chapter14

2129 Words
Gareth's pov: Two years later : "Congrats anak! I'm so proud of you" "Thank's Mom!" Niyakap ko ito ng mahigpit! Sa wakas Graduate na ako.! "Mom? Where's Zaraine?" Nagtataka ako kung bakit mag isa ito ngayon,Inilibot ko ang mga mata pero wala ito. "Nadito lang yun kanina ah, mabuti pa tatawagan ko. " Humakbang ito para dumistansya sa akin at Nagdial ito sa cellphone, maya-maya kausap na nito ang kabilang linya. "Mom anong sabi?" "Nauna ng umuwi at masama daw ang pakiramdam." "What? How is she?" "ok na daw sya naka inom na ng gamot. Ahm let's go uwi na tayo ?" Matapos ang graduation ceremony nag paalam na ako sa mga kaybigan ko, masaya ako dahil tapos na ako sa pag aaral. Pero bigla akong nag alala kay Zaraine, kamusta kaya siya, pero kanina mukang okey naman siya. Di bale pupuntahan ko nalang mamaya . Pag karating sa bahay, matagal nagbukas ang Gate, Busina ng busina itong si mang Date pero wala paring nag bubukas. "Dante anong nangyayare?" Takang tanong ni Mommy "Eh Senyora wala pang nag bubukas," "May duplicate ako dito, ikaw nalang ang mag bubukas" inabot ni mommy ang Susi dito at nag mamadaling lumabas si mang Dante. Ng makapasok kami, wala pa rin ang guardiya sa pwesto niya. Di ko na ito pinansin at nag lakad na papunta sa loob. Pero napansin ko na hindi naka sunod si Mommy sakin? Nasa tapat na ako ng pinto, pinihit ko ito at ganun nalang pag ka bigla ko "CONGRATULATION!" Sabay-sabay na sigaw nilang lahat "Congrats hon!" Niyakap ako nito "Silly! Pinag alala mo ako!" Natawa ito ng pisilin ko ang ilong. "Sorry na po" nag papuppy eyes pa ito. "O siya mag si kain na kayo!" Aya ni Mommy sa lahat, Masaya kaming nag salo-salo sa hapag kainan. *** "Zaraine next year ikaw nanaman ang ga graduate?!" Nilingon namin si Mommy na masayang kumakain. Kakauwi lang nito galing italy, tinuloy nito ang pagsunod kay Dad two years ago mukang okey naman ito kasama si Dad. "Opo Tita konting kembot nalang!" Natawa ito sa sinabi ni Zaraine, sa tuwing mag kukwento ito walang palya na mapatawa si Mommy. "Alam mo iyan ang na mis ko sayo ang patawanin mo ako" "Namis ko din po kayo Tita, kamusta po pala ang Italy? Mukang hiyang kayo dun ah lalo kayong bumabata" Bakasa ang kasiyahan sa muka ni Mommy halos umabot sa tenga ang pag tawa nito. "Naku nag bolahan nanaman kayo, nag seselos na ako nyan!?" Napalingon silang lahat sakin at nagtatawanan. "Wag kang mag alala Hon! Pag naka Graduate ka PuPunta tayo dun!" Nilingon namin si Mommy na ngayon ay namumula na sa kakaubo! "Naku tubig!" Sigaw ni manang Josy "Mom here! take this Water!" Inabot nito ang baso ng tubig at ininom. "Tita okey lang po ba kayo?!" Nag alalang turan ni Zaraine. "Yes i'm fine! Nasamid lang." Habang nag sasalita, sa akin ito nakatingin, para bang may gusto itong iparating. "Sige mag papahinga lang muna ako, maiwan ko muna kayo." Tumayo na ito at tinungo na ang hagdan papunta sa kanyang kwarto, sinundan ko lang ito ng tingin. Bigla akong naka ramdam vibration mula sa aking bulsa, nai silent ko pala ito kanina sa Ceremony. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at sinagot ang tawag ni Jonas. "Bro mamaya ha wag kang mawawala !" "Sure! Darating Kami!" Binaba ko na ang tawag, may Paparty pala kami mamaya at sa Bar gaganapin. "Hon sinong tumawag?" Nilingon ko ito sa may mesa ng mag salita at Kumakain ito habang nag tatanong. napangiti ako sa tinuran nito ang laki ng pinagbago ng katawan nito ngayon lalong gumanda ang pangangatawan nagkaroon ng kurba at lalong pumuti at syempre lalong gumanda. "Hui! Sino yung tumawag sayo?!" " ah! Si jonas hon! Pupunta tayo mamaya!" Lumapit ako dito at tumabi sa pag upo,at ininom ang basong may lamang juice. "Sige ipapaalam mo ako kay Mama" "Sure! Malakas ako kay tita kaya papayag yun!" Natawa ito sa lintaya ko. Napatawad na nito si Tita Lina kaya noong kinuha siya sa Mansyon nila Tita Veron ay pinili nitong tumira sa dating bahay nila ng yumaong tiyahin, at si Tita Lina na ang nagpapa-aral sa kanya. Sa dalawang taon ng relasyon namin, ay walang naging problema ngunit nitong naka raan palagi nalang magkabangayan si Andy, buong akala ko naka pag Move on na yun sa Nangyari Samin na labis kong pinagsisihan! *** Lumipas ang ilang oras, ito na katatapos ko lang maligo at nakapag bihis na, simpleng gray V-shirt lamang ang pang itaas ko at semi skiny jeans ang pang ibaba pinaresan ko ito ng puting lowcut white shoes. "Son?!" Napalingon ako sa may pinto ng kwarto ko ng katukin ito ni Mommy. "Yes Mom!?" nag sisintas ako ng sapatos ng pumasok ito. "May lakad ka?" Kunot ang noo nito ng tanungin ako. " ah yes Mom! Kami ni Zaraine." Tumayo ako at pumunta sa tapat ng Salamin nag lagay ako sa palad ng Gel at inilagay sa buhok "Son kaylangan ka na ng kumpanya sa Italy!" Napahinto ako sa pag jiGel ng buhok sa narinig mula kay Mommy. Dahan-dahan ko itong nilingon at hinarap, "Mom?! Akala ko ba alam nyo na ayaw kong magtrabaho sa kumpanya ni Dad!- "Son! Matanda na ang Daddy mo kaya kaylangan ka niya para pamunuan ang kumpanya kung hindi- "Kung hindi Ano?! Hindi niya ako pamamanahan? "No?! Its not that! Nalulugi na ang kumpanya! two years ago Lubog na sa utang ang Daddy mo!." "What?!" Kunot noo at salubong ang kilay ko ng malaman ito "So kaya pala umuwi siya noon dahil nalulugi na ang kumpanya? at ako ang naisip niya?!" "I'm sorry Son, pero Yan ang totoo! Ayoko ko din mawala ang kumpanya ng Lolo mo! Dahil yun lang ang tanging Ala ala na naiwan Nya sakin, sa atin?! " Umupo ito sa gilid ng Kama at humagulhol. "Mom please wag kayong umiyak makakasama sa inyo yan" "Son you need to go there as soon as possible!" Basang basa na ang muka nito sa mga luhang dumadaloy. "Kung nalulugi na ang kumpanya, ano pa ang magagawa ko para maibangon muli ito? " Yumuko ito at muling humikbi. "They Decide An Arrange Marriage" "Arrange Marriage!? Are they Crazy?! Tapos sinang- ayunan nyo pa! "Son please help us!" Lumuhod ito at tumingin sa mga mata ko , *** Litong lito ang isipan ko ngayon, paano si Zaraine? Ayokong mawala siya saakin pero paano si Mommy? Ang kumpanya? Nilagok ko ang laman ng baso na puno ng alak.! "Hon!? " Nilingon ko ito ng tinapik ako sa likod "Okey ka lang ba? Kanina ka pa tahimik diyan" "Cheers! Sa wakas graduate na tayo! Wooh!" Masayang itinaas ni jonas ang kanyang baso na sinundan namin ito. "Cheers!" Sabay-sabay naming sigaw at tinunga ang mga ito. "Bro kelan mo pakasalan si Zaraine?!" Lintaya ni Jonas. "Oi! Jonas wala pa yan sa plano namin, mag tatapos muna ako at mag hahanap ng stable job!? Diba hon?" "Ha?! Ah O_oo naman." "Yun oh! Kaya Idol ko kayo eh!" Pinapanood ko lang ang mga ito na nag sasaya, napakahirap magpakasaya na ganito yung pinoproblema ko, wala akong ginawa kundi tungain ng tungain ang alak. "Hon mag da drive ka pa. " pinisil nito ang kamay ko sapat na maramdaman ko. "Im sorry!" napatingin ako sa palapulsuhan ko ng makita na mag alas dose na ng hating gabi. "We need to go hon past twelve na" binulungan ko lang ito sapat na marinig niya. Nilingon ko ang.mga kaybigan ko na masayang nakikipag usap sa mga girl friend nila. "Guys mauna na kami sa inyo ah. May Curfew itong si Zaraine eh" Siniko ako nito ng mag biro ako. "Oh talaga lang ah?! Baka gusto nyo lang mag Solo!" Halos mapunit ang bibig nitong si James sa pag tawa. "Sige ingat kayo bro. Bye Zaraine! " "Oh tama na yan wag kayo paka lasing !" Pahabol na bilin ni Zaraine sa kanila. Pag labas namin ng Bar agad namin tinungo ang naka paradang kotse. Pinag buksan ko ito ng pinto, tsaka umikot sa driver's seat. "Hon kanina pa kita napapansin, may problema ba?!" Binabay bay na namin ang daan, pasimple ko itong tinitingnan sa mga mata. "Pagod lang ako yun lang." " ganun ba? O sige pag ka uwi mo dapat matulog kana." Tumahimik ito at tiningnan ang labas ng binta, bakas ang pagtataka nito. "Teka bakit mo niliko ?" "Hon pwede bang Sa Condo muna tayo ngayon? Ngayon lang please?" "Pwede naman, mag tetx nalang ako kay Mishelle. " Kinuha nito ang cellphone sa sling bag niya at nag tipan ng mensahe. 'Ngayon palang, nahihirapan na akong malayo sa kanya. Hindi ko masabi ang pinoproblema ng pamilya namin, Mahal ko siya, pero hindi ko pwedeng balewalain si Mommy. Gulong gulong na ako!' Nagpakawala ako ng hangin na ikinalingon nito sa akin. " nandito na tayo" pinatay ko ang makina at pinagbuksan ito ng pinto. Sabay naming tinungo ang lift, pag pasok namin sa Unit ko. Dumeretso ako sa kusin at nag bukas ng ref. Walang laman ito bukod sa isang pitsel na tubig at mga beer in Can lamang. "Hon! Nagugutom kaba? Magpapadeliver ako kung gusto mo." Hiyaw ko mula dito sa kusina. Pero walang sagot mula sa kanya, kaya lumabas ako ng kusina at nilapitan itong naka upo sa mahabang Sofa. "Hon! Magpapadeliver ako ng food, anong gusto mo?" Tiningnan ko ito sa muka pero parang walang rekasyon or narinig man lang. "Hon?!" " ha?! H_hindi naman ako nagugutom oo lang mag uumaga na din." "Okey! Halika na matulog na tayo." Nauna akong nag lakad pero hindi ito naka sunod na agad ko ikinalingon. "Hon?!" May bahid na pag alala ang pigura ng muka nito. Tumayo ito at dahan-dahan humakbang palapit sa akin. Binukas ko ng maluwang ang pinto ng kwarto para makapasok ito. Sinara ko ang pinto at tinungo ang closet "May mga extra shirt at short ako dito pwede mong gamitin." Tumango lang ito "At ikaw na mauna mag shower at yung mga towel na sa loob na din ng banyo." "Pwede bang dalhin ko na sa loob ang mga damit?" "Sure!" Kinuha ko ang boxer at small size ng t-shirt ko at inabot dito. "Salamat!" Sinundan ko pang ito ng tingin na Nagmamadaling pumasok sa banyo. 'Oo nga pala ito ang unang beses niyang matulog dito sa condo ko, kaya pala parang naiilang siya.' Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon pero wala ito, kaya naisipan ko sa kusina kaya agad akong nag tungo doon, Pero wala din ito, iniisip ko kung saan ko nailapag ito ng maalala kong naiwan sa kotse, Kaya agad akong nagtungo sa parking lot! Mabuti nalang at di pa ako naka pamalit ng damit. Pag balik ko ay syang labas nya sa shower room. Napa lunok ako ng laway na makita itong nakatayo at nagpapatuyo ng buhok di gaano fit ang t-shirt sa kanya pero bakat na bakat ang dib-dib nito, bumaba ang mga tingin ko sa mahabang hita na makinis , tila may nabuhay sa parte ng katawan ko. "Hon tapos na ako!" Napa angat ako ng tingin ng mag salita ito. "Y_yes hon! " iniwas ko ang tingin dito at agad tinungo ang banyo! 'F*ck! Binuksan ko kaagad ang shower at hinayaan mabasa ng malamig na tubig ang kabuuan ko, Itinukod ko ang dalawang kamay sa ding-ding at pinikit ang mga mata, pero muka parin ni Zaraine ang nakikita ko. Ni minsan hindi ko pa ito nahahawakan, sa dalawang taon namin hanggang halik lang sa labi ang ngagawa namin. Binura ko sa isipan ang sensualidad na yun kaya Agad kong tinapos ang pag ligo at binalot na ng tuwalaya ang pang ibaba ko na ngayon ay kalmado na. Paglabas ko may maingay akong narinig, kaya nilingon ko ang gawi nito na ngayon ay nanonood ng TV. Tinungo ko ang Closet at nag hanap ng damit na masusuot. Matapos kong makapag bihis, Tinabihan ko ito sa pag higa . " tapos kana pala, tingnan mo nakakatawa tong pinapanood ko." Nakatutok lamang ito sa tv at may abot tengang ngiti. Napansin nitong hindi ako kumikibo kaya limingon ito sa akin. "Sorry!" Inabot nito ang remote at Pinatay ang tV. "Bakit mo pinatay?" "Baka kasi inaantok kana" Umiling iling ako. "Akala ko ba pagod ka at-" "I love you!" Di natapos nito ang sasabihin, tila natuod ito "Hon! Mahal din kita" niyakap ko ito ng mahigpit, "Tandaan mo ano man ang mangyari, magtiwala ka lang sa akin ha?!" Hinaplos-haplos ko ang buhok nito habang yakap-yakap. Tahimik lang ito bumitaw ako sa pag kakayakap at binungo ang mga noo namin, halos nalalanghap ko ang mabangong hininga nito, dahan-dahang naglapat ang mga labi namin at unti-unting naging madiin ang bawat halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD