ISANG umaga na naman ang dumating, nagdaan na naman kay Donovan ang isang gabi nang kalituhan na hindi niya alam kung kailan matutuldukan.
Ilang gabi na rin siyang binabagabag ng isang panaginip. Paulit-ulit niya itong nakikita sa tuwing pipikit ang kaniyang mga mata ngunit hindi niya lubos na maunawaan ito.
Maraming tao ang nagsasabi na ang mga panaginip ay ang mga alaalang nakatago lamang sa likod ng ating mga isipan. Maaaring nahihimlay ang mga ito upang protektahan ang ating mga sarili sa labis na sakit na dulot niyon.
Subalit, para kay Donovan ay hindi ito ang dahilan. Mayroong kasiguruhan sa kaniyang isipan na hindi pa niya nakikilala ang mga nilalang sa kaniyang panaginip.
Ngunit katulad nang mga nagdaang araw, pilit niyang inignora ang mga ito upang magpatuloy sa kaniyang pang araw-araw na buhay. Muli siyang bumangon sa kaniyang hinihigaan upang umpisahan ang panibagong araw sa kaniyang buhay.
Habang tinatalunton ang daan patungo sa kusina ay ang amoy nang masarap na pagkain at ang matapang na amoy ng kapeng barako ang sumalubong sa kaniyang sistema.
Ang nakangiting mukha ni Myrna ang nagpagaan sa kaniyang mabigat na pakiramdam. “Come and sit, Donovan. Kumain na tayo.”
“Hindi na naman ba umuwi si Gantrick?” tanong niya sa ina.
“Yeah. Nagpapalamig lang iyon ng ulo dahil suspendido siya sa trabaho ngayon,” tugon naman ni Myrna.
Nagkibit-balikat na lamang si Donovan sa narinig. Batid na niya ang balitang ito noong isang araw pa nang siya ay umuwi galing sa trabaho.
Nabalitaan din niya ang ginawang pagliligtas ni Gantrick sa mga hostages at labis niyang ipinagmamalaki ang binata.
“Aren’t you going to work?”
Naputol ang pagmumuni-muni niya sa naging tanong ng kaniyang ina. “No. Off ko ngayon pero saglit akong dadaan sa Hotel dahil may file akong naiwanan doon.”
Tumango-tango naman sa kaniya si Myrna. Ipinagpauloy na nila ang kanilang pagkain.
“Do you want to go somewhere later, Mom? I’ll accompany you when I get back from the Hotel.”
“Let’s go to the grocery store. We don’t have enough stocks na rin naman.”
“Got it, Mom. Just wait for me.”
Nang tumayo sa kaniyang kinauupuan si Donovan ay nawala siya sa balanse at napakapit sa dulo ng kanilang mesa.
“Donovan? What happened? Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Myrna.
Habang sapo-sapo ng lalaki ang kaniyang sentido ay patuloy naman sa pagpasok sa kaniyang isipan ang mga imaheng hindi niya maunawaan at mga taong hindi niya man lamang alam ang mga pangalan.
Mayroong mga kalalakihan na may suot na gintong kalasag habang nakikipag sukatan ng lakas sa mga nilalang na hindi niya alam kung ano ang tawag.
“Donovan?”
Nagbalik lamang siya sa katinuan nang maramdaman ang pagdampi ng mga palad ni Myrna sa kaniyang mukha. “Are you okay? What’s wrong?”
“I-I’m fine. Nahilo lang ako marahil ay sa pagod,” tugon ng binata.
Mababasa naman sa ekspresyon ni Myrna na hindi niya ito pinaniniwalaan. Ngunit hindi na ito muli pang nagsalita.
Nagpatuloy na lamang sa paglabas si Donovan.
Nang marating niya ang entrance ng Hotel ay nakita niya ang lampas sa sampung taong nagkukumpulan. Bukod rito ay naulinigan din niya ang pagsigaw ng isang lalaki na mayroong malalim na boses.
Nakita niyang idinuduro-duro at sinisigawan nang mayabang na guest nila si Benny. Hindi niya pa nakikilala kung sino ang lalaki dahil nakatalikod ito subalit may hinala na siya kung sino ito.
Dahil gusto muna niyang malaman kung ano ang rason nang kaguluhang nagaganap ay nagtungo muna si Donovan sa reception desk.
“What’s happening, Maybelyn?” tanong niya sa Receptionist.
“Sir, Donovan! Natapunan po kasi ni Mang Benny si Sir ng maruming tubig. Eh hindi naman po sinasadya ni Mang Benny at humingi na rin siya ng paumanhin pero patuloy pa rin po siyang sinisigawan,” Pagkukwento ng dalaga.
Agad na napabalik ang atensyon ni Donovan sa gawi ng mga ito nang muli niyang marinig pagtataas ng tinig ng lalaki.
“What kind of Hotel is this? Why are they allowing an imbecile like you to work here?” pamamahiya ng lalaki sa kawawang matanda.
“Sir, pasensiya na po talaga kayo, hindi ko po sinasadya may kalabuan na rin po kasi ang mata ko dahil sa katandaan,” pagpapakumbaba naman ni Benny.
Ngunit hindi ito tinanggap ng lalaki, bagkus ay itinulak pa niya ang matanda dahilan upang bahagya itong mapaatras.
Nang muling itutulak ito ng lalaki ay mabilis na kumilos si Donovan.
“That’s enough, Sir.”
Napunta kay Donovan ang mga mata ng binata nang pigilin niya ang binabalak nitong pagtulak sa matanda.
“Who are you?” tanong ng lalaki.
“I am the General Manager of this Hotel and you’re harassing my employee. Do you want me to file a lawsuit against you?”
Matalim na tingin naman ang isinagot nito sa kaniya. Ngunit agad din nitong binawi ang kamay na hawak-hawak ni Donovan. “I don’t care even if you’re the Manager here. Your employee made a mistake and you should reprimand him.”
“Do not tell me what to do, Mr. James.”
Lalo namang namula ang mukha ng lalaki dahil sa galit. Hindi yata niya inaasahan na mayroong taong kaya siyang sagutin nang ganoon na lamang.
Dahil nga sa isa siya sa mga pinaka-sikat na artista ngayon sa bansa ay sanay siya na palaging nasusunod ang kaniyang mga kagustuhan.
Nagdilim ang anyo niya at muling nagtanong kay Donovan. “What did you say?”
Nang uulitin na sana ni Donovan ang kaniyang mga sinabi ay napatigil ito nang bigla siyang suntukin ng lalaki.
Napasigaw naman ang mga tao sa paligid nang bumalandra sa sahig si Donovan.
Akma pa siyang tutulungan na makatayo ng ilang mga tao na naroroon ngunit magalang silang tinanggihan ni Donovan. Hawak-hawak ang nasaktang panga ay muli itong humarap sa lalaki.
“Now I know why I don’t like you from the first time that we met,” komento niya rito na ikinapilig naman ng ulo nito.
“It’s because of your big, ugly, stupid face,” dagdag pa ni Donovan.
Lalo naman itong ikinagalit ni Mr. James. Lumapit siyang muli kay Donovan at muli itong sinuntok subalit mabilis lamang itong nasangga ng binata.
Si Donovan naman ang umatake.
Nagpakawala siya ng isang malakas na suntok na tumama rin sa mukha ng lalaki. Bago pa ito bumagsak sa sahig at maging lampaso ang mukha ay nasalo na ito ng mga katiwala nito.
Tatayo pa sana ito ngunit tila hindi nakikisama rito ang magkabila niyang mga tuhod dahil muli itong bumagsak sa mga bisig ng kaniyang mga katiwala.
Agad itong inilabas ng mga kasama upang iiwas sa nagbabadyang kapahamakan. Naghagikgikan naman ang mga empleyadong babae ng Hotel dahil sa ipinakitang kabayanihan ni Donovan.
Ginagap naman ni Benny ang mga kamay ng binata. “Maraming Salamat sa ginawa mong pagtatanggol sa akin. Iho!”
Kahit na mayroong kaunting hapdi na nararamdaman sa kaniyang kaliwang pisngi dahil sa suntok ni Mr. James ay nginitian pa rin ng binata ang matanda.
“Naku! Wala po iyon, Mang Benny. Responsibilidad ko po kayo sapagkat ako ang manager ninyo.”
Napadako naman sa isang gilid ang mga mata ni Donovan. Nakatayo pala sa isang sulok malapit sa reception desk si Irene at tahimik lamang na nakamasid sa mga nagaganap. Umalis din agad ito nang mapansin na nakatingin siya rito.
“She really hates me huh?” usal ni Donovan sa sarili.
“Sir, hindi po kaya kayo mapahamak dahil sa ginawa ninyo kay Mr. James kanina?” tanong ni Maybelyn.
Muntik nang mawala sa isipan ng binata ang magiging resulta nang kaniyang mga naging aksyon. Hindi naman maitatanggi na ipinagtanggol niya lamang si Benny laban sa isang abusadong panauhin.
Subalit, hindi rin maisasantabi ang katotohanan na lumabag siya sa palatuntunin ng kanilang establisyemento nang saktan niya ang isa sa mga panauhin nito.
Alangan siyang ngumiti sa tinuran ng dalaga. “Well, hintayin na lamang natin ang magiging hatol ng mga nasa itaas.”
Nag-aalala namang napatingin sa kaniya si Benny. Kaya naman ay nginitian niya ito at tinapik sa balikat. Nagtuloy na siya sa kaniyang opisina upang kunin ang sadya niya rito.
Hindi na iginarahe pa ni Donovan ang kaniyang sasakyan nang makabalik siya mula sa kaniyang opisina dahil magtutungo rin naman sila ni Myrna sa pamilihan.
Nagkunwari pa siyang nagulat nang makita si Gantrick na nasa kanilang tahanan kahit pa nakita na niya mula sa labas ang sasakyan nito upang alaskahin lamang ang binata.
“May bisita pala tayo?”
Inismiran lamang siya ng kapatid at dumekwatro pa sa kinauupuan upang iparating kay Donovan na hindi siya apektado nang pang-aasar nito.
Ilang sandali lamang ang lumipas ay lumabas na rin mula sa kaniyang silid si Myrna. Nakagayak na ito para sa kanilang planong pagtungo sa pamilihan.
“Gantrick, halina’t sumama ka na sa amin,” pag-anyaya ni Myrna sa binata.
Hindi naman ito tumugon kaya muli niyang tinawag ito. Tumayo naman si Gantrick dahil batid niya na hindi siya titigilan ng kaniyang ina hangga’t hindi siya tumatayo mula sa pagkakaupo.
Matamis na ngumiti naman sa kaniya si Myrna. Kumapit ito sa magkabilang braso ng dalawang binata at iginiya sila palabas ng kanilang tahanan.
“Hanggang kailan ka suspendido, Gantrick?” tanong ni Donovan sa kapatid habang nakatutok ang mata sa manibela at daan na kanilang tinatahak. “I mean, your suspension was really unfair. You’re just doing your job.”
“They don’t see it that way.” Wika ni Gantrick habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Napabuntong-hininga naman si Donovan. Ramdam niya ang sama ng loob ni Gantrick sa nangyari kaya naman ay hindi na siya muli pang nagsalita patungkol rito.
“What about you? I heard you’re in trouble as much as I do.”
Sinilip ni Donovan mula sa rear-view mirror ang binata. “What do you mean?”
“You threw a punch against Robert James yesterday, right?” sagot ni Gantrick.
Napakunoot naman ang noo ni Donovan dahil sa narinig. Maging si Myrna ay naghihintay din ng kompirmasyon niya.
“How do you know that?” naguguluhang tanong ni Donovan sa kapatid.
“Well, someone filmed the commotion and uploaded it in several social media sites.” Kalmadong tugon naman nito.
“WHAT?” gumawa nang malakas na ingay ang kanilang sasakyan nang biglaang magpreno si Donovan.
“What the f**k dude! Are you trying to get us killed?” singhal ni Gantrick sa kaniya.
Agad namang napagtanto ng binata ang panganib na muntik na niyang ihatid sa kaniyang pamilya. “I’m sorry. Mom! You okay back there?”
Binato lamang siya nito ng isang botilya na gawa sa plastik at tumango.
Napakamot naman si Donovan dahil dito.
Nang marating nila ang pamilihan ay bumaba na sa sasakyan sina Gantrick at Myrna at nagpatiuna na sa pamimili. Si Donovan naman ay hahabol na lamang sa kanila sa sandaling matapos niyang i-garahe ang kaniyang sasakyan.
Papasok na sana si Donovan sa pamilihan nang makabangga niya ang isang binata na sa pakiwari niya ay lampas dalawampu’t lima ang edad.
Matangkad ito na mayroong katamtamang katawan. Nakasuot ito ng isang itim na jacket, habang natatakpan ng hood nito ang mukha ng lalaki.
Nahulog mula sa bulsa nito ang isang punyal na mayroong sagisag na sa pagkakaalam niya ay wangis ng isang Diwata. Mabilis itong dinampot ng lalaki at ibinalik sa dating kinalalagyan nito.
“I’m sorry,” wika niya rito.
Bahagyang yumuko lamang ito at mabilis na naglakad papasok sa pamilihan. Napailing na lamang si Donovan dahil dito. Marahil ay may importante itong gagawin kung kaya naman ay madaling-madali ito.
Nakita niya sina Myrna at Gantrick na nasa harapan ng mga istante na ang mga laman ay mga biskwit at iba pang mga tinapay. Napansin rin ni Donovan na malapit lamang sa kanila ang lalaking nakabangga niya kanina.
Kataka-taka ang ikinikilos ng lalaki. Nakatayo lamang siya sa ‘di kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Hindi rin ito namimili o kumukuha man lamang ng ano mang bagay sa istanteng kaharap nito.
Palinga-linga rin ito sa paligid na animo’y sinisiguro kung may nakasunod o may nagmamatyag sa kaniya. Dahil sa inaakto ng lalaki ay kakaiba ang naging pakiramdam ni Donovan.
Maya-maya ay mayroon pang tatlong nilalang ang dumating. Katulad nang naunang lalaki ay pawang nakasuot din ang mga ito ng mga damit panlamig.
“Watch your side Donovan,” narinig niyang bulong ni Gantrick na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kaniya.
Si Myrna naman ay patuloy pa rin sa pamimili habang ang dalawang binata ay kapwa alerto sa kung ano man ang pwedeng mangyari dahil sa mga misteryosong presensya na malapit sa kanila.
“Mira,”