit sana s'ya para makiusap ngunit naunahan s'ya ni Martin. "Ma, what's happened?" "Ang lola mo kasi e, nag hire pala ng bata pang katulong, hindi man lang ipinaalam sa amin. Saka, bakit nga pala hindi mo man lang sinabi sa akin? Sana ay tinawagan mo ko." Kinalma ni Martin ang ina. "Ma, wala namang problema sa pag-hire kay Rita e, nagagawa naman n'ya ang mga trabaho dito sa bahay. Saka huwag kang mag-alala, hindi s'ya ganun, ako na ang nagsasabi sa inyo." "Pero....." Sinulyapan ni Roda si Rita na tila hindi na mapakali sa kaniyang kinatatayuan, makikita na ninenerbyos ito. "Hindi pa rin ako kampante, hindi pa naman natin kilala yan e. Matatahimik lang ako kung paaalisin n'yo s'ya dito." Naipagkuskos na lang ni Rita ang kanyang mga kamay sa nerbyos, paano kung mapaalis nga s'ya ngayong araw, saan naman kaya s'ya tutuloy? Hindi n'ya lubos maunawaan kung ano ba talaga ang problema ng amo niyang ito. "Hindi s'ya aalis..." Sagot ni Leonora. "Ako ang nag hire sa kanya kaya ako lang ang may karapatang magpaalis sa kanya, tapos ang usapan." Nang lingunin s'ya ni Rita ay sinenyasan n'ya ito para magpaakay papunta sa kanyang kuwarto. Sa kwarto ni Leonora: "Madam, maraming salamat po sa pagtatanggol sa akin." Ani Rita. Ngumiti ang matanda. "Wala yon iha. Naniniwala ako sa judgement ko at alam kong iba ka, kaya huwag mo akong ipapahiya ha." "Opo. Pero, puwede po bang malaman kung ano po ba talaga ang problema?" "Ganito kasi iyon iha.... Ang totoo ay bawal kaming tumanggap ng katulong na kasing bata mo. Dalawa kasi sa mga bata pang katulong na na-hire namin dati ang pumikot kay Martin. Ang isa ay inakit-akit siya nang mag-isa s'yang umiinom sa study n'ya, mabuti na lang at hindi madaling pikutin ang apo ko. Kaya ayun, si Martin mismo ang sumisante sa kanya. Ang isa naman ay nabuntis ng kung sinong guwardiya dito sa subdivision at tinangka n'yang ipaako kay Martin and dinadala n'ya. Nagkaroon s'ya ng pagkakataon nang umuwing lango ang apo ko, nagkaroon kasi ng selebrasyon sa kumpanya nung mga araw na iyon at siya ang naghatid kay Martin sa kuwarto. Wala naman talagang nangyari pero pinalalabas n'ya na meron, sinabi pa n'ya na hindi daw iyon ang unang beses, at ang nauna ay nagbunga na raw. Sa pagkadismaya namin ay nagkaroon kami ng rules na hindi na kami tatanggap nga bata pang katulong, mga edad 40 pataas lang dapat ang tatanggapin namin. Pero..." Bumaling si Leonora kay Rita. "Alam kong hindi ka gagawa ng ganun, at umaasa ako na sana ay hindi ako nagkamali sa'yo." "O-opo! Makaaasa po kayo. Saka, hindi naman po ako ganung klase ng babae, ang gusto ko lang naman po ay ang makapagtrabaho dito sa inyo." Dahil sa pangakong ito ni Rita ay nagkaroon siya ng determinasyon na lalong iwasan si Martin, nagkaroon din s'ya ng determinasyon na kalimutan at ibaon na lang sa limot ang munti niyang pagtingin para dito........... Ngunit, tila sadya ata'ng kumukontra ang tadhana sa magiging takbo ng kapalaran niya, dahil sa isang insidente na hindi magagawang labanan ng kanyang puso. ............ Dumating ang ika-32 kaarawan ni Martin, dahil ayaw nito ng magarbong selebrasyon ay sa villa na lang ito nagdiwang kasama ang kanyang pamilya, kamag-anak, mga malalapit na kaibigan at ilang executives sa kanilang kumpanya. "Cheers!" "Cheers!" "Happy birthday, Martin!" Bati ng lahat ng bisita. "Maraming salamat, maraming salamat." Ani Martin. "Sayang lang at wala dito sa bansa sila Claire at ang tita mando at tita Pilita mo." ani roda. Dahil sa dami ng mga bisita ay si Rita ang madalas na naglalabas ng mga pagkain dahil s'ya ang pinakamabilis kumilos sa mga matatanda nang mga katulong. Nang magsilbi s'ya ng pulutan sa mesa nila Martin ay hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang birthday celebrant. Hindi ito pinansin ni Martin ngunit nakakaramdam ito ng hindi maganda dahil dito. Binalewala n'ya iyon at uminom na lang nang uminom. "Uy, dahan-dahan lang insan, baka malasing ka kaagad niyan." Sita ng kanyang pinsan. "Bakit insan, may problema ba kayo ni Claire? Lq ba kayo, ha?" segunda ng isa. "Kasi naman, dapat ay tuluyan mo na si Claire. Sige ka, baka maunahan ka ng iba. Ang dami pa namang hot guys sa U.S. Baka pag-uwi nun, may kasama nang blonde yun." Kantyaw ng pinsan nilang babae. Hindi sumagot si Martin, ngunit naghinay-hinay na ito ng inom. Pasimple niyang sinulyapan ang nagsisilbing si Rita sa kabilang table. Nang lumalim na ang gabi ay halos lasing na ang magpipinsan. "Hoy, hoy, tama na yan at mga lasing na kayo. Ang mabuti pa ay huwag na kayong umuwi, dito na kayo matulog." Wika ni roda. "Hindi na po tita, namamahay po kasi ako e." "Ako din po, tatawagan ko na lang po ang driver namin." Nang makaalis na ang mga pinsan ni Martin ay nagpaalam na rin ang iba pang mga bisita, inihatid ang mga ito ng bawat miyembro ng pamilya del Prado sa pinto, ngunit dahil nalasing si Martin ay naiwan itong nakatulungko sa kinauupuan nito. "Ser, tara na po sa kuwarto n'yo." Aya ni Andeng pagkatapos ay inalalayan nya si Martin sa pagtayo, ngunit hindi pa man sila nakakahakbang ay kamuntikan na silang mabuwal. Mabuti na lamang ay napadaan si Rita at inalalayan sila. "Hay naku, matanda na talaga ako..." Ani Andeng habang nakahawak sa kanyang balakang. "Parang may tumunog ata sa balakang ko, Rita, ang mabuti pa ay ikaw na lang ang maghatid kay ser Martin sa kuwarto n'ya." "A-ako po?" Turo ni Rita sa kanyang sarili. "Oo. Nakita mo naman, hindi ako puwede." Walang nagawa si Rita kung hindi ang ihatid na lang si Martin sa kwarto nito ngunit walang tigil sa pagkabog ang kanyang dibdib, tila may kung anong naghahabulan doon. Dahil sa bigat ay pabagsak na naihiga ni Rita si Martin sa kama. "S-sige po ser, kaya n'yo naman na po ang sarili n'yo, lalabas na po ako." Nagmamadaling paalam n'ya. Ngunit hindi pa man nakakalayo si Rita ay bigla siyang hinila ni Martin. Dahil wala sa kanyang loob ay bumagsak s'ya sa katawan nito. Wala nang nagawa si Rita nang biglang pumihit si Martin at kubabawan s'ya. "S-ser!" "Sabihin mo nga, bakit mo ko iniiwasan? Hindi ba't ako ang dapat umiiwas sa'yo?" "P-po?.... " Hindi malaman ni Rita ang isasagot. "S-ser Martin, ang b-bigat n'yo po...." "Sabihin mo nga sa kin, pinagmamalakihan mo ba ako, ha?" "Ser....s-ser, hindi ko po alam ang sinasabi n'yo.....s-saka, kayo na ang nagsabi na huwag na akong magpapakita sa inyo, diba?" Natigilan si Martin, tila nahimasmasan ito. "Sinabi ko ba yun?....... puwes, hangga't hindi ko sinasabi, hindi mo ako puwedeng iwasan, malinaw ba?" Nagkatitigan ang dalawa matapos niyon. Hindi malaman ni Rita ang kanyang mararamdaman, hindi n'ya lubos maisip na mangyayari ito, inakala pa naman n'ya na suyang-suya ang amo niyang ito sa kanya. Handa na sana niyang kalimutan na lang ang nararamdaman n'ya para dito, pero ano ito? Hindi inaasahan ni Rita ang sumunod na nangyari, dahil bigla na lamang s'yang hinalikan ni Martin. Nang maglapat ang kanilang mga labi ay tila nawala ang lahat niyang agam-agam, ang magulo niyang isipan ay tila biglang pumayapa. Nalalaman niyang mali ito at meron din siyang ipinangako kay Leonora na dapat niyang tuparin, ngunit tila marupok ang kanyang puso sa mga sandaling iyon. Nang gabing iyon ay lumagpas ang dalawa sa kanilang hangganan, tuluyan silang lumimot sa kanilang mga sarili at ninamnam ang init sa piling ng bawat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD