chapter13

1811 Words
Zaraine's pov: Parang bago ang lahat sakin, ibang saya ang nararamdaman ko simula ng sinagot ko si Gareth, pina alam na rin namin ito sa Mommy niya at kila Senyora, hindi naman sila tumutol sa pagkat na tuwa pa sila. Tinitingnan ko ang Sarili sa salamin habang sinusuklay ang mahaba kong buhok, napitlag ako ng katukin ni manang ang pinto ng kwarto ko "O Zara bilisan mo diyan, kanina kapa hinihintay ni Sir Gareth sa labas!" "Opo Manang lalabas na ako." Minadali ko na ang kilos at kinuha ko ang sling bag na nakasabit sa dingding, Muli kong pinasadahan ang sarili sa salamin, naka skinny jeans at polo shirt lamang ako at puting sneakers ang pansapin sa paa. Mabilis kong tinungo ang gate kung nasaan si Gareth na nag hihintay. Paglabas ko ng Gate natanaw ko ito agad, nakangiti ito habang palapit ako . Agad kong binuksan ang front seat, "what took you so long?" Pagka upo ko, kinabit ko agad ang seat belt. " pasensya na po, tinapos ko lang yung gawain bago umalis ng bahay" "Sabi ni Manang nagpapaganda ka pa daw eh!" Pina andar na nito ang kotse, pero ang muka nito mukang nang aasar. Kumunot ang noo ko at salubong ang kilay, "oy hindi kaya! Kuh! Si Manang talaga" Abot tenga ang halakhak nito sa reaksyon ko. "Ok fine kung hindi na. So saan mo gustong pumunta after mass?" Lingo ngayon kaya inaya ko itong magsimba. Tiningnan ko muna ito bago binalik sa harap ng kalsada ang paningin "Sa Bahay namin" "Bahay niyo?" Nagtatakang turan nito "Uhm! Bahay namin ng Tita ko" Tumango-tango lamang ito na nag mamaneho. Makalipas ang isang oras, pagkatapos naming mag simba ay napag pasyahan muna namin mananghalian muna bago pumunta sa dating tinitirhan ko. Ito na ang pumili ng makakainan namin dahil diko naman kabisado ang kainan dito. Nang marating namin ang Reataurant, ay di ako makapaniwala na dito nya ako dadalhin, buong akala ko sa Jollibee o Macdo. O kahit turo-turo Solve na kao. "Sigurado ka bang dito tayo kakain?" Sumilip ako sa labas ng bintana tila ina examina ang restaurant na pinuntahan namin. "Yeah?! Masarap dito for sure magugustuhan mo." Taas baba pa ang kilay nito at gumuhit ang mga ngiti sa muka. Lumabas na ito at umikot para pag buksan ako. Pag pasok namin sa entrance binati kami ng dalawang Staff, naka yuko pa ang mga ito "Buongiorno!" "Benvenuti!" Agad kami giniya sa isang table na bakante. "Ano yung sinasabi nila kanina pag pasok natin?" Halos pabulong ko na tanong at baka marinig kami ng katabing mesa. "They greeted us" natatawa nitong lintaya. "Eh yung sinabi nila? Yung b_ byenbinidos?!" Pinipigilan nitong matawa sa sinabi at expresyon ng muka ko. "It's an Italian languange, Benvenuti it means Welcome, the other one is Buongiorno it means good morning" Napatitig ako dito habang binibigkas ang mga salitang yun, kay sarap sa tenga bawat bigkas nya. "Ang galing! Marunong ka palang mag Italian?" "A little bit!" Nagkipit balikat pa ito. "Good morning ma'am and sir! This is the menu " inabot ito isa-isa samin. Pag tingin ko halos diko mabigkas ang mga pangalan ng pag kain. Tanging Carbonara lang yung kilala ko. "Hey! What do you want?!" Nakatingin parin ito sa menu habang tinatanong ako. "A_ah ikaw na ang bahala kung ano yung sayo yun na rin sakin" Nakangiting tingin sakin ang babaeng nag abot ng menu. "Okey..? Ahm miss! Please give us Ossobuco ala milanes and risotto and saltimboca please." "How about your dinks Sir?" "Ow i forgot! Please give us lemonade twist. Inabot na nito ang menu sa babae,Nag bow pa ito bago umalis sa harap namin. Iginala ko ang paningin sa loob nito napaka ganda ng desenyo mukang mga antik ang bawat muebles. "Paborito namin ni mommy ang italian resto," napalingon ako ng mag salita ito gaya ko ginagala din nito ang paningin sa loob ng kainan. "May lahi ba kayong italian?" "Both my parents are italian pero si mom ay half filipina." Kaya pala parang may ibang lahi ang itchura nito. Kaya lang biglang nangunot ang noo nito, kaya sinundan ko ang mga tingin nito sa may bandang likuran ko. Kaya naman pala!. Papalapit ito sa gawi namin. "Wow! The two love birds are here!" "Hi Zaraine? Mabuti naman familiar ka sa lugar na ito? Kilala mo ba ang mga pag kain dito? Hahaha!" May mangilan-ilan ang nakatingin samin "Andy stop!" Salubong ang kilay ni Gareth ng pigilan ito sa pang iinsulto sakin. "Ow! The shining armor! Well enjoy your meal love birds! " Umalis ito at naglakad palayo sa mesa namin,tila sumasayaw pa ang bewang nito habang nag lalakad 'matapilok sana!' Bulong ko sa isip. Iaalis ko na sana ang paningin dito ng matapilok ito. Pinag titinginan ito ng mga naka upo sa katabing mesa. Tumayo ito agad na parang walang nangyare at lumingon pa ito samin. Pero huli na ang lahat ng makita ako nitong natatawa, pinaningkitan ako nito ng mata kaya inilihis ko ang paningin, pag harap ko namumula na sa pag pigil ng tawa itong si Gareth. "Ma'am, Sir here's your order!" Inilapag nito ang tray at umuusok pa ang mga pagkaing nasa plato. *** Matapos naming kumain umalis na kami at pupuntahan na namin ang ang dating bahay ko. Pag karating namin sa tapat, excited akong bumaba, naka laock ang gate nito kaya agad kong kinuha ang duplicate ng susi sa bag ko. "Hali ka tuloy ka!" Kinuha ko ang kamay nito at hila hila sa pag pasok. Napahinto ako at pinag masdan ang kabuuan ng bahay, luma na ito pero ganun na ganun parin ang itsura nito nung nabubuhay pa si Tita Minerva. "Zaraine?!" Mabilis ko nilingon ang Gate, "Mishelle!" Dali-dali itong pumasok pero huminto ito ng makitang hawak hawak ko ang kamay ni Gareth Tumingin muna ito sa mga kamay namin bago kami tingnan sa mga muka. "H_hi" utal na bati nito kay Gareth. "Hi I'm Gareth! Nice to meet you" Inilahad nito ang palad sa kaybigan ko pero dahan-dahan nitong inabot ang pakiki kamay na nahihiyang tinuran nito. "M_mishelle! nice to meet you too" "Ah siya nga pala ang best friend ko sila din ang nag lilinis dito sa bahay" Pakilala sa kabigan ko. "Ah Mishelle si Gareth boyfriend ko" Lumaki ang mga mata nito na tumingin sakin tumango tango lamang ito pero halatang maraming gustong itanong ito sakin, "Tara pasok tayo sa loob ." *** "Gareth's pov: Matapos naming puntahan ang dating bahay nila Zaraine, hinatid ko na ito sa Mansyon nila Tita. Simula ng gumaling si Mommy bumalik na kami sa Bahay. Binabaybay ko na ngayon ang daan pauwi. Matagal tagal ko na rin hindi napupuntahan ang Condo ko sa kadahilanang nais kong bantayan si Mommy. Pagkarating ko sa tapat ng bahay may isang itim na Sasakyan na naka parada, sinulyapan ko lang ito saglit at pinasok na ang kotse sa garahe. Pasipol sipol pa ako ng makalabas ng sasakyan . Papasok na sana ako sa loob ng bahay pero napapansin ko na Aligaga ang mga kasambahay namin. "Ser Gareth!" Di lang mata ang lumaki ng makita ako pati butas ng ilong nitong si aling Josy. "Okey lang ba kayo?" "O_opo! Ser!." Tumalikod na ito tila nag mamadali. Napa iling nalang ako sa mga kinilos nito. Dumeretso na ako sa Sala malamang naroon si Mommy. Nasa tapat na ako ng Malaking pintong Etnreda ng bahay ng matuod ako sa kinatatayuan. "Son?! Tatayo kana lang ba diyan?" Nakatitig lamang ako sa mga mata nito. Malaki ang pinag bago ng muka nito para tumanda base sa mga puting buhok. Nilipat ko ang tingin kay Mommy na nanatiling naka yuko lamang ito. Hinakbang ko ang mga paa papalapit sa kinaroroonan nila, lumapit ako kay Mommy na may bakas ng pag alala ang muka nito "What are you doing here?!" Umiigting ang mga panga ko ng makita ito ng malapitan! "Dito na ulit ako titira!?" "What?! Hell No!" "Anak huminahon ka." Hinawakan ako sa braso ni Mommy para pakalmahin "Mom no! Wag kang pumayag na titira yan dito! Nakalimutan mo na ba ang pang iiwan niya sa atin?!" "Anak please!" "But Mom?!" "Matapang kana ngayon, yan ba ang naidulot ng pakikipag relasyon sa Muchachang yon?" Kinuyom ko ang mga kamao at akmang lalapitan ko ito, pero halos mamula na ang braso ko sa higpit na pagkakahawak ni Mommy. "Gareth please No!" "Kung gusto mong galangin pa kita! Wag mong idadamay ang Girlfriend ko!" "Arthuro! Tama na!" "Marietta! Pag isipan mo ang mga sinabi ko Sayo! Para sa inyo din yun!" Umalis na ito sa harap namin at tinungo ang pinto. "Stupid! Crazy old man! Ano ba ang ginagawa nya dito sa pinas? Di pa ba sya masaya sa buhay nya sa italya?!" "Son! Gusto niyang lumipat tayo dun." Halos maiyak ito habang binibigkas ang mga salitang yun. "At papayag po kayo? Ganun ba?" "Son he still your Father!? Ano ba yung mag sama-sama tayo uli? Gusto ko lang Mabuo ang pamilya natin." "Do you still love him?" Dahan-dahan itong tumango at nag uunahan sa pag bagsak ang mga luha Niyakap ko nalang ito, matagal itong nag tiis sa pananakit ng magaling kong Ama! Pero wala akong magagawa kung hangang ngayon Mahal nya parin ang taong yun! *** "Hey bro! Mukang malalim tang iniisip mo ah!" Sinisimsim ko ang ang alak ng dumating itong si James. Sinilip ko ang likuran nito pero mag isa lang ito. "Asan yung dalawa?" "Si Jonas on the way na daw. Si Marco, hindi sinasagot yung tawag ko. Nga pala mukang may problema ka, spill out!" "Si Dad! Ginugulo nanaman kami! Gusto niyang papuntahin kami ng italy! Sino ba siya para diktahan kami!? Pero itong si Mommy mahal nya parin daw!" "Ow problema nga yan, so anong Plano ni tita?" "Ano pa nga ba? Edi sasama siya, diko naman mapipigilan, bilang anak kung saan masaya ang Mommy ko-" "Susuportahan mo!" Diko natapos ang sasabihin ng may biglang dumating, umupo ito sa tabi ni James at umorder ng iinumin. "Mukang malalim yang hugot nyo ah! Dewar's white label please!" "Wow Dewar's!? Mukang ikaw ang may problema sa tapang ng iinumin mo bro!" "Haha! Di ba pwedeng sasabayan ko lang kayo! Nga pala alam nyo na ba ang balita kay marco? " Napatingin kaming dalawa ni James kay Jonas ng bangitin nito si Marco. "Bakit anong balita sa mokong na yun?!" Salubong pa ang kilay ni James ng magtanong ito. "Magpapakasal na" "Magpapakasal?!" "Magpapakasal?!" Sabay na turan namin ni James, hinayaan ko na silang mag-usap nakikinig nalang ako. "Kanino? Wala namang Girlfriend yun diba?!" "Arranged Marriage! Nalulugi na pala ang kompanya nila Marco." "Tsk poor Marco, di bale Uso naman ang divorce " Napapaisip ako sa sinabi ni Jonas Para akong kinakabahan, di kaya, kaya umuwi yun dito para ipakasal ako sa iba? Nalulugi naba ang kumpanya nito sa italya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD