chapter19

1818 Words
Gareth's pov. "Gareth?! My God lasing kananaman! Ganito kana lang ba palagi?! Pupunta ka lang dito sa'min kapag lasing!" Kumunot ang noo nito ng makita akong naka upo sa tapat ng pinto. "Mom i'm not drunk. Naka inom lang konti. Tingnan niyo nakapag maneho pa ako ng maayos." "Then why are you here?! Dapat dun ka sa bahay n'yo ng Asawa mo! Baka nag Alala na yun sayo." Tumayo ako at hinarap ito. "Tsk! I'm going to sleep over here." "Again? " "Mom. Please not now. Inaantok na ako." "Gareth, kinakausap pa kita!" Pumasok na ako at nilagpasan ito. Diko na ito pinansin at hahaba lang ang argumento naming dalawa. Kapag nakaka-inom ako. Dito na ako tumutuloy at hindi sa Bahay na yun! Gumigising nalang ako sa umaga ng walang saplot. At katabi ko pa yung Babae na yun! Hindi ko alam kung anong ginagawa n'ya sa'kin pag tulog!. Pag pasok ko sa kwarto agad akong humiga sa kama at naka tulog. *** Kinabukasan nagising ako sa kalampag ng pinto. "Gareth! Buksan mo itong pinto!" 'Uggh! Sumakit bigla ang ulo ko Ng marinig ang boses nito. Bumangon ako at humakbang papunta sa pinto. Binuksan ko ito ng magtigil na ito sa kaka katok. "What!?" "Sinusundo na kita!" Tinalikuran ko ito at Sinuklay ko ang magulo kong buhok gamit ang daliri ng kamay. "Tsk! Mauna kana. Uuwi din ako pag gusto ko!" "Gareth ano ba?! Lagi ka nalang ganito. napapagod na rin ako sa pag unawa sayo. araw-araw nalang!" Hinarap ko ito at tinitigan sa mga mata . "Pagod kana? Ako. hindi mo ba tatanungin? Dahil kung pagod kana. mas pagod na akong makita ka araw-araw!" Napapikit ako ng tumama ang mga palad nito sa pisngi ko. "Asawa mo ako! pero kung tratuhin mo ako parang hayop!" "Shareena pwede ba umalis kana! Sinisira mo ang araw ko!" "Buntis ako!" Tila tumigil ang mundo ko ng sabihin niya ito. Bumaba ang ang mga tingin ko sa bandang t'yan nito. "Ayoko ng stress Gareth. Kaya please! umuwi kana." Umalis ito at naiwan akong tulala. Napasapo nalang ako sa noo. Una kinasal ako. ngayon mag kakaanak pa kami?! Buo na ang pasya ko na mag papa divorce kami kapag umabot na ng isang taon ang kasal namin. Pero ano to? Paano na ako makakawala sa pesteng kasal na to kung mag kaka-anak na kami? "Gareth. Anak narinig ko Buntis si Shareena. Kaya kalimutan mo na si Zaraine. Magkaka-anak na kana kay Shareena for God sake." "Kasalan n'yo to eh! Hindi ako magkakaganito kung hindi n'yo hinayaan si Dad sa gusto n'ya!" Nilagpasan ko to at nag mamadaling tinunungo ang kotse ko. **** Mabilis kong pinatakbo ang kotse. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pakiramdam ko patapon na ang sarili ko. Hindi itong buhay na gusto ko eh! Pero bakit hindi ko pwedeng piliin yung buhay na gusto ko!? Yung Babaeng, gusto kong makasama habang buhay. Pinag-hahampas ko ang manibela. Ng may biglang tumawid kaya agad kong inapakan ang break! Nagtaas baba ang dib-dib ko ng biglang pag-hinto ng kotse. Tiningnan ko ang babae na tumawid Mabuti nalang at hindi ito nasaktan. Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot. "Hello?" "Hello? This is Mr. Devilla? " "Yes speaking." "Am Sir. You Wife was rushed to the hospital due to mild bleeding." "What?! Give me the exact location. Thank you." Minadali ko na ang pag punta sa hospital. Malapit lang ito kaya mabilis kong narating. Pagkarating ko sa hospital agad kong hinanap ang kwarto nito. "Exuse me. May i know the room number of Mrs.Shareena Devilla?" Tiningnan muna nito ang record sa computer. "Sir. room 104" "Okey thank you!" Ng makita ko ito. agad akong pumasok. pero napahinto ako ng makita ang Lolo nito na naka upo sa tabi niya. Nag-salubong ang mga mata namin. Tatayo sana ito upang sugurin ako. Pero pinigilan ito ni Shareena. "Walang hiya ka!" "Lo. Enough." "Hindi Apo! Dapat turuan ng leksyon ang taong 'yan! Pasalamat ang g*go na to at hindi na laglag ang baby mo!" Napalunok ako ng laway ng makita ang isang bag ng dugo na naka-sabit. "Sa susunod na may mangyari sa Apo ko. Humanda ka sa'kin!" Yumuko lamang ako ng lampasan ako nito at lumabas ng kwarto. Pagkasara ng pinto, dahan-dahan akong lumapit sa hinihigaan n'ya. "Kamusta ang b_baby?" "Sabi ng Doktor mag bedrest daw muna ako at mahina ang kapit ni baby." Tumango-tango lamang ako. Dina ako ulit nag salita pa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala yung Baby. Wala s'yang kasalanan sa mga nangyayari di s'ya dapat nadadamay sa gulo. Umupo ako sa sofa. yumuko at hawak-hawak ng dalawang kamay ang ulo ko. Gulong-gulo na ako sa buhay ko. ito nalang muna ang gagawin ko ang alagaan ang mag ina ko. *** Maaga akong nagising. Kung dati sa Sala ako natutulog. Ngayon nasa iisang kwarto na kami. Simula ng makalabas ng hospital. Di na ako nawawala sa tabi nito. "Goodmorning." Bati nito sakin. Bumangon ako at naisipang mag luto na ng agahan namin. "Anong gusto mong kainin.?" "Ikaw na ang bahala." "Sige. Magluluto lang ako. At wag ka masyadong magkikilos." Tinungo ko ang kusina at nag handa na ng kakainin nito. Tulad ng sabi ng Doktor. Masustansyang pagkain lamang ang pwedeng kainin nito. "Son?" "Mom!? Ang aga n'yo ah." Pinatay ko muna ang apoy. At hinarap ito. "May dala kaming pagkain ng Dad mo." Inilapag nito sa mesa ang dala-dalang pag kain. "Si Shareena kamusta na?" Dugtong nito. "Nasa kwarto po. Ito nga at naghahanda ako ng makakain n'ya." "Sige ako na mag hahatid sa kwarto n'ya. At may mahalaga kayong pag usapan ng Daddy mo." Kinuha na nito ang tray at isa-isang inilapag ang mga platong may laman na pag-kain. "Sige iaakyat ko na ang mga ito. Puntahan mo na ang Daddy mo sa Veranda." Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin. Pero mukang importante. Kaya hinubad ko na ang apron na suot ko. At tinungo ang Veranda. "Sabi ni Mommy may sasabihin ka daw?" Lumingon ito ng dahan-dahan ng mag-salita ako. "Yes. Alam mo anak. marami na akong pagkukulang sayo at sa Mommy mo. Alam kong kulang ang salitang. Sorry." Tumingin ito sa malayo. At huminga ng malalim. "Matanda na ako. Kaya panahon na para ikaw naman ang mamuno sa kompanya." "What?! Nagmula na nga sayo na wala akong idea sa pagpapatakbo ng kumpanya. Tapos ngayon ibibigay mo na sa'kin?" "Yeah i know. Lahat naman ng bagay napag-aaralan. And i know you can do it." "P_paano ang isang mong pamilya?! Diba may anak ka rin sa ibang Babae?" Tumingin ito sa mga mata ko. At agad ding inilihis. "Hindi kami nag-ka anak, si andrew, ay anak n'ya sa ibang Lalaki. Kaya. Nararapat lang na sayo ko ibibigay ang posisyon." Sa katunayan malayo ito sa natapos ko pero, mag-kaka anak na ako. Kaya kaylangan ko na ng trabaho. "At wag kang mag-alala. Bago ko iiwan sayo ang kumpanya. Aalalayan muna kita. ituturo ko sa'yo ang lahat ng pasikot-sikot at kalakaran ng kumpanya." "Kaylan ako mag-uumpisa?" Ngumiti ito at tinapik ang balikat ko. "Bukas." *** Maaga akong bumangon. Ito ang unang araw ko sa kumpanya namin. Bago ako aalis ng bahay pinag-handa ko muna ng pagkain si Shareena. "Alam mo masaya ako para sayo. Siguro pati si Baby masaya din." Nakaharap ako sa salamin at inaayos ang pag tali ng kurbata. Habang ito ay kumakain sa higaan. "Dapat lang magtrabaho ako para sa future ni Baby. Sya nga pala. Si Mommy muna ang maging kasama mo ngayong araw. Baka gabihin ng dating yung kasambahay na kinuha ni Mommy sa agency." Tiningnan ko ito mula sa salamin. Nakatingin ito sa'kin. "Tsaka. Ingatan mo ang sarili mo dito. Wag ka masyadong nag-kikilos baka mapano si Baby." Tumango-tango lamang ito. "Son?!" Nilingon ko ang pinto ng may kumatok. "Ayan na si Mommy. Sige aalis na ako." Naka tatlong hakbang na ako. Pero napahinto ako at nilingon ito. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harap nito. "Hi Baby. Dito lang muna kayo ni Mommy ha. Wish me luck." Tumingin ako sa mga mata nito. Tumayo na ako at nag-paalam. "Sige alis na ako." Pag-bukas ko ng pinto. Matyagang nag hihintay si Mommy sa pag-bukas nito "Mom. Aalis na ako baka ma traffic ako. Kayo na po ang bahala dito." Humalik lang ako sa noo nito. "Okey Son Take care and good luck." "Thank's Mom!" Tinakbo ko na ang kotse na naka parada sa garahe. *** Mabilis kong narating ang kumpanya. Mabuti nalang hindi traffic. At sakto lang ang dating ko bilang isang Empleyado. Pagpasok ko. Halos lahat ng makakasalubong ko ay yumuyuko. "Good morning Mr. Gareth Devilla. I'm Mrs. Fernando. Mr. President' Secretary." Mukang pinoy ito base sa itsura. "Good morning. Nasa loob naba si Dad? I mean! si President?" "Yes Sir! Kanina pa po kayo hinihintay." "Okey thank you." Nilagpasan ko na ito at tinungo ang pinto ng opisina ni Dad. Kumatok ako ng tatlong beses. "Come in!" Pinihit ko na ang seradura. tuloy-tuloy na pumasok at sinara ito. Pagharap ko sa table ni Dad. Halos luluwa ang mga mata ko sa nakita. "James?!" "Bro! Long time no see!?" Tumayo ito at lumapit sa'kin. "Hindi mo man lang ba ako babatiin?" "Bro! K_kamusta?! A_anong ginagawa mo dito?" "Son. Mr. James Natividad ang papalit na COO." "Wow! Good. At nagkataon pa na tayo ang magkasama." Tumingin lang ito sa'kin na para bang may gustong sabihin. "I hope na mapatakbo n'yo na maayos itong kumpanya." Lumingon ito kay Dad at ngumiti. "Ofcourse! Mr. President. I will do my best. At syempre walang iwanan. Diba bro!?" Tumingin ito sa'kin at may ngiting makahulugan. "Y_yeah!" "Okey you may start. Son nasa table na lahat ng kakaylanganin mo. Pag aralan mo nalang. At kung may tanong at kalyangan kapa. You can ask to my Secretary. will be your secretary as well. "Okey Dad." Tumalikod na ito at tinapik ang mag-kaparehong balikat namin ni James. "Kamusta ka? Ang tagal mong hindi nagparamdam sa'min." Tinungo ko ang table at inilapag ang itim na hand-bag. "Okey lang ako." "Wow! Halata naman sayo. Muka nga. Ganon ba talaga pag kinasal na? lumagay na sa tahimik at nagiging masaya?" Tiningnan ko ito sa mga mata. At ganun din ito. "you do not know what you are saying!" "Maybe i dont know. Sana alam mo rin kung ano yung ginawa mo. At sana hindi mo pag-sisihan ang nagawa mo!" Tumalikod na ito at lumabas na ng opisina. Napabuntong hinga ako. Hinila ko ang swivel chair at umupo. 'Hindi ko sila masisisi kung masama ang loob nilang lahat sa'kin.' Kahit sino mag-gagalit sa taong aalis lang bigla. Wala man lang explenasyong iniwan. Balang-araw maiintindihan din nila ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD