Gareth's Pov:
"Ikaw?!"
"Apo! Come here."
Umupo ito sa tabi ko. At nakuha pa nitong ngumiti!
"Good evening lolo. Tita, tito."
"You can call us, Mommy and Daddy from now on iha."
Nagtatawanan pa ang mga ito. Mukang sila lang masaya!
"Gareth. This is my Grand Daughter Shareena!
Tiningnan ko lamang ito sa muka.
"Son! Gareth."
Tawag sakin ni Mommy.
"So. pag-uusapan na natin ang gaganaping kasal Bukas na mismo!"
"Bukas. Agad-agad?!" Nagulantang ako sa narinig mula sa Lolo ni Shareena.
"Hindi na natin pwedeng ipatagal pa Gareth. dahil isang araw nalang ang palugit ng mga Share holder sakin!"
Matalas kong tiningnan si Dad. Problema niya ako ang mag reresolba!
"And don't worry
maayos na ang lahat
From the entourage, venue, all are set."
"Ok na pala ang lahat. So pwede na akong unuwi?"
Tumayo ako at tinungo ang labas.
"Gareth. wag kang bastos!"
Hindi ko na sila pinakingan at tinuloy ang pag hakbang palayo.
Nauna akong umalis Sakay ang kotse na dala ko kanina. Dinala ako ng mga paa ko sa mataas na bahagi ng rome na tanaw ang city lights.
Pagkarating ko sa Lugar. lumabas agad ako ng kotse. Dito ko binuhos lahat ng sama ng loob. Sumigaw ako ng sumigaw, halos maubos na ang boses ko. Hinayaan ko mag-sibagsakan ang mga luha.
Napasandal ako sa kotse at dahan-dahang umupo sa lupa.
Alam mo yung pakiramdam na wala kang magawa? Kundi sumunod sa gusto nila!
Lumihis ang atensyon ko ng tumunog ang cellphone.
Kinuha ko ito mula sa bulsa ng pantalon.
Pag tingin ko sa screen, lalong nanikip ang dib-dib ko ng makita ang isang reminder.
"-April four its our Anniversary-"
Ngayon. Saktong dalawang taon na kami ni Zaraine.
"Mis na mis na kita hon!"
Nababasa na ang Screen sa mga patak ng luha ko. habang minamasdan ang picture naming dalawa na masayang magkasama.
Dinial ko ang numero nito. Pero cannot be reach. Inulit ko ng inulit pero ganun pa rin!
Muli akong humiyaw!. Pati pinaka mamahal ko mawawala sakin.
"Gareth."
Dahan- dahan akong lumingon sa pinanggalingang boses.
"What are you doing here!"
"Gareth please! Pakinggan mo naman ako."
"Pakinggan? Pinlano mo ba rin ba ito?
Kasi alam mo hindi na tayo babalik sa dati. Kasi may mahal na akong iba!"
"Alam ko! Alam kong may mahal ka ng iba. Pero Gareth. Aaminin ko. hindi ko ginusto noon na lokohin ka. Tinakot ako ni Ate Andy. Binlockmail niya ako."
"Blockmail?! Bakit di ka nag sumbong! Lumang tutugin na yan shareena!"
"Gareth. Please maniwala ka. Huli ko na na realize na Mahal na pala kita."
"F*ck! Mahal?! Wala ng patutunguhan to Shareena."
Lumuhod ito sa harapan ko at humahagulhol.
"Im sorry. Patawarin mo na ako. Give me a chance please."
"Ikakasal na tayo bukas! Magiging asawa na kita. pero sa papel lang!"
Nilagpasan ko ito at sumakay ako sa kotse. At pinatakbo ito ng mabilis!.
****
"Son! Ano ka ba! Kanina pa nag hihintay ang Daddy mo sa baba. Tapos ikaw ni hindi kapa nakaka ligo?! My God Gareth. Ngayon ka ikakasal!"
Tahimik lamang akong naka-upo sa mahabang sofa dito sa kwarto ko.
"Son?! Please! Kumilos kana."
Tumayo ako at kinuha ang susuotin.
"Sige sa labas na kami mag hihintay."
Lumabas ito ng kwarto ng hindi ko kinakausap.
Ng matapos ako sa pag bihis. Lumabas na ako sa kwarto.
Nasa kotse na si Mom at Dad na naghihintay sakin.
Pagkarating namin sa Simbahan. Halos lahat ng mata ay nasa amin naka tutok.
"What happen? Mag-iisang oras na kayong late! Mabuti napaki usapan namin ang pari." Lintaya ng Wedding Cordinator.
"Sige na. Pumwesto ka na dun at mag sisimula na tayo." Dugtong nito.
Nakatayo lang ako dito at nakatanaw sa kawalan. Habang ito nag lalakad sa isle.
"Gareth!" Pukaw sakin ni Dad. Diko namalayan nand'yan na ang Bride sa tapat ko.
Kumapit ito sakin at naglakad kami patungo sa Altar.
Nag-uimpisa na ang seremonya. Pero ni isa wala akong naiintindihan at tila wala akong naririnig.
"Gareth Castro?"
Tila nagising ako ng tawagin ako ng Pari.
"Uulitin ko. Tinatangap mo ba si Shareena na magiging Asawa mo?"
Hindi ako maka sagot. Naririnig ko na ang mga bulungan ng mga tao sa loob ng simbahan. Nilinhon ko si Mommy na ngayon ay tumatango ito.
Binalik ko sa pari ang nha tingin.
"Yes!''
"Shareena. Tinatangap mo bang maging kabiyak si Gareth?"
"Yes father."
"I pronounce you. A Husband and Wife. You may kiss the bride"
Para matapos na itong kalokohan. Hinalikan ko ito sa noo. Na kinagulat nito.
Matapos ang picture taking. Pumunta kami sa Venue ng reception.
Ni isa wala man lang akong kilala. Pero may isa akong pinag-taka. Hindi ko man lang nakita ang mga magulang ni Shareena.
Ano bang pake ko kung wala ang mga ito.
Kating-kati na ang mga paa ko. Gusto ko ng umuwi sa bahay.
"Gareth, Shareena."
Papalapit sa'min ang lolo niya may dalang maliit na kahon at inabot Sa'min.
"Buksan niyo itong munting regalo ko."
Tuwang-tuwa itong si Shareena na habang binubuksan sa binigay ng Lolo niya.
"Lolo. What's this?!"
"A key! Para sa bagong bahay niyo"
Tumayo ito at niyakap ang Lolo nito.
"Thank you Lo!"
"Your always welcome Apo. Mahalin n'yo sana ang isat-isa. At sana magkaroon agad ako ng Apo sa tuhod."
Tumawa ito at ang mga nakarinig sa tabi namin.
"At simula sa araw na ito, dun na kayo titira bilang mag Asawa. " dugtong nito.
Matapos ang celebrasyon. Nagkanya-kanyang nag si alisan ang mga bisita.
"Son."
Nilingon ko si Mommy na ngayon ay nasa tabi ko na.
"Pinadala ko na lahat ng gamit mo sa bagong Bahay n'yo."
Nanatiling tahimik lamang ako. Ano pa ba ang aasahan ko.
Ito na kasal na ako sa taong diko gusto.
"Sige po aalis na kami. Gusto ko ng makapag pahinga."
"Bye po Mommy."
"Sige iha. Mag-iingat kayo."
***
"Shareena's Pov:
"Gareth Castro?" Muling tinawag ni Father ito. Kinakabahan ako sa isasagot niya. Maaring Oo o hindi.
"Uulitin ko. Tinatangap mo ba si Shareena na magiging Asawa mo?"
Nagbubulungan na ang mga tao. Dahil sa tagal na pag kakasagot nito sa tanong ni Father.
"Yes Father"
Hay salamat! Para akong nabunutan ng tinik.
"I pronounce you. A Husband and Wife. You may and Wife."
Diko inasahan na sa Noo niya ako hahalikan. Ano paba ang aasahan ko.
Nakuha ko na ang gusto ko. Nabawi ko na s'ya at gagawin ko ang lahat bumalik lang kami sa dati!
Matapos ang kasal. Umuwi na kami sa Bahay na bigay ni Lolo samin.
Dalawang palapag ito may Apat na kwarto sa itaas at may malawak na Sala.
At sa labas naman ay may Garden.
Nag hahanda ako ng susuotin ni Gareth. Nasa Banyo ito at naliligo.
Suot ko na din ang nighties na halos luluwa na ang dibdib ko.
Makalipas ang ilang segundo. Bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa nito ang bagong ligo na Asawa ko.
Napalunok ako ng laway ng lumapit ito Sa kama at kinuha ang mga damit ng inihanda ko.
Inilihis ko ang mga mata ng mag bihis ito sa harap ko.
Ano ba to?! Nag-iinit ang pakiramdam ko.
Matapos itong mag bihis ay naglakad ito papunta sa pinto.
"Ah. Gareth! Bakit may dala kang unan?"
"Sa labas ako matutulog!"
"Malaki naman itong higaan. K_kasya tayo dito."
Dahan-dahan itong Lumapit sakin. Halos isang dangkal nalang ang pagitan namin. Amoy na amoy ko ang shower gel nito.
"Alam mo? Kahit gaano pa ka laki ang mundo. kung ikaw ang kasama ko para akong nasasakal!"
Halos pabulong nito na Pag kakasabi.
Nag-si unahan naman ng pag Patak ang mga luha ko.
Tuluyan na itong lumabas ng Kwarto.
'Hindi! Hindi kita susukuan! Babalik din yung pag mamahal mo sakin tulad ng dati!'
Maaga akong nagising At nagluto ng agahan namin.
'Ano pa ba ang kulang? Hmm! Sinangag! Tama.
Ng matapos akong sa pag luluto. Nagtimpla naman ako ng Kape.
Para sa pag pasok n'ya mamaya dito sa kusina, nakahanda na ang lahat.
Maya-maya pa ay. Naririnig ko na ang mga yapak nito na papalapit. Kaya hinanda ko na ang sarili.
"Ah. Breakfast? Nag luto ako."
Kagat-kagat ko ang ibabang labi habang nakatitig ito sa'kin.
"Hindi na ako kakain. Kaylangan ko ng umalis malelate na ako."
"Pero! Sayang naman tong hinanda ko kung dika kakain"
"Diko naman sinabi na mag luto ka ng ganyan karami! Sa susunod. Magluto ka ng kaya mong ubusin. Di yung nag sasayang ka!"
Naiwan akong tulala! Napa sapo ako sa noo.'my god! Kakayanin ko pa ba?
Tama bang nagpakasal pa ako?
Flash back:
(Two years ago)
"Alam mo naninibago na ako sayo! Ang cold mo na! Ano ba ang nangyayari sayo? Dati naman gustong gusto mo na may magyari sa ating dalawa. "
"Daren ano ba! Pagod na ako! Ayoko na!"
"Anonh ayaw mo na? Nakikipag hiwalay ka na ba?! O baka na inlove kana sa Gareth na yun!"
"Wala ka ng paki-alam kung kanino ako mag kakagusto! "
Huli ko na na realize na mahal ko na pala si Gareth. Hindi ito mahirap mahalin. Kaya labis kong pinag-sisihan ang lahat.
Matapos kong makipag hiwalay kay Darren.
Araw-araw akong nag aabang kay Gareth. Pero lagi nitong kasama si Zaraine! Dumating ang araw nalaman kong sila na. Araw-araw akong parang sinasaksak sa tuwing nakikita silang masaya. Hindi na ako pumapasok sa skwela. Kaya nag drop out ako at lumipat sa ibang school. diko sinabi kila Mommy at Daddy ang tunay na dahilan ng paghinto ko sa paaralang iyon.
Kaya tinawagan ko si Lolo. Siya lang ang pwede kong hingan ng tulong para mabawi si Gareth.
(End of flashback)
Wag kang mag alala Gareth. dahil hindi ako susuko. Ngayon pa mag Asawa na tayo!'
Niligpit ko na ang mga pagkain at isa-isang tinapon sa basurahan.
Lumipas ang mga oras pero walang Gareth ang umuwi.
Lumamig na ang mga pagkain na niluto ko kaninang tanghali!
At eto alas Otcho na ng Gabi pero wala pa s'ya!
Kaya tinakpan ko nalang ulit ang mga nilito ko ngayong hapunan.
Umakyat na ako sa kwarto at mag papahinga na.
Pag hakbang ko sa hagdan. Napahinto ako ng marinig ang busina ng Sasakyan.
Kaya halos takbuhin ko pababa ang hagdan para pagbuksan ito ng gate.
Sa pag pasok ng sasakyan sa garahe. Sinara ko na ang gate namin.
Nauna itong pumasok sa loob ng bahay.
Sa pag sunod ko, akala ko nasa itaas na ito ng kwarto. Pero nasa sala pala ito. nakasandal ang ulo sa sofa ng lapitan ko amoy alak ito.
"Gareth lasing ka?"
"Hmmm!"
"Ano ba naman Gareth! Lasing ka tapos nag maneho ka pa pauwi?! Mag ingat ka naman sa susunod! Halika na nga iakyat na kita sa taas."
Kahit hirap ako sa pag akay dito. Naiakyat ko naman ng maayos. Inihiga ko ito sa kama at kumuha ng bimpo at maliit ng plangana na may tubig.
Binuksan ko ang polo nito. At pinunasan ng basang bimpo.
"Hon! I miss you"
Napahinto ako sa pag punas.
Alam kong hindi ako yung tinatawag niya. Pinag patuloy ko parin ang pag punas sa katawan niya. Pero bigla ako nitong hinila kaya halos dikit na ang mga balat namin.
"Hon. I love you!"
Agad sinakop nito ang mga labi ko.
Tinutugunan ko bawat halik nito. Pero bigla itong tumigil.
"Gareth?!" Pagtingin ko, tulog na ito.
Kaya napabunting hininga nalang ako.
Napatitig ako dito. at may kung ano ang bumulong sakin na gawin ang isang bagay.
Hinubad ko na ang pang itaas nito. Sumunod ang pantalon. Napa lunok ako na panloob nalang ang natira sa suot nito. Hinubad ko na rin ang damit ko at tumabi sa pag tulog dito.
Hindi ko man makuha sa ngayon ang puso mo. Titiyakin ko sa akin naman habang buhay!
"Anong nangyari?! Bakit magkatabi tayo!? Bakit ka naka hubad!? "
Naalipungatan ako ng magwala ito.
"Mag-asawa tayo kaya tayo magkatabi."
"What? May nangyari ba sa atin?!"
Tumayo ako sa harap nito na hubo't hubad.
"Ano sa akala mo?" Halos hindi ito maka tingin sa'kin.
"F*ck!" Mabilis nito pinulot ang mga damit na nag kalat aa sahig.