NAPATAKIP si Irene sa kaniyang bibig upang pigilin ang paglabas ng kaniyang tinig dahil sa pagkakabigla nang masilayan nila mula sa bintana ang isang babae at isang bata na sa pakiwari niya ay mag ina, dahil nakapagitna ang mga ito sa tatlong naglalakihang Yetti.
Nagpapakawala nang malakas at nakakikilabot na tunog ang mga Yetti na para bang sabik na sabik na silang paglaruan ang mga maliliit na nilalang na nasa kanilang mga harapan.
“Nasaan na ang iba pa? Si Vector?” tanong ni Gantrick na ang tinutukoy ay ang mga kalalakihan na siyang nakatalagang mag bantay sa pamayanang ito.
“Sa tingin mo ba ay may maglalakas loob na iligtas ang mag ina at labanan ang mga dambuhalang halimaw na ‘yan?” sarkastikong tugon ni Kirin.
Nakauunawa namang napayuko si Gantrick. Tama si Kirin. Walang sinuman ang magpapakabayani na labanan ang mga nilalang na triple ang lakas kumpara sa kanila.
Gustuhin man niyang saklolohan ang mga ito ay natatakot din siya. Batid niya na hindi siya magwawagi kung sakaling saklolohan niya ang mag ina, bagkus ay makadadagdag lamang siya sa mga magiging biktima ng mga ito.
“Damn it!”
Muli siyang nag-angat ng tingin nang paika-ikang naglakad palayo sa kanila si Donovan at hinanap ang espada nito.
Agad niya itong pinigil at hinawakan sa braso. “Stop, Don. There’s nothing we can do to help them.”
“And? You will just stay hidden inside here knowing that there are other people who’s in grave danger? Hahayaan mo na lang silang mamatay nang walang kalaban-laban?”
“That’s not—we can’t help them now or we will all die, Don!” saad ni Gantrick na makikita sa mata ang pagsuko nang mga sandaling iyon.
“Let go.”
“But Don—”
“Let go, brother.”
Nahihimigan ni Gantrick na buo na ang loob ng kaniyang kapatid upang subukang tulungan ang mag ina sa labas kaya naman labag man sa kaniyang loob ay binitiwan at hinayaan niya na lamang ito sa nais nitong mangyari.
Nagpaika-ika ito sa paglalakad patungo sa pinto. Ngunit bago tuluyang pihitin ang seradura ng pinto upang mag bukas iyon ay muli siyang hinarap ni Donovan.
Walang emosyon ang mukha nito.
Pagkatapos siyang tingnan nito ay lumipat naman ang mga mata ng binata sa tatlong dalaga na nasa may bintana.
“Ang sumuko na hindi man lamang
sumusubok ang dahilan ng habang-buhay na kabiguan at pagsisisi.”
Naiwan namang nakatulala si Gantrick gayundin sina Irene, Ahura at Kirin. Si Kirin ang unang nakabawi sa kanilang apat at mabilis na dumungaw sa bintana.
“Nasisiraan na siya ng bait, hindi niya kakayaning labanan nang nag iisa ang mga halimaw na ‘yan!” wika ni Kirin.
Nakatalikod mula sa kinaroroonan ni Donovan ang mga Yetti. Napatili ang babae at napaiyak naman ang bata nang akmang hahawakan na sila ng mga halimaw.
Malakas na pag sipol ni Donovan ang nakapagpatigil sa halimaw. Agad na napalingon sa kaniya ang tatlong Yetti pati na rin ang mag ina.
Hindi makapaniwala ang mga ito na mayroong maglalakas ng loob na tulungan sila sa sitwasyong iyon.
“Hoy! Mga mabalbon na higante! Ako ang subukan ninyong paglaruan!”
Nang makasigurong nabaling na sa kaniya ang atensyon ng mga Yetti ay pasimple niyang sinenyasan ang mag ina na umalis na sa lugar at magtago.
Dahil nga sa malaking katawan ng mga Yetti ay may kabagalan ang mga ito sa pagkilos. Sinamantala naman iyon ni Donovan upang makapag isip ng plano kung paano niya matatalo ang mga ito.
Hirap man sa paglalakad ay pinilit pa rin ni Donovan na tumakbo papalapit sa pinakanauunang Yetti at tinangkang sugatan ang halimaw sa binti.
Malakas na pag ungol mula sa Yetti ang kaniyang narinig. Indikasyon ito na tagumpay siyang masugatan ito. Ngunit kasabay nang pag ungol ng halimaw ay ang pag atake rin nito sa binata.
Tumilapon si Donovan at nagpagulong-gulong sa lupa dahil sa lakas ng pwersang pinakawalan ng halimaw.
“Y-you little bastard,” bulong ni Donovan habang pinipilit ang sarili na makatayo.
Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit natatakot ang mga Babylonian na makadaupang palad ang mga nilalang na ito. Hindi talaga biro ang taglay na pisikal na lakas ng mga ito.
“Gamitin mo ang aking kapangyarihan, Donovan.”
Napalingon sa kaniyang paligid ang binata. Hinahanap kung kanino nagmumula ang tinig na kaniyang naririnig.
“A-Astora?” nag aalangang tanong niya.
“Gamitin mo ang aking kapangyarihan upang magapi ang iyong kaaway.”
“Pero paano—”
Napahinto siya sa pagsasalita nang mag liwanag ang marka ng Gabay sa kaniyang kamay.
Nakadarama siya ng malakas na kapangyarihan na nagmumula sa kaibuturan ng kaniyang katawan.
“Magtatagal lamang ng dalawang minuto ang liksi at lakas na tinataglay mo ngayon sapagkat hindi pa kakayanin ng iyong katawan ang kabuuhan ng aking kapangyarihan.” Saad pa ni Astora.
Gamit ang kakaibang liksi at lakas na ipinagkaloob sa kaniya ng dating Gabay na si Astora ay nagawa ngang paslangin ni Donovan ang isa sa tatlong Yetti na nasa kaniyang harapan.
Ngunit matapos nito ay naabot na ng kaniyang katawan ang limitasyon na tinutukoy kanina ni Astora. Unti-unti siyang nanghina at bumalik sa dati ang kaniyang mga paggalaw.
Nakaramdam din siya ng matinding sakit sa kabuuhan ng kaniyang katawan. Pakiramdam niya ay nawawalan siya ng lakas. Nanlalabo na rin ang kaniyang mga mata subalit hindi pa rin siya sumuko.
Nanatili pa rin siyang nakatayo sa kabila ng kagustuhan ng kaniyang katawan na bumagsak na lamang at magpahinga sa lupang nababalutan ng nyebe.
Makailang beses pa niyang inatake ang mga halimaw. Nagtatagumpay man siya na sugatan ang mga Yetti ay matagumpay din naman siyang pinagugulong ng mga ito sa lupa.
Sa unang hampas pa lamang na natamo niya mula sa mga ito ay halos hindi na siya makatayo kaya naman ay nabigla rin siya na tumanggap pa siya ng tatlo pang atake mula sa mga higante.
Nang muling umatake ang isa sa mga Yetti ay nakaisip siya nang isang ideya. Ang atake ng higante ay naglalayon na tapusin na ang kaniyang buhay. Mula sa itaas patungo sa ibaba ang magiging pag atake nito.
Para siyang isang insekto na nais nitong pisatin na lamang. Kaya naman gamit ang kaniyang natitirang lakas ay itinaas niya ang kaniyang espada.
Halos mapatalon dahil sa nadaramang sakit ang Yetti nang tumusok sa kaniyang palad ang espada ni Donovan.
Napaatras pa ito ng ilang hakbang dahilan upang masagi nito ang natitirang kasama at magkasunod na magtumbahan.
Nanghihina namang napangiti at napaluhod ang binata. Naubusan na siya ng lakas dahil sa makailang ulit na pagtanggap niya ng mga pag atake ng mga kaaway.
Napabuntong-hininga na lamang siya nang makita niyang unti-unti nang nakababangon ang mga halimaw.
Hindi na niya kaya pang umatake kaya naman ay tanggap na rin niya ang nakatakda niyang sasapitin nang mga sandaling iyon.
Subalit bago pa tuluyang makalapit ang dalawang Yetti sa kaniya ay magkakasunod na palaso ang nagpahinto sa mga ito. Bitbit ang kaniyang sandata ay tumayo sa kaniyang harapan si Gantrick.
“Sorry for being late, brother.”
Maya-maya lamang ay sumulpot naman sa magkabila niyang gilid sina Ahura at Irene upang alalayan siyang makatayo.
Si Kirin naman ay nakatayo lamang sa likuran ng mga ito.
“Ayos ka lang?” tanong ni Irene.
“Oo. Medyo napagod lang ako,” tugon naman ni Donovan.
“Mukha nga. Nakailang beses ka nagpagulong-gulong dito eh,” pagbibiro naman ni Ahura.
“Just rest for a while, Don. You did a great job. Let us handle these monsters,” saad ni Gantrick habang magiting na nakatayo sa pagitan nila at ng mga Yetti.
“You can’t beat them with just the two of you, Gantrick!” babala niya sa kapatid.
“Who says it’s just me and Ahura? It’s US…”
Napanganga si Donovan nang isa-isang nag datingan ang mga mamamayan ng Morag at luminya sa tabi ni Gantrick.
Ilan sa mga ito ang may bitbit na espada, sibat at pana. Mayroon pa ngang ang bitbit na sandata ay asarol.
Nang sinubukan ng mga Yetti na humakbang papalapit sa kanila ay mga palaso ang sumalubong sa kanila. Hindi man ito ang makagagapi sa mga higante ay nagdulot naman ito ng takot at sakit sa mga ito.
Napaatras ang mga Yetti nang mag simula nang kumilos ang mga Babylonian. Mabibigat ang bawat pag hakbang ng mga ito na nagbibigay ng kakaibang tunog sa lupa.
Tanging ang sigawang dulot ng labis na kaligayahan na lamang ang mga sumunod na narinig ni Donovan.
Tuluyan na ngang napaatras nina Gantrick ang mga Yetti. Hindi naman makapaniwala ang mga mamamayan ng Morag sa kanilang maliit na tagumpay.
Dahil sa labis na panghihina ay muling nawalan ng malay si Donovan. Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata ay nakarinig siya ng mga ingay.
Napabalikwas siya ng bangon mula sa pagkakahiga sa isiping mayroon na namang kaaway ang umaatake sa kanila. Tinungo niya ang pinto ng kaniyang kubol at binuksan iyon.
Sa labas ng kaniyang kubol ay naroroon ang karamihan sa mga mamamayan ng Morag. Nagkakasiyahan ang mga ito. Nag sasayawan sila habang nakapalibot sa naglalagablab na siga.
Mayroon ding mga nakahilerang mesa sa isang tabi. Puno iyon ng samu’t-saring pagkain. Prutas, karne, isda, tinapay at marami pang iba.
Mayroon ding ilang barilya ng mga alak sa ilalim niyon.
“Donovan!”
Ang boses ni Kirin ang umagaw sa kaniyang atensyon. Kinawayan siya nito at patakbong lumapit sa kaniya nang tangkain niyang mag lakad ngunit katulad ng mga nakalipas na oras ay paika-ika pa rin siyang naglakad dahil nga sugat niya mula sa palaso ng mg bandido na nadagdagan pa sa ginawang pag atake ng mga Yetti.
Iginiya siya ng dalaga sa mesa na kinaroroonan nina Gantrick. Nakaupo ang lalaki at maganang nilalantakan ang mga nakahain na pagkain. Katabi nito si Ahura na nililinis at isinasaayos ang kaniyang mga palaso.
Si Irene naman ay nakaupo sa kasalungat na direksyon ng dalawa habang tahimik na kumakain. Naupo siya sa bakanteng upuan sa tabi nito.
“Oh, you’re awake! Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong sa kaniya ni Irene nang makilala kung sino ang bigla na lamang tumabi sa kaniya.
“I’m good, don’t worry. What’s happening? Sino ang may birthday?” nagtatakang tanong ng binata sa mga kasama.
“Birthday? Ano iyon?” tanong naman ni Ahura. Maging si Kirin ay naghihintay lamang ng sagot mula sa mga ito.
“Kaarawan,” matipid na tugon ni Gantrick.
“Kaarawan?” sa pagkakataong ito ay si Kirin naman ang nagtanong.
“Kaarawan. Ito iyong araw ng kapanganakan mo.” Paliwanag ni Irene.
“Ah!” sabay na bulalas nina Ahura at Kirin.
Si Donovan naman ang sunod na hinarap ni Irene. “Walang may birthday. This celebration is for their victory against the Yetti’s.”
“I see.” Patango-tangong tugon naman ng binata. “Anyway, kumusta iyong mag ina? Ligtas ba silang nakatakas?”
Hindi pa nakasasagot ang kaniyang mga kasama nang biglaang lumapit mula sa kung saan ang isang babae at anak nito.
“Ginoo!”
Tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo si Donovan at hinarap ang dalawa. “Ano po ang maipaglilingkod ko?”
“Kami po ang mag inang tinulungan ninyo kanina. Nais ko lamang po sana na magpasalamat nang personal sa inyo sa ginawa ninyong pagliligtas sa amin ng aking anak,” wika ng babae.
Ngumiti naman sa kaniya si Donovan.
“Huwag po ninyong alalahanin iyon. Ginawa ko lamang ang nararapat.”
Matapos niyon ay ginulo niya ang buhok ng batang lalaki at lumuhod upang maging kapantay nito. “Ano ang pangalan mo?”
“Ako po si Atticus, anim na taong gulang,” tugon ng bata.
“Palagi mong aalagaan ang iyong sarili pati na rin ang iyong ina, maliwanag ba?” ani Donovan.
“Opo. Pero magiging katulad po kaya ninyo ako kapag ako ay lumaki na?” magiliw na tanong ng bata.
Hindi naman ito inaasahan ni Donovan kaya naman ay bigla siyang napatingin sa kaniyang mga kasama. Nakangisi naman ang mga ito sa kaniya.
Muli niyang hinarap ang batang si Atticus. “Huwag mong pangarapin na maging katulad ko. Gawin mo ang lahat upang mahigitan ako.”
Manghang nakatingin lamang sa kaniya si Atticus. Kung hindi pa ito hinila ng kaniyang ina ay hindi pa ito aalis sa kaniyang kinatatayuan.
Sa simpleng salita na ibinahagi ni Donovan ay napukaw nito ang musmos na damdamin at katapangang nahihimlay sa maliit na katawan ni Atticus.
“Great speech,” biro ni Irene nang muli siyang magbalik sa kaniyang pagkakaupo.
Nginitian lamang siya ni Donovan na muling dumampot nang makakain. “Few more days and we’ll leave this town.”
Napatigil naman sa tangka niyang pagsubo si Gantrick nang marinig ang kapatid. “Already?”
Hindi naman nauunawaan nina Kirin at Ahura ang kanilang pinag uusapan kaya naman ay tinanong nila si Irene kung tungkol saan ito.
Napatayo si Kirin nang ilahad ng dalaga kung tungkol saan ang pinag uusapan nina Donovan.
“Hindi pa magaling ang sugat mo pero gusto mo na umalis dito?” ani Kirin.
“Gagaling na lamang ito habang tayo ay naglalakbay,” tugon ni Donovan.
Si Ahura naman ang sumunod na nag salita. “M-maaari ba akong sumama sa inyong paglalakbay?”
Kagyat na tumigil sa pagbabangayan sina Donovan at Kirin nang marinig ang pakiusap ni Ahura.
Nahihiya namang napayuko si Ahura.
Batid niyang kalabisan na ang ninanais niyang mangyari. Hindi pa naman siya lubos na kilala ng mga ito kaya ay nakasisiguro siyang hindi pa lubusang nagtitiwala ang mga ito sa kaniya.
“W-wala na kasi akong mapupuntahan,” dagdag pa ni Ahura.
Tinapik naman siya sa balikat ni Irene dahilan upang muli siyang mag angat ng tingin. Sinalubong siya ng mga nakangiting sina Donovan, Kirin at Gantrick.
“Kailangan pa bang itanong ‘yan, Ahura? Kaibigan ka namin kaya’t mas magiging masaya ang paglalakbay kung magkakasama tayo,” saad ni Irene na nakangiti rin.
Nanlabo ang paningin ni Ahura dahil sa luhang pilit niyang pinipigil. Upang hindi mahalata ng mga kasama ang pagiging emosyonal niya ng sandaling iyon ay tumingala siya sa kalangitan at suminghot upang ibalik ang luhang nais kumawala sa kanilang dapat na kalagyan.
“Salamat.