chapter20

1821 Words
Someone's pov. Lumipas ang mga araw at buwan. Unti-unting nagbabago ang takbo ng kanya-kanyang buhay nila. Naging mahusay na si Gareth sa pag papa-takbo ng kumpanya, at isa na siyang ganap na Ceo. Sa ilang buwan na pamumuno n'ya. Mas naging maganda at lumago pa ang kumpanya, kaya hangang-hanga ang kanyang Ina lalo na ang Ama nito. "Gareth. Sasama kaba bukas?" Naka-upo itong si Shareena sa kama at nag susuklay sa mahaba nitong buhok. Habang itong si Gareth nagtitipan sa computer at may tinatapos ng papers. "I have a meeting tomorrow." "Ganun ba, mag-papa ultrasound kasi ako. Para makita mo rin sana kung anong gender ni Baby." Tumigil ito sa ginagawa. At lumingon sa gawi ni Shareena. "Bukas na ba yun?" Tumango lang si shareena. "I'm sorry. I forgot. Pwede bang after ng meeting ko?" Bakas sa muka ni Shareena ang kagalakan. "Yeah!? Maghihintay kami ni Baby." Kahit papa'no maayos na ang pakikitungo nito kay Shareena. Alang-alang sa magiging Anak nila. Pero hindi parin maalis nito sa isip si Zaraine. Halos gabi-gabi itong nanaginip, at binabangit ang pangalan ng babaeng nilalaman ng kanyang puso. Kinabukasan. Maagang gumayak si Gareth. Naghahanda ito dahil may kikitaing Kilalang mga tao sa industriya. Na nais mag tayo ng kumpanya sa Pilipinas. Mahalaga ang project na yun sakan'ya. "Pagkatapos ng meeting ko susunduin kita dito sa bahay. "Hmm. Sige" "Pasensya kana. Importante kasi itong meeting na to. Sige aalis na ako." Sinundan lang ni Shareena ito ng tingin. Hangang sa maka-alis ang kotse nito. "Ma'am. Kanina pa po tumutunog ang Cellphone n'yo." Inabot nito ang cellphone at ng makita nito ang Screen. pinatay nito ang tawag. Simula ng malaman ng kan'yang Ina na nag Asawa ito, ay nais nitong maka usap ang Anak. Pero hindi ito binibigyan ng pansin ni Shareena. Lumipas ang mga oras. Naiinip na ito sa kakahintay kay Gareth. Kaya ito na mismo ang pumunta sa kumpanya. "Goodmorming Ma'am. Do you have an appointment to the President?" Dahan-dahan nitong tinangal ang shades sa mata. At tiningnan nito ang Sekretarya ng mula ulo hangang paa. "I don't need an appointment to meet my Husband!" Hinimas-himas pa nito ang mabilog na t'yan. "Ow! I'm sorry Ma'am! But mr. President is still in the meeting." "Its okey! I can wait in his Office." Nilagpasan nito ang Sekretaryang walang magawa. Kundi sundan ito ng tingin. hangang sa makapasok ng opisina. Wala pang isang oras. ay natapos na ang meeting ni Gareth. "Congratulation! Mr. Devilla." "Thank you so much sir." Kinamayan nito lahat ng bigating mga tao sa idustriya. Nakuha nito ang sympatiya nila at matutuloy na ang ipapatayong pinakamalaking komapanya sa Pilipinas. At napili ng mga ito sa bahagi ng Mindanao. Ng maka-alis ng ang mga ito, nilapitan ni James si Gareth. "Congrats bro!" Bati ni James. "No. Congrats to us!" Palabas na itong dalawa sa Conference room na may ngiti sa labi. Papunta ang mga ito sa kanyang Opisina. "So kaylangan natin i celebrate yan." Nagtatawan pa ang ito papasok sa opisina. Pero napatigil ang mga ito sa nakita. "Shareena?! B_buntis ka?" Bumaba ang tingin ni James sa bandang t'yan nito. "James! Kamusta? Oo nga eh malapit narin lalabas tong anak namin ni Gareth." Dahan-dahang tumango itong si James. At tsaka binaling nito kay Gareth ang mga tingin. "Mukang may lakad kayo. Sige. mauna na ako." Tumalikod na ito sa kanila at tuluyan ng lumabas ng pinto. "Diba sabi ko sa'yo na susunduin kita sa bahay?! Bat ba ang tigas ng ulo mo!" Naglakad ito papunta sa table at kinuha ang bag. "I'm sorry. Naiinip na kasi ako." Bumuntong hininga na lang ito at pinigilan ang sarili na pagalitan si Shareena. "What ever! Tara na." Inalalayan na nito ang Asawa palabas ng opisina. *** "Wow! She so healthy!" Sabi ng Doktora na nag uultrasound kay Shareena. "She? Babae po ang anak namin?" Nagagalak na si Gareth. Na halos maluha pa ito. "Yes. Daddy! Babae po ang anak n'yo" "O my god! I'm so excited to meet her." Nagtawanan ang mga ito dahil sa sobrang excited ni Gareth. "Don't worry Mr. Castro. You can touch her nextmonth.!" "Nextmonth?! Pero doc. 7months palang ang t'yan ng Asawa ko." Bumilog ang mga mata ng Doktora. Na agad tumingin kay Shareena. "A_i mean a couple of months! A_ako ata ang excited" tumawa pa ito. "Ito yung mga dapat mong inumin. Nagdagdag lang ako ng konting vitamins." Dugtong nito. at inabot ang kapirasong papel. "Salamat po doktora." Umalis na ang mga ito. At pag dating nila sa bahay. Masayang ibinalita ni Gareth sa kanyang Mommy at Daddy, ang resulta ng Gender ng Baby nila. "So. we need to Celebrate!" Abot tenga ang ngiti ng Mommy niya. "Hep! May isa pa akong good news!" Nakakuha ako ng isang malaking project!" "Project?!" Takang tanong ng Daddy nito. "Yes Dad! Makapag tatayo na tayo ng isa pang kompanya. Hindi lang basta kumpanya. Pinaka malaking kumpanya sa Pilipinas!" "Wow! Talaga anak?! Oh thank god. Ang galing mo!" Di maipinta ang kaligayahan ng Ina nito. "Wait. Sa Pilipinas ka'mo? Ibig sabihin ba malilipat ka du'n?" Biglang natahimik ang lahat Sa pag tanong ni Shareena. "Why iha? Is there a problem?" "Wa_wala naman po. P_pero kasi diba mas okey kung dito nalang tayo? Paano ang kumpanya mo dito?" "Shareena. Even if we were there. I can still do my job well at the same time. So stop worrying." Bakas sa muka nito ang pangangamba. Nasa isip nito ang pwedeng manyari kung sakaling nasa Pilipinas na ito. *** Lumipas ang araw, naging bugnutin na itong si Shareena, hindi niya maalis sa isip ang pag uwi ni Gareth sa Pilipinas. "Ma'am. Yung Cell phone n'yo po kanina pa ring ng ring." Salubong ang kilay nito ng iaabot ang Cell phone. "Hello!" "Why your so sungit? Don't you miss me?" Med'yo kumalma ito ng marinig ang nasa kabilang linya. "Crissy? I'm sorry. Kamusta ka?" "no. I should be the one to ask you that. Kamusta ka na my dear best friend?!" "Ito. Happily married!" Nagtawanan pa ang mga ito. "I'm so proud of you! and you also got what you wanted!" "Ofcourse! Ako pa ba?!" "Alam mo na bang. buntis din si Zaraine?" Nabigla ito sa narinig. Pero pilit nitong ini-ignora ang kutob nito. "Wala akong pake-alam kung buntis din s'ya!" "Sis may paki Ka. Kasi ang narinig ko wala pa itong asawa, malakas ang hinala namin na si Gareth ang Ama!" Bigla nitong pinatay ang linya. May kaba itong naramdaman at hindi ito mapalagay. 'Isa pa to! Bwesit na Babae! Kaylangan n'ya ng mabura sa Mundo. Kasama ang anak n'ya! Hindi to dapat malaman ni Gareth. Baka, baka iiwan n'ya ako!' Nag- dial ito sa hawak na Cellphone. At may kinausap. Hindi mapigilan nito ang pag-nginig ng mga daliri habang nag ta type ng numero. "Hello! May ipapatrabaho ako sayo. Kahit magkano! Gawin mo lang ang iuutos ko!" Galit na turan nito.Nagtaas baba ang dib-dib nito sa galit na nararamdaman. *** Mabilis lumipas ang mga araw. At lalong naging busy si Gareth sa pag-papatakbo ng kumpanya. Halos di na ito tumatayo sa kina-uupuan. Dito n'ya ninubugos lahat ng oras n'ya. Habang pinipirmahan nito ang mga papeles. Biglang may kumatok sa pinto ng opisina. "Come in" Iniluwa nito si James. "Bro! Your still working? Alas-dose na. Tara lunch tayo, sagot ko." Aya nito sa kaybigan. Bumuntong hininga lamang ito. Hindi naman ito makapag hindi sa kaybigan. Dahil nagugutom na rin ito. "Fine. Gutom na rin ako eh!" Napa-iling nalang itong si James sa sobrang kasipagan ng kaybigan sa trabaho. Pumunta sila sa malapit na resto katapat lang nito ang building ng kumpanya nila. "Alam mo ikaw. Bagay na sayo ang bansagan na workaholic." "Kaylangan eh. Para sa inaanak to be mo." Nagkipit balikat lamang itong si James. Habang hinihintay nila ang kanilang order. Nakaramdam si James na pamimigat ng pantog. "Ow! Comfort room lang ako." Tumayo ito at iniwan ang cell phone nito sa mesa. Ilang segundo ang lumipas. Tumunog ang cell phone ni nito Nilingon ito ni Gareth. Hindi na sana niya ito pansinin. Pero nang makita niya ang naka register na pangalan. Ay muling tumibok ang puso nito. Matagal n'ya rin na hindi naririnig ang boses nito. May kung ano ang nag tudyok sa kanya na sagutin ang tawag. "Hello. James! Oy kamusta?! Ikaw ha. Kung diko pa naka usap si Jonas kahapon diko alam na nasa Us ka pala." Pinapakingan lamang ni Gareth ang bosses nito. Nanunubig na ang mga mata at Isa-isang pumatak ang kan'yang mga luha. Sabik na sabik ito sa dating nobya, na hanggang ngayon ay s'ya parin ang nilalaman ng puso. "James? Nand'yan kaba? Hello?!" Papalapit na si James sa mesa nila. Ng makita nito na hawak-hawak ni Gareth ang kanyang Cell phone. Ngunit napansin nito na may mga luhang pumapatak. Kaya kinutuban ito. At agad nito kinuha ang cell phone. Na kinagulat ni Gareth. Matapang na tinitigan ni James ito. "Hello. Tatawagan nalang kita mamaya." Pinatay na nito ang linya. At hinarap ang kaybigan. "Anong sinabi mo sa kan'ya?! Alam n'ya bang magkasama tayo?" Umiling-iling lamang ito. "Mabuti naman! Hindi n'ya alam na nandito ako sa italy. Hindi na namin pina-alam sakan'ya baka bumalik lang ang ala-ala na iniwan mo. Kasi kahit papa'no nakalimutan kana n'ya! Patuloy parin ito sa pag luha. "Mahal ko parin s'ya! Naningkit ang mga mata at nag salubong ang kilay nito sa narinig. "Mahal? No. Hindi mo s'ya mahal! Kasi kung mahal mo s'ya. Dapat pinaglaban mo. Iniwan mo nga lang yung tao na unti-unting nadudurog! Alam mo ba kung sino ang umalalay sa kanya?! Sa mga panahong iniiyakan ka n'ya?! Kami! Kaming mga kaybigan mo!. Bro! Ang gago mo! Ngayon magkaka-anak kana kay Shareena! Sana wag mo nang guluhin si Zaraine! Dahil nanahimik na yung tao kasama ang magiging anak n'yo!" Tila naging tuod ito sa narinig mula sa kaybigan. Kumunot ang noo nito sa nalaman. "Anak? B_Bakit hindi mo agad sinabi! Bakit hindi n'yo pina-alam sakin?! "Dahil wala kang karapatan!" Tumayo ito at pinalipad ang mga kama-o na tumama sa pisngi ni James. Na agad umagaw ng atensyon sa mga taong kumakain sa resto na yun. Na halos empleyado ng kumpanya. Tumayo si James. At agad gumanti ng suntok. Dahilan ng pag ka-gulo ng mga tao sa loob. "Hindi mo kasi alam kung ano ang nangyari kay Zaraine! Halos pinabayaan n'ya ang sarili dahil sa'yo! Ngayon. Sabihin mo kung anong karapatan mo sa maging anak n'ya!" Pinunasan nito ang dugo sa labi gamit ang kamay. "Wag mo akong husgahan. Dahil hindi n'yo alam kung ano ang pinag-daanan ko simula ng umalis ako!" Nagsukatan pa ng tingin ang mga ito. Bago Umalis sa harap ni James. Sakay-sakay sa kotse. at pinatakbo ito ng mabilis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD