Chapter 4- SECRETS

2574 Words
INIHANDA na nina Donovan at Gantrick ang kanilang mga sarili nang mag simulang lumapit sa kanila ang isa sa mga ‘di pa nakikilalang nilalang. “Mira,” Napakunot ang noo ng dalawang lalaki nang tawagin ng lalaki ang kanilang ina sa ibang pangalan. Muli pa itong humakbang papalapit sa kanila ngunit naging maagap si Donovan at mabilis na hinarang ang lalaki sa tangka nitong paglapit sa kanilang ina. Napadako naman sa kaniya ang tingin ng lalaki. Nang may mapagtanto ito ay mabilis itong lumuhod sa kaniyang harapan. Mabilis naman na sumunod sa akto nito ang iba pang mga kalalakihan na kasama rin nito. Nagkatinginan silang dalawa ni Gantrick. Kapwa naguguluhan sa mga nagaganap. Hindi mapigilang matawa ni Donovan dahil sa pag-aakalang isa lamang itong biro ng mga lalaki. “Okay, dude. That’s enough,” saway niya sa mga lalaki nang mapansin na nakukuha na nila ang atensyon ng lahat sa pamilihan. Subalit, tila yata hindi siya narinig ng mga ito at patuloy lamang sa pagluhod ang mga lalaki. Dumako naman ang mga mata ng binata sa kaniyang ina na tila ba mayroong bumabagabag sa isipan nito. Nawalan ng kulay ang magandang mukha ni Myrna. “S-sino kayo? Hindi ako si Mira,” sa wakas ay wika ni Myrna. Muling tumayo muli sa kaniyang pagkakaluhod ang lalaki at hinarap si Myrna. Bahagya nitong iniyuko ang ulo habang ang kanang kamay ay nakakuyom na nakalapat sa kaniyang kaliwang dibdib. “Ikaw si Mira. Isa sa matataas na heneral ng Babylon,” tugon naman ng lalaki. Nagtataka namang napatingin kay Myrna ang dalawang binata. Hinihintay ang kaniyang magiging tugon. Pilit inalis ni Myrna ang kung ano mang bumabara sa kaniyang lalamunan. “Nagkakamali kayo mga Ginoo. Hindi ako ang hinahanap ninyo.” Matapos nito ay mabilis niyang hinaklit sa magkabilang braso ang dalawang binata at iginaya palayo sa mga estrangherong lalaki. Subalit, bago pa sila tuluyang makalayo sa mga ito ay muli nilang narinig ang tinig ng lalaki. “Hindi kami maaaring magkamali. Nasa panganib kayo ng Kamahalan.” Muling ipinagpatuloy ng tatlo ang kanilang paglalakad. Nagugulumihan man ay hindi na muli pang nagsalita sina Donovan at Gantrick. Nang makauwi ay dumiretso lamang sa kaniyang silid si Myrna na ipinagtaka naman ng dalawa. Muling nagkatinginan ang magkapatid at tumango sa isa’t-isa. Hindi na nila kinakailangan pang mag salita para lamang maunawaan ang isa’t-isa. Simula pagkabata ay mag kasama na sila kaya naman hindi na kataka-takang kilala na nila ang bawat isa. Pagkatapos mag linis ng katawan ay naupo si Myrna. Sinasariwa niya ang mga panahon na kasama pa niya ang kaniyang mga magulang hanggang sa kupkupin at alagaan siya ng mga taong naging malapit sa kaniyang puso at pinagkakautangan niya ng lahat. Naputol lamang ang kaniyang pagmumuni-muni nang marinig ang mahihinang pagkatok mula sa labas ng kaniyang silid. “Mom, dinner is served!” Napangiti siya nang marinig ang boses ni Gantrick. “Okay, I’ll be there!” NASA isang salu-salo si Donovan kasama ang kaniyang mga empleyado. Sa isang pribadong resort. Isa itong selebrasyon dahil sa pagkakamit nila ng mataas na satisfaction rating mula sa kanilang mga naging panauhin sa Hotel. “Cheers!” Kasabay ng pagkalansing ng kanilang mga baso ay siya namang pagtutop ni Donovan sa kaniyang ulo. Muling bumabalik sa kaniyang isipan ang mga imahe ng panaginip na pilit niyang kinalilimutan nitong mga nakaraan. “Sir? Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Maybelyn. Ipinilig muna ni Donovan nang bahagya ang kaniyang ulo bago tumugon. “Y-yeah, I’m fine. Maybe I’m just drunk. Magpapahangin lang ako sa labas.” Tumango naman ang kaniyang mga kasama. Nagtungo siya sa terrace nang kinaroroonan na villa. Bumuntong-hininga siya at ninamnam ang kalamigan ng hangin na nanunuot sa kaniyang mga kalamnan. Tumingala siya upang pagmasdan ang mga nag-gagandahang mga bituin. Simula noong siya ay paslit pa lamang ay nakaugalian na ni Donovan na pagmasdan ang mga nagniningning na bituin sa kalangitan. Ang kaugaliang ito rin ang tumutulong sa kaniyang sarili sa tuwing siya ay nahaharap sa mga pagsubok ng buhay. Nang magbaba siya ng tingin sa may kalawakang lupain na sakop ng resort ay may napansin siyang nilalang na nagkukubli sa likod ng isang puno. Kalahati ng katawan nito ay naikukubli ng kadiliman ngunit ang kalahati naman ay nasisinagan ng liwanag ng buwan mula sa kalangitan. Pamilyar sa kaniya ang bulto ng katawan ng nilalang. Maging ang damit pang lamig na suot nito ay pamilyar din sa kaniya. Napakunot ang kaniyang noo nang mapagtanto kung sino iyon. Ang wirdong lalaki na nakasalamuha nila sa pamihilihan kama-kailan lamang. “Do you know that man?” Napalingon si Donovan sa kaniyang gilid upang alamin kung sino ang nag salita. Si Irene. “Not really,” Tugon niya. “I thought you know him. I always see him whenever you’re around.” Bumadha ang pagkabigla sa mukha ng binata. “What do you mean?” Sa pagkakataong ito ay si Irene naman ang tumingin sa kaniya dahilan upang magsalubong ang kanilang mga mata. Mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya ang dalaga. “Palagi ko siyang nakikita sa Hotel sa tuwing darating ka. Noong una akala ko ay kaibigan mo siya pero lumipas ang ilan pang mga araw ay napansin ko na wala kang kaalam-alam na sinusundan ka niya,” Napaisip naman si Donovan dahil sa sinabi ni Irene. Kasabay niyon ay ang pag hanga niya sa pagiging matalas nito sa paligid. “That’s pretty odd. I don’t know who the hell is that man.” “Perhaps this is the time for you to know him personally?” Tumango naman ang binata sa tinuran nito. “Thanks!” “Be careful,” tugon naman ni Irene. Lakad-takbo ang ginawa ni Donovan upang harapin ang misteryosong lalaki na tinutukoy ni Irene. Tinungo niya ang punong kinaroroonan nito subalit bigo siyang makita ito roon. Iginala niya sa paligid ang kaniyang paningin. May napansin siyang anino sa ‘di kalayuan. Lumalakad itong palayo kaya naman ay agad niya itong sinundan. “Hey!” pagkuha niya sa atensyon ng lalaki. Hindi naman siya nabigo sa nais niyang mangyari. Huminto ang lalaki nang marinig ang kaniyang tinig. Ngunit hindi ito humarap sa kaniya katulad nang ibig niyang mangyari. “Sino ka? Bakit lagi mo akong sinusundan?” Ang ingay lamang na nililikha ng mga nagsasayawang puno dahil sa malamyos na ihip ng hangin at huni ng maliliit na insekto sa kapaligiran ang tanging maririnig. Hindi man lang nagtangkang sumagot sa kaniyang naging katanungan ang lalaki. “Ang sabi ko—Hey!” Naputol ang pagsasalita ni Donovan nang biglaang tumakbo palayo ang lalaki. Sinubukan niyang habulin ito ngunit sadyang napakabilis nito kaya naman ay tuluyan na itong nawala sa kaniyang paningin. Nang tuluyan na niyang hindi makita kahit pa ang anino ng lalaki ay huminto na siya sa pag takbo. Nakapamaywang siyang nag habol ng kaniyang hininga. “Damn it!” bulong ng binata. Laglag ang balikat na tinalunton ng binata ang daan pabalik sa mga nagkakasiyahang kaibigan. Inabutan niya si Irene sa labas ng villa. Hinihintay siya ng dalaga. “I guess you failed?” Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Donovan bago ito tumango. Ipinagkibit-balikat na lamang ito ni Irene at bumalik na sa kanilang grupo. Hindi naman nag tagal ay pumanhik na rin paitaas ang binata. Hanggang sa sumunod na araw ay nasa isip pa rin niya ang wirdong lalaki. Napukaw nito ang kaniyang interes dahil sa mga ikinilos nito kaya naman ay napagdesisyunan na niyang tanungin ang kaniyang ina. Bagama’t nanonood ng telebisyon si Donovan ay hindi rito nakatuon ang kaniyang iniisip. Humahanap siya ng magandang tyempo upang itanong sa ina ang tungkol sa misteryosong lalaki. Kasalukuyang inihahanda ni Myrna ang hapag-kainan nang tumayo at lumapit sa kaniya si Donovan. “Mom?” tawag sa kaniya ng binata. “Hm?” tugon ni Myrna. “Can I talk to you for a moment?” tanong ni Donovan. Pansamantalang itinigil ni Myrna ang ginagawa at hinarap ang binata. “What is it?” “Who are those people at the supermarket last time?” Napansin ni Donovan ang biglaang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Myrna. Mula sa nakangiting wangis nito ay naging seryoso ito. Sa pagkakataong iyon ay batid na ng binata na mayroong itinatago sa kanilang magkapatid ang kanilang ina. “I don’t know. Marahil ay nagkamali lamang sila ng taong nilapitan. Hindi ko sila kilala.” Pagdadahilan ni Myrna at mabilis na tumalikod upang ipagpatuloy ang naudlot na gawain. Ngunit napahinto siya nang muling mag salita si Donovan. “But your actions tell me that you knew them.” Awtomatikong umikot si Myrna upang muling harapin ang binata. “Stop this nonsense, Donovan! I already told you that I do not know any of them!” Nagulat naman sa biglaang pagtataas ng boses ni Myrna si Donovan. Nakikita niya sa mata ng kaniyang ina ang magkahalong galit at pag-aalala. Mabilis namang nakabawi si Myrna at napagtanto ang kaniyang nagawa. “I-I’m sorry. I’m just tired.” “What’s happening?” singit naman ni Gantrick na hindi nila namalayang nakababa na pala mula sa silid nito. “Nothing. Mom and I were just talking.” Tumalikod na si Donovan upang lumabas sa kanilang tahanan. “I’ll go outside for a while. Be back at lunch.” “Donovan,” nag-aalalang tawag sa kaniya ni Myrna subalit hindi na niya ito muli pang nilingon at tuluyang nang lumabas. Pumasok siya sa kaniyang sasakyan at agad na pinasibad iyon. Kinakailangan niyang magpalamig. Hindi siya galit sa kaniyang ina, galit siya sa ginagawang paglilihim nito sa kanila. Bukod pa rito’y ngayon lamang siya nito napagtaasan ng boses sa buong buhay niya kaya naman ay nakasisiguro siyang tama ang kaniyang hinala na kilala nito ang mga lalaking lumapit sa kanila kamakailan. Dinampot niya ang kaniyang telepono na basta na lamang niyang itinapon sa loob ng sasakyan kanina. Saglit siyang tumipa roon atsaka pinindot ang buton upang marinig niya ang kausap kahit hindi nakalapit ito sa kaniyang tainga. “Hello, Irene?” “Why?” “I’m just wondering if you’re free for lunch?” “We’re not friends. Bye!” “Hey! Wait! I just need someone to talk to.” Saglit na tumahimik ang nasa kabilang linya. “Irene?” “Meet me at the Café Baristo down the alley of the Hotel in ten minutes. I’ll immediately leave kapag na-late ka,” “What—Jesus!” Nailing si Donovan sa tinuran ng babae. Humigit-kumulang labing-limang minuto pa kasi bago niya mararating ang pinili nitong tagpuan. Mas binilisan na lamang niya ang pagmamaneho dahil alam niyang gagawin nga ni Irene ang sinabi nito sa kaniya. Wala na kasi siyang ibang alam na pu-pwedeng makasama ng mga sandaling iyon dahil bukod sa kaniyang pamilya ay ang numero lamang ng dalaga ang laman ng kaniyang telepono dahil minsan ay kinakailangan niya itong tawagan patungkol sa trabaho. Bukod pa rito’y batid niya na mabuting tao ito dahil madalas itong tumutulong sa mga empleyado nilang nagkakaroon ng mabibigat na suliranin. Naghahanda na upang umalis mula sa kaniyang kinauupuan si Irene nang marating ni Donovan ang Café Baristo. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo patungo sa dalaga. Napahinto si Irene sa tangkang pag-alis nang humahangos na dumating si Donovan. Iminwestra pa ng lalaki ang kaniyang dalawang kamay at dumipa upang pigilin siya habang habol-habol nito ang paghinga. Taas kilay na tumingin ang dalaga sa kaniyang relo. “You’re a minute late.” “I could have died on the streets, you know?” Nang makaupo ang binata ay itinaas nito ang kamay upang kunin ang atensyon ng serbidor sa naturang establisyemento. Agad naman na lumapit ang lalaki sa kanila at kinuha ang mga nais nilang order-in. “So, what’s the fuss? Don’t tell me you called me here even though we’re not friends just to sip coffee while eating chocolate cakes?” wika ni Irene. “You really hate me, do you?” tanong ni Donovan. “Not really.” “On a scale of ten how much do you hate me?” Bahagya namang tumaas ang kilay ng dalaga sa naging tanong ni Donovan. “If I’d be stuck in a room with Hitler, Stalin, and you, with a gun with two bullets? I would definitely shoot you twice.” Muntik nang mabulunan si Donovan dahil sa narinig. “That’s pretty harsh.” “I know. Now if you don’t have anything else to say, I’d rather leave now,” pagpapaalam pa ng dalaga. Sumeryoso naman ang ekspresyon ng mukha ni Donovan atsaka itinuon ang mga mata sa salamin na dingding ng establisyemento. Nakikita niya mula sa loob ang mga taong hindi magkandaugaga sa kanilang mga ginagawa upang kumita lamang ng maliit na halagang maipangtutustos nila sa pang araw-araw na pangagangailangan ng kanilang pamilya. “Have you ever felt that you do not belong in this world?” wika ni Donovan. Nanatili namang tahimik si Irene upang makinig lamang sa mga susunod pang sasabihin ng binata. “Have you ever had a dream of people you never saw in your entire life yet you feel that you knew them? I know this sounds weird but weird things keeps on happening to me these past few days.” “It’s all part of the process,” komento ni Irene. “What process?” tanong naman ng binata. “The process of life itself. You wouldn’t know, perhaps these weird things that you’re currently experiencing might help you understand who you really are.” Sumagap muna ng hangin si Donovan at dahan-dahan itong pinakawalan. “I hope so.” Muli pa’y tiningnan ni Irene ang kaniyang relo. “I’ve got to go. The Hotel needs me.” Hindi na niya hinintay pa na tumugon ito at dali-daling tumayo mula sa pagkakaupo. “Irene,” muling pag tawag ng binata sa dalaga. “Thank you.” Matipid na ngiti lamang ang itinugon ni Irene kay Donovan atsaka mabilis na lumabas ng establisyemento. Ilang minuto matapos makaalis ni Irene ay tumunog ang telepeno ni Donovan na nasa ibabaw ng mesa. Pangalan ni Gantrick ang nakarehistrong tumatawag nang mga sandaling iyon. “I told you to eat—” “Donovan, several men broke in to our house. I already called the police so do not come home until it is safe. f**k—" Napatayo si Donovan at tumakbo palabas ng Café, agad niyang tinungo ang kaniyang sasakyan at agad na pinasibad iyon. Sinusubukan niyang tawagan muli si Gantrick ngunit hindi na ito sumasagot. Labis-labis ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Hindi niya inaasahan na ang kanila pang tahanan ang pipiliing biktimahin ng mga magnanakaw ng ganitong oras. “Just wait for me you dipshits! I’ll kick your butts later.” Lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho nang maalala niya ang pangamba sa boses ni Gantrick nang tawagan siya nito kanina. Ngayon lamang ito nangyari sa kaniyang kapatid kung kaya’t alam niyang hindi biro ang kinahaharap na panganib ng mga ito ngayon. “Please be safe, guys. I’ll be there soon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD