CHAPTER 2- GANTRICK

2349 Words
KASALUKUYANG nasa istasyon ng mga pulis si Gantrick. Pinagmamasdan niya ang magulo at maingay niyang paligid. Miyembro siya ng Anti-Crime Division ng pulisya. Bawat mesa na kinauupuan ng kaniyang mga kasamahan ay mayroong mga panauhin. Ang ilan ay mga nagrereklamo at ang ilan naman ay hinuli ng pulisya dahil sa iba’t-ibang kasalanan na labag sa batas. Isa si Gantrick sa may pinakamalinis na record sa istasyong ito kung kaya naman ay palagi siyang pinag-iinitan ng mga kasamahan niyang pulis. Makailang beses na siyang inalok ng kanilang pamunuan na umakyat sa mas mataas na posisyon subalit palagian niya itong tinatanggihan. Dahil dito ay naging arogante ang tingin sa kaniya ng kaniyang mga kabaro. Bagama’t may hindi matatawarang lakas sa pakikipaglaban ay hindi niya ginagamit ang kaniyang mga nalalaman upang manakit ng mga walang kalaban-laban. Ginagamit lamang niya ang mga ito laban sa mga tiwaling indibidwal na nananakit at nagiging perwisyo pa sa lipunan na kaniyang ginagalawan. Napatayo ang lahat nang walang pasabi na dumating si Major Cruz ang kanilang Commanding officer. “Men! Gather up!” Pagkasabi niyon ay mabilis itong pumasok sa opisina nito. Nagsipag-sunuran naman sa kaniya sina Gantrick at ang iba pa. Tumayo lamang sila sa harapan nito at hinintay na mag salita ang lalaki. “Men, we have a hostage taking situation in a nearby bank. The higher-ups instructed us to save the hostages at all costs. I want you all to check the area and do what you must. Zero casualty. Am I clear?” “Sir! Yes, Sir!” magkakasabay na sagot nila. Nang palabas na mula sa silid si Gantrick ay napahinto siya nang marinig ang pagtawag sa kaniya ni Major Cruz. “Castillo, one moment please,” Awtomatiko siyang umikot at hinarap ang lalaki. “Sir,” “I want you to cooperate with the team. I know how you handle things and I truly know that you’re a pretty skilled Police officer but this time I won’t allow you to do things your own way. You will surely be reprimanded if anything goes wrong, Understood?” “Sir! Yes, Sir!” tugon ni Gantrick at mabilis na nilisan ang silid. Agad niyang tinungo ang kaniyang mesa at kinuha ang kaniyang mga gamit at nagtungo na sa sasakyan ng kanilang grupo. Hindi nagtagal ay narating din nila ang kanilang destinasyon. Inabutan nila roon ang iba pang mga pulis na nauna nang rumesponde sa lugar. Marami na rin ang mga nakikiusyoso sa paligid kaya naman marami sa mga pulis ang naging pansamantalang police line nila upang pagbawalan na makalapit ang mga sibilyan. “Castillo, Miranda, Sy, alamin niyo kung ano ang demands ng mga hostage takers. We will find a route to enter the bank.” Utos ng kanilang Kapitan. “Roger!” sagot naman nilang tatlo. Agad silang bumaba sa kanilang sasakyan at tinungo ang ilang mga pulis na nasa area na. Hinarang pa sila ng mga ito sa pag-aakalang isa rin sila sa mga sibilyan na nakikiusyoso lamang. “Lieutenant Gantrick Castillo,” “Lieutenant Jomari Miranda,” “Lieutenant Enrique Sy,” Pagpapakilala nilang tatlo. Sumaludo naman sa kanila ang mga pulis at agad silang pinapasok. Nilapitan nila ang negotiator na mayroon pang hawak na megaphone. Bagsak ang mga balikat nito na napatingin sa kanila. “And you are?” tanong ng lalaki. “We’re from the Anti-Crime Division. "What’s the situation?” tanong ni Miranda. “Not good. They want us to let them escape in exchange for the hostages. They said that they will be needing a chopper in 30 minutes,” wika ng lalaki. “Or else?” tanong ni Sy. “They will slaughter the hostages,” tugon ng negotiator. “Damn it!” pagmumura naman ni Miranda. Nahulog sa malalim na pag-iisip si Gantrick. “How much time we have left?” “Eight minutes,” tugon ng lalaki. “I’m going in,” imporma ni Gantrick sa mga kasama. “Hey! Let’s wait for Captain Robles and the others!” tutol ni Miranda. “We don’t have much time, Miranda. If we wait, they will all die.” Matipid na tugon naman ni Gantrick. Inalis ni Gantrick mula sa baywang ang kaniyang baril pati na rin ang kaniyang tsapa na sumisimbolo ng kaniyang pagiging kasapi sa mga alagad ng batas. Taas kamay siyang naglakad papalapit sa establisyemento. Binalaan naman siya ng mga nasa loob na huwag siyang lalapit kaya huminto siya malapit si pinto niyon. “I am here to negotiate! Where’s your leader?” sigaw ni Gantrick. Pinagbuksan naman siya ng pinto ng ilang mga lalaki. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Kita niya sa mukha ng mga nakapiring na empleyado ng bangko ang labis na takot at pag-aalala para sa kanilang mga buhay. “Which one is your leader?” Ilang sandali pa ang lumipas bago niya makaharap ang pinuno ng mga ito. Mula sa isang sulok ay naglakad patungo sa kaniyang harapan ang isang lalaki na may malaking pangagatawan. Mahaba ang buhok nito na aabot hanggang sa balikat. May malaki rin itong pilat sa kaliwang pisngi. “Nasaan na ang chopper na hinihingi namin?” tanong nito sa baritonong boses. Huminga muna nang malalim si Gantrick bago ito tugunin. “Pasensya na pero hindi namin maibibigay ang hinihingi ninyo.” Lalong nagdilim ang anyo ng pinuno ng mga criminal kaya naman naging alerto si Gantrick sa mga maaaring mangyari. Pinakiramdaman niya muna ang paligid bago itinuon muli sa lalaki ang kaniyang mga atensyon. “Pinaglololoko niyo ba ako? Sa tingin mo ba hindi ko kayang patayin ang mga taong naririto kasama ka?” galit na tanong ng lalaki. Hindi na muli pang sumagot si Gantrick upang hindi na mas mapalala pa ang sitwasyon. Kumumpas naman sa hangin ang lalaki sa kaniyang mga kasama. Maya-maya lang ay lumapit sa kanila ang isa sa mga tauhan nito habang kinakaladkad ang isang babae na patuloy ang pag-iyak at paghingi ng awa. Sinalubong niya ang tingin ng babae nang matanggal ang kapirasong tela na tumatabing sa paningin nito. Kita sa mata ng babae ang matinding takot. Lihim itong nagmamakaawa na tulungan niya. Napatiim-bagang naman ang binata dahil rito. Itinutok ng lalaki ang baril sa ulo ng pobreng babae. “Kasalanan ninyo kung bakit mamamatay ang babaeng ito.” Ngunit bago pa tuluyang makalabit ng lalaki ang gatilyo ay mabilis na hinawakan ni Gantrick ang kamay nito at itinaas. Sinuntok din niya ito sa lalamunan dahilan upang mapaatras ito ng bahagya. Sinamantala naman ni Gantrick ang pagkakataon upang gawaran ito ng isang napakalakas na sipa dahilan upang tumimbwang ito mula sa pagkakatayo at mapahiga sa sahig. Agad naman na binunot ni Gantrick ang isa pa niyang baril na kaniyang ikinubli sa kaniyang likuran at pinaulanan ng bala ang bawat armadong lalaki na makita niya. Napuno ng sigawan at iyakan ang loob ng establisyemento. Walang buhay na nag bagsakan naman sa sahig ang mga armadong lalaki. Nang maramdaman ni Gantrick na nakabangon na mula sa kaniyang pagkakadapa ang pinuno ng mga kriminal ay agad niyang nilingon ito ngunit kasabay ng kaniyang pagkalabit sa gatilyo ay nagawa rin nitong magpapaputok ng baril. Ramdam niya ang pagkakapunit ng kaniyang balat sa likuran, maging ang pag-agos ng mainit na likido mula rito. Napaluhod si Gantrick dahil sa kirot na nararamdaman. Muli niyang nilingon ang lalaking nakahandusay na ng mga sandaling iyon. Matapos ang ilang sandali ay isa-isang nang nagpasukan ang kaniyang mga kasamahan. “Castillo!” rinig niyang sigaw ni Miranda nang makita siya nitong nakaluhod at duguan. “Medic!” “I’m fine.” Sinubukan pang tumayo ni Gantrick ngunit unti-unti na siyang nilamon ng kadiliman at pinanghinaan ng katawan. Bumigat ang talukap ng kaniyang mga mata at walang-malay siyang bumagsak sa sahig. Nang mag mulat ng kaniyang mga mata si Gantrick wala siyang maaninag dahil sa kadilimang bumabalot sa kaniyang kapaligiran. Malalakas na sigawan at pagkalansing ng mga bakal lamang ang tangi niyang naririnig. Ang sigawan ng mga taong ito ay nakapagdudulot sa kaniya ng ibayong kaba, maihahalintulad niya ang lahat ng kaniyang mga naririnig sa mga pelikula patungkol sa mga digmaan noong sinaunang panahon. Maya-maya pa ay nagliwanag ang buong kapaligiran. Nang malapitan niya ang pinagmumulan ng liwanag ay natunghayan niya sa loob ng isang hugis bilog na liwanag ang isang magandang dalaga. May hawak itong sandata na nakatulos sa katawan ng kung sino man. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng mga taong nakikita niya ngunit batid niya na ang dalaga ay mayroong magandang wangis nang ngumiti ito sa kaniya. Subalit, labis na panghihilakbot ang kaniyang nadama nang biglaang lumingon sa kaniya ang lalaking kasama ng dalaga sa bilog na liwanag. Mayroon itong mapupulang mata at maitim na mukha. Mayroon din itong dalawang sungay sa magkabilang parte ng noo nito. Muli pa’y nag mulat ng kaniyang mga mata si Gantrick. Ngunit hindi katulad noong una niyang imulat ang mga mata ay isang maliwanag na silid ang sumalubong sa kaniyang mga mata. Napaliligiran siya ng mga modernong aparato. Napansin niya rin na nasa kaniyang tabi si Myrna. Doon lamang niya napagtanto na siya ay nasa isang ospital. Nagising naman si Myrna dahil sa biglaang paggalaw ni Gantrick sa higaan. Nakita niya ang pawisang mukha ng binata. Hindi rin pwedeng hindi niya mapansin ang takot sa mga mata nito. “Gantrick? Is everything okay?” Muling napadako ang tingin ng binata sa kaniyang ina. “Y-yes. Sorry did I wake you up?” Umiling lamang si Myrna at tumayo upang kumuha ng prutas na makakain ng anak. Si Gantrick naman ay tila wala pa rin sa sariling nakatitig lamang sa kisame na para bang ito ang makakasagot sa lahat ng misteryo ng mundo. Nang makabalik si Myrna ay siya namang pag-upo ng binata mula sa kaniyang kinahihigaan. “What happened to the hostage victims, Mom?” Sinimangutan naman siya ng ina dahil sa naging tanong niya. “Stop talking about work. Don’t you know how worried I was when I heard that your wounded?” Napansin naman niya ang pag-aalala sa boses ng ina kaya naman ay hindi na siya muli pang nag salita. “The victims were safe now. Thanks to your heroism.” Napabuntong-hininga naman siya dahil sa narinig. Masaya na siyang malaman na ligtas ang mga ito at nagampanan niya ang kaniyang tungkulin na iligtas ang mga ito mula sa kamay ng masasamang loob. “I’m sorry for making you worried,” saad ni Gantrick. Ngumiti naman sa kaniya si Myrna at iniabot sa kaniya ang hiniwa nitong mansanas. “It’s okay. I understand, just be careful next time.” Tumango naman ang binata sa pakiusap ng kaniyang ina. Ipinagpapasalat pa rin niya na hindi naging malala ang naging pinsala niya dahil kung hindi ay hindi niya alam kung paanong matatanggap ni Myrna ang pagkawala niya kung sakali. “Sandali, dinalaw na ba ko nang magaling kong kapatid dito?” biglaang niyang tanong sa ina. “He’s too busy at the Hotel since that they have a lot of VIP’s these past few days. Pero hindi ka naman niya nakalimutang padalhan ng prutas at kumustahin sa telepono araw-araw.” Tugon ni Myrna. “Busy my ass. That jerk. He’s not busy because of work, he’s just busy seducing women.” Napapalatak naman sa kaniyang tinuran si Myrna. “You knew each other very well.” Nagpaalam na muna sa kaniya si Myrna na uuwi sa kanilang tahanan upang magpahinga. Siniguro na rin naman ng doktor na hindi naging malala ang pinsala niya at makakauwi na siya sa loob lamang ng dalawa pang araw na pagpapahinga. Nang mapag-isa ay muling sumagi sa kaniyang isipan ang naging panaginip niya. Nais niyang malaman kung sino ang mga nilalang na nasa kaniyang panaginip at kung bakit niya napanaginipan ang mga ito. Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Tuluyan na ngang nakalabas si Gantrick mula sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling na lamang sa kanilang tahaanan. Sa araw na ito ay kinakailangan niyang magtungo sa kanilang istasyon upang mag-ulat sa kanilang pinuno. Dumiretso siya sa opisina ni Major Cruz nang dumating siya sa istasyon ng pulis. Tatlong beses muna siyang kumatok upang humingi ng permiso na tuluyang pumasok sa silid. Hindi naman siya nabigo dahil ito na mismo ang nagbukas ng pintuan nang maulinigan ang kaniyang tinig. Isang pagsaludo muna ang ibinigay niya rito bilang tanda ng paggalang. Ginawa rin naman ito ng lalaki at pinaupo siya sa upuang nasa harapan nito. “How are you, Castillo?” tanong ni Cruz. “I’m good, Sir. I think I can get back to work after few more days.” Tugon ni Gantrick. Hindi naman kaagad nakapagsalita si Cruz. Batid ng binata na mayroon itong gustong sabihin sa kaniya ngunit nag-aalangan ito. “Sir?” muling pagtawag niya sa atensyon nito. Nagtanggal muna ito ng bara sa kaniyang lalamunan bago muling nagsalita. “You won’t be back at work for quite a while, Castillo.” Bumadha man ang gulat at pagkadismaya kay Gantrick ay hindi niya iyon ipinahalata sa kaharap. “What’s the reason sir?” “I know that you already knew the reason. I told you not to do things on your own. Bakit ba hindi ka nakikinig?” panenermon nito sa kaniya. “Nailigtas ko naman ang mga hostage mula sa kamay ng mga hostage taker sir hindi ba?” tugon naman ni Gantrick. Napadako naman sa kisame ang tingin ni Major Cruz at napabuntong-hininga. “I know, Gantrick. But this is beyond my power. The higher-ups issued a suspension notice because of your insubordination.” “That’s Bullshit!” inis na saad ng binata. “Watch your mouth, young man. I did all I could to defend you. Dapat nga ay hindi lamang suspension ang ibibigay sa’yo kung hindi ay termination notice.” Naikuyom na lamang ni Gantrick ang kaniyang kamay dahil sa nadaramang galit sa mga taong nakatataas sa kaniya na wala namang ibang ginawa kung hindi ang maupo sa kanilang mga trono at mag mando. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at sumaludo. “Permission to leave,Sir!” Tumugon naman sa kaniya si Major Cruz kaya naman ay nagpatuloy na siya sa paglabas ng silid. Narinig pa niya ang mga bulungan ng kaniyang mga katrabaho na alam niyang sadyang ipinaririnig sa kaniya. “Masyado kasing mayabang, akala mo kung sino. Balita ko suspendido daw iyang ungas na ‘yan.” “Mabuti nga sa sa kaniya.” “Feeling yata niya superhero siya.” Katakot-takot na pagtitimpi ang ginagawa ni Gantrick nang mga sandaling iyon. Pilit niyang iwinawaksi sa kaniyang sistema ang namumuong pagkamuhi sa kaniyang loob. Ipinagpatuloy na lamang niya ang paglabas sa istasyon at napagpasyahang umuwi na lang sa kanilang tahanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD