Zaraine's pov:
(Two months later)
"Ate! Let's eat!"
Napalingon ako sa kapatid ko na limang taong gulang na si Wakim. na nasa kusina kasama si Mishelle na nag luluto.
Simula ng lumabas ako sa hospital. Dito na ako dinala ni Mama sa bahay nila. Paminsan- minsan dito na din natutulog si Mishelle.
"Okey ano ba yang kinakain mo?"
"It's fishball and kwek-kwek. Ate Mishelle cooked this for us! Say ah!"
Tumusok ito gamit ang tinidor at isusubo sakin. Nang nasa tapat ko na ito. Umiba ang pakiramdam ko dahil sa amoy nito.
"Ate! Say Ah!"
Sinubo ko ito at pilit na nilunok. Pero ganun nalang ng maduwal ako. Agad ako nag tungo sa lababo at dinura ito. Halos lalabas na ang bituka ko kaka duwal.
"Zaraine okey ka lang?"
"Wakim don't eat that!"
"But why Ate?"
"Mishelle sira ata yung niluto mo?! Tingnan mo nga yung pakete baka expire na!"
Tinikman muna nito ang niluto.
"Okey naman ah.! Sandali titingnan ko ang pakete."
Binuksan nito ref at kinuha ang pakete ng fishball.
"Oh! Anim na buwang pa bago mag expire. Sure ka ba na okey ka lang baka may lagnat ka.?"
Sinara nito ref at lumapit sakin. Sinapo nito ang noo ko tila ini examina kung may lagnat ako.
"Wala ka namang lagnat."
"B_baka iba lang panlasa ko kaya ganun."
"Ganun ba? Tinapay nalang. Gusto mo ba?"
"Hindi na. Busog pa namam ako.
Sige akyat muna ako sa kwarto."
Pagkarating ko sa kwarto. Hindi ako mapakali.
Kumuha ako ng Vicks at inamoy-amoy ito para lang mawala ang hilo ko.
Baka anemic nanaman ako kaya nagkakaganito ako.
Biglang tumunog ang Cellphone ko. Alam kong si Jonas ito. Araw ng sabado ngayon kaya pupunta 'yon dito.
"Hello?!"
Humalakhak pa ito pagkasagot ko.
"On the way na ako. Si Wakim ba nand'yan?"
"Si Wakim ba talaga o si Mishelle?"
Tumawa pa ito. siguro kung kaharap ko ito kitang-kita ko nanaman ang gilagid nito sa laki ng halak-hak.
"Oo na. Dito na ako sa labas ng gate n'yo."
Tumayo ako at sinilip ang labas ng bintana.
Palabas na ito ng kotse
Kaya lumabas na din ako ng kwarto.
"Wakim! Kuya Jonas is here!"
Sigaw ko mula sa taas ng hagdan.
Nag sisigaw ito ng marinig ang pangalan ni Jonas. Kaya nag tatatakbo ito at sinalubong nito. Hinanap ng mga mata ko si Mishelle pero wala ito.
Malamang sa malamang nasa kusina nanaman yun nag tatago.
"Wooah! Dami mo namang bit-bit! Baka mamaya maubos ang Sweldo mo bahala ka d'yan.
"Its okey ano kaba. tsaka puro pagkain yan. Mga prutas para di kana maging Anemic!"
Nagtawanan kami ng mabanggit nya ang Anemic.
Pero napansin ko ang dala nitong basket na puno ng prutas. Natakam ako sa pinya na kulay dilaw.
"Wow! Mukang maging healthy na nga kami nito sa dami ng prutas na dala-dala mo! Tiyak matutuwa si Mama pag uwi nun. Tara sa kusina may nag hihintay sayo dun!"
"Ha?"
Mukang Nagtataka pa ito.
"Tara na!" Binuhat ko na ang basket at iba pang mga dala nito.
"Ako na sa iba mabibigatan ka n'yan."
"Kuya Jonas. Can We play later?"
"Ofcourse! But before that kakain muna tayo!"
"Yes!"
Umalingaw-ngaw ang buong bahay sa sigaw nitong si Wakim
"Ate mishelle. Kuya Jonas is here!"
Nangangamatis nanaman itong muka ni Mishelle.
Halos makalimutan ko na ang problema ko sa tulong ng mga kaybigan ko. Lalo na nand'yan lagi si Jonas at Mishelle. Halatang nag kakagustuhan na nga itong dalawa.
"Nakapag balat kana agad?!"
"Bakit? Baka masira pa kung bukas ko pa ito babalatan."
Napakabango talaga ng pinya. Kumuha ako ng toyo para gawing saw-sawan nito.
"Toyo?! Anong trip yan? Muka kang nag lilihi!"
"Alam mo Jonas kanina ka pa! Eh sa trip ko mag toyo. Tikman mo masharap!"
Napa-ngiwi pa ito ng alukin ko. Umalis ito sa harap ko at pinuntahan si Mishelle sa Labas ng Kusina.
Dalawang slice nalang ang natitira. Halos maubos ko na ang isang buong pinya!. Biglang Sumagi sa isip ko amg huling sinabi ni Jonas.
"Muka kang nag lilihi!"
Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko.
'Imposible?! Pero'
Bigla akongkinabahan. Hindi pa pala ako dinadatnan.
Napatigil ako sa pag kain.
"Oh ayaw mona ?! Ubusin mo na nahihiya kapa. iisang slice nalang oh!"
Napalingon ako sa biglang sulpot ni Jonas.
Natawa ako sa sinabi nito. iisang slice nalang pala ang natitira.
Uuwi na si Mishelle dahil may pasok pa ito sa trabaho bukas. Kaya naman duma the moves itong si Jonas.
Sabay na silang umalis ng bahay.
Sinilip ko sa kwarto si Wakim. Pero tulog na ito. Napagod sa kakalaro nila ni Jonas.
Tumingin ako sa wall clock. alas ocho na ng gabi. Bukas na ang uwi nila Mama at Danica na nasa Singapore ngayon. Sinara kona ang pinto ng kwarto ni Wakim. At tinungo ko na ang kwarto ko.
Nagising ako sa tunog ng alarmclock na nasa side table. Inabot ko ito at pinatay.
Pag tayo ko. Umikot ang paningin ko at parang may maasim na umakyat sa lalamunan ko.
Nahihilo man ay pinilit kong tumayo at pumunta sa Cr.
Duwal ako ng duwal. Tanging mga laway lamang ang lumalabas.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Pinilit kong maging maayos. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Para makapag luto ng aalmusalin namin ni Wakim.
Habang piniprito ko ang hotdog bacon at tocino. Lalo akong nahihilo sa mga amoy.
Pinatay ko na ang apoy ng matapos kong lutuin lahat .
"Ate i want to eat na."
Nilingon ko si Wakim na kakababa lang.
"Okey sandali."
Kumuha ako ng plato at sinalinan ito ng mga pag kain.
Ng malagyan ko na ito ng pagkain. Umikot bigla ang paningin ko at nawalan ako ng balanse. Dahan-dahan akong napaupo at diko na alam ang sumunod na ngyari.
***
Nagising ako pero sa pag dilat ko ng mga mata. Nasa ibang silid ako. Babangon sana ako pero pag tingin ko sa kamay ko may na tusok na dextrose?
Teka! Anong nangyari ?
Nasaan ako?
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawang tao.
Ang Nurse. Kasunod nito si Jonas.
"Jonas?"
"Zaraine! Wag ka munang bumangon baka mapano ka ulit!."
"Jonas anong nangyari?! Si Wakim?!"
"Maayos naman siya. kaya wag ka nag mag-alala. Mabuti at tinawagan agad ako ni Wakim. Nadatnan kita sa bahay n'yo na walang malay. Kaya sinugod ka namin agad dito sa Hospital."
"Naalala ko kanina. Nahihilo ako yun lang! A_ano ba ang sabi ng doktor? "
"Zaraine." Tumitig lang ito sa'kin na pinagtataka ko.
"Jonas ano ba! Sabihin mo na. Bakit may malala ba akong Sakit?! Ano?!"
"No Wala kang Sakit. Buntis ka!"
"Ha?! Nagpapatawa kaba?! Jonas hindi magandang biro yan!"
"Eight weeks na." Tila natuod ako. ako buntis? Nag unahang bumagsak ang mga luha ko.
"Jonas paano na to?! Matutulad din s'ya sakin na lumaking walang Ama!"
"Zaraine. Huminahon ka baka mapano ang baby sa t'yan mo."
Diko mapigilan ang pag luha. Kahit sabihin ko sa kanya wala na ring mag-babago. May asawa na s'ya.
Wala akong magagawa kundi buhayin tong nasa sinapupunan ko.
"Anak!?"
Napalingon ako sa bagong dating.
"Zaraine Anak! Anong nangyari sayo?"
Bakas sa muka nito ang pag- alala.
"Mama?!" Niyakap ako nito.
Bumitaw ito at hinarap sa Jonas.
"Anong nangyari sa Anak ko Jonas?!"
"Tita."
Tumingin muna ito sakin tila nanghihingi ng permiso. Kaya tumango nalang ako.
"Ano?! Bakit nandito sa hospital si Zaraine?"
"Tita. Nagdadalang tao po siya."
Salubong ang kilay nito. Tila hindi maka paniwala.
Dahan-dahan itong humarap sa'kin.
"Totoo ba Zaraine?!"
Tango lamang bilang sagot ko.
"Si Gareth ba ang Ama?"
Muli akong tumango. Halos walang salita na lumalabas sa bibig ko.
Pinunasan nito ang mga luha ko na walang tigil sa pag agos.
"Tama na. Wag kanang umiyak. Blessing yang Anak mo. Wag kang mag-alala nandito kami tutolong sayo. Pupunuin natin ng pagmamahal ang apo ko na magkasama tayo."
Muli ako nitong niyakap. Nagpapasalamat parin ako at nan d'yan ang pamilya ko at mga kaybigan. kaya kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko.
****
"Anak may mga bisita ka."
"Ho? Si Jonas nanaman ba?"
Natawa ito sa reaksyon ko. Halos araw-araw na itong dumalaw at laging may dalang prutas.
"Naku hindi. Basta bumaba kana ha."
Sinara na nito ang pinto ng kwarto ko.
Itong mga nakaraan lingo simula ng makalabas ng Hospital nagiging antukin na ako kaya favorite spot ko itong kwarto.
"Zaraine!"
"Heidi!" Sinalubong ako nito ng yakap.
"Uy. Namis kita"
"Hoy,hoy ,hoy maipit yung baby!"
Naka simangot ito ng Bumuwag sa pag kakayakap ng sitahin ni Marco. Magkasama pala ang mga ito.
"Oo na! Hi baby im your Tita Heidi."
Yumuko pa ito at hinimas-himas ang t'yan ko.
"Hi Zaraine."
Hindi lang pala si Heidi at Marco ang narito.
"James, Jeof. Kamusta kayo?!"
"Eto ako gwapo parin. Ewan ko dito kay Jeof."
"Hoy! Mas lalo akong gumwapo ngayon no!?"
Nagtawanan lang kaming lahat sa biro ng mga ito.
"O. mag meryenda muna kayo."
"Salamat po Tita."
Nasa Sala kaming lahat. Halos ang mga mata nila nasa akin naka tingin.
"Zaraine. Pasensya kana ngayon lng kami nadalaw."
"Naku Marco ayos lang. Naiintindihan ko naman"
"Zaraine. Alam naba ni Gareth tungkol sa B_baby?"
"Ahm! Hindi pa James. Sana wag n'yo muna iparating sakan'ya. A_ayoko ko rin na magulo ang buhay n'ya. Lalo na may Asawa na s'ya."
Tumahimik ang lahat. Alam ko pati sila nag Aalala sa'kin.
"Ah Zaraine. Basta Ninang ako ah!"
"Naku Heidi. Ika pa!"
"Isa, Dalawa, Tatlo, Apat. Apat kami na maging Ninong n'yan."
Napalingon kami sa bagong dating na si Jonas at Mishelle.
"O bakit parang nakakita kayo ng Multo?!"
"Hanep ka bro! Kung di pa kami pumunta dito, di ka namin makikita. Ilang buwan naba na di ka nag papakita?"
"Hoy Marco. Alam mong busy ako sa trabaho."
"Na. Busy sa trabaho o sa mga Babae?!"
"Isa ka pa James! Palibhasa kasi Babaero ka."
"Pakilala mo naman kami sa Kasama mo."
"Ah Jeof!" Tinawag ko ito at ako na ang magpakilala kay Mishelle sa kanila.
"Si Mishelle kababata ko.
Mishelle sila ang mga kaybigan ko
James, Joef, Marco, at Heidi."
Inisa-isa kong tinuro ang mga ito..
"Kamusta kayo? Ah Zaraine pupuntahan ko lang si Tita sa kusina. Maiwan ko muna kayo."
Tumango lamang ako. Naglakad na ito papunta sa kusina. Pero ang mata ni Jonas nakasunod kay Mishelle.
****
Makaraan ng ilang oras. Isa-isa na silang nag-paalam.
"Bye Zaraine. Ingat kayo ni baby ha. Dadalaw kami sa susunod Na lingo."
"Sige mag-iingat kayo."
Tinanaw ko palayo amga sasakyan nila. Kumaway lang ako at sinara na ang gate.
Ito nanaman ako. Babalik na sa lunga ko. Pagkapasok sa kwarto pinili kong humiga. Ng bigla bumukas ang pinto.
"Anak. Kung nagugutom ka may pag kain sa kusina ha. Magpapahinga lang muna ako sa kwarto."
"Sige po." Pagka sara ng pinto ni Mama. Nakaramdam ako ng panghihilo kaya bumangon ako at hinanap ang Vicks. Yun lang kasi nakapagpawala ng hilo ko.
Hinanap ko ito sa pinaglagyan ko pero hindi ko ito makita. Kaya kung saan-saan na ako nag halungkat ng makita ko Cellphone ko na naka patay.
Ilang buwan na pala na hindi ko na ito ginagamit.
Kinuha ko ito. Pumunta ako sa kama at umupo.
Muli ko itong binuhay.
Pag bukas ko picture agad naming dalawa ang bumungad.
Nanunubig nanaman ang mga mata ko. Nandito parin kasi ang sakit.
'kamusta kana? Alam mo bang mis na mis na kita? Hon. mag kaka anak na tayo!? Sana nandito ka sa tabi ko.'
Tumunog ang Notification ng IG ko.
Binukasan ko ang mga ito. At lalong nanikip ang dibdib ko ng makitang kinasal na pala siya at si Shareena ang babaeng pinakasalan n'ya?!
Halos mag dalawang buwan na itong naka post ng isa sa mga kaybigan n'ya.
Pinatay ko uli ang Cellphone dahil para na akong sinasakal. Litong lito ako sa nangyari! Paanong si Shareena?!