MAGMULA...nang ma-diagnose siyang may vocal chord nodules his life turned upside down. His was told of the risks that comes with the treatment. And they were the risks he can never take.
Your vocal range may not be as it was before. You may not be able to sing anything higher than a C4 anymore.
Ang sinabing iyon ng mga ENT na sumuri sa kanya ang paulit-ulit na umuukil-kil sa isip niya.
Isang buwan pa lang ang nakakalipas magmula nang malaman niya ang tungkol sa kalagayan niya. And within that short span of time, he had already fired eleven nurses na ipinapadala ng 1Z sa kanya, and had changed ENTs three times because they all said the exact same thing!
He did not mean to, but his anger and frustration was displaced. He did not like this version of him, but what can he do? He and his group are at the peak of their careers. And they have an upcoming world tour concert. Tapos ganito ang mangyayari sa kanya?
His members were, as always, very nice and supportive of him at mas inaalala ng mga ito ang kalagayan niya higit sa kahit na ano pa man. Palaging sinasabi ng mga ito na huwag niya munang isipin ang trabaho at mag-focus sa pagpapagaling.
Of course he begs to differ. Imposibleng hindi niya isipin iyon. He holds the position of the main vocals. The pressure he felt only worsened his anxiety. Galit siya sa lahat, kahit sa langaw ay nagagalit siya.
Until Justin's uncle, whom they also call Tito Boris, brought Miss Georgina Mariñas into the 1Z Mansion, para maging private nurse niya daw. But of course he knows what they are trying to do. They have been trying to convince him to undergo an operation as per advise of his previous ENT doctors. Pero mariin ang pagtanggi niya, for so many reasons.
Even before he met Georgina, he was determined to kick her out, just like what he did to the others that came before her. He had done it eleven times and every time, his tricks worked.
Kailangan niya lang itong takutin at pakitaan ng hindi maganda and she will run out of the door without looking back.
But when he first met her, he must admit, nagandahan siya rito. Pero nang magsimula itong umakto na parang starstucked fan, alam niyang wala itong pinagkaiba sa mga nauna. They were all just there to see SB19 Stell. That put him off straight away.
And then she told him na hindi siya, kung di si Pablo ang gusto nitong makita kaya ito pumayag sa offer ng Tito Boris nila. Although he did not expect that degree of honesty, he felt somewhat disappointed.
He was so sure that she left for good after that unpleasant first meeting. Kaya nagulat siya ng husto nang makita niya ito sa Japanese Garden na siya mismo ang pag-customize n'ong gabi.
Kung saan nanggaling ang sense of relief na makita ito, ay hindi niya rin malaman sa sarili niya.
She is pretty, yes. Pero hindi niya masasabing 'out of the ordinary' ang ganda nito. Kaya hindi niya talaga maintindihan kung saan nanggagaling ang mumunting saya niya na malamang hindi ito umalis.
Perhaps it's her honesty. Her transparency. Her innocent reactions to things...ah basta!
After their little encounter at the Japanese Garden last night, for the first time ay nakatulog siya ng mahimbing.
He woke up quite later than usual but he felt...good. In fact, so good na naisipan niya pang yayain ang mga miyembro niya na sabay sabay silang mag-almusal, hence the veranda breakfast that they all enjoyed.
Kakatapos niya lang magshower nang maulinigan niya ang boses ng private nurse niya. For some reason, napangiti siya.
"Kayo naman kasi Sir, hindi n'yo ako pinatulog kagabi, ayan tuloy napuyat ako!"
He heard her rant.
Lalo siyang napangiti. Georgina does have a unique charm when she speaks her mind.
Mabilis na nagtapi siya ng tuwalya and was ready to go out nang bigla nitong buksan ang pinto ng banyo. Medyo nagulat siya because had she been a bit earlier, it would been a disaster! Pero mabilis din niyang naitago ang pagkagulat at nagkunwaring wala lang sa kanya ang lahat.
As usual, her innocent and spontaneous reactions amuses him. Ang medyo hindi lang niya ikinatuwa ay ang paghabol ni Pablo kay Georgina nang nakasimagot na lumabas ito ng kwarto niya.
He tried to act unbothered by the fact na magkausap ang dalawa sa labas ng kwarto niya, kahit na deep inside, gustong gusto na niyang labasin ang mga ito.
Nakailang sulyap siya sa nakapinid na pinto. But minutes passed and neither of them came back in. He started to feel uneasy.
"Jah, tawagin mo nga si Georgina," kunwa'y kaswal niyang utos sa bunso nila habang kumukuha ng damit sa aparador niya.
"Bakit ako?"
"Sino ba bunso?" tanong niya.
Nakita niyang sumimangot ito pero sumunod din naman.
Minadali niya ang pagbibihis at mabilis na sinulyapan ang sarili niya sa salamin.
Narinig niyang bumukas ang pinto kaya agad niyang sinilip iyon.
Georgina looked calmer. In fact, mukhang aliw na aliw pa ito habang kausap si Pablo.
Napakunot siya ng noo. He is not liking what he is seeing. Pagkatapos ng pledge nito kagabi na kaya ito nagpasyang manatili ay para sa kanya, ngayon ay parang tuwang tuwa ito na may kausap na iba?
Humalukipkip siya atsaka sumadal sa wooden divider ng kama niya at mini sala.
"Mukhang mali ang theory mo, Josh. Team Pablo si Miss Georgina," pakantiyaw na sabi ni Justin habang bumabalik ito sa pwesto nito kanina.
"Pst! Tumigil ka na nga sa mga hirit mong ganyan, Jah. Nakakahiya dito kay George, o," sita naman ni Pablo sa bunso nila at bumalik din ito sa pwesto nito kanina bago nito habulin si Georgina.
Napataas siya ng kilay.
George?
At nickname basis na ang mga ito!
"Hindi siya nandito para mamili kung sino ang magiging bias niya. Nandito siya para maging nurse ni Stell at tulungan siyang gumaling," biglang singit ni Ken.
Tahimik na nagpalipat-lipat siya ng tingin sa kaibigan at sa nurse niya. He can sense the tension between the two. Knowing Ken, diretso at prangka talaga itong tao.
Unti-unti namang nawala ang ngiti ni Georgina at bigla itong pumormal.
"So, can you, Miss Georgina Mariñas, just make sure you do your job properly?" dagdag pa ng main dancer nila, nang hindi inaalis ang matalim na tingin sa nahihintakutang dalaga.
Tanging tango lang naisagot ng huli.
"Good. Then perhaps, start off with reporting to work on time? Hindi dahil dito ka din nakatira, pwede ka nang pumasok kung kelan mo lang gusto," sabi ulit ng kaibigan niya tsaka tumayo.
"Ken," awat ni Pablo dito.
Pero hindi ito nagpapigil. Sa halip ay umikot pa ito sa lamesa para ganap na malapitan si Georgina.
"Let me tell you something, Miss Mariñas. Pablo is gentle. Justin is sweet. Josh is both, Stell, even though hindi halata, but he has a soft heart. If they take a liking of you, they will try to overlook almost most of your mishaps. Pero ibahin mo ako. I don't play around when it comes to work, lalo na pagdating sa pamilya ko," mariin nitong sabi na hindi itinatago ng disgusto sa nag-iisang babae sa silid.
Hindi na kumibo si Georgina at nagbaba lang ng tingin.
He wondered if he should intervene. But he did not want to send a wrong message to anyone by doing so. Lalo na at hindi niya pa alam kung ano ang nangyari sa pagitan ng mga ito.
"You better take care of Stell or ako mismo ang mag-iimpake ng mga damit mo," wika pa ni Ken atsaka diretsong nilampasan ang private nurse niya.
Walang nagsalita sa kanila. Even after they all heard a big bang from when Ken left and shut the door behind, nanatiling tahimik ang lahat.
Hanggang si Justin na ang bumasag ng awkward silence with an awkward and forced laugh.
"Ha, ha, ha...S-Si Ken talaga... t-talo siguro sa game," he said in excuse.
"S-Sundan ko lang," mahina nitong dagdag tsaka nagmamadali ding lumabas kasunod ng main dancer nila.
Of course they all know na hindi dahil sa laro kaya gan'on na lang ang pagtrato ni Ken kay Georgina.
Binalingan niya si Josh. Saglit na nagkatinginan sila pero ito rin ang unang nagbawi ng tingin, tsaka nagmamadali ding tumayo.
"Tara Pablo, baka ano gawin ng dalawang 'yon!" yaya nito sa lider nilang tahimik pa rin.
Mukhang alangan pa sana ang huli pero pilit na hinila ito ni Josh, kaya kinalaunan ay nagpatianod na rin.
Naiwan sila ni Georgina sa kwarto niya.
Pinakatitigan niya ito. Halata niyang kanina pa nito pilit na pinipigil ang pag-iyak.
Naghintay siya nang hindi inaalis ang mga mata niya dito. Tutal naman ay sa ibang direksyon pa rin ito nakatingin.
When he was sure na hindi talaga ito mauunang magsalita, that's when he decided to break the silence.
"So hanggang kelan mo pipigilin 'yang mga luha mo?" kaswal niyang tanong.
Noon siya nito nilingon.
Nakita niya pa ang panunubig ng mga mata nito, pero halata ang pilit nitong pagpipigil na huwag umalpas ang mga iyon.
"Sino bang nagsabing naiiyak ako?" sagot nito na halatang nagtatapang-tapangan lang.
He raised his eyebrows.
"Hindi ba?" tanong niya.
Mabilis na nag-iwas ito ng tingin.
"Hindi ah. Ba't naman ako maiiyak? Hindi naman ito ang unang beses na may nagsalita sa'kin ng gan'on," sagot nito sabay pasimpleng sumingot.
Hindi niya alam pero may bahagyang kurot sa puso siyang naramdaman sa sinabi nitong iyon.
Nang bigla siya nitong lingunin ulit ay siya naman ang napaiwas agad ng tingin. Baka kasi ano pa ang mabasa nito sa mga tingin niya.
"Tsaka isa pa, tama naman si Sir Ken. Kasalanan ko naman talagang late ako. Kaya deserve ko rin namang mapagsabihan," dagdag nito sa mahinang boses.
Mukhang tama nga si Ken kanina, he does have a soft heart. Dahil heto siya't biglang nakaramdam ng awa sa babaeng kinaiinisan niya kani-kanina lang.
Napabuntong hininga na lang siya tsaka dumiretso ng tayo.
"Kumain ka na ba?" pag-iiba niya ng usapan.
Nagtatakang tiningnan siya nito.
Hindi na niya hinintay ang sagot nito at diretso nang inabot ang intercom. Malamang sa malamang ay 'hindi pa' ang sagot sa tanong niya bilang late nga ito.
"Ate Juls, paakayat naman po ng isa pang breakfast sa kwarto ko, please," aniya.
Nakita ang pagrehistro ng gulat sa mukha ni Georgina.
"Opo 'te, kung okay lang sana," sagot niya sa kausap niya sa kabilang linya nang tanungin nito kung ngayon niya na kailangan.
Matapos magpasalamat ay ibinaba niya ang linya niya atsaka muling binalingan ang nurse niya.
"Have your breakfast. We have a long day ahead of us," aniya atsaka lumabas sa veranda nang hindi na ulit hinihintay kung may sasabihin pa ito.