Chapter 5- PLAN

2428 Words
HINDI pa nag tatagal mula nang lumabas mula sa Café si Irene nang mamataan niyang nagmamadaling lumabas si Donovan rito. Mahahalata sa mukha nito ang pag-aalala. Agad niyang binuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan at pumasok sa loob nito. Nang mabuhay ang makina ay minani-obra na niya ito palayo sa Café upang sundan ang binata. Matulin ang ginagawang pagpapatakbo ng binata sa kaniyang sasakyan. Makailang ulit na rin itong muntik mabunggo sa iba pang mga sasakyan dahil sa ginagawa nitong pag overtake sa mga sasakyan na nasa unahan nito. “What are you doing, dumbass!” bulong ni Irene sa sarili. Nakahinga naman siya nang maluwag noong naging maluwag na ang daan na tinatalunton nila ni Donovan. Huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang malaking bahay na sa tingin niya ay tahanan nito. Nagmamadali itong lumabas ng sasakyan kaya naman ay lumabas na rin siya at tinawag ito. “Donovan!” Napatingin ito sa gawi niya at nagtatakang lumapit sa kaniya. “What the hell are you doing here?” “Nakita kitang nagmamadaling umalis sa Café kanina and you looked worried, I thought there’s an emergency. So, I followed you maybe I could help.” “A group of thugs broke in to our house, dito ka lang it’s dangerous for you to go inside. The police are coming, wait them here.” “But—” “No but’s, Irene. Dito ka lang.” Pagkatapos niyon ay maingat na pumasok si Donovan sa kanilang tahanan. Nagpalinga-linga pa ito sa paligid upang siguruhin na walang taong nakakita sa kaniya. Hindi naman mapakali si Irene kung kaya’t sinundan niya sa loob ng tahanan si Donovan. Batid niyang mapanganib ang ginagawa niya subalit, hindi naman maatim ng konsensya niya na hintayin na lamang na mapahamak ang binata. Kahit naman hindi niya ito kasundo ay sa iisang industriya at establisyemento pa rin sila nagtatrabaho. Tahimik niya itong sinundan patungo sa loob ng tahanan. HABANG tinatalunton ni Donovan ang daan papasok sa kanilang tahanan ay may nakita siyang mga patak ng sariwang dugo sa sahig. Lalong nag dilim ang anyo ng binata. Inihahanda na niya ang kaniyang sarili sa kung ano mang sasalubong sa kaniya sa loob at kung sino mang nilalang ang maabutan niya roon. Naikuyom niya ang kaniyang kamao nang makita na kinakaladkad ng dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng pamilyar na jacket ang kapatid niyang si Gantrick na duguan at walang-malay. Hindi niya makita sa paligid ang kaniyang ina. Ipinanalangin na lamang niya na nasa ligtas itong lugar. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Habang abala ang mga lalaki sa ginagawang pagkaladkad sa walang-malay niyang kapatid ay inatake niya ang mga ito mula sa likuran. Nagpakawala siya ng isang malakas na pag sipa na tumama naman sa likuran nang lalaki dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Habang ang isa naman sa mga lalaki ay nilundagan niya sa likuran at inipit sa kaniyang mga braso ang leeg nito upang sana’y panawan ito ng ulirat. Magtatagumpay na sana siya sa kaniyang pinaplanong gawin nang maramdaman niya ang isang matigas na bagay na tumama sa kaniyang batok. Unti-unti na niyang nabitiwan ang lalaki habang unti-unti siyang nilalamon ng kadiliman. Ang wangis ng lalaking nakabangga niya sa pamilihan noong nakaraan ang huling nakita ng kaniyang mga mata bago siya tuluyang mawalan ng malay. Nanlalabo pa ang paningin na nag mulat ng kaniyang mga mata si Donovan. Pilit niyang inaaninag ang lugar na kinaroroonan niya kaya naman nang tuluyan nang magbalik ang kaniyang paningin ay agad na inobserbahan niya ang paligid. Nakahinga siya nang maluwag nang makilala ang silid na kinaroronan niya. Silid ito ni Myrna. Sinariwa niya ang kaniyang mga alaala bago ang sandaling iyon. Agad siyang napabangon nang maalala ang sugatan niyang kapatid at ang misteryosong mga lalaki na nanloob sa kanilang tahanan. “Mom! Gantrick!” Dali-dali niyang tinungo ang nakabukas na pinto ng silid. Sapo-sapo niya ang nananakit na batok. Ang huli na lamang niyang natatandaan bago siya tuluyang lamunin ng kadiliman ay ang matigas na bagay na tumama sa kaniyang batok na siyang dahilan ng kaniyang pagkakahimbing. Napahinto siya nang makarinig ng mahihinang pag-uusap sa linggwaheng ngayon pa lamang niya narinig sa tanang buhay niya. Naikuyom niya ang kaniyang mga palad nang silipin kung kanino nagmumula ang mga boses na kaniyang naririnig. Muling inihanda ni Donovan ang kaniyang sarili sa tangka niyang pakikipagbuno sa mga kalalakihang kasalukuyang nakaupo sa salas ng kanilang tahanan. Napatayo sa kanilang pagkakaupo ang mga lalaki nang maramdaman ang presensya ni Donovan na tahimik na papalapit sa kanila. Pumosisyon ang mga ito upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili. “Who the hell are you? Where’s my brother and mother?” bulyaw niya sa mga ito. Dinampot ni Donovan ang isang paso na may lamang halaman na nasa malapit at iniumang upang ipakita sa mga lalaki na hindi siya natatakot sa mga ito at handa siyang ipagtanggol ang sarili laban sa anu mang hakbang na kanilang gagawin. Nagkatinginan naman ang mga lalaki na batid niyang hindi naunawaan ang kaniyang mga isinambit. “Donovan? Is that you?” Napalingon siya sa paligid nang marinig ang pamilyar na boses. Iginala niya sa paligid ang kaniyang paningin upang subukang hanapin kung saan ito nagmula. Napansin niya nakaawang na pinto sa silid ni Gantrick. Humakbang siya patungo rito na nahinto naman nang lumabas mula sa silid ang lalaking nakabangga niya sa pamilihan noong nakaraang linggo. “Who are you? What did you do to Irene and Gantrick?” Nagtaka ang binata nang bahagyang ipinilig ng lalaki ang kaniyang lalaki at magkasalubong ang kilay na nag salita. “Paumanhin ngunit hindi ko nauunawaan ang iyong mga sinambit.” Hindi naman makapaniwalang napapalatak si Donovan. Sigurado siyang nilalansi lamang siya nito upang humanap nang pagkakataon upang atakihin siya. Kaya naman bago pa ito makakilos ay inunahan na niya ito. Ibinato niya patungo rito ang hawal-hawak niyang paso. Nang maiwasan ito ng lalaki ay siya namang pagtakbo ng binata patungo rito. Sa tangkang pagsalag ng lalaki sa ginawang pagsugod ni Donovan ay kapwa natagpuan na lamang nila ang mga sarili na nakahiga sa sahig habang hawak ang mga nasaktang bahagi ng kanilang mga katawan sa kanilang pagbagsak mula sa ikalawang palapag patungo rito. Mas naunang nakabawi ang lalaki kaysa kay Donovan. Lumapit ito sa binata at pilit na itinayo ito. Nang tuluyan na ngang makabangon mula sa pagkakahiga ay agad nagpakawala ng suntok si Donovan. Muli pa’y bumagsak ang lalaki sa sahig. Kinubabawan naman siya ni Donovan. Nang tangkang magpapakawala pa ng suntok ang binata ay napahinto siya nang marinig ang boses ni Irene. “Donovan, Stop!” Napatingala si Donovan sa lugar kung saan naroroon ang dalaga. Patakbo itong bumaba patungo sa kanila at itinulak siya palayo sa lalaki. Tinulungan nitong makatayo ang lalaki na makikita sa mukha ang ebidensya ng ginawa niyang pananakit rito. Agad niyang nilapitan si Irene at ininspeksyon gamit ang mata ang kabuuhan ng dalaga. “Are you okay? Did they hurt you?” Pumiksi ang dalaga mula sa kaniyang pagkakahawak. “What the f**k is wrong with you?” “What do you mean?” nagtatakang tanong niya kay Irene. “Why are you punching him like he’s some sort of a punching bag?” “Because they broke in to our house! Can’t you see? They’re dangerous!” Hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya ang dalaga. “Do you really know what you are saying?” Napakunot naman ang noo ng binata dahil sa sinabi nito. “What do you mean?” “ These men whom you’re accusing of being dangerous are the ones who saved your brother’s life, stupid!” gigil na wika ni Irene. “Wha—” “Go upstairs.” Naguguluhan man ay mabilis na tinungo ni Donovan ang silid na tinutukoy ng dalaga. Dito niya natunghayan ang nahihimbing na si Gantrick. Kaakibat ng telang naging pansamantalang benda ay ang mga berdeng halaman sa sugat nito na siyang pumipigil sa pagdurugo niyon. “Pansamantalang napigil ng mga halamang gamot na ito ang pagdurugo ng kaniyang sugat. Subalit, mas makabubuti para sa iyong kapatid na mabigyang lunas ng mga tunay na manggagamot.” “Sino ang may gawa nito sa kaniya?” tanong ni Donovan sa lalaking nakatayo sa may pintuan habang magkakrus ang magkabilang mga braso. “Ang mga tagasunod ng Puting Reyna, Maaaring sila rin ang dahilan kung bakit nawawala ang inyong ina,” tugon naman ng lalaki. “Saan ko matatagpuan ang Puting Reyna na tinutukoy mo?” “Sa Babylon.” Mariing napapikit ang si Donovan sa tinuran ng lalaki. Napasapo na rin siya sa nananakit na niyang ulo. Wala na talaga siyang maunawaan sa mga nagaganap. “Kami na ang bahalang mag hanap sa iyong ina. Siguruhin mo na lamang na makaliligtas ang iyong kapatid,” wika ng lalaki. Lubos na nag-aalala siya sa kaniyang ina ngunit sa pagkakataong ito ay mas nakababahala ang kasalukuyang kalagayan ni Gantrick. Kaya naman ay kahit labag ito sa kaniyang kalooban ay ang mga ito na lamang ang maaasahan niya. “Pakiusap, hanapin ninyo siya.” Wala nang narinig na sagot mula pa rito si Donovan. Tanging ang mga yabag na lamang nito papalayo ang siyang naging tugon nito. Ilang sandali lamang ay maririnig na sa buong tahanan ang papalapit na sirena ng mga kapulisan. Sunod-sunod na nagpasukan sa kanila ang mga alagad ng batas na siyang kasama sa trabaho ni Gantrick. Ang sugatang binata naman ay kasalukuyan nang inililipat sa nakaantabay na ambulansya upang agad na mailipat sa pinakamalapit na ospital. “Don’t worry, Mr. Castillo. We will do everything we can to find your mother and the identity of those people who harmed your brother.” “Thank you,” pasalamat ng binata sa pulis na kausap niya. Nang makaalis ang mga ito ay nagtungo na si Donovan sa silid ni Gantrick upang ihanda ang mga gamit na dadalhin niya sa pagamutan. “I need to go, Donovan. Are you sure you’re, okay?” paalam ni Irene. Hinarap siya ni Donovan. “Thank you for everything Irene and I’m sorry for not being able to take you home.” Tumango naman sa kaniya ang dalaga. “Not like I’d let you do that. Besides, I can take care of myself.” Napangiti naman ang binata dahil sa narinig. Kahit na hindi sila mag kasundo ng dalaga ay batid niya na mabuti itong tao. At kahit pa hindi siya itinuturing nito na kaibigan, ay ito lamang ang tanging nakapagbibigay sa kaniya ng lakas ng loob sa mga sandaling nilalamon na siya ng kalungkutan at pagdududa sa kaniyang sarili. “Thank you, Irene. Drive safe.” Ito ang naging hudyat upang talikuran na siya ng dalaga at maglakad palayo sa kaniya. Ibinalik na lamang niya ang kaniyang atensyon sa paghahanda ng mga gamit na kakailanganin ni Gantrick. “What do you plan on doing?” tanong ni Gantrick. Ilang araw na rin ang nakalilipas mula noong mailipat ito sa pagamutan. Ipinabatid na rin sa kaniya ni Donovan ang pagkawala ng kanilang ina. “I will find her,” tugon niya sa kapatid. “But how? We don’t even have any lead kung nasaan siya?” “We do have,” Napamaang si Gantrick dahil sa tinuran ng kapatid. “What are you talking about?” “Babylon.” Napahalukipkip si Gantrick. “Don’t tell me that you actually believe those men?” “I don’t have any choice. And out of all people, you knew how nonsensical this is, pero Gantrick, those people and that Babylon whatever it may be, is our only option to find our mother.” Natameme naman si Gantrick dahil sa sinabi ni Donovan. Tama ito, higit sa kaninoman ay siya ang mas nakakaalam sa mga nangyayari. Nang atakihin sila ng mga nilalang na nakasuot ng mahahabang mga damit na alam niyang ipinasadya para sa taglamig ay batid na ng binata na hindi normal ang mga nagaganap. Sinubukan nilang labanan ni Myrna ang mga ito subalit sadyang mas nakalalamang sa bilang ang mga ito. Matapos siyang malapatan ng kaukulang pinsala ng mga kaaway ay pinanawan na siya ng ulirat kung kaya’t hindi na niya batid pa ang mga sumunod na nangyari. “What should we do first?” tanong ni Gantrick na makikita sa mata ang determinasyon upang mahanap ang ina. “We need to find some informations about this Babylon thing.” “Eksakto pwede na akong makauwi sa bahay bukas. We can start looking for clues tomorrow.” Kinabukasan nang makauwi na sa kanilang tahanan si Gantrick upang doon na ipagpatuloy ang pagpapagaling ay napagpasyahan nilang mag simulang humanap ng kahit na anong palatandaan na maaaring makapagturo sa kanila sa Babylon. Kasalukuyan nilang hinahalungkat ang mga gamit ni Myrna sa silid nito. “I think this is not right,” wika ni Gantrick kasabay nang pagtayo nito. “What do you mean by that?” tanong ni Donovan na hindi man lamang ito tinatapunan ng tingin at patuloy lamang sa paghahanap ng kahit na anong bagay na may kaugnayan sa Babylon. “We’re invading our mother’s privacy, Donovan. That’s what I mean,” asik ng binata. “We’re doing this to find her. This is the only way we can save her if she’s in danger.” Napabuntong hininga na lamang si Gantrick. Batid niyang tama si Donovan sa mga inilahad nito ngunit bilang isang alagad ng batas ay hindi niya maatim na gawin ito. Subalit, upang mahanap ang ina ay isasantabi na lamang muna niya ang karangalan niya bilang tagapagpatupad ng batas. “Woah!” Agad na lumapit si Gantrick kay Donovan nang may mapansin ito mula sa ilalim ng higaan ni Myrna. Isa itong sikretong silid na mabubuksan lamang kapag hinila ang kapirasong tali na yari sa kadena. Tumingin muna si Donovan kay Gantrick. Tumango naman sa kaniya ang binata. Buong lakas na hinila ni Donovan ang kadena. Nanggilalas silang magkapatid nang makita ang hagdan patungo sa ibaba. Madilim ang paligid at ang amoy ng alikabok ang sumalubong sa kanilang pagbaba rito. Gamit ang ilaw na nalilikha ng telepono ni Gantrick ay pilit siyang naghanap ng kahit na anong buton sa dingding. Hindi nga siya nag kamali ng hinala. Agad na nag liwanag ang paligid. Ginamit ng dalawa ang likod ng kanilang mga palad upang hindi direktang tumama sa kanilang mata ang nakasisilaw na liwanag na dulot ng pagbubukas ng ilaw sa lihim na silid. Nang tuluyan nang makabawi ang kanilang mga mata ay kapwa napatulala at napaawang ang labi nina Donovan at Gantrick nang mailibot ang paningin sa kabuuhan ng silid. “What the hell?” sabay na wika ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD