Chapter 8- MYSTERIOUS WOMAN

2297 Words
NAUMID ang dila ng dalawang lalaki. Hindi nila alam kung paano itrato ng mga naninirahan sa mundong ito ang mga dayo na katulad nila. Habang lumalapit sa kanila si Kirin ay siya namang pag-atras nilang tatlo. “s**t! We f****d up!” natatarantang bulong ni Irene sa mga lalaking nasa unahan niya. Sa kanilang patuloy na pag-atras ay umabot na sila sa pinakadingding ng tahanan ni Kirin. Wala na silang hakbang na magawa upang makaatras pa. Dahan-dahang inilapit ni Kirin ang kaniyang mukha sa tatlo. “Sa hilagang-silangan ang inyong tahanan tama ba ako?” “Huh?” sabay-sabay na bulalas nilang tatlo. “A-ah…oo sa hilagang-silangan kami nag mula,” sagot ni Donovan nang makabawi. “Paano mo pala ito nalaman?” ganting tanong niya kay Kirin. “Dahil diyan…sa mga tainga ninyo,” tugon naman ni Kirin. “Dahil sa tainga namin—Ahh! What the f**k!” sigaw ni Donovan. Dahil dito ay napatingin na rin sa kaniya sina Gantrick at Irene. Katulad niya ay kapwa napasigaw ang mga ito at mabilis na kinapa ang kanilang sariling mga tainga. Natataranta niyang nilapitan ang dalawa. “What is this? What the f**k happened to my ear?” “I don’t know!” bulyaw sa kaniya ni Irene. “Calm down guys. Don’t freak out, mahahalata tayo ni Kirin!” paalala naman ni Gantrick. Muli silang nilapitan ni Kirin. “May problema ba?” “W-wala naman. Ano nga ulit ang sinasabi mo tungkol sa aming mga tainga?” sagot ni Gantrick. Nagtataka naman silang pinasadahan ni Kirin ng tingin. “Dahil ang may matutulis lamang na tainga rito ay ang mga sumunod na salinlahi ng mga mamamayan ng apat na pangunahing Kaharian. Alam naman ninyo ito hindi ba?” “A-ah oo naman!” sagot ni Donovan na sinabayan pa niya nang pagak na pagtawa. “Ngayon lamang ako nakatagpo ng kakaibang Babylonian na katulad ninyong tatlo,” wika ni Kirin habang dinaragdagan ng kahoy ang humihina ng apoy sa pugon. Hindi na sumagot pang muli ang tatlo. Iisa lamang ang nasa kanilang isipan ng mga sandaling iyon. Ang lugar na kinaroroonan nila ay ang Babylon. Hinayaan silang manatili ni Kirin sa kaniyang tahanan hanggang sa makahanap sila ng bagong matutuluyan. Kumalap na rin sila ng iba pang mga impormasyon patungkol sa Babylon sa tulong ni Kirin nang hindi nito namamalayan. “Donovan,” Nagmulat si Donovan nang marinig ang malamyos na tinig ng isang babae. Pamilyar ang boses na iyon sa kaniya subalit hindi niya maalala kung saan at kailan niya iyon narinig. Maliwanag ang buong kapaligiran. Ang lahat ng bagay ay kumikinang. Nakarinig siya ng mga yabag sa kaniyang gawing likuran. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang isang babaeng may kulay pulang buhok ang papalapit sa kaniya. Hindi niya lubusang makita ang wangis nito sapagkat napakaliwanag ng buong paligid. Ang tanging malinaw lamang sa kaniya ay ang kulay pulang buhok nito. “I-ikaw yung babae sa panaginip ko! Sino ka? At nasaan ako?” “Mauunawaan mo rin ang lahat sa takdang panahon,” “Huh?” “Nasa panganib kayo ng iyong mga kasama, bumangon ka na madali!” “A-anong ibig mong sabihin?” “Madali!” Unti-unting nawala sa kaniyang harapan ang babaeng may kulay pulang buhok. Kasabay ng pagkawala nito ay naramdaman niya ang kaniyang sarili na nahuhulog sa kawalan. Pawisang nagmulat ng kaniyang mga mata si Donovan. Pilit na pinakakalma ang sarili. Agad siyang tumayo mula sa pagkakahiga at tinungo ang pinto nang maalala ang babala ng babae sa kaniyang panaginip. Tunog nang pagbagsak ng kung sino man ang sumunod niyang narinig. “Aray!” bulong ni Irene. “Are you okay?” Piniksi naman ni Irene ang kamay ni Donovan nang tangkain nitong tulungan siya sa pagtayo. “Donovan, we need to go now! We’re in danger!” saad ni Irene. “How did you—” “There’s no time to explain, idiot! We need to go!” putol pa ng dalaga sa sasabihin niya. “Where’s Gantrick?” muling tanong niya. “He’s waiting outside with Kirin.” Mabilis siyang sumunod kay Irene. Inabutan niyang naghihintay sa labas sina Kirin at Gantrick. “Ano ba ang nangyayari?” Ngunit bago pa siya masagot ng mga kasama ay naulinigan nila ang mabibigat na yabag na nagmumula sa ‘di kalayuan. Agad silang lumayo sa tahanan ni Kirin at nagkubli sa mayayabong na damo ilang metro ang layo mula rito. Lumabas mula sa kawalan ang ilang kalalakihan na nakasuot ng kapang kulay puti habang nababalutan naman ng itim na tela ang kalahati ng mukha. “Donovan, that’s them! They’re the one who attacked us,” bulong ni Gantrick sa kaniya. Nag-igting ang panga ni Donovan kasabay nang pagdidilim ng mukha nito. Akma sana siyang tatayo upang atakihin ang mga ito mula sa likuran ngunit agad din siyang napigil ni Gantrick. “Nababaliw ka na ba? Hindi natin sila kakayanin! Bulong ni Gantrick sa kapatid. “We need to find mom!” wika naman ni Donovan. “Are you nuts? If they see us here, we’ll immediately be killed! Lalo nating hindi mahahanap ang mommy!” dagdag pa ni Gantrick. Natauhan naman si Donovan at bumuntong-hininga. Muli na lamang niyang pinagmasdan ang mga lalaki sa kanilang harapan. “Sino sila, Kirin?” tanong ni Irene. “Mga taga-sunod ng Puting Reyna,” tugon ni Kirin sa dalaga. “Puting Reyna?” ulit ni Donovan. Nagtataka naman siyang tiningnan ni Kirin. Hindi mawari ng dalaga kung niloloko lamang ba siya nito o talagang hindi lamang kilala ng mga ito ang Puting Reyna na sumakop sa buong Babylon may dalawan-daang taon na rin ang nakararaan. “Maraming bagay talaga ang kakaiba sa inyong tatlo. Kahit ang Puting Reyna ay hindi ninyo kilala. Ayon sa aking mga magulang ang Puting Reyna ang dahilan kung bakit nabalot ng yelo at kung bakit ilang daang taon nang taglamig sa buong Babylon. Ayon sa mga nakatatanda ay nagawa nitong pabagsakin sina Haring Jibreel apat na taon matapos ang ikalawang digmaan.” Nagpatango-tango naman ang tatlo dahil sa narinig. “So, they’re the bad guys, huh?” bulong ni Donovan sa sarili. Muling natuon ang kanilang atensyon sa mga lalaki nang mapansin nilang nagliliyab na ang tahanan ni Kirin. Hindi naman napigilan ni Kirin ang pagtulo ng kaniyang mga luha nang mamasdan na tinutupok na ng apoy ang tahanan na ipinamana pa sa kaniya ng kaniyang magulang na nagsilbing kanlungan ng mga masasayang ala-ala niya kasama ang mga ito. “Hanapin ninyo ang tatlong dayo!” Narinig pa nilang sigaw ng isa sa mga lalaki na siyang tumatayong pinuno ng pangkat. “Tayo na.” Malungkot na wika ni Kirin. Dahan-dahan nilang nilisan ang mayayabong na halaman at lumayo sa lugar. Nakatulong sa kanila ang kadiliman ng paligid upang hindi sila mapansin ng mga taga sunod ng Puting Reyna. Nang masiguro nilang ligtas na sila ay napagpasyahan nilang magpahinga na muna dahil may kalaliman na rin ang gabi. Naupo sila ilalim ng mga puno. Magkasama sina Irene at Kirin sa isang puno at magkasama naman ang magkapatid sa isa pa. “Sino ba talaga kayo? At saan ba talaga kayo nagmula?” biglaang tanong ni Kirin. “Paumanhin, Kirin. Ngunit hindi ba’t nasagot na namin ang katanungang mong ‘yan?” ganting tanong naman ni Gantrick. Lumipas muna ang nakabibinging sandali. Nakatingala lamang sa kumikinang na mga bituin si Kirin bago muling nag salita. “Hindi kayo totoong nanggaling sa hilagang-silangan… dahil ang lahat ng mga Babylonian sa lugar na iyon ay matagal nang binalot ng yelo. Kasabay silang bumagsak ng Kaharian ng Sanyar at Parsis nang umatake ang hukbo ng Puting Reyna sa Babylon!” mariing tanggi ni Kirin. Walang nakapagsalita ni isa man sa tatlo. Hindi na nila ibig na mag sinungaling pa sa dalagang walang ibang ipinakita sa kanila kung hindi kabutihan lamang. “Nawala na sa akin ang aking tirahan, iyon na lamang ang naiwang alaala sa akin ng aking mga magulang. Hindi magtutungo roon at mag aaksaya ng panahon na hanapin tayo ang mga taga-sunod ng Reyna kung hindi dahil sa inyo.” Malungkot na dagdad pa ng dalaga.. “Hindi kami nagmula sa Babylon. Ang tunay naming tirahan ay ang mundo ng mga tao,” pag-amin ni Donovan. “Ang mundo mula sa alamat…” napapikit pa si Kirin nang sabihin ito. “Mundo mula sa alamat?” naguguluhang tanong ni Irene. “Ang mundo ng mga mortal ay isa lamang alamat para sa amin. Para sa amin ito ay kuwento lamang na pawang walang katotohanan. Hindi ko akalain na totoo ito,” tugon ni Kirin. “Subalit sa aking pagkakatanda ay kakaiba ang inyong wangis kaysa sa aming mga Babylonian. Ngunit bakit ‘tulad naming ay may matutulis din kayong tainga at paano kayo nakarating dito sa Babylon?” dagdag pa nito. Napahawak naman si Irene sa kaniyang tainga dahil rito. “Hindi rin namin maunawaan. Ngunit bago kami mapadpad sa lugar na ito ay hinahanap namin ang ina nina Donovan at Gantrick na sa palagay namin ay dinukot ng mga taga-sunod ng tinatawag ninyong Puting Reyna.” Kumunot naman ang noo ni Kirin dahil sa narinig. “Bakit naman siya dudukutin ng mga taga-sunod ng Reyna?” Umiling lamang si Irene bilang tugon. “Mabuti pa’y magpahinga na muna tayo Kirin. Sila na raw muna ang bahalang mag bantay sa atin.” Anyaya ni Irene sa dalaga. “Hey you two! Take the first watch!” “Okay!” sagot ni Donovan. Napangiti si Donovan nang mapadako ang kaniyang mga mata kina Irene at Kirin na mahimbing na natutulog. Tumingala siya sa maningning na kalangitan. Ipinagpapasalamat niya sa kalawakan na kahit pa nasa estrangherong mundo sila ay hindi pa rin sila napapahamak. “I am sure that this white queen took away our mother, but I don’t know the reason why,” wika ni Gantrick nang makaupo ito sa kaniyang tabi. “Why a powerful queen like her would abduct a petty mortal like our mom? I don’t really get it,” dagdag pa ng lalaki. “Maybe because she’s a threat?” tugon naman ni Donovan. “A threat to what? To her? That’s bullshit, Don. Our mom can’t even kill an ant though she taught us how to protect ourselves, I didn’t even see her using those skills to someone. It’s impossible.” Natigilan naman si Donovan nang may maalala. “You remember those weird men from the market?” Saglit namang nag-isip si Gantrick at agad na tumango. “Yeah, why?” “Do you remember them calling her by another name? What was that again…Mi—er?” “Mira. They called her Mira.” “On top of that they also called her Heneral and knelt in front of her. Perhaps is she…” Napaisip din si Gantrick sa mga espekulasyon ni Donovan. “No, no, no. it can’t be. It’s impossible.” “Oh c’mon, trick! We’re in a strange world where huge cats roam freely, a world where two moons lit the night sky and most of all there’s a freak who invaded this world turning every citizen to a human popsicle and called herself the white queen. Nothing’s impossible in this world buddy!” Natahimik naman si Gantrick. Batid niyang tama ang lahat ng inihayag ni Donovan. Subalit, hindi pa rin niya magawang mapaniwalaan na sa mundong ito ay maaaring isang heneral nga ang babaeng nagpalaki sa kanila. “Okay fine. Let’s ask her tungkol diyan sa sandaling makita na ulit natin siya.” Tumango naman si Donovan sa suhestyon ni Gantrick. “By the way, how did you know that we’re in danger?” Kinopya ni Gantrick ang posisyon ni Donovan at nahiga rin sa maliliit na damo na kanilang inuupuan. Tinitigan ang dalawang buwan sa kalangitan na siyang tumatanglaw sa kadilimang bumabalot sa buong Babylon. “Lately, I’m having these weird dreams. I’m seeing people that I haven’t even met in my entire life. And then earlier, while I’m sleeping, I saw a with woman…” “And she warned you that something bad is going to happen, right?” putol ni Donovan sa kaniya. Napabangon mula sa kaniyang pagkakahiga si Gantrick at agad na hinarap ang kapatid. “How the hell did you know that? Don’t tell me…” “Yup, I had the same dream. I also saw that red-haired woman,” “What do you mean red-haired? Hindi pula ang buhok ng babae sa panaginip ko, hindi lang ako nakasisiguro pero sa tingin ko ay may pagka-luntian ang buhok niya.” “So, we’re having the same dream with different mysterious women huh?” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gantrick. “Yeah, I think so.” Hindi man nila nauunawaan ang mga nagaganap sa kasalukuyan ay pilit pa rin nilang tinitibayan ang kanilang mga loob at nilalabanan ang mga agam-agam sa pagnanais na muling makapiling ina. Ngayon na alam na nila kung sino ang kanilang kaaway ay hindi sila mangingiming gumamit ng dahas mailigtas lamang ang kanilang ina mula sa tiyak na kapahamakan. Nilibang na lamang ng dalawa ang kanilang mga sarili sa pagkukwentuhan habang binabantayan ang kanilang paligid. Maya-maya ay nag liwanag ang kanang kamay ni Donovan habang nakararamdam ng kakaibang kirot sa likod ng kaniyang palad. Sa kaniyang pakiwari ay tila ba tinutusok ng libo-libong karayom ang kaniyang kamay nang mga sandaling iyon. “Donovan what’s ha—Ah…Fuck!” Maging si Gantrick ay nakaramdam din ng sakit. Nang mawala ang liwanag at kirot sa kanilang mga kamay ay agad nilang napansin ang kakaibang tatak na bigla na lamang lumitaw sa likod ng kanilang mga palad. “What the hell?” usal ng dalawang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD