Chapter 15- HELP FROM STRANGERS

2783 Words
MAKALIPAS ang tatlong oras nang paglalakbay nina Donovan ay tuluyan na nga nilang natunton ang kuta ng mga bandido. Nagkubli sila sa malalagong halaman sa harap ng kuta. Inoobserbahan ang buong paligid. Mabigat ang pagbabantay na ginagawa ng mga bandido sa lagusan papasok at palabas ng kanilang kuta. Nagpaalam naman na sa kanila si Arvit upang ipagbigay alam sa kaniyang pinuno na natunton na nila ang mga bandido. Habang nakabuhos ang buong atensyon ni Donovan sa paghahanap ng mga senyales na maaaring makapagturo kung saan ikinulong ng mga ito si Irene ay magaan naman siyang tinapik sa balikat ni Gantrick. “What’s the plan?” “We need to find an opening. Their entrance was heavily guarded, we can’t get inside the camp using that gate.” Tumango naman sa kaniya si Gantrick. “Okay, I’ll be back.” Si Kirin naman ang sumunod na lumapit sa kaniya. Itinanong lamang ng dalaga kung ano ang plano. Nawala sa kaniyang isipan na hindi nga pala nakauunawa ng kanilang lengguwahe ito kaya naman ay ipinaliwanag na lamang niyang muli ang mga inilahad niya kay Gantrick sa wikang lubos na mauunawaan ng dalaga. Ilang sandali lamang ay nagbalik na si Gantrick. Ipinagbigay alam ng binata na mayroon siyang nakitang maaari nilang maging daan papasok sa kuta ng mga bandido. “Hintayin mo kami rito sa labas, Kirin. Masyadong mapanganib kung sasama ka pa roon sa loob,” wika ni Donovan. Nakauunawa namang tumango si Kirin. “Mag iingat kayo.” Tahimik at mabilis ang mga sumunod na pagkilos ng magkapatid. Nang makapasok sa loob ng kuta ay napamaang sina Donovan sa nakita. Napakalaki pala nito sa loob. Para itong isang sangtuwaryo dahil sa ganda ng paligid. At dahil nga gabi na ay madilim na ang paligid. Tanging ang liwanag ng buwan at ang mga sulo na nakadikit sa bawat kahoy na poste lamang ang tumatanglaw sa kanilang daan. Halos mapatalon si Donovan sa gulat nang may pares ng mga kamay ang biglaang humawak sa kaniya habang binabagtas ang madilim na daan. “Tulungan ninyo ako!” dinig nilang pakiusap ng isang babae. At dahil nga madilim ang paligid ay hindi nila masilayan ang mukha nito. Agad na kinuha ni Gantrick ang sulo na nakasabit sa posteng pinakamalapit sa kanila. Itinapat niya ito sa madilim na bahaging pinanggalingan ng tinig na kanilang narinig. Tumambad sa kanilang mga mata ang isang kulungan na gawa sa matitibay na kahoy ang rehas. Nakapaloob doon ang may sampung kababaihan na makikita sa mga mata ang takot nang masilayan sila. Mabilis na hinanap ng mga mata ni Donovan si Irene sa loob ng piitan. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi niya makita ang dalaga rito. “Pakiusap, tulungan ninyo kami,” pagmamakaawa ng babae na hindi pa rin bumubitiw sa kaniyang kamay hanggang sa mga sandaling iyon. “Huminahon ka, Miss. Tutulungan namin kayong makatakas dito kung sasagutin mo ang katanungan ko,” saad ni Donovan. Dahil sa kagustuhang makalaya mula sa pagkakapiit ay sunod-sunod na tumango ang dalaga. “May nakasama ka ba rito na dalagang ang pangalan ay Irene?” tanong ng binata. “Donovan, hurry up. They might notice us.” Babala naman ni Gantrick habang nagmamatyag sa buong paligid. “Irene? W-wala akong—sandali! Ang tinutukoy mo ba ay iyong kakaibang babae na may malalim na biloy sa kaniyang pisngi at may mahabang buhok?” “Oo, siya nga. Nasaan siya?” “Pwersahan siyang kinuha ng mga bandido kanina, may kalahating oras na rin ang nakararaan at dinala sa kubol ng kanilang pinuno,” Nagulantang naman si Donovan sa narinig. Pakiwari niya ay batid na niya ang tadhanang sasapitin ng dalaga. “Huwag kayong gagawa ng kahit na anong ingay dito, babalik kami pagkatapos ng ilang sandal upang tulungan kayong makatakas, nauunawaan mo ba ako?” wika ni Donovan na bakas sa tono ang pag aalala para kay Irene. “Let’s move!” pagtapik niya sa balikat ng kapatid. Hawak-hawak ang sulo sa kaniyang kamay ay muling binagtas ng magkapatid ang madilim na daan. Matapos nilang lumagpas sa isang malaking puno ay napansin nila ang mga maliliit na kubol. Agad na binitiwan ni Gantrick ang hawak upang hindi sila mapansin ng mga nasa loob niyon. Sandaling nag isip si Donovan at iginala sa mga nakikitang kubol ang kaniyang mga mata. “What are you looking for?” tanong ni Gantrick nang mapansin ang ginagawa niya. “There you are!” Mabilis na hinila ni Donovan ang kapatid patungo sa isang kubol na hindi hamak na mas malaki sa iba pa. Nakasisiguro siyang ito ang kubol ng pinuno ng mga bandido na tinutukoy ng babae kanina. Hindi sila gumagawa ng kahit na anong ingay upang hindi nila mabulahaw ang mga bandidong nagpapahinga sa kanillang mga kubol. At dahil nga nakasara ang bintana sa kubol ng pinuno ng mga bandido ay tinungo na lamang nila ang pinto. Nang sandaling sisipain na ito ni Gantrick upang tuluyan nila itong maipasok ay pinigilan siya ni Donovan. Nagtataka namang napatingin sa kaniya ang binata. Sinenyasan lamang ni Donovan ang kapatid na huminto sandal. Idinikit niya ang kaniyang kaliwang tainga sa pinto upang pakinggan ang mga nagaganap sa loob. Agad naman siyang ginaya ni Gantrick. “Let go of me! You bastard!” “Huwag ka nang magmatigas pa, Binibini! Ipinangangako ko sa iyong hindi mo makalilimutan ang gabing ito ng iyong buhay!” “Stop! Damn it! Argh—” Hindi na nakapagpigil pa si Donovan dahil sa mga narinig at siya na mismo ang sumipa sa pinto ng kubol dahilan upang bumalagbag ito sa pagkakabukas. “Anong ginagawa ninyo? Sino kayo!” gulat na sigaw ng lalaking mayroong mahabang buhok at mahabang balbas. “Let her go, you pervert!” matigas na saad ni Donovan habang binubunot mula sa upak ang kaniyang espada. Mabilis na bumangon si Irene mula sa pagkakahiga. Agad itong tumakbo patungo sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Napagtanto ni Donovan na umiiyak ang dalaga dahil sa nadarama niyang pamamasa ng kaniyang damit dahil sa luha nito. Lalo namang nakadama ng pagkamuhi si Donovan dahil rito. Hindi niya maatim na ang Irene na kilala niyang matapang at walang inuurungan ay lumuluha ngayon sa kaniyang mga bisig dahil sa kagagawan ng lalaking nasa kaniyang harapan. Nag-igting ang mga panga ng binata at mas humigpit pa ang kaniyang pagkakahawak sa kaniyang sandata. Nagdilim ang kaniyang paningin at napuno ng galit ang kaniyang dibdib. Nang iuunday na niya ang kaniyang espada upang tapusin na ang buhay ng lalaki ay agad siyang pinigilan ni Irene. “Don’t!” Nagtataka namang napatingin sa dalaga si Donovan. “What do you mean don’t? He almost raped you!” “I know. Pero huwag mong dumihan ang mga kamay mo dahil lang sa mga nilalang na katulad niya,” dadag pa ni Irene. “But—” “You heard your woman, Don. Let’s just get out of here,” singit ni Gantrick. “WHAT DID YOU JUST SAY?” sabay na bulyaw nina Donovan at Irene sa binata kasabay nang mabilis na pag distansya sa isa’t-isa. Nagkibit-balikat lamang ito at tinungo ang pintuan. Ngunit bago tuluyang umalis ay muling itinutok ni Donovan ang kaniyang sandata sa lalaki. “Huwag mo kaming susundan dahil sa sandaling makita ko muli ang pagmumukha mo, wala nang makapipigil sa akin na paslangin ka.” Matapos nito ay tinalikuran na niya ang lalaki. Ngunit hindi pa sila tuluyang nakalalayo ay narinig na nila itong sumisigaw at ipinahuhuli sila sa kaniyang mga tauhan. Mabilis naman na nagsipaglabasan mula sa kanilang mga kubol ang mga bandido at inatake ang grupo nina Donovan. Mabilis silang napalibutan ng anim na kalalakihan na kapwa may mga hawak na palakol. Inihanda naman nina Donovan at Gantrick ang kanilang mga sarili. Nakaiwas si Gantrick sa mula sa pag-atake ng isa sa mga bandido. Kasabay ng kaniyang pag-iwas ay ang mabilis pa niyang pag sangga sa atake ng isa pa. Sinipa niya ito sa sikmura dahilan upang bahagya itong mapaatras habang ang kaniyang espada naman ang ginamit niya upang maisalba ang sarili sa tiyak na kapahamakan. Walang buhay na bumagsak ang lalaki. Hindi naman nagpapatalo si Donovan sa kapatid dahil ilang bandido na rin ang napatutumba niya. Ngunit tila hindi nauubos ang kanilang mga kaaway. Muli pa silang napalibutan ng mga bandido na matiyagang naghihintay nang tamang pagkakataon upang atakihin sila. Nakakaramdam na rin nang pagod ang magkapatid. Hindi rin naman biro ang makipagbuno sa ilang mga kalalakihan. Nahawi ang mga bandidong nakapalibot sa kanila nang dumaan ang kanilang pinuno. Matapang naman na hinarap siya nina Donovan at Gantrick habang si Irene naman ay nasa likuran lamang ng mga binata. “Sa tingin mo ba talaga ninyo ay makaaalis pa kayo ng buhay sa lugar na ito?” mayabang na wika ng pinuno. Hindi naman sumagot sina Donovan at nanatili lamang na nakatayo habang nakataas ang mga sandata. “Ibigay ninyo sa akin ang dalaga at hahayaan ko kayong makaalis ng ligtas,” Napansin ni Irene na napaisip si Donovan sa alok ng lalaki. Hindi niya maitatanggi na kinakabahan siya sa maaaring maging tugon ni Donovan dito. Hindi naman kasi sila orihinal na magkasundo ni Donovan kahit na noong nasa mundo pa sila ng mga mortal. Kung kaya’t hindi na niya ikagugulat kung tanggapin ng binata ang inaalok sa kaniya ng lalaki upang mailigtas ang buhay nilang magkapatid. Lalo pang bumilis ang t***k ng puso ni Irene dahil sa kaba nang mapansin niya ang pag ngiti ni Donovan. “Pumapayag ako!” Napangisi naman sa naging tugon ng binata ang pinuno ng mga bandido. Itinaas pa nito ang kaniyang magkabilang kamay upang namnamin ang tagumpay. “Hey! What the hell are you doing?” bulyaw ni Gantrick sa kapatid. Kasabay nang pagpupunyagi ng pinuno ng mga bandido para sa nalalapit na niyang pagpapakasarap sa buhay gamit ang katawan ni Irene ay ang pagkalaglag naman ng balikat ng dalaga. Inaasahan na niyang gagawin ito ng binata ngunit hindi niya akalain na madali lamang siyang tatalikuran nito. Katulad ng ginawa nito noong ipagpalit siya nito sa ibang babae noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Napayuko siya sa isiping katulad ng buhay niya sa mundo ng mga mortal ay wala rin ni isa man ang tunay na may pakialam sa kaniya sa mundong ito. Pilit niyang tinatakasan ang kalungkutang hatid ng pambabalewala sa kaniya ng kaniyang pamilya kaya niya naisipang sumama kina Donovan ngunit para sa kaniya, tila yata kahit na ano pa mang kabutihan ang gawin at ipakita niya sa iba ay kulang pa rin ang lahat ng ito upang hindi siya iwan ng mga taong nakapalibot sa kaniya. Pakiramdam ni Irene ay bumibigat na ang kaniyang mga mata dahil sa luhang pilit niyang pinipigil. Hindi rin naglaon ay tuluyan na ngang umalpas ang mga iyon at masaganang naglandas sa kaniyang mga pisngi. Tinangka niyang humakbang patungo sa kinaroroonan ng pinuno ng mga bandido ngunit mabilis siyang pinigil ni Gantrick. “Let him finish first.” Hindi man niya nais na marinig pa kung paano siyang ipagtabuyan ng binata ay pinili niya pa rin ang manatili ng ilan pang mga sandali sa tabi nang magkapatid. “Pumapayag akong ibigay siya sa iyo,” tila isang patalim na tumarak sa dibdib ni Irene ang mga salitang ito ni Donovan kaya naman ay hindi niya napigilang mapayukong muli. “Kung hahayaan mo na putulin ko ang iyong ulo ngayon din.” Muling nag-angat ng tingin ang dalaga. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang huling narinig. Hindi niya lubos na inaasahan na magagwa pa rin siya nitong protektahan kahit na nanganganib na ang buhay nilang magkapatid. “Trick, you good?” tanong ni Donovan sa kapatid. “You can still fight, right?’ Ngumiti naman si Gantrick kay Irene na sinabayan pa nito nang pagkindat. “You kidding me? I can still unleash hell now!” Si Irene naman ang binalingan ni Donovan. Ngumiti ito sa kaniya, hinawakan siya sa kaniyang braso at iginaya patungo sa likuran nila. “Stay behind us and wipe off that tears, I won’t leave you behind again, no matter what happens.” Napangiti naman si Irene sa tinuran ng binata. Kung sakali man na ngayon na niya kahaharapin ang kamatayan ay malugod niya pa itong sasalubungin dahil batid niya na kahit hanggang sa huling hantungan ay sasamahan at hindi siya iiwan nina Donovan at Gantrick. “Lapastangan! Paslangin ang mga iyan at huwag kayong magtitira ni isa!” utos ng lalaki sa kaniyang mga tauhan. Bago pa tuluyang makalapit ang mga bandido sa kanila ay isa-isa nang bumagsak ang mga ito sa lupa. Mabilis naman na nagpulasan ang mga bandido at humanap nang mapagtataguan. Maging ang kanilang pinuno ay nataranta sa mga kagangapan at nakipag-unahan pa sa kaniyang mga tauhan sa paghahanap nang masisilungan. Nanatili lamang sa pagkakatayo sina Donovan. Pilit nilang hinahanap ang pinagmumulan ng mga palasong tumatama sa mga bandidong nagtatangkang lumapit sa kanila. Maya-maya lamang ay bumaba mula sa isang puno ang dalawang nilalang. Natatandaan ng grupo ni Donovan kung sino ang mga ito. Sila ang tumangay kay Irene. Nilapitan sila ng mga ito. Naghanda naman sina Donovan sa para sa muling pakikipaglaban. Napapikit pa ang binata nang maramdaman ang isang pagdaan ng isang palaso malapit sa kaniyang mukha. Kasunod niyon ay ang pagbagsak ng isang bandido na hindi nila namamalayang nakalapit na pala sa kanila. Dalawang magkasunod na palaso pa ang pinakawalan ng nilalang nababalot ng tela ang mukha na siguradong nagpabagsak muli sa ilang mga kaaway nina Donovan. Nang tuluyang makalapit sa kanilang kinaroroonan ay inalis ng nilalang ang telang bumabalot sa kaniyang mukha. Bumungad sa kanila ang maamong mukha ng isang marikit na dalaga. Matangos ang ilong nito, malamlam ang mga mata at mayroong manipis at mapupulang labi. Umaalon pa ang mahahaba at kulay itim na buhok nito sa tuwing iihip ang malakas na hangin. Hindi nalalayo ang kagandahang tinataglay nito sa karikitang mayroon si Irene. Mayroon lamang silang ilang mga pagkakaiba ngunit hindi maitatanggi ang mala-diyosa nilang ganda. “Saan ka nakatingin, lapastangan?” tanong ng dalaga kay Gantrick nang mapansin na nakatutok ang mga mata nito sa malulusog na dibdib ng dalaga. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Gantrick na pinamulahan pa ng mukha. “S-sino ka?” “Ako si Ahura. Isa ako sa mga bandido, kami rin ni Reymel ang dumukot sa babaeng ito,” tugon naman ni Ahura habang itinuturo pa ang lalaking abot hanggang sa likuran ang buhok na siyang nakikipagbuno sa mga kaaway. “Bakit ninyo kami tinutulungan?” tanong naman ni Donovan. “Kung gusto pa ninyong makaalis mula rito ay titigilan mo na ang katatanong at susunod kayo sa amin,” saad pa ni Ahura. “Reymel! Tayo na!” Wala na ngang nagawa pa sina Donovan kundi ang sumunod na lamang kina Ahura at Reymel. Nauuna sa pagtakbo si Ahura habang pinakakawalan ang mga hawak na palaso sa bawat bandidong nagtatangkang humarang sa kanilang daraanan. Habang ang lalaking nagngangalang Reymel naman ang nakapuwesto sa kanilang likuran upang sagupain ang mga bandidong sumusunod sa kanila. Malapit na nilang marating ang tarangkahan ng kuta nang tamaan ng palaso si Donovan sa kaliwang binti dahilan upang bumagsak siya sa lupa. “Donovan!” sigaw ni Irene. Kasunod nito ay ang pag-alalay sa kaniya ng dalaga upang muling makatayo. Natatanaw na rin nina Ahura at Gantrick ang ilang mga bandido na mabilis na isinasara ang tarangkahan. Kasabay nang nalalapit na pagsasara ng tarangkahan na siyang magiging dahilan upang tuluyan nang hindi makalabas sa kuta ang grupo ni Donovan ay ang sunod-sunod na pagpapakawala ni Ahura ng mga palaso upang patumbahin ang mga kaaway. Ang mga bandidong humahabol sa kanila mula sa likuran ay unti-unti na ring nakakalapit sa kanilang kinaroroonan. Hinugot ni Reymel mula sa kanang baywang ang isa pa niyang espada at kagyat na nilapitan si Gantrick na katatapos pa lamang makipagbuno sa ilang bandido. Napansin pa ni Ahura na may ibinulong ito sa lalaki. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang ekspresyon nang pagkabigla kay Gantrick ngunit mabilis din itong tumango nang tapikin ni Reymel ang kaniyang balikat. Lumapit sa dalaga si Gantrick at mahigpit na hinawakan sa kaliwang braso. Mabilis ang mga naging paghakbang nito na tila ba kinakaladkad siya nitong palayo habang nakasunod sa kanila sina Donovan at Irene. Napansin niya naman na hindi umaalis mula sa kaniyang kinaroroonan si Reymel upang sumunod sa kanila. “Teka sandali! Hintayin natin si Reymel!” Hindi kaagad na nakasagot si Gantrick. Pinilit ni Ahura na makawala mula sa pagkakahawak ng binata ngunit bigo siyang magawa ito. “Reymel! Tayo na! Reymel!” Masama ang kutob ni Ahura nang lingunin sila ni Reymel. Nakangiti ito sa kaniya. Isang ngiti na hindi hatid ng kaligayahan. Isa iyong ngiti nang pamamaalam. “Nakapag desisyon na siya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD