Miselle's Pov
"Hon?. Hon!. Hon..! "
"Gising. Zaraine! "
Sumisigaw at palingo-lingo.
Pawisan ito ng gisingin ko. dalawang araw na ito nag iiyak Simula ng umalis si Gareth.
-Flashback-
Kagigising ko lang noong Madaling araw na yun. Ng makatangap ako ng isang Txt message. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang Numerong hindi pamilyar sa akin.
Binasa ko ang laman nito at napag tanto na kay Gareth nangaling.
Oo nga pala, nakigamit sa kanya si Zaraine ng cellphone nung tumawag siya sa akin.
Pero ano tong sinasabi ni Gareth?!
-"Mishelle. Hihingi sana ako ng pabor.
May pupuntahan lang ako. Paki sabi kay Zaraine babalik din ako sa tamang panahon.
Nasa Condo siya ngayon.
Puntahan mo siya please.
Salamat."-
Nagsalubong ang mga kilay ko sa nabasa, diko maintindihan pero parang may malalim na problema.
Nag mamadali akong pumunta sa Condo,
Nag-alala ako sa Kaybigan ko. Mukang wala itong Alam sa nangyayari.
Pagkarating ko sa tapat ng Condo, dumaan lang ako saglit sa Receptionist upang mag logbook.
At tinungo ang lift.
Pag pasok ko pipindutin ko na sana ito.
"Wait!"
May isang lalaki na humahangos ang pumigil sakin. Nagtama ang aming mga mata, pero umiwas ako. pumasok ito ng pipindutin ko na ang button ay siya ding pindot sa parehong button. Agad kong hinila ang hintuturo ko.
"I'm sorry! 10th floor karin ba?"
Tumango lamang ako sa tanong nito.
Pag karating namin sa 10th floor nauna akong lumabas at tinungo ang room ni Gareth. Minsan na rin akong nakapunta dito nung sinama ako ni Zaraine kaya kabisado ko na.
In my peripheral vission sumusunod ito sa akin. Diko na pinapansin, malamang nasa iisang floor lang kami.
Ng nasa tapat na ako ng pinto kakatukin ko na sana ang ito. Pero huminto din siya sa tabi ko.
"Ah excuse me? Sinusundan mo ba ako?!"
"H__hindi! Kaybigan ko kasi ang may ari nitong Unit. Eh ikaw?"
"Ah! Kaybigan ko si Zaraine. Tinext ka rin ba ni Gareth?"
"Oo eh! Kaya agad akong pumunta dito."
Tumango tango lamang ako. Ng biglang bumukas ang pinto!
"Mishelle?! Jonas?! Anong ginagawa niyo diyan?"
"Z__zaraine pwede ba kaming pumasok?
Kanina pa ito nauutal mukang may nalalaman din ito sa pag alis ng kaybigan niya. Nilakihan ni Zaraine ang pag buka ng pinto para maka pasok kami.
"Sige tuloy kayo!"
Pag pasok namin, nangangamoy lutong ulam ang loob.
"Umupo kayo! Sandali lang may niluluto kasi ako."
Nagmamadali itong pumunta sa kusina.
"Alam mo ba kung saan pumunta ang kaybigan mo?"
Humarap ako dito upang tanungin, pero para itong natuod.
"Jonas?"
Napalingon ako ng biglang mag salita si Zaraine. Mukang kinakabahan ako.
"Napadalaw ka? Wala ka bang hang-over?"
"Ah__ w_wala naman!"
"Mabuti. Gusto niyo bang kumain muna? Tara naka hain na ako. Ewan ko ba kanina ko pa hinihintay si Gareth, natapos nalang ako sa pag luluto di pa bumabalik."
Nagkatinginan kami ni Jonas. Pero iniwas ko kaagad at binalik kay Zaraine.
"Zaraine?! Umalis na si Gareth!"
"Anong umalis na? Wag nga kayong mag biro ang aga-aga eh."
Natatawa ito sa sinabi ni Jonas.
"Kaya kami nandito kasi pinaki usapan kami ni Gareth na puntahan ka!"
Nanatiling tahimik lamang ako, pinapakingan silang dalawa. Nakatingin ako kay Zaraine na Namumula na ang mga mata nito tila pinipigilan ang pag bagsak ng mga luha.
"Mishelle! Totoo ba?!"
"Zaraine! Yun yung sabi niya babalik naman daw siya. P_pero sa t_tamang panahon."
"Bakit kayo sinabihan niya? samantalang ako hindi! Kung ganun siya pumunta?!"
"Sa italy! Nag ka problema ang kumpanya ng pamilya nila."
Nag uunahan na sa pag bagsak ng mga luha sa pisngi ni Zaraine. Napa upo ito at agad kong nilapitan.
"Zaraine. Magtiwala ka lang babalik siya. "
"Kelan? Hindi niyo rin alam diba?!
Ni hindi niya nagawang mag pa alam sa akin!. Maiintindihan ko naman kung yun ang problema niya. Ang hindi ko maintindihan, bakit hindi siya nag pa alam man lang! "
-"End of flash back"-
"Zaraine! Gising.! Nananaginip kananaman. Ito uminom ka muna ng tubig."
"Mishelle!"
Umiiyak ito ng yakapin ako. at Inalo -alo ko ito para kahit papano mabawasan ang dinaramdam.
"Mishelle gusto ko na siyang makita. Maka usap man lang!"
"Gusto mo bang tawagan na natin?"
Humiwalay ito ng pagkakayakap at tumango-tango.
Kinuha ko ang cellphone nito at nag Dial.
Ring lang ng ring ang kabilang linya.
"Zaraine hindi niya sinasagot. Pero uulitin ko!"
Naka-ilang ulit na ako sa pag Dial. Sa wakas sinagot niya ito at nagmamadali kong inabot kay Zaraine ang Cellphone.
"Hon?! Hon please magsalita ka.-
Bigla itong natahimik at dahan-dahang binaba ang Cellphone.
"Zaraine! Anong sabi?! "
Hindi ito nag sasalita at Muling humaguhol.
****
Jonas POV:
"Is it true? Kamusta si Zaraine?"
Kunot noo itong si Marco na tila hindi makapaniwala sa nangyari sa kaybigan namin.
Nasa bahay ako nila James. Kasama ko si Marco at Joef.
"Ang sabi sakin ni Mishelle. Lagi paring umiiyak at hindi maka-usap ng maayos."
"Mishelle?"
Nilingon ko itong si Joef. Na umiinom na ngayon juice.
"Zaraine's friend"
"Sandali. hindi niyo pa ba nakaka usap si Gareth? Loko yun ah. Hindi man lang nag sasabi."
"Alam mo Marco. sa tingin ko may matinding problema yung tao. Kung kaya ganun nalang kung solohin niya at hindi nya masabi sa atin."
Pinapakingan ko lang si James at Marco na nag bibigay ng opinyon sa isat-isa.
"Guys! Open your IG. Dali!"
Napalingon ako kay Joef na kunot noong tinitingnan ang kanyang Cellphone. At ganun din si Marco at James na tila nakakita ng multo.
"Ano ba kasi yang tinitingnan niyo?"
Pinakita sakin ni Jeof ang mga picture sa isang Simbahan.
Halos malaglag ang panga ko sa pag ka gulat!
"Oh men! Paano nangyari na nagpakasal Sila?!" (Marco)
"Its an Arrange Marriage! Diba, nalugi ang kumpanya ng Dad niya ? Pero diko akalain sa kanya siya ipapakasal "
"Kawawang Gareth! Sumunod sa yapak ni Marco!"
Matalas na tiningnan ni marco itong si Jeof.
"Ten Months! Ten months nalang bro. Pwede na kaming mag divorce!"
"Tama na nga yan!"
Saway ko sa mga ito. Napapailing nalang ako sa nangyayari.
Napatingin ako sa palapulsuhan, at napag pasyahan kong mauna nang umalis.
"O aalis kana?" Napansin ako ni James at Napatingin sila sakin ng tumayo ako sa kinauupuan.
"Yeah! I have something to do."
Umalis na ako sa harapan nila at tinungo ang kotse ko. na naka parada sa labas ng gate.
Pag sakay ko. Tila may sariling isip ang mga Paa at kamay ko na tinungo ang daan papunta sa Bahay nila Zaraine.
Kahit hindi ako pinakiusapan ni Gareth na bantayan si Zaraine. Dadamayan ko parin ito dahil naging malapit na kaybigan ko na rin ito.
Pagkarating ko sa lugar ng tinitirhan nila. Nakita agad ng dalawang mata ko si Mishelle na palabas ng pinto.
Huminto ito sa pag wawalis ng mapansin ako.
Lumabas ako ng sasakyan. Nakita kong bukas ang gate kaya tumuloy na ako.
"Magandang umaga. Bibisitahin ko sana si Zaraine kung nandiyan siya?!."
"A_ah! Tuloy ka. Maupo ka muna pupuntahan ko lang siya sa Kwarto"
Habang hinihintay ko sila dito sa Sala, inilibot ko ang mga mata. Maliit lamang itong bahay. May dalawang kwarto maliit na sala. Pwede na para sa maliit na pamilya.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mishelle kasunod si Zaraine.
"Ah. maiwan ko muna kayo."
Pumunta sa kusina si Mishelle. At naiwan kaming dalawa ni Zaraine. Umupo ito sa tapat. Mugto ang mga mata At malaki ang pinayat nito.
"Kamusta ka?"
"Ito pinipilit maging okey!"
Hindi ko kayang panoorin ito na umiiyak kaya iniwas ko ang mga tingin dito.
"Zaraine. Hindi ko alam kung paano pagaanin ang nararamdaman mo. Pero gusto ko lang sabihin sayo. na nandito kaming mga kaybigan mo. Handang tulungan ka."
Tumingin to sakin na nag uunahan ang mga luhang bumagsak.
"Jonas! Naka usap ko ang Daddy niya. Magpapakasal na daw si_ si Gareth! Paano na ako?!.
"Zaraine maniwala ka. Hindi niya yun ginusto! Magtiwala ka lang babalik siya."
Umiling-iling ito.
"Hindi ko na alam Jonas. Ayokong umasa. Siguro babalik siya pero mababago paba yun kung may asawa na siya?!"
Tumayo ito at nagmamadaling pumasok sa kwarto.
Napa hugot ako ng malalim na hininga. Halo-halo ang nararamdaman ko. Awa, lungkot. Napalingon ako ng dumating si Mishelle.
"Mag juice ka muna." Inilapag nito sa mesa ang dalang basong may lamang Juice.
"Salamat."
"Ganyan na siya simula ng umalis si Gareth. Hindi ko na nga alam kung paano ko siya ibabalik sa dati. Yung dating masayahin kahit may problema."
"Zaraine!?"
Sabay naming nilingon ang pinto ng may biglang dumating.
"Tita Lina!"
"Mishelle nasaan ang anak ko?!."
Lumapit si Mishelle at nag mano.
"Nasa kwarto po. Mabuti at dumating po kayo."
Agad itong pumasok sa sinabing kwarto. At dinig na dinig namin dito sa labas ang iyak ni Zaraine.
"Mishelle. Aalis na ako babalik nalang ulita ako para dalaw-dalawin kayo."
"Sige Salamat ah. Mag-iingat ka."
"Salamat."
Pagka alis ko. Hindi pa ako nakaka layo sa pag mamaneho biglang tumunog ang Cellphone ko.
Numero lang ito kaya diko alam kung sino.
-"hello?"
-"Jonas!"-
Naipreno ko bigla ang sasakyan ng marinig ang boses sa kabilang linya.
-"Gareth?! F*ck! Mabuti at tumawag ka! Akala namin nakalimutan mo na din kaming mga kaybigan mo!"
-"Jonas. Please listen to me! Naipit lang ako alam mo yan. Wala na akong maisip na paraan.-
"Alam mo ba kung anong nangyayari kay Zaraine ngayon?! Bro she's so down! Durog na durog yung tao bro! Bakit hindi mo siya kausapin!?--
"Jonas gusto ko! Gustong gusto ko siyang maka usap! F*ck! Hindi ko alam kung papaano."
"Tutulungan kita.---
Magsasalita pa sana ako ng biglang naputol ang linya.
"Hello!? Sh*t! Ang gago mo!"
Bubuhayin ko na sana ang makina ng tumunog muli ang Cellphone.
'Zaraine's Calling'
"Yes Zaraine?"
"Jonas! Si Mishelle to! Hinimatay si Zaraine. Papunta na kami sa hospital!"
"Saang hospital?! Sige Susunod ako!"
Nagmamadali akong buhayin ang makina at niliko ito papunta sa hospital.
Pagkarating ko sa nasabing Hospital, dumeretso agad ako sa Emergency room.
"Sir! Di po kayo pwedeng pumasok!"
"Kaylangan kong pumasok!"
"Pero si bawal po kayo sa loob"
Tinitigan ko ito pero mukang di ako nakikilala.
"Hindi mo ba ako kilala!? "
"Sir Jonas!"
Napalingon ako sa isang Doktor. Na tumawag sa akin.
"Papasukin mo siya!"
Utos nito sa guardiya na nag babantay.
"Loko anak yun ng may-ari nitong hospital!"
Bulong nung isang staff sa security na humarang sakin.
Agad kong nakita sila Mishelle.
Nakaratay sa higaan si Zaraine na walang malay.
"Mishelle! How is she?"
"Jonas. Nawalan siya ng malay kanina,
Ang_ ang sabi ng Doktor sa sobrang stress. Hindi na rin kasi siya kumakain nga maayos kaya bumigay ang katawan niya. "
Bakas sa muka nito ang takot para sa kaybigan.
"Ikaw ba ang kaybigan ni Gareth?!"
"Opo Tita."
" Paki sabi sa magaling mong kaybigan. kung anong mangyari sa Anak ko. Malalagot siya sa akin!"
Salubong ang mga kilay nito habang nagsasalita.