NAGISING si Donovan dahil sa nakasisilaw na sinag ng araw na kasalukuyang tumatama sa kaniyang mukha.
Ang huni ng mga nagkakatuwaang ibon ang sumalubong sa kaniyang pandinig.
“You’re finally awake, sleeping beauty!” sigaw ni Irene sa kaniya nang bumangon siya mula sa kaniyang pagkakahiga.
Kasama ng dalaga si Gantrick na iniluluto ang ilan sa mga baon nilang pagkain ilang metro ang layo mula sa kaniya.
Kinuha niya ang botilya ng tubig na nakapaloob sa kaniyang backpack at madaliang nag sipilyo bago lumapit sa mga kasama.
Nang matapos mag-agahan ay agad nilang pinlano ang sunod nilang mga habkbang.
“So, we’re currently in here. Is this map accurate?” tanong ni Irene.
“I don’t know, why?” ganting tanong naman ni Gantrick.
“Based on this markings kasi the only visible place here ay iyong maliit na kuweba na iyon,” sagot ni Irene kasabay nang pagturo sa kuwebang nasa harapan nila.
Sinilip nilang tatlo ang kuweba ngunit napakadilim ng loob niyon kaya naman ay halos wala rin silang maaninag na ano man. Tinangka ni Donovan na pumasok sa makipot na entrada nito.
“OH s**t!”
Napamura ang binata nang madulas siya at kamuntikang magtuloy-tuloy sa ibaba. Mabuti na lamang at naging maagap si Gantrick at Irene na agad siyang nahawakan sa braso.
“Oh my god, you’re bleeding!” nahintatakutang saad ng dalaga.
Sa pagkakataong iyon lamang niya naramdaman ang hapdi sa kaniyang kaliwang braso. Sa palagay niya ay nasugat siya ng mga matatalas na bato sa paligid.
Walang kaalam-alam ang tatlo na dahil sa pagdanak ng kakaunting dugo mula sa binata ay magbabago ang kanilang mga buhay.
Ang paniniwalang wala ng ibang mundo bukod sa kanilang kinalakhan ay susubukin sa mga susunod na yugto ng kanilang mga buhay.
Mula sa kawalan ay mayroong iba’t-ibang kulay ng liwanag ang pumalibot sa kanilang tatlo. May kung anong malakas na pwersang humihila kay Donovan.
“WHAT THE f**k IS HAPPENING!” sigaw ni Gantrick.
“DON’T f*****g LET GO MAN!” ganting sigaw naman ni Donovan upang hindi siya bitiwan ng binata.
“f**k THIS s**t—”
Hindi na natapos pa ni Irene ang nais niyang sabihin nang tuluyan na silang matangay ng malakas na pwersa papaloob sa makipot na entrada ng kuweba.
Naunang mag mulat si Donovan. Sina Irene at Gantrick ay kapwa nakahandusay pa rin sa lupa at walang malay. Sapo-sapo ng binata ang kaniyang sentido dahil sa pagkahilong nadarama niya.
Pinilit niyang tumayo at wala sa sariling niyugyog ang dalawa upang magising.
Nag unat-unat pa ang binata dahil sa nadaramang pananakit ng katawan mula sa kanilang pagkakahulog.
Nang igala niya ang kaniyang paningin ay nangilalas siya sa kaniyang mga nakita. Bagama’t katulad nang pinanggalingan nilang gubat ang kinaroroonan dahil sa dami ng nagtatayugang puno ay kakaiba pa rin ang pakiramdam ni Donovan rito.
Puno nang makukulay na alitaptap ang buong lugar. Mayroon itong magkakaibang kulay. Mayroong dilaw, pula, asul, kahel, berde at lila.
Marami sa mga puno rito ay tila kawangis ng punong balite na makailang ulit na niyang nakita.
Ngunit ang mas nakapagpamangha sa kaniya ay ang dalawang buwan na naghahari sa kalangitan.
“Where are…we?” tanong ni Irene habang iginagala ang paningin sa paligid na hindi niya namalayang nakapagmulat na rin pala.
Sunod-sunod lamang siya na umiling habang pinagmamasdan ang estrangherong kapaligiran.
“Woah,”
Narinig pa niyang komento ni Gantrick na natitiyak niyang kamumulat pa lamang. Nagtataka silang nagkatinginan at sabay-sabay na nagkibit-balikat bilang tanda na wala silang ideya kung nasaan sila.
Awtomatiko pa nilang kinapa ang kanilang mga bulsa at inilabas ang kanilang mga telepono upang alamin kung nasaan sila subalit sa kasamaang palad ay hindi nagbubukas ang mga iyon.
“This is weird, I think my phone broke when we fell,” ani Gantrick.
“Same here,” saad naman ni Donovan.
Itinaas naman ni Irene ang kaniyang telepono at ipinakita ito sa kanila. “My phone’s still working pero wala akong signal.”
Nakarinig sila ng mga pagkaluskos kaya naman ay mabilis silang nagdikit-dikit at tinalikuran ang isa’t-isa upang bantayan ang kanilang mga likuran.
Agad naman binuksan ni Irene ang kaniyang telepono at ginamit ang ilaw nito at itinapat sa kaniyang paligid. Una niyang pinasadahan ng liwanag ang kaniyang harapan.
Nang masigurong walang kahit na anong nilalang ang nagkukubli sa kadilimang nasa harap ay ipinasa niya kay Donovan ang telepono upang tingnan nito ang malawak na espasyo nang kadilimang nasa harapan nito.
“G-Gantrick,” nauutal na tawag ni Donovan sa kapatid.
“Hmm?” kampante namang tugon ng binata.
“You have your gun on you, right?” muling tanong ni Donovan sa binata habang ipinapasa rito ang telepono ni Irene.
“I’m suspended, remember?” tugon naman ni Gantrick.
“s**t!” mura ni Donovan.
“Why? What’s happening?” naguguluhang tanong naman ni Irene.
“On a count of three run as fast as you can,” sagot ni Gantrick.
“O-okay,”
“One,”
Kahit na naguguluhan si Irene sa mga nagaganap ay hindi na siya nag tanong pang muli.
“Two,”
Hindi batid ni Donovan kung anong klase ng hayop ang nakita niya. Ang wangis nito ay ‘tulad ng sa isang pusa ngunit kasing laki ito ng isang kabayo. Mayroon itong matatalas na mga pangil at matutulis na kuko.
Hindi na niya alam ang iba pang detalye dahil nang tamaan ng liwanag ang mga iyon ay bahagyang nagsipag atrasan ang mga ito.
“Three!”
Mabilis silang tumakbo. Hawak-hawak ng dalawang binata si Irene sa magkabila nitong braso. Naunawaan na ni Irene ang dahilan ng kanilang biglaang pag takbo nang tapatan ni Gantrick ng ilaw ang kanilang likuran.
“Where the hell are, we? Jumanji?” Tumatakbong tanong ni Donovan.
“Just shut up and run fast, you moron!” pasigaw na tugon naman ni Gantrick.
Naging mahirap para sa kanilang tatlo ang pagtakbo palayo sa mga kung ano mang nilalang na humahabol sa kanila.
Nagtago sila sa likod ng katawan ng isang malaking puno na nakita nila sa daan.
“What the hell are those monsters? What kind of place is this?” tarantang tanong ni Irene matapos manumbalik ang regular na pag hinga.
“I don’t know what are they but I know that they’re not friendly cats,” saad naman ni Gantrick.
“Guys look!”
Napadako ang atensyon nina Gantrick at Irene sa itinuturo ni Donovan. Muli na naman silang namangha sa kanilang nasilayan. Sa likod nang malawak na bukirin ay isang malawak na puting espasyo.
“Is that an ice field?” nangigilalas na tanong ni Irene.
“Y-yeah?” alanganing tugon naman ni Donovan.
Nagpalinga-linga pa sila sa kanilang paligid bago tuluyang tinalunton ang daan patungo sa nag yeyelong kalupaan na natanaw nila.
Ngunit natagpuan na lang nilang tatlo na muli na naman silang tumatakbo upang muling matakasan ang halimaw na kanina pa sila binabalak gawing hapunan.
Nang marating nila ang nagyeyelong kalupaan ay mabilis nilang niyakap ang kanilang mga sarili dahil sa sobrang lamig. Mayroon pang bumabagsak na nyebe mula sa kalangitan.
Hindi maarok ng kanilang mga isipan ang mga nagaganap. Kanina lamang ay normal pa ang klima sa gubat ngunit ngayon ay bigla na lamang naging taglamig na maihahambing nila sa klima sa ibang bansa.
Muli nilang nilingon ang halimaw na humahabol sa kanila. Nasulyapan nila ang mga ito na hindi magawang tawirin ang nagyeyelong kalupaan na siyang ikinatuwa naman nilang tatlo.
“We should find a shelter for now, it’s freezing outside,” suhestyon ni Donovan habang nanginginig ang buong katawan dahil sa sobrang lamig.
Sinang-ayunan naman ito nina Irene at Gantrick. Sa kabila ng malakas na pagbagsak ng nyebe ay nagawa pa ring matanaw ni Irene ang isang maliit na yungib sa paanan ng isang maliit na burol.
Nang makapasok sa loob ay agad na gumawa ng apoy si Donovan gamit ang mga maliliit na sanga ng punong nakita nila sa loob ng yungib na iyon.
“What should we do now?” tanong ni Irene.
Sandaling katahimikan naman ang namayani sa pagitan nilang tatlo. Ang bawat isa ay kapwa nahulog sa malalim na pag-iisip.
“We’re in unfamiliar surroundings. Hindi tayo dapat maghiwa-hiwalay,” basag ni Donovan sa katahimikan.
“Yeah, kailangan din nating malaman kung nasaan tayo ngayon, kinakailangan nating makabalik sa pinanggalingan natin upang maipagpatuloy natin ang paghahanap kay mommy,” segunda naman ni Gantrick.
“Maghanap tayo ng mga tao sa lugar na ‘to kapag natapos na ang pagbuhos ng makapal na snow sa labas. For now, it would be much safer for us to stay inside than to wander aimlessly outside and freeze to death,” wika ni Irene.
Tumango naman sa kaniya ang dalawang binata bilang tanda ng kanilang pagsang-ayon sa ninanais mangyari ng dalaga.
Ilang oras makalipas nilang pansamantalang manatili sa yungib ay tumigil na rin ang pag bagsak ng yelo ngunit katulad kanina ay malamig pa rin ang buong paligid.
“Sino kayo? At saan kayo tutungo?”
Napatigil sa paglalakad sila Donovan dahil sa narinig. Bahagya silang napaatras nang mapansin ang pagkakaiba ng wangis ng nilalang sa kanila.
Mayroon itong matutulis na tainga at kulay puting buhok na nakaipit sa likod ng tainga nito habang nakasuot ng isang mahabang tela na siyang kumokontra sa malamig na simoy ng hangin.
Sa hindi nila malamang kadahilanan ay bahagya rin na napaatras ito nang mamasdan sila. “A-anong nilalang kayo?”
Napakunot naman ang noo ni Irene sa narinig. “Ikaw! Ikaw ang dapat na tanungin namin kung anong nilalang ka!”
Tila mas lalo pang natakot sa kanila ang kakaibang nilalang kaya muli itong napaatras ng ilang mga hakbang pa.
“Irene! Just calm down, she’s terrified, look!” pigil ni Donovan sa dalaga.
“Where are we? What is this place?” tangkang pagtatanong ni Donovan ngunit bigo siyang makakuha ng sagot. Dahil tila ba hindi sila nauunawaan ng nilalang.
Tumikhim muna sandali si Gantrick bago nag salita. “Ipagpaumanhin mo, Kaibigan. Ngunit hindi kami naninirahan sa pook na ito kung kaya’t kasalukuyan kaming naliligaw ng landas.”
Nawala ang takot sa mga mata ng kakaibang nilalang at lumapit sa kanila ng may dalawang hakbang.
“Ako si Kirin. Malapit lamang sa lugar na ito ang aming nayon. Kung kayo ay naliligaw maaari kayong tumuloy muna ngayong gabi sa aking tahanan sapagkat mapanganib ang mag lakbay dito sa dilim,” pakilala ng nilalang.
“Thank—Maraming salamat sa iyong pagmamabuting loob ngunit hindi ba kami makakaabala sa iyo at sa’yong pamilya?” tanong ni Donovan.
Sa halip na sagutin ang kaniyang katanungan ay tinalikuran sila ni Kirin at may kinuha sa dala nitong malaking lagayan na nakasukbit sa likuran nito.
Naging alerto naman sina Gantrick at Donovan dahil dito. Inihanda nila ang kanilang sarili sa mga maaaring maganap.
Subalit, tila kakampi yata nila ang tadhana ng mga sandalling iyon.
Mula sa malaking tela sa likuran ni Kirin ay inabutan sila nito ng mahahabang kasuotan na katulad ng kay Kirin.
Napapikit si Irene dahil sa init na hatid ng kasuotan.
“Hindi kayo makaaabala sapagkat ako na lamang ang natitirang buhay sa aking pamilya.”
Hindi naman nakaligtas sa matalas na mga mata ni Donovan ang pekeng ngiti at lungkot na nadarama ni Kirin.
“What are we going to do, Donovan? Tanong ni Gantrick.
Hindi naman inaaalis ni Donovan ang kaniyang tingin sa mga mata ni Kirin.
Nababasa niya mula rito ang pighati at galit sa kung sino man.
“Anong nangyari—”
Pinigil ni Donovan sa pagsasalita ang kapatid. Hindi na tama pa na panghimasukan pa nila ang nakaraan at personal na buhay ni Kirin.
Isa pa, ninanais na rin ni Donovan na samantalahin ang pagkakataon upang makahanap nang matutuluyan at makakalap ng impormasyon patungkol sa estrangherong lugar na kanilang kinaroroonan.
“Malugod naming tatanggapin ang iyong imbitasyon na tumuloy sa iyong tahanan, Kirin. Maraming salamat!” anunsyo ni Donovan.
“What are you a poet?” pang-uuyam ni Irene sa binata.
“If you just studied your subjects during your middle school years, you probably won’t ask me that,” bulong naman ni Donovan na ikinasimangot ng dalaga.
Nanatili lamang sila sa labas nang marating nila ang tahanan ni Kirin. Ang tahanan ay gawa sa luwad at dayami.
Elegante itong tingnan dahil sa mga ornamentong nakadikit sa pader nito.
Ang labas nang tahanan ay napaliligiran ng mga nag yeyelong bulaklak na hindi naman nakabawas sa ipinamamalas na kagandahan ng paligid.
“Halina’t tumuloy na kayo, malamig diyan sa labas,” ani Kirin.
Katulad ng sa labas ay hindi rin maitatanggi ang kagandahang tinataglay ng loob ng tahanan. Mainit ang paligid dahil sa pugon na siyang nagsisilbing panangga nila sa lamig.
“Ipagpaumanhin na ninyo, may kaliitan ang aking tahanan.”
Sunod-sunod na umiling si Irene. “No, this is more than enough.”
Nanatiling nakatingin lamang sa kaniya si Kirin na walang naunawaan kahit na isa man lamang sa kaniyang mga winika.
“A-ah…ang ibig kong sabihin ay ano…” nauutal na pagpapaliwanag ni Irene.
“Ang ibig niyang sabihin ay napakaganda ng iyong tahanan at lubos naming ipinagpapasalamat na pinatuloy mo kami rito,” salo ni Gantrick sa dalaga.
Nagpatango-tango naman si Kirin.
“Kakaiba ang inyong wika, pati na rin ang inyong kasuotan. Saang kaharian kayo nag mula?”
Nagkatinginan naman ang tatlo. Sa pagkakataong ito ay batid na nilang nasa ibang mundo sila dahil sa kanilang sariling mundo ay hindi mga kaharian na pinamumunuan ng isang hari ang mayroon kundi ay mga malayang bansa na pinamumunuan ng isang taong pinili ng mga mamamayan nito.
Hindi nila maaaring ipaalam kay Kirin na hindi sila naninirahan dito dahil maaaring ikapahamak nila iyon sapagkat hindi pa nila lubusang kilala ang babae.
“Sa silangan!”
“Sa Hilaga!”
Napapikit si Irene nang sabay na mag salita sina Gantrick at Donovan. Ang masama pa rito’y lubusang magkaiba ang itinuturo nilang direksyon.
Si Kirin naman ay naniningkit lamang ang mga mata na nakamasid sa dalawang binata at dahan-dahang lumapit sa mga ito.
“Nauunawaan ko na. Hindi kayo taga-rito…”